webnovel

From Enemies to Lovers?

"From Enemies To Lovers?" tells the story of Kenneth, a teenager who hides his true identity from his family. His life revolves around his family, friends, and studies. But all of it change when he meets Luke, the man who shakes his heart surrounded by high walls. By certain incident and circumstances they went from having a cat-and-dog relationship to being friends. Join Kenneth as he tells you the story of his youth!

introvert_wizard · LGBT+
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 13 : I'll be His Hero

Kenneth's PoV

"Really Kenny?" hindi makapaniwalang lintaya ni Au nang ikwinento ko sa kaniya ang nangyari kahapon.

"Kaya siguraduhin mong may isang taon kang supply ng napkin" pabiro kong ani habang hinahanap ng mga mata ko si Luke.

"As if naman hindi mo nagustuhan yung nangyari kahapon"intriga ni Au.

"Jusme Au! Kahit bet na bet ng matres ko ang pagiging knight and shinning armor ni Luke ayoko parin makakita ng mga linta." madiin kong pagtanggi. Otomatikong gumuhit ang isang ngiti sa aking labi nang makita kong dumating si Luke kasama si Troy.

"Morning Au. Morning Kenneth" nakangiting bati sa akin ni Troy. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya bilang sagot. Tumayo ako para batiin si Luke.

"Morning Lu--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong nilampasan. Nagtatanong ang mukha kong napatingin kay Troy.

"Badtrip ata?" nakataas ang balikat at nakataas ang dalawang nakabuklat niyang palad hudyat na wala siyang alam. Umupo ako habang ang aking mga mata ay nakapako kay Luke. Kasalukuyan niyang inihiga ang ulo niya sa desk ng lamesa nila.

"For you" natigil lang ang pagtitig ko kay Luke nang may tsokolateng bumungad sa aking harapan. Nakangiti kong kinuha ito mula kay Troy na ngayon ay nakaupo sa harapan ko.

"Salamat"

"You still like dark chocolate?" bahagya akong napahinto nang bigla akong subuan ng tsokolate ni Troy. Hindi na naman ito bago sa akin dahil madalas naming gawin ito ng bata pa kami. Kaso nga lang sampung taon na ang nakakalipas simula ng ginawa namin ito. Hindi tuloy maiwasan ng puso kong kumabog ng malakas dahil sa simpleng gesture niyang iyon. Nakakatouch at nakakagulat lang na hindi pa pala niya nakakalimutan yung madalas naming gawin at yung gusto ko. These gestures of him is the reason why I like him. The way he cares for me, who wouldn't fall in love in him? Jusme kaya first crush ko to!

"Paanong hindi ko to magugustuhan, palagi mo akong binibigyan nito noong bata pa tayo." medyo nauutal kong ani. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko mula sa pagkakagulat ko kanina.

"Nga pala kamusta kana? It's been 10 years right?" hindi parin nawawala sa labi niya ang matamis na ngiti.

"Okay lang naman" simple kong sagot.

"Si Tito at tita?"

"Si Tatay naaksidente 3 years ago kaya maaga siyang kinuha ng diyos. Si Tito rin naaksidente mabuti nalang at nabaldado lang siya kaya hindi na siya nagtratrabaho. Si Nanay naman nasa bahay lang" kaswal kong sagot sa kaniya at kumain ng tsokolate.

"So that's the reason why you're working"

"Paano mo nalaman?"

"Luke told me" napatitig ako kay Luke nang marinig ko ang sagot ni Troy.

"Mukhang nagkaproblema ata sila ng shota niya" muli akong napatitig kay Troy nang bigla siyang magsalita sa gitna nang pagtitig ko kay Luke.

"Huh?"

"I mean you keep on staring Luke. I thought you like to know the reason why he's acting like that."

"Well...Madalas niya naman talaga akong hindi pansinin." pilit ang ngiti kong lintaya.

"Yung sinabi ko sa airport na babaero siya, hindi yun totoo. Luke seems like a playboy but he's actually serious when it comes to relationship." pareho kaming nakatitig kay Luke. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Troy. Hindi ako makapaniwala na seryoso pala sa pakikipagrelasyon tong si Luke. Kasi first impression ko talaga sa kaniya ay playboy.

"Him and Leah are in a relationship for almost 3 years" pagpapatuloy niya.

"Leah? Akala ko hiwalay na sila sabi ni Luke" nagtataka kong ani.

"They probably fight that day. I don't know the status of their relationship but I heard they're kind of falling apart. 3 years of relationship. Men, it's such a waste." seryoso niyang ani na nagbigay ng iba't ibang tanong sa aking isipan. Tatlong taon. Ang hirap itapon yung tatlong taon na iyon.

