webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · History
Not enough ratings
24 Chs

Kabanata 6(Pagpapahirap)

[Kabanata 6]

Kanina pa ako nakahiga sa kama at nagtutulug-tulugan, mula hapon hanggang ngayon na hapunan. Pabalik balik na din ditto sina Ireliah at Lolita, maging si Sero na manggagamot ay pabalik balik na din sa kwarto upang tignan ang sprain ko.

"Masakit pa din po ba mahal na prinsesa? Hindi pa daw po kayo lumalabas simula kanina." Tanong ni manggamot Sero. Gustong gusto ko na din lumabas pero hindi ko magawa, hindi ko din naman maikwento dahil baka kumalat at mapahiya nanaman ako.

Uminom nalang muna ako ng tsaa, kaysa maidaldal ko pa ang dahilan na; Nagtatago ako kay Hadrian.

"Ginoong Sero nandito na po ang maligamgam na tubig na pinakuha ninyo." Dinig kong sabi ng pamilyar na boses, tinuloy ko nalang ang pag inom ko sa tsaa.

Agad naman binuksan ni ginoong Sero ng pinto at iniluwa nito si Hadrian, dahilan para maibuga ko ng malakas ang iniinom kong tsaa.

Nakita ko naman na sabay silang napalingon sa akin, ano na gagawin ko?

Lumingon ako ng bahagya sa kanila, nakita ko si Hadrian na nagpipigil ng tawa at palingonlingon sa iba't ibang direksyon. Si ginoong Sero naman na mula sa pagkakabilog ng mata dahil sa gulat, ngayon ay naniningkit na ang mga ito at palipat-lipat ang tingin saamin ni Hadrian. Para bang may namumuong conclusion sa utak niya.

"May gusto ba kayong sabihin sa akin? Alam niyo naman na wala kayong puwedeng maitago saakin, para niyo na din akong pangatlong ama mula pa nang mga bata pa kayo." Hinalukipkip naman ni Ginoong Sero ang mga braso niya sa kaniyang dibdib at bahangyang nagpapadyak ng paa, para bang nag hahatay siya ng sagot naming.

Hindi ko naman puwede sabihin sakanya na nahalikan ko si Hadrian dahil nahulog ako sa puno!

"Wala po Ginoo, sadyang natawa lang po ako sa nagging asta ni prinsesa Cyndriah. Paumanhin po." Diretsong sago ni Hadrian sa mangagamot, at yumuko ito.

Tumango-tango naman si Ginoong Sero at pareho silang tumingin saakin, naramdaman ko na nanginig ang buong katawan ko sa kaba, anon a baa ng gagawin ko?

"Prinsesa, may gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Ginoong Sero, habang umaakto na nang i-interrogate.

Anong isasagot ko?

"W-wala po G-ginoo, n-nagulat lang po a-ako." Palusot ko at yumuko na sa kahihiyan. Lupa kainin mo na ako, ibalik mon a ako sa totoong panahon ko, hindi ko kinakaya ang kahihiyan ko dito.

"Ganon ba? O sige, ako ay naniniwala sa inyong dalawa. Batid ko naman na tunay na matalik lamang kayong magkaibigan. Hadrian, hijo hintayin mo na ako, kailangan ko ng katuwang magbitbit ng mga gamit." Tumango naman si Hadrian bilang pag sang –ayon.

Bumalik na si Ginoong Sero sa pag gamot sa paa ko, maski pala dito hot compress na din ang ginagawa kapag may masakit sa katawan ng tao. Nagpaalam naman si Ginoong Sero saglit dahil pinatawag siya ni reyna Merida, kaya ang naiwan lang ay ako at si Hadrian dahil pinabantayan niya ako. Kumuha naman ng upuan si Hadrian at naupo sa tabi ng kama ko.

"Hindi ka marunong umakyat ng puno, bakit ka umakyat? Hindi mo ba inisip ang kaligtasan mo?" Tanong ni Hadrian, diretso lang siya na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam ang isasagot ko, tignan lang niya ako sa mata ng diretso umuurong na ang dila ko bigla.

"Ah-kase, naawa ako sa mga kapatid mo. Lalo na kay Era, ayoko kasi nakakakita ng malungkot na bata." Sagot ko sakaniya. Naaalala ko kasi sina Leo at Lea sakanila, kahit papaano naiibsan ang lungkot ko ng dahil kay Era.

Yumuko naman siya at tumango tango.

