I'm just a little bit caught in the middle
Life is a maze, and love is a riddle
I don't know where to go
Can't do it alone
I've tried, and I don't know why 🎶
Kanta ko habang hawak ang gitara na dinala ko sa school para makapag relax at maka kanta. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing kumakanta ako ng kung ano ano lalo na't pakiramdam ko ay malayo ako sa problema.
Slow it down, make it stop
Or else my heart is going to pop
Cause its to much, yeah its a lot
To be something I'm not
Dugtong ko pa habang napapangiti nang maramdaman ang tuwa sa puso ko. Kinanta ko iyon ng nakapikit habang nag i strum ako sa gitara na hawak ko bago ko ito kinanta.
I'm a fool, -
Ngunit sa sandaling iyon ay napatigil ako nang makarinig ako ng yabag papalapit sa akin kaya tinignan ko iyon. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng seryoso nang makita ang nakangiting si Lexord habang papunta sa direksyon ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Hindi malaman kung saan nang gagaling ang inis ko, baka dahil sa pagmumukha nya.
Mas ngumiti lang sya nang malawak. "I just heard the girl who's singing here. Magaling ka pa lang kumanta, bakit pinili mo ang sayaw?" Tanong nya pa.
"Sinong may sabi na hindi ako kasali sa Music Club?" Pinagtaasan ko sya nang kilay na ikinatigil nya dahil sa gulat.
"Oh." Tawa nya bigla. "Paano mo naiha-handle kung dalawa ang sinalihan mo?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Interesado kaba sakin?" Bwisit na tanong ko sa kanya.
"I am just curious Krisha, you know.. You're the only girl I know that-"
"Galawang playboy ba? Sa iba kana lang, wag ka sakin. Hindi ka magtatagal, swear." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na para bang nangangako.
"Sorry to burst your bubble but stop assuming things you can't control, I only want to be friend of you." Sumeryoso na sya pagka sabi nya non kaya natahimik ako saglit.
Friend? Natawa ako sa sarili ko nang ulitin ang sinabi nya. Bakit kailangan pa nya ako maging kaibigan kung dahil lang sa mag partner kami?
Tinitigan ko ang mukha nya. Maputi, matangos ilong at may malumanay na mga mata. Yung labi nya ay mapupula na pwedeng halikan ng kahit sino. Matangkad sya sa akin dahil hanggang tenga lang nya ako, buti na lang at pinagpala ako kung hindi ay baka mag mukha syang body guard ko. Attractive ang mga mata at malinis tignan pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan dahil sa ngisi nya.
"Done checking me?" Nagising ang diwa ko nang mag salita ulit sya kaya napatingin ako sa kanya.
Tinaas ko ang kanang kilay ko sa kanya. "Oo tapos na, papasa ka sana kaso-" Napatigil ako sa pag sa salita nang ma realize ko na hindi ko dapat sabihin iyon.
"What?" Kunot noong pagtataka nya at hinihintay ang sasabihin ko.
Umiling na lang ako at hindi na sya sinagot. Kinuha ko ang lalagyanan ng gitara ko para mag ligpit na. Biglaan lamang nagbago isip ko at gusto ko nalang magpaka layo layo sa kanya kaya dali dali na akong tumayo at bigyan sya ng oras lara sa sarili nya na magpahangin.
"Dyan kana at wag kang susunod." Pasiring kong inalis sa kanya ang tingin ko bago lumabas doon at dere deretsong naglakad.
Hindi ko malaman kung anong meron sa sarili ko at bakit na lang ako umalis sa mismong pwesto ko. Nararamdaman ko ang init ng daloy sa katawan ko dahil sa inis sa hindi malamang dahilan. Nagtakbo ako papuntang rooftop para magpahangin at pakalmahin ang sarili ko bago ako umupo sa sahig at isinandal ang sarili ko doon.
Paniguradong hinahanap na ako ng dalawang kaibigan ko at magtaka kung saan ako nangtungo ngunit mas pinili kong patayin ang cellphone ko upang walang maka tawag sa akin. Mas pinili kong mag isa at mag skip na lang ng lunch para sa ikabubuti ko.
At hindi ko na namalay na nakatulog na pala ako.
***
"Ate wake up." Nagising ako sa pamilyar na boses at nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko ang pag aalala sa mukha nya.
"Sorry, hindi ko alam na nakatulog pala ako." Tinignan ko ang orasan sa wrist watch ko at nakita kong alas kwatro na pala nang hapon.
Niyakap nya ako bigla. "Ate please, wag kana sanang magpatay ng cellphone mo. Mga kaibigan mo nag aalala na rin sayo, hinahanap kana naming tatlo kanina hanggang sa ako ang nakaalam kung saan ka naglalagi."
Iniyakap ko sya pabalik at isinandal ang ulo ko sa balikat nya matapos himasin ang ulo nito. "Pasensya na, pagod lang si Ate. Hindi na mauulit bunso."
