webnovel

Freedom [MR Series#6] (Completed/Taglish)

MysteryTeen#6 Krishiana Marie Lorenzo is a girl who have the ability of a silent shooter. She's the one of the six girls archer in the world. And she's observer and have an active senses of the people she only met. But when in the middle of the situation, Lexord noticed that Krisha wanted to find the solution of her unresolve problem and pretending to help her but truely will trapped her and abonded. When Krishiana will find her own life without being inside of the Jail? Is there will come into her life and find her freedom of her own without him?

ItsMeJulie · History
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 6

Napakurap ako saglit bago tumayo at hinawakan ang kamay nya. Lumayo kami nang kaonti at sinundan ang steps na nasa YouTube bago namin simulan.

I'm starting to turn around while holding his right hand. Matapos nang pag ikot ko ay syang sumalubong sa akin upang hatakin ang bewang ko papalapit sa kanya. At nagkatinginan kaming dalawa sa mata habang binabagalan ang aming sayaw nang simulan naming igalaw ang mga paa paikot habang nakatingin sa isa't isa.

The air was strong and I can feel my hair was blowing. Hindi ko alam ang nararamdaman ko nang muli nya akong inikot na sa pangalawang pagkakataon ay nasa likuran ko na sya habang ang mga kamay namin ay inilagay sa itaas nang aking buhok at pababa iyon nang dahan dahan.

Nararamdaman ko ang hininga nya malapit sa batok ko nang mag simula kaming tumigil.

"Let's continue, tomorrow." Biglaang sabi nya na ikina taka ko.

"Bakit, nakalimutan mo ba yung sunod na steps?" Tanong ko habang naguluhan saglit sa inakto nya.

Umiling sya sa akin at tinignan ang orasan sa kamay nya. "No, it's just time. I need to meet someone." Dali dali nyang inayos ang mga gamit nya at walang pa sabi na umalis sya habang may tinatawagan sa phone.

I was left dumbfounded. Hindi ko alam ang gagawin ko pero napag desisyon kong puntahan na lang ang dalawang kaibigan ko sa Library dahil may quiz sa Lunes.

Pagkapasok ko ay nakita kong nag uusap na ang dalawa habang nagbubulungan.

"Ano na naman pinag uusapan nyo?" Kinuha ko ang History Book at inilagay sa lamesa bago tabihan si Chloe.

"Sa labas na, nagugutom na din ako." Sagot ni Irish nang sabay tumayo iyong dalawa. Napa irap ako dahil kakapasok ko pa lang pero mukhang lalabas ako ulit.

Nang makalabas kami ay pinag uusapan na nila na sumikat na nga daw iyong tatlo. Hindi ko pa nakikilala iyong isa. O baka naman nakikita ko na talaga pero hindi ko lang talaga kilala?

"Naagawan na tayo ng pwesto!" Dali daling umupo si Irish sa table kaya ako na lang ang umorder sa kanila dahil alam ko naman ang kakainin.

Whole day kami at gabi na din minsan umuuwi kaya delikado. "Hayaan mo na nga lang yan si Irish. Mapapagod din yan." Sambit ko habang kasama si Chloe habang umo order.

"Wag naman ganon sis, we are here to support her. Pag bigyan mo na, minsan na lang ulit magkaka love life yung tao." Sabi nya bago bayaran iyong inorder namin na pagkain bago bumalik sa pwesto.

"Sige, kayo na bahala." Sagot ko na lang

Mabilis din kaming natapos bago tumunog ang bell ng ala sais. Dala ko na ang bag ko at may hawak pa na Libro. Habang naglalakad kami papalabas nang school ay naisipan kong ilagay na lang sa Locker ang Libro ko para hindi ko na bitbitin pa.

"Mauna na kayo, ilalagay ko lang to." Sambit ko sa dalawa kaya napalingon sila sakin.

"Krisha next week na, madilim kaya sa may Library." Irap ni Irish na parang kinilabutan pa sa iniisip nya.

"May ilaw naman doon." Pagpupumilit ko kaya tumango na lang sila.

"Ingat ka, hindi pa ayos ilaw doon." Pahabol ni Chloe kaya tumango ako.