"Luke love Leah so much. I just don't get it why they're falling apart." ani ni Troy.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang aming subject teacher at nagsimula na ang talakayan. Iwinaksi ko muna sa isipan ko ang mga nalaman ko tungkol kay Luke. Ang problema ay paminsan minsan itong dumadampi sa isipan ko dahilan para hindi ko maintindihan ang ilan sa mga tinalakay. Hanggang sa matapos ang klase ay walang kibo si Luke. Kahit noong recess ay hindi siya pumunta sa canteen para kumain. Aminin ko man o hindi ay nakaramdam ako ng pagaalala sa kaniya.

Kasalukuyan ko siyang sinusundan ngayon. Mabuti nalang at wala silang practice ngayon kaya maaga siyang uuwi.

MWF kasi ang schedule ng practice nila. Nanliit ang mata ko nang may makita akong kumpol ng mga binata sa di kalayuan. Tatawagin ko na sana ang pangalan ni Luke para hindi siya bumangga sa mga binatang iyon, na kung hindi ako nagkakamali ay myembro ng gang. Napapikit nalang ako nang makita kong nabunggo na ni Luke ang tila leader ng gang.

"Tang ina hindi ka ba tumitingin?" maangas na sambit ng tila leader. Nakakatakot ang awra niya lalo na at kapansinpansin ang katawan niyang tila sanay na sa pakikipagbasag-ulo.

Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Luke dahilan para magbago ang ekspresyon ng tila leader ng gang. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pagkuyom ng kamay ng leader. Otomatikong gumalaw ang paa ko nang mabilis na itinaas ng leader ang nakakuyom niyang kamao sa ere.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong napasubsob sa kalsada dahil sa lakas nang pagkakatama ng suntok sa pisngi ko.

"Gago ka ba? Bakit mo hinarang?" mura ng leader sa akin. Pikit mata akong bumangon mula sa pagkakasubsob ko. Bahagya akong napalingon kay Luke nang makatayo na ako. Kitang kita ko ang mata niyang may tila naglalagablab na apoy. Napalayo ako sa kaniya nang magtama ang tingin namin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sobrang nakakatakot ang titig niya na tila mga espadang matalim na papatayin ka sa isang titig lang. Kinilabotan ako nang may gumuhit na nakakatakot na ngiti sa labi ni Luke. Sing bilis nang kidlat niya akong hinila papunta sa likuran niya at nagpatama ng malakas na suntok sa leader ng gang. Napaawang ang bibig ko nang dumaosdos sa kalsada ang mukha ng leader. Napansin ko ang takot na bumalot sa ibang myembro ng gang na sa tantya ko ay nasa walo. Matalim na tiningnan ni Luke ang ibang myembro ng gang na mabilis namang napaatras. Nahihilong tumayo ang leader na may tila mahabang punit sa pisngi. May ilang butil ng buhangin ang dumikit sa mukha ng leader na nabalot ng mapulang dugo.

Mabilis na inalalayan ng myembro niya ang leader ng gang nang makarinig kami nang malakas na pito mula sa isang pulis.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ng pulis nang makarating siya sa harapan namin. Tumango naman si Luke bilang sagot at ibinaling ang pansin niya sa akin.

"Let's go" seryoso niyang ani at hinila ako. Narinig ko ang pagtawag sa amin ng pulis na inaanyayahan kaming magreport sa opisina nila ngunit mabilis akong inilayo ni Luke.

"Saan tayo pupunta?" nauutal kong tanong. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kaba. Binabalot parin ng nakakatakot na awra si Luke. Seryoso ang mukha niya pero matalim ang tingin na ipinupukol niya.

"Ospital" direkta niyang sagot. Huminto ako sa paglakad dahilan para mapahinto rin siya. Lumingon siya sa akin na nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot.

"Aren't you moving?" inis niyang ani at pilit akong hinila.

"Bakit pa tayo pupunta doon? Okay lang ako. Okay na okay!" nakangiti kong ani para mapanatag ang loob niya.

"Dumudugo yang labi mo tapos okay lang?" usal niya.

"Liptint lang yan" pagbibiro ko pero mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at tiningnan ako ng diretso sa mata. Naiilang kong ibinaling ang tingin ko sa ibang banda.

"Follow me or I'll drag you" pagbabanta niya dahilan para manlaki ang mata ko.

"Yes Sir!" napatindig ako nang tayo at sumaludo sa kaniya na parang sundalo. Sinundan ito ng pagmartsa ko palayo sa kaniya.

"Hindi diyan yung daan" may diin ang pagkakasabi niya kaya agad kong iniba ang direksyon ng nilalakaran ko.

Nang makarating kami sa malapit na hospital sa bayan namin ay agad akong inasikaso ng isa sa mga nurse. Ilang minuto ang lumipas ay natapos rin ang paglilinis ng sugat ko. Iginilid ng nurse ang kurtina na ginawang harang. Bumungad sa akin si Luke na prenteng nakasandal sa pader at nakakross ang balikat. Naramdaman ko ang muling pagtibok nang mabilis ng puso ko nang maglakad siya palapit sa akin.

Kalma Kenneth!

Kalma!