Naramdaman ko ang panginginig nya dahil sa pag-aalala kaya iniyakap ko ito ng mas mahigpit para maka kalma sya. "Don't ever try to hide from me, I swear ako na ang magbabantay sayo mula ngayon."
Gusto kong sabihin na hindi na kailangan pero alam ko naman na hindi sya magpapatalo kaya mas pinili ko na lang tumango at tumahimik para sa ikabuhuti nya.
Nang makalabas kami ay agad akong niyakap ng dalawang kaibigan ko at sinabing ayos lang dahil nakatulog lang naman ako sa rooftop. Maaga sana kaming makakauwi kung hindi lang natuloy ang practice ng sayaw hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na kasama ulit si Lexord sa iisang lugar.
"A thousand years, it's a common music for college students." Sambit nya kaya napalingon ako dito.
"Anong pinupunto mo?" Pinigilan ko ang huwag mainis sa kanya at kinalma ko ang sarili ko.
"Just said it. Come I'll teach you some few steps I made yesterday." Hindi na ako nagsalita at inabot na lang sa kanya ang kamay nya na agad ko ding tinanggap.
Hinawakan nya ang kamay ko at sinundan ang bawat steps na itinuturo nya sa akin. Agad ko namang nakukuha iyon kaya naging madali para sa akin ang unang steps.
"Lumapit ka nang kaonti, we need to make it perfect at the beginning." Kalmadong sabi nya kaya hinawakan ko ulit ang kamay nya bago namin pinagsabay ang paa palapit at paatras sa aming gilid.
"One two three and four, and turn around." Dugtong pa nya hanggang sa hindi na ako nagkakamali ay ramdam kong natutuwa na sya doon.
Hindi naging madali para sa akin ang magkaroon ng kapareha sa sayaw dahil halos dati ay solo lang o di kaya ay maramihan. Hindi ko malaman kung anong naging trio ng P.E teacher namin para gawin ito ng individual.
Mabilis kaming natapos dahil iyon pa lang daw ang nasa isip nya. Ngayon ko lang din napansin na hindi na ako nakapag miryenda at tanghalian, naramdaman ko bigla ang gutom matapos uminom ng tubig mula sa dala ko.
"Ayos ka lang ba? Ang tamlay mo ngayon." Sambit ni Lexord kaya napatingin ako sa kanya.
"Ah akala mo lang yon." Pag tanggi ko at inayos na ang mga gamit ko mula sa bench.
Paalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. "Bakit?" Takang tanong ko ng pigilan nya ako.
Umiling sya bilang sagot at agad na binitawan ako. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka kaya hindi ko na lang sya pinansin at nauna nang lumabas kasabay ang kapatid kong naghihintay sa akin.
"I'll be the one who cook dinner this time Ate, let's go?" Nakangiting sabi nya.
Napangisi ako. "Sure"
Pagkarating ng bahay ay sya na ang nagluto nang hapunan namin habang ako naman ay nagbibihis sa aking kwarto nang maamoy ko ang niluluto nyang Adobo sa baba.
Halos kumalam ang sikmura ko nang maka receive ako ng text mula sa kaibigan ko na magkita kita kami kinabukasan sa Park dahil may sasabihin daw itong si Irish na importante after lunch.
Pumayag naman ako dahil wala na din naman akong gagawin sa hapon at mukhang ayaw nilang tambayan ang malungkot na mansyon na ito dahil sa sobrang tahimik.
"Adobo para sa hapunan?" Tanong ko nang makita kong nilagay na nya ang hati na boiled egg sa adobo.
"I missed the taste, it's our favourite right?" Nakangiting sabi nya at inilagay nya ito sa gitna nang lamesa.
Tumakbo ako palapit sa kanya. Ang 20 yr old baby ko sa buong buhay ko ay iniyakap ko nang mahigpit. "Thank you lil bro."
Natawa ako ng malakas nang bigla na lang syang umiwas iwas sa akin ng simula ko syang halikan sa pisngi nya. Alam ko naman na nahihiya lang sya pero palihim nyang ipinapakita sa akin kung gaano nya ako ka mahal bilang ate nya.
Masaya na kaming kumain ng sabay habang ikinu kwento nya sa akin kung paano sya nakapasa sa Quiz at kung gaano sya nag focus mula sa Senior High nya.
Graduating na kami kaya habang maaga ay hinahanda ko na ang ka-kailanganing requirements and resume para sana makapag trabaho nang ma realize ko na sa ibang organisasyon ako kasali.
Masyadong delikado para sa akin kung mag ta trabaho ako mula sa malayo. Alam kong susundan pa din nila ako kaya hindi ko na lang itinuloy ang plano ko doon. Nagsimula noong bata pa kami ay agad kaming ipinasok sa kakaibang organisasyon hanggang sa kinalikhan ko ang pagiging magsanay araw araw.
Natuto akong lumaban ng patas at protektahan ang sarili ko pati ang mga taong malalapit sa akin. Kasama na ang kapatid ko na walang kaalam alam mula pa noon.
To be continued...