"Huwag mo na uulitin iyon, lubos akong nag alala ng makita kang nasa puno. Nag-alala ako na baka mahulog ka, mabuti at kahit papaano ay nasalo kita. Panno kung hindi kita nasalo? Sa susunod, tumawag ka o kayo ng tulong. Tawagin mo ako, dadating ako palagi para sa'yo. Hindi ako papayag na masaktan ka maliwanag ba? Huwag mo na uulitin iyon." Dire-diretso niyang sambit, hindi ko alam kung tama baa ng nararamdaman ko ngayon. Masyadong mabilis ang nangyayari sa buhay ko ditto, kasing bilis ng tibok ng puso ko ngayon. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, para bang naririnig ko din ang tibok ngpuso ni Hadrian.

Diretso pa din siyang nakatingin sa mata ko, anong isasagot ko?

"P-pangako, hinding hindi ko ilalagay ang sarili ko sa kapahamakan." Iyon nalang ang tanging nasabi ko, hindi lang para kay Hadrian, pero para na din sa sarili ko. Kung patay na ako, ang pagdating ko dito ang magsisilbing pangalawang buhay ko. Kung ang pag akyat sa puno ng biglaan ay maaring magbigay saakin ng kapahamakan, ano pa ang magagawa ko ng dahil lang sa padalos dalos ko nap ag desisyon ang maglalapit sa akin ng kapahamakan?

Tumango-tango naman si Hadrian at ngumiti, nagulat ako ng inilahad niya ang hinliliit niya.

"Hindi ba, ikaw na din ang may sabi. Na kada tayo'y mangangako sa isa't isa kailangan natin ito itali para lalong mapagtibay?" Nakangiti niyang sambit, dahilan para ako ay mapangiti na din.

"Pangako, hinding hindi ko hahayaan na mapahamak ang sarili ko. Sana'y ikaw din ay ganoon." Sambit ko ng taos sa puso ko, sa mundong ito na hindi ko alam kung totoo pa din ba ito. Ang pangakong iyon ang kaunaunahan na alam kong totoo.

"Pangako." Sagot niya at tinali na naming ang pangako naming sa isa't-isa sa pamamagitan ng pinky swear, habang diretso kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa.

"T-teka, bakit ka grabe mag alala eh hindi naman sobrang mataas ang puno ah?" Tanong ko, dahilan para masira bigla ang momento. Bigla niyang binawi ang kamay niya, napalingon sa iba't ibang sulok ng kwarto. Grabe naman sa reaksyon itong lalaki na ito, gusto ko lang naman malaman kung bakit grabe siya mag alala.

"Ah-eh kase, hindi ba..." Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ginoong Sero. Agad na tumayo si Hadrian sa kinauupuan niya, at kinuha na ang ilang mga gamit ni Ginoong Sero, pati na din ang planggana na pinaglagyan ng maligamgam na tubig kanina. Ano nangyari doon?

Nakita ko naman na naningkit muli ang mata ni Ginoong Sero, at tinignan muli kaming dalawa. Pero mas inobserbahan niya ng tingin si Hadrian.

"Prinsesa, mauuna na po kami. Magpahinga na po kayo, Hadrian tayo na." Yumuko na silang dalawa para magbigay galang atsaka lumabas ng pinto. Ano kayang nangyari kay Hadrian, nagtanong lang naman ako eh.

Hindi naman ako makatulog dahil na din siguro sa kanina pa ako nakahiga sa kama, at kanina pa ako nagtutulog-tulogan na nauuwi sa pagkakahimbing talaga. Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang dahilan kung paanong nangyari na bigla ako napunta dito, buhay pa ba talaga ako o patay na. Reincarnation ba ito o After-life? Ano ba magiging role ko dito.

Sinubukan kong tumayo at sumilip sa bintana, masyadong malinis ang langit. Namimiss ko na ang totoong pamilya ko, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam sakanila.

Napagdesisyunan ko na lumabas nalang ulit at magpahangin sa tapat ng lawa, kahit papaano ay pinapakalma ako ng hangin.

Kumuha na ako ng puwede kong ibalabal sa akin, at kandila tsaka lumabas ng pinto. Mag-isa kong tinatahak ang daan palabras sa palayo, nakakatakot ito. Tanging mga apoy sa sulo ang nagbibigay ilaw at init sa buong palasyo, may mangilan ngilan na mga gwardya lalo na sa bawat kwarto.

"BITIWAN NINYO AKO!" Isang boses ng galit na lalaki ang umalingawngaw sa buong palasyo, agad kong tinignan kung saan nanggaling ang ingay.

Napunta ako sa bandang likuran ng palasyo, daanan siguro papuntang kusina o storage room. Nagtatago din ako dahil baka may makakita sa akin.