Hoooo~~~

Inabot ni Luke ang upuan na nasa tabi ng hospital bed ko at umupo sa harapan ko. Nakaupo ako sa hospital bed, nasa harap ko si Luke na seryosong nakatitig sa akin. Hindi ko namalayan ang ilang beses kong paglunok. Nililibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa kabuoan ng ospital at pagiwas sa titig ni Luke. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan nang bigla niya itong basagin.

"Bakit mo hinarang yung suntok?" napalingon ako sa kaniya dahil sa tanong niya.

"Wala lang" naiilang kong sagot. "Gusto ko lang bumawi" pilit akong ngumiti para pagaanin ang paligid namin.

"For what?"

"You know--Niligtas mo ako--Tinulungan mo ako---Doon sa mga linta---Diba?---Salamat" ay pota Kenneth! Anong pinagsasabi mo? Bakit kinakabahan ka? Ngumiti nalang ako pagkatapos dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"You didn't have to do that" Napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Tila hinihigop ako ng magaganda niyang mata. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at pagiinit ng pisngi ko.

"Ano kaba! Huwag kang magalala. I'll be your hero!" buong tapang kong anunsyo at ngumiti sa kaniya.

"Muntik kana ngang umiyak kanina-tssk" naiikot ko nalang ang mata ko dahil sa pagsira niya ng moment ko.

Sasagutin kona sana siya nang makita ko ang isang matamis na ngiti sa gilid ng labi niya. Tila huminto sa pagproseso ang utak at katawan ko at napako ako sa kinatatayuan ko. Ang tanging tunog lang na naririnig ko ay ang tibok ng puso ko at ang tanging nakikita ko lang ay ang gwapo niyang mukha. Napalunok ako nag may mapagtanto ako.

Am I starting to like him?

©introvert_wizard

 

—Easter Egg—

Third Persom Point of View

M

akikita sa madilim na iskinita ang pigura ng binatang si Luke. Prente itong nakasandal sa pader habang naninigarilyo. Maaatim ang nakakatakot nitong awra mula sa matatalim niyang titig. Tila may inaabangan ang binata dahil kanina pa itong nakatayo sa pwesto niya at paupos narin ang sigarilyo niya. May isang grupo ng kalalakihan ang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Luke na nagtatawanan. Mahihinuhang kasapi sa isang gang ang grupo ng kalalakihan na iyon. Napahinto silang lahat nang may nakita silang pigura ng isang lalaking nakaharang sa dinadaanan nila.

"Tang ina, tumabi ka dadaan kami!" mura ng tila leader na may pahabang sugat sa pisngi.

Kumawala ang isang nakakalokong ngisi sa labi ni Luke na inilawan ng bilog na buwan.

"Ika-" hindi na natapos ng leader ang kaniyang sasabihin nang tumama sa mukha niya ang malakas na suntok ni Luke. Napaatras dahil sa takot ang kasamahan ng lalaki

Nilapitan ni Luke ang leader at sinakal ito. Nanginginig sa takot ang lalaki na nagpupumiglas mula sa pagkakasakal ni Luke. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Luke ngunit masyadong malakas ang binata. Binugahan ng sigarilyo ni Luke ang mukha ng leader dahilan para mas mahirapan itong huminga.

"Sinong may sabi na pwede mo siyang sapakin?" mahinahon ang pagkakatanong ni Luke pero mararamdam ang galit sa tono niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" nahihirapang sambit ng leader. Marahas siyang binitawan ni Luke. Nahihirapan sa paghinga ang lalaki dahilan para manghina ang tuhod niya at mapaluhod ito sa harapan ni Luke.

"Naalala mo na ba?" nakangising tanong ni Luke.

"Oo" paulit ulit na sambit ng binata.

"Siguraduhun mong hihingi kayo ng tawad sa kaniya, kung hindi hahanapin kita at sisiguraduhin kong huling kita na natin yun." pagbabanta ni Luke. Hinawakan ni Luke ang kamay ng binata at walang pasabi niyang idiniin ang upos na sigarilyo sa palad ng leader. Napahiyaw siya dahil sa sakit at natumba siya pagkatapos.

Tumingin naman si Luke sa kasamahan ng leader. Mabilis na iniwas nila ang tingin kay Luke. Humakbang palapit sa kanila si Luke.

"Damputin niyo na yang leader niyo" agad namang sumunod ang myembro ng gang. Nagpatuloy sa paglalakad si Luke at humugot ng sigarilyo at lighter mula bulsa niya. Sinindihan niya ito at inilagay sa bibig niya. Kinuha ni Luke ang cellphone niya mula sa bulsa niya nang magring ito.

From: Bata

Luke, pwedeng kunin mo yung PE uniform ko sa bahay bukas tapos bigay mo sa akin. Nakitulog muna ako kina Jay dahil ayokong makita ng pamilya ko yung mukha ko. Pwede ba?  HEHEHE Salamat

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng binatang si Luke matapos niyang mabasa ang message.

 

✒End of Chapter 13 : I'll be his Hero