webnovel

Fulfilled Duties (Tagalog)

Kahit panay ‘No results found’ ang napapala ni Byeongyun gamit ang kaniyang mga robot sa paghahanap niya sa nobya niyang misteryosong inilayo sa kaniya apat na taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Kahit kasi iniwan na niya ang South Korea para manirahan sa Pilipinas upang magsimula muli ay hindi siya iniiwanan ng bangungot ng kaniyang nakaraan. Ngunit sa tulong ni Deborah ay marami ang mahahalungkat na sikreto at mga tanong na unti-unti ng mabibigyan ng sagot. Bukod sa may babalik upang manira ay maraming magbabalat-kayo para lamang makapaghiganti.

AMBANDOL · Realistic
Not enough ratings
39 Chs

Chapter 33

BYEONGYUN'S POV

"May isa pa pala akong dapat sabihin, Byeongyun. About Bavi," aniya.

"Bavi?"

"The guy you saw in the library with me."

Napakamot ako sa ilong nang wala sa oras bago ako tumango.

"So? What is it? Boyfriend mo na?" seryoso kong tanong.

Nang umiling siya'y nakahinga ako nang maluwag.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit dapat pa naming pag-usapan ang lalaking iyon. Wala naman talaga dapat akong pakialam ngayong alam kong hindi naman niya iyon boyfriend.

"Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko si Bavi. Remember noong pumunta tayo sa restaurant ng ate mo? He's the guy we saw na sinabi kong guwapo. Iyong kamukha ni Bright—"

I interrupted her the moment I realized na kailangan pa pala talaga namin siyang pag-usapan.

How could I forget that day na inilingan niya ako sa tanong ko kung guwapo ba ako o hindi?

Napairap ako.

"So, it's him? Yes, I remember. Iyon iyong panahon na hindi ka man nagsinungaling na sabihing guwapo ako. How can I forget that, midget?"

Tinawanan niya ako.

"Hanggang ngayon ba naman, masama pa rin ang loob mo? Seryoso, kaibigan ko lang si Bavi and he wants to see you bago siya umalis."

Buong gabi at halos buong araw ko ng iniisip kung ano ba ang gustong sabihin sa akin ng Bavi na iyon. Syempre, masaya akong aalis na siya ng Pilipinas.

Napakagat-labi ako habang nagmamaneho. I was about to speak to Deborah pero nang mapalingon ako sa kaniya sa may passenger seat, nakita ko siyang balisa.

The typhoon was finally over. It's past 3 in the afternoon at nasa daan na kami pauwi sa kanilang bahay.

Naiintindihan ko kung bakit nag-aalala na naman si Deborah kahit tapos na ang bagyo. While looking outside the window, naroon ang lahat ng rason para mag-alala.

Maraming natumbang puno at poste. Marami ring tao sa labas at inaayos ang mga nasira nilang bahay. We just hope for zero casualties.

"Byeongyun, ano na kayang nangyari sa bahay? Hindi ko sila makontak e." Her voice was shaking.

"Don't worry too much. Walang kuryente ngayon. Baka drained lang ang battery. Malapit na tayo," pagkalma ko sa kaniya.

At dahil sarado pa ang lahat ng convenient stores at supermarkets, dinala ko na lang ang lahat ng stock na can goods sa bahay. At hindi iyon alam ni Deborah.

Natatakot pa rin ako sa maaari niyang maging reaksyon sa pagtulong ko. Ayaw kong mag-isip siya ng kung anu-ano.

After all, Deborah's feelings matters the most to me.

Pagkarating namin ay agad na bumaba ng sasakyan si Deborah. Bumugad sa amin ang magulong paligid. Marami rin ang nasira.

Agad siyang tumakbo papasok ng kanilang gate.

"Mama? Papa?" sigaw niya at pareho kaming nakahinga nang maluwag nang sabay-sabay na lumabas ng pinto ang buong pamilya ni Deborah maliban kay Tito Paps.

Bahagya pa akong lumapit sa kanila habang nakatingin sa paligid na sinira ng bagyo.