Alam ko na nagbigay ako ng pangako sa sarili ko at kay Hadrian na hinding hindi ko hahayaan na mailagay sa piligro ang buhay ko. Pero, hindi ko kayang pigilan. Parang kailangan niya kasi ng tulong.

Sinundan ko ang mga gwardiya na kasalukuyang may kinakaladkad na lalaki, sa harapan ng mga gwardiya ay mukhang ang pinuno nila. Nakadamit ito ng magarbo, may balot na puti ang ulo nito at tanging ang mukha lang niya ang walang balot. Meron din isa pang lalaki na nakadamit ng magarbo pero may hawak din siya na espada.

Nakita ko naman na pumasok sila sa parang tunnel na naka-konekta pa din sa kastilyo. Nag tuluyan na silang makapasok ay sumunod na din ako ng palihim.

Pag pasok ko agad akong sialubong ng maalinsangan na amoy, malansa, masangsang. Inilibot ko ang mata ko at parang nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Mga tao na nakakulong, payat na payat at hinanghina. Para silang trinato na hayop kaysa tao, ang iba ay duguan, ang iba ay mukha nang bangkay. Ano itong lugar na ito?

"AAAAAHHH!" Para akong kinilabutan nang makarinig ako ng sigaw na parang galing sa ilalim. Hindi ko mapigilan ang maawa sa kalagayan nila, para silang nabuhay sa impyerno habang nabubuhay pa, living hell kung tawagin sa panahon na pinanggalingan ko.

Tinakpan ko na ang ilong ko para kahit papaano ay mabawasan ang amoy at nag patuloy sa paglalakad, hanggang makarating ako sa isang hagdan na pababa. Papasok ako ng papasok sa lugar na ito ay lalo din akong natatakot.

Tinahak ko na ang hagdan at bumaba, pababa ako ng pababa, pasikip din ng pasikip ang dibdib ko. Siguro dahil na din sa takot na nararamdaman ko at dahil sa palalim ng plalim ang tinatahak ko, paliit din ng paliit ang oxygen.

Nang marating ko ang pinakadulo ay alingawngaw ng hinagpis ang sumalubong saakin.

Tinahak ko ang maliit na daanan at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog, Diretso ba, sa kaliwa, o sa kanan.

"Visi jūs šajā pilī ir slikti, jums vajadzētu mirt. Īpaši karaļa! (All of you in this castle are bad, you should die. Especially royal!)" Umalingawngaw ulit ito ang boses na kanina ko pa hinahanap, sa diretso. Agad kong tinungo ang pinanggagalingan ng tunog, may mangilan-ngilan pa ako na mga kwartong nadaanan bago ko marating ang isang pinto na nasa pinakadulo ng daan na tinatahak ko. Maliit lang ang pinto na ito na may maliit na butas sa pinto, sapat lang para makahinga kung ika'y nasa loob.

Sinilip ko iyon at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ang mga gwardiya ay nasa paligid, habang ang mga lalaki kanina na nakasuot ng mga magarbong kasuotan ay nasa gitna. Lalong nagpasikip sa dibdib ko nang makita ko ang isang lalaki na nasa gitna, nakapahiga, nakatali ng pabukaka ang mga paa, maging ang mga kamay nito ay nakatali ng magkahiwalay at banat na banat ang katawan nito.

"Hindi ka padin ba aamin? Sino ang pinuno ninyo sa pagsalakay sa mahal na hari at reyna ng Gremoia!" Sigaw ng isa sa mga lalaking may magarbong suot at may hawak na espada.

"H-h-indi niyo kami mapipigilan, m-mamatay din ang prinsesang anak nila. At walang matitirang dugong bughaw, mga maduduming dugo!" Nanghihinang sigaw ng lalaki na nakatali, at dumura din siya sa harapan ng nagtanong kanina. Nakita ko naman na nainis ang lalaking nagtatanong.

"Hilahin niyo pa hanggang mapunit ang katawan! Pagkatapos ay ihulog sa butas at ipakain ng buhay sa mga daga!" Utos niya, tsaka hinampas din nila ng latigo sa katawan ang bihag ng ilang beses. Napasinghap naman ako, lalong sumisikip ang dibdib ko, sa nakikita ko. Punong-puno ng dugo ang paligid, parang walang mga puso at kaluluwa ang mga taong nasa loob ng pintong ito. Lalong napasigaw ang lalaki sa sakit at ng makita ko ang dahilan, lalo akong naiyak.

Nakita ko na napunit na ang balat ng lalaki, sa bandang kili-kili at bandang singit, kaunting hila pa ay maaring humiwalay na ang mga kamay at paa niya sa katawan niya.

