webnovel

Friends For Keep (FILIPINO)

I thought our friendship will last longer. We've been friends since were little so I assumed that we're strong enough to face challenges. But I was wrong

rejeksyon · Teen
Not enough ratings
46 Chs

CHAPTER FORTY ONE

Mikay's POV

Hirap man ay pinilit ko pa rin ang sarili kong imulat ang aking mga mata.

Gustong-gusto ko silang makita…

Pagkamulat ko ay nakita ko si papa na katabi ko habang natutulog. Napangiti ako saaking nasaksihan.

Hirap man, ay ipinilit ko pa ring bumangon…

Pero nabigo ako.

Gusto kong umiyak, pero ayaw kong magising si papa.

Gusto ko pang makitang natutulog siya ng mahimbing.

Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon, ay unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagpatak ng luha ko.

Gusto ko itong punasan ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga kamay.

Wala na talagang pag-asa.

"P-papa….." mahinang sambit ko sa taong katabi ko ngayon.

Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

When he saw me his eyes was filled with surprise. Marahan niya pang pinunasan ang mga mata niya at matamang tumingin sa akin.

"Pa…..ang weird mo." Sabi ko at kahit nahihirapan man, ay ngumiti ako.

"Mikay? Gising ka na Mikay!" Sabi ni papa at tumayo at lumapit sa akin. "Gising na ang anak ko." Dagdag niya at pinindot ang signal sa may bed ko.

Nang may dumating na nurse ay ipinaalam ni papa na gising na nga ako. Dali dali ring tinawagan ng nurse ang doctor ko.

"Pa…." sabi ko na medyo nahihingal.

"Bakit anak? May nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong ni papa at bumakas sa kanya ang pag-aalala.

"Gusto ko po silang makita pa…..nasaan po sila?" tanong ko patukoy kila Oliver.

"Wala pa sila dito anak, pinauwi ko na muna sila." Sabi ni papa at unti-unti kong naramdaman ang pagsakit ng ulo ko.

"Please pa, pakisabi na…..pumunta po sila dito." Sabi ko ng hinihingal.

Please give me more time.

I want to see them.

Tumingala ako sa kisame ng kwarto habang sinasabi ang mga jyon sa isipan ko.

"Nakapagdesisyon na po ako." Sabi ko.

"At ano iyon?" Tanong ng lalaki.

Huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti.

"I will choose to stay here. For good." I said ng walang pag-aalinlangan. "I don't want to be a burden anymore, I want them to be happy….kahit na wala na ako sa tabi nila." Dagdag ko at naramdaman ko ang lungkot sa puso ko.

Gusto kong umiyak ngunit tila walang luhang pumapatak sa aking mga mata.

"Kung iyan ang nais mo, Yemika." Sabi ng lalaki.

"Pero….." I said, nervously. "Pwede niyo po ba akong ibalik saglit?" Tanong ko. "Nais kong magpaalam, please let me see their faces again, for the last time." I said.

"Sige, hihintayin kita rito." Sabi ng lalaki at sa isang iglap ay bigla na lamang akong naibalik sa katawan ko.

"Mikay parating na sila." Sabi ni papa na kagagaling lamang sa labas.

Hinaplos niya ang buhok ko at at makikita mong nagpipigil siya ng emosyon.

"Please, Mikay you have to be strong. Gusto ng mama mong magpachemo ka." Sabi ni papa at hinaplos ang aking pisngi.

Pasensya ka na pa, ngunit hindi ko matutupad ang kahilingan mo.

"Pero pa, ayaw ko nang gumastos pa kayo sa akin, eh ang liit lang naman yung chance kong makasurvive. Kumbaga gumagastos lang kayo sa wala." Sabi ko at napayuko na.

"Please Mikay, please bigyan mo naman kami ng mama mo ng chance na kumapit sa maliit na chance na iyon." Sabi niya at hinawakan ang mga kamay ko. "Kahit dito man lang, maparamdam namin sa iyo ang pagmamahal namin."

"But it is not enough. Sobrang liit ng chance kong mabuhay pa papa. I don't wanna fight any longer. I just losed hope na matatapos pa ito." Sabi ko at napapikit na lamang.

Sunod-sunod ring nagsibagsakan ang luha sa aking mga mata.

"But....you have your friends." Sabi ni papa at pinunasan ang mga luhang bumabagsak sa mukha ko.

Just like when I was a little.

I remember those days na napakacry baby ko.

Konting dapa, iyak.

Kapag natalo, iyak.

Pero si papa yung taong palaging nagpupunas ng mukha ko.

Tinatawanan ako dahil napakapangit ko raw umiyak.

"You have the freedom to cry a lot, but you have the choice to stop it."

Iyon yung sinabi niya noong umiiyak ako dahil sa grades ko.

Kaya simula noon, I tried to not show him my tears.

Mas gugustuhin ko na lang na umiyak sa kwarto mag-isa kaysa ipakita sa papa ko na umiiyak pa rin ako.

Na hanggang ngayon mahina pa rin ako.

"Kung ayaw mong lumaban para sa amin ng mama mo, can you please fight for your friends?" sabi ni papa na nakapagpatahimik sa akin.

"Oliver also have been admitted dito sa hospital the day na nawalan ka ng malay." Sabi ni papa at gulat akong tumingin sa kanya.

"B-bakit po siya naadmit pa? Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ko na may halong pagkabahala.

"He attempted to end his life. Buti na lamang at may nakakita sa kanya at pinigilan siyang tumalon." Sabi ni papa. "But he gained a lot of injuries and gusto niya pa ring magpakamatay." Sabi ni papa pero tahimik lamang ako.

"You know why he attempted to end his life? It is because he was so sure that you will survive once he sacrifice his body. He's willing to end his life for you." Dagdag ni papa at tumahimik ako.

Doon ko narealize na napakaselfish ko pala.

Ako itong gusto nang sumuko, pero hindi ko alam na may ibang tao pa palang may gustong mabuhay ako.

Pero sorry, I have to let go.