webnovel

Chapter 4

3rd person

tumunog na ang alarm clock sa bagong bahay nila kc.

"mga anak gising na!"sabi ng kanilang ina.

mabilis na tumayo ang dalawang magkapatid.

"isang bagong umaga na ngayon,bagong simula"bati ni kc ng nakangiting bagong gising.

ipinaandar niya na ang invisible mp4 niya at maganang nagsimula.

mp4 song

kumakanta habang hawak-hawak ang mp4"dont worry about a thing".

"oh kumain na kayo"sabay inihain ang kanilang makakain.

"kc puwedi mo bang ihatid ang kapatid mo sa eskuwelahan malapit sa inyo"utos ng kanilang ina.

"masusunod po"maganang tugon ni kc.

"masaya yun kuya magkasabay tayong pupunta sa school"sabi ng kanyang batang kapatid.

"tama ka doon bunso"sagot ni kc.

tumayo sa higaan ang kanilang ama at sinabing"simula ngayong araw mag-tatrabaho narin ang inyong ina para dag-dag pantustos sa inyo"paliwanag nito.

"kc,ako nalang ang susundo sa kanya pag-uwi"sabi ng kanyang ina.

"mag-ingat po kayo sa pag-trabho"ani kc.

"ikaw rin anak mag-ingat din kayo,alalayan mo ang kapatid mo,tandaan mo ginagawa namin