Napahikbi ako sa pagiyak, hindi ko kaya ang nakikita ko ngayon.

Lalong nanginig ang katawan ko ng biglang may naramdaman akong prisensya sa likuran ko at tinakpan nito ang mata at bibig ko. Katapusan ko na ba? Naramdaman ko na dahan dahan kaming naglalakad patalikod.

"Shh, huwag ka maingay." Napatigil ako nang marinig kong magsalita ang lalaki. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko at hinarap siya, para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ito.

Hadrian.

Hindi ko maialis ang mata ko sakaniya habang patuloy na umiiyak, Tinignan din niya ako ng diretso sa mata, tingin na magkahalo ang inis at pagaalala.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba nangako ka na hindi mo ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan?" Diretso at mabilis na sambit ni Hadrian, ramdam ko na na-disappoint siya sa akin.

Lalo naman ako naiyak.

Hinila niya ako papunta sakaniya at niyakap, ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Nanginginig man ako sa takot, kahit papaano ay napapagaan ng yakap niya ang pakiramdam ko.

"Ssh, tahan na. Ang mahalaga hindi ka nasaktan." Mahinang sabi niya, sapat upang marinig ko.

"N-natatakot a-ako." Nanginginig kong sambit.

"Alam ko, hindi mo dapat pang nasilayan ang ganoong pangyayari." Sambit niya, siguro nga tama siya na hindi ko dapat nakita ang nasa loob ng pinto na iyon, kung hindi ko lang sila sinundan.

"S-sabi n-ng l-laki, p-patayin nila a-ako." Bigla naman siya bumitaw sa pagkakayakap at diretsong hinarap ako.

"Totoo ba iyang tinuturan mo?" Nag aalalang sagot niya. Tumango nalang ako bilang pagsang ayon, pakiramdam ko ay nang hihina na ako. Napakapit ako sa dibdib ko nang maramdaman ko na bahagya itong nanikip.

"Kailangan na natin makaalis dito, bago pa nila tayo makita." Sambit muli ni Hadrian, kaya naman sumunod nalang ako sakaniya. Pakiramdam ko, kapag kasama ko siya'y ligtas ako.

Tinahak naming muli ang daanan bago ako makapunta sa pintong iyon, pero sa pagkakataon na ito, lumiko na kami pa kanan. Mayamaya pa ay may narinig kami na yabag ng mga paa at boses na para bang mga nag uusap.

Kinapa-kapa naman ni Hadrian ang dingding.

"Kailangan natin magmadali, pumasok ka na." Sambit niya, nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na secret lagusan ang binuksan ni Hadrian.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papasok sa sikretong lagusan, at nagmadali siyang isara 'yon. Sumenyas din siya na huwag ako maingay habang nakadikit ang kaniyang taenga sa pinto.

"Wala na sila, tara na at humayo. Bago pa nila mapansin na wala ka sa iyong silid." Nag-umpisa na kami maglakad, laking gulat ko nang may sulo akong nakita. Agad naman iyon kinuha ni Hadrian.

"S-sandali, baka mayroon din tao dito. Kung may sulo, malamang ay may tao din dito." Natataranta kong sabi sa kaniya. Diretso lang siyang nakatingin sa akin habang pinapanood akong natataranta.

Nakita ko na ibinalik ni Hadrian ang sulo mula sa pagkakasabit nito. Nagulat na lang ako at bahagyang napakalma nang hinawakan niya ako sa balikat.

"Huwag kang magalala Cyndriah, ako ang nanggaling dito. Kagaya mo, sinundan ko din sila gamit ang lagusan na ito para hindi nila ako makita. Kaya nga sobra ang gulat at pagaalala ko nang makita kita na nakasilip sa pinto." Pagpapaliwanag niya, pero parang walang naririnig ang taenga ko at patuloy ako sa panginginig at pag iyak.

Naramdaman ko nalang hinawakan niya ang mukha ko, inalalayan niya akong tumingala para tumingin sakaniya.

"Huwag ka na umiyak, hangga't nasa tabi mo ako, walang puwedeng manakit sa'yo. Tumahan ka na, ako man ay nasasaktan kapag nakikita kang umiiyak." Sambit niya habang pinupunasan ang mga luha sa aking mukha, atsaka hinila ako muli para kaniyang yakapin.