"Ingat kayo!"

Dali dali na akong pumunta nang Library. Malapit lang naman sa Exit ang Locker ko kaya wala akong naging problema. Hindi ko na lang pinansin ang nagpapatay bukas na ilaw dahil sanay naman na ako. Anong magagawa nang multo kung meron man? Baka sila pa ang matakot sakin.

Ini-lock ko na iyong Locker at aalis na sana nang magulat akong nasa harap ko na si Lex. Akala ko ba ay naka alis na sya?

"Ginulat mo naman ako!" Hindi ko maiwasang sumigaw dahil sa gulat at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Kumunot naman ang noo nya. "Why are you still here?"

"Eh ikaw, bakit ka din nandito? Akala ko ba naka alis kana?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Just finding someone." Bulong nya pero narinig ko pa din naman.

Tinapik ko ang balikat nya. "Ingat ka pag uwi, mauuna na ako."

Aalis na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko. Nilingon ko sya nang pagtataka nang lumapit sya sa akin at inakbayan pa ako nang bahagya.

"Samahan na kita." Seryosong sabi nya kaya hindi na ako kumibo at sumunod na lang.

Hindi ko alam kung ako lang iyon pero nararamdaman kong bumibigat ang hangin sa paligid ko habang naglalakad kami palabas nang school. Pinakiramdaman ko ang bilis ng tibok nang puso ko habang tahimik kaming magkasabay. Bakit naging seryoso naman sya bigla? O dahil madilim na?

Nang makarating sa labas nang gate ay natanaw ko pa si Irish na naghihintay mag isa hanggang sa dumating ang Driver nya. Sumingkit ang mata ko nang makitang may sumaksak doon sa lalaking palapit sa kaibigan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ngunit nakahinga nang maluwag dahil ligtas sila at agad umalis ang sasakyan.

"Who are you looking at?"

Boses ni Lexord ang narinig ko kaya agad ko syang nilingon. Kinalma ko ang sarili ko bago tumingin sa mata nyang nag aabang nang kasagutan sa akin.

"Wala naman." Nagkibit balikat ako at nagpasya nang umalis na walang pasabi.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tumakbo na ako agad bago mabilisang pumasok sa sasakyan ko bago paandarin iyon. Ngayon ko lang naramdaman ang takot ko habang papauwi sa Mansion.

I didn't know but I suddenly felt suffocating when he's around me.

Like one day, he will abounded someone obsessively. Iyon ang unang tingin ko sa kanya pero mukhang malayo naman ang impression ko. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, kundi para sa kaibigan ko.

Bigla kong naalala na kina kailangan ko sila obserbahan. Napaka imposible din na hindi napansin iyon ni Lexord.

Pagkauwi ko nang mansion ay tulala lang akong pumasok nang biglaan kong na kita ang kapatid ko. Napakunot ang noo ko nang makita syang nakasimangot na sa akin.

"I was looking for you, good thing Chloe sees me or else maiiwan ako sa school mag isa." He crossed his arms and looked at me like he was an older.

"Pasensya na, na late nang uwi si Ate." Alanganin akong ngumiti sa kanya.

Tinignan pa nya ulit ako. "It's fine, don't do that again next time."

Kumain lang ako ng kaonti bago nagpasyang umakyat. Nahahalata siguro nang kapatid ko na wala ako sa mood makipag usap. Nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko iyon at napakunot ang noo ko nang may announcement sa page ng school na magkakaroon nang pasok kinabukasan. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan.

***

"Walang morning days ngayon, ang dami kalat na balita." Bungad ko sa kanila habang nasa Classroom kaming tatlo. Hindi ko malaman kung paano pero ang alam ko lang ay may iba pang nakakita bukod sa amin ni Irish.

"Anong balita?" Tanong ni Chloe sa amin.

"Kalat dito gosh! Hindi ka maniniwala sa sa sabihin ko." I unconsciously said that at humarap sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan naman sila bago inabangan ang sasabihin ko.

I just said it accidentally. Wala na akong magagawa pa kung magpapalusot pa ako dito

"Ano nga?" Naiinip sa sambit nya. Malamang ay curious na at hindi na nakapaghintay pa.