"Hi, Kuyang Koreano!" bati sa akin ng isa sa mga kapatid ni Deborah.

"Anak, Deborah! Mabuti naman at nakauwi ka na," sabi naman ng kaniyang ina. Lumingon ito sa akin. "Byeongyun, salamat."

"No worries, Tita."

Tita. Napangiti ako.

"Mama, nasaan po si Papa? Ayos lang ba kayo lahat?"

Ang lahat ay napatingin sa itaas nang biglang magsalita ang isang boses ng lalaki mula roon.

"Anak, nariyan ka na pala! Narito ako sa bubong. Inaayos ko iyong mga naalis na yero."

Maayos ang lahat at alam kong iyon lang ang gusto ni Deborah.

Pagkatapos ng kumustuhan ay bumalik ako sa sasakyan. Kinuha ko iyong mga paper bags na may lamang groceries na inipon ko mula sa cabinet ko sa kusina. Luckily, marami akong stocks kaya marami rin akong nadala.

Nang mapalingon si Deborah sa mga bitbit ko pagbalik ko ay nangunot ang kaniyang noo.

"Byeongyun..."

"Please, don't get mad. Ayaw kong bumalik dito na walang dalang kahit ano," mahinahon kong sabi.

I thought Deborah would walk out again, but instead, ngumiti siya.

"Salamat," aniya.

I stayed until 5 dahil tumulong ako sa pag-aayos at paglilinis.

"Hoy, ayos ka lang?" natatawang tanong sa akin ni Deborah habang nagwawalis siya roon sa baba nang makita niyang nahihirapan akong bumaba mula sa kanilang bubong.

Katatapos ko lang kasing tulungan si Tito Paps sa pagpapako ng mga nilipad na bubong nila.

I could tell I was lucky enough na hindi ko naranasan ang ganitong bagay noon.

"Masaya ka talaga kapag nahihirapan at hindi ako okay, ano?" tanong ko habang naghahanap ng matatapakan sa puno ng mangga na inakyatan namin kanina.

Nauna na kasing bumaba si Tito Paps. Hindi ko rin naman kasi alam na mahirap pa lang bumaba.

"Hindi a. Umiyak kaya ako noong naaksidente ka. Alam mo ba kung gaano kadaming sipon ang isininga ko? Nag-alala ako—Byeongyun!"

Bad move, Deborah.

Great. Nahulog lang naman ako pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Hoy, ano? Buhay ka pa? Ayos ka lang? Napaka-ungas mo naman e. Bakit ka nahulog?" bulyaw niya sa akin nang makatakbo siya palapit sa akin.

Mabuti na lang at hindi ganoong katigas ang lupa.

"Nadulas. Pero sa iyo? Hindi ko pa alam," sambit ko saka unti-unting tumayo.

Napangisi ako nang matahimik siya. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko matantiya kung ano ang iniisip niya.

"Isarado mo na nga lang iyang bibig mo," singhal pa niya saka pakunwaring nagwalis ng mga damo.

"Ayos lang ako, midget," natatawang sabi ko pa saka naghubad ng damit.

Nang mapatingin siyang muli sa akin ay namilog ang kaniyang mga mata.

"King ina naman nito. Feeling mo kasi lagi nasa sarili kang bahay e," nauutal niyang sabi saka umiwas ng tingin sa akin.

"Maputik na ako, what do you want me to do?"

Tumingin siya sa paligid at doon ko napansing marami pala silang kapitbahay na babaeng kaedad niya.

"Kung hindi ka ba naman kasi ungas na mahuhulog sa puno tapos imo-model mo iyang katawan mo dito," naiinis pa niyang sabi habang nakakunot ang noo.

Natawa ako bago ko pinasadahan ng tingin iyong mga nakatingin sa amin.

"Galit ka na naman."

Umirap siya.

Ngumiti ako saka siya nilapitan. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para hindi na siya makaiwas pa.

"Babayagan kita kapag hindi ka umayos!" pagbabanta niya. Bagkus ay inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga saka bumulong.

"Byeong—"

"I miss you."