"Noon pa man na mga bata pa tayo, ipinangako ko na sa sarili ko. Na kahit anong mangyari, kahit saan tayo dalhin ng tadhana, at kahit ano pa man ang edad natin. Ipagtatanggol kita habang ako ay nabubuhay, kaya naman, ipanatag mo na ang iyong loob. Dahil, kailangan na talaga natin makabalik sa iyong silid." Sambit niya, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla na lang din ako nakaramdam nang pagka-panatag ng loob.

Hinawakan niya na ang kamay ko at sabay naming tinahak ang lagusan.

Hindi ko siya kilala, pero mas hindi ko maramdaman ang puso ko. Kailan ko lang siya nakilala pero parang ang tagal tagal ko na siyang kilala. Hindi ko alam kung tama baa ng nararamdaman ko, o masyado lang akong na o-overwhelmed dahil siya ang kauna-unahang tao na kilala ko ditto sa Karshmarh. Pero isa lang ang sigurado ako, buong buhay ko ay ipinagkakatiwala ko na sa kaniya, unang beses pa lang na nagkita kami sa gubat noong tumatakas ako.

**

Matagal tagal din kaming aglalakad sa maliit at madili na lagusan, sa wakas ay huminto na din kami. Binuksan na ni Hadrian ang isang pinto namukhang lumang-luma na, atsaka siya pumasok. Sumunod naman ako sa kaniya at parang bata na gulat na gulat sa nakikita ko ngayon, hindi ako makapaniwala. Nandito na kami sa silid ko, ang galing!

Nakita ko naman na dumiretso siya sa malaking pintuan ng silid ko, sumilip sa siya sa labas at isinara ng maigi ang pinto. Sumilip din siya sa bintana, tsaka humarap ulit sa akin, napansin niya yata na pinapanood ko siya.

Ngumiti naman siya na para bang walang nangyari na hindi maganda.

"Magpahinga ka na, masyado kang napagod." Pormal niyang sambit.

"Natatakot ako." Sa totoo lang, hindi ko alam kung kakayanin ko na makatulog ngayong gabi.

Ngumiti naman siya.

"Huwag kang ma-alala, hindi ako aalis hangga't hindi ka nakakatulog. Babantayan kita hanggang makatulog ka. At sa oras na mahimbing ka na, tsaka ko lilisannin ang iyong silid." Diretsong sabi niya sa akin. Kahit papaano ay napagaan ng mga salita niya ang loob ko.

"P-pero, paano ka? Hindi ka naman puwedeng makita ng mga gwardiya na lumabas mula sa silid ko." Kabadong tanong ko.

Lalo naman siyang napangiti, at bahagyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kung susukatin ay nasa dalawang dangkal.

"Nakalimutan mon a baa gad ang sikretong lagusan?" Ang sikretong lagusan, babalik ulit siya doon?

"Babalik ka ulit doon?! Hindi maari, paano kung mapahamak ka na sa pagkakataon na iyon?" Natatakot ako sa puwedeng mangyari sa kaniya, pati na din sa akin. Lalo na sa mga nakita ko naina at nadinig ko.

Bahagya naman siyang natawa at napayuko, pero ilang saglit lang ay tinignan niya ulit ako ng diretso sa mata.

"Hindi ako babalik doon, ang lagusan na iyon ay madami ang puwendeng patunguhan. Tanging ako at si Favian lang ang nakakaalam. Ngayon, mahiga ka na at matulog. Dito lang ako hanggang sa ika'y mahimbing." Tuloy-tuloy niya na sambit. Tumayo na siya ng tuwid at naupo sa isa sa mga upuan dito sa silid ko. Aaminin ko, na para akong nabunutan ng tinik nang sabihin niya na hindi siya babalik sa impyernong iyon.

Tumalikod na ako sa kaniya at humiga na sa aking kama. Hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari pa sa akin dito, natatakot ako. Tumingin ulit ako kay Hadrian, na ngayon ay nakatingin lang din saakin. Dahilan para magkatitigan kami sa mata, kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata iya. Pero hanga ako sa katapangan niya, at masaya ako na nakilala ko siya, dahil sa kaniya, alam ko na kakayanin ko ang mabuhay ditto.

"Kalimutan mo na lahat ng mga nakita at nadinig mo, walang mangyayari na masama sa'yo hangga't nasa tabi mo ako. Ipikit mon a ang mga mata mo at matulog ng mapayapa, mahal... kong prinsesa." Iniyuko niya nang bahagya ang ulo niya bilang pag galan at tumingin muli sa akin ng may ngiti sa kaniyang mga labi.

Gaano man kasama ang gabing ito, sapat na sa akin ang humihinga pa din ako. Kasama si Hadrian, na hindi ko alam kung bakit, pero itinitibok nang puso ko.