"May pinatay daw estudyante, malapit sa waiting shed." Nag akto akong natatakot nang maalala kong nagbukas ang phone ko kagabi. "Around 7:20 PM." Dugtong ko pa.

Mukhang hindi na kinayan ni Irish na marinig pa ang sasabihin ko at nag suot na nang earphone nya.

"What? Imposible ba iyon?" Nagugulat na tanong nya sa akin kaya umirap ako.

"Hindi naman kakalat iyong balita kung hindi imposible, Chloe. Pati ang pagkaka alam ko ay brutal daw ang pagkakapatay doon sa lalaking pauwi." Kwento ko sa kanya dahil narinig ko lang din iyong habang naglalakad ako papunta dito sa Classroom.

"Sino naman kaya ang gagawa noon?" Tanong pa nya ulit sa akin pero kibit balikat na lang ang ginawa ko.

Maski naman ako ay walang alam kung sino, pero may kutob ako at kilalang kilala ko sya. Pero kahit na sinasabi kong kinukutuban ako ay mas gusto ko pa din nang patunay at makita sya nang harapan para lang masagot ang katanungan sa iniisip ko.

Natapos ang ibang klase na nandoon pa din ang pag iisip ko hanggang makarating kami nang Cafeteria.

"Girl, o my gosh you wouldn't believe what I heard."

"What is it?"

"I heard some of the students that someone saw the boy and the target being killed at 7pm."

"So creepy, what happened now?"

Rinig kong pinag uusapan nila kaya shinare ko na din sa mga kaibigan ko. Natigil lang ang pananalita ko. Nakita kong tinignan pa nya si Irish na inirapan sya.

Hindi yata talaga to matatahimik na walang ini storbo na iba eh. Bakit kasi naisipan pang magloko kung sa huli, pagsisihan din naman? Kahit kailan walang ginawa sa buhay iyong ex ni Irish kundi magpapansin sa amin.

"Yabang nang ex mong yan. Gwapo nga, nasa loob naman ang kulo." Sambit bigla ni Chloe kaya napalingon ako sa kanya.

"Yeah right, hindi ko na nga malaman kung paano ko pinatulan yun e." Dugtong pa ni Irish kaya hindi ko naiwasan ang matawa.

Matapos namin kumain ay tumambay muna kami saglit sa Library. Hindi naman pinagbabawalan dahil may ari nang school iyong kausap nya. Napaka swerte talaga nito e.

"Krisha, diba iyong Lexord ang ka partner mo sa sayaw?" Tanong ni Chloe kaya tumango ako sa kanya.

"Oo bakit?"

"Hindi ka kaya magka gusto doon?" Natawa silang dalawa ni Irish at nakipag apiran pa.

Umiling ako. "Imposible sis, pati may kutob akong may girlfriend." Sabi ko na lang kahit wala naman talaga akong kutob doon.

"Suss" Pang aasar ni Chloe sa akin nakangisi pa na akala mo hindi pikon sa aming tatlo.

"Eh kayo ba nang Paris mo, may progress?" Ngumisi ako at natawa sa reaksyon nya. Gumanti lang naman ako, ito ang mahirap sa ibang pikunin e, pagka ginantihan mo sila pa ang mas na-aasar kahit sila naman ang pasimuno.

Bigla kaming sinaway nang Librarian dahil napapalakas ang boses ko pati ang kay Chloe. Si Irish, wala namang ambag yan samin kundi ang makitawa lang minsan kaya hinayaan ko na lang sya na panoorin kami.

"Gaga, shut up kana lang." Inirapan ako ni Chloe kaya lalo akong natawa.

Si Chloe ang mas masarap asarin dahil alam kong pikon. Si Irish kasi kapag wala sa mood lalayasan kana lang nyan. Ganoon ka bastos yan.

"Kuha lang ako nang libro." Sabi ni Irish samin kaya pumayag naman kami.

Mga ilang minuto kaming nag usap ni Chloe nang matanaw namin si Irish na hinahabol si Israel. Nagkatinginan kami ni Chloe bago sabay na napabuntong hininga.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa tatlong magka kaibigan.

Kaaway kaya sila o kakampi?

To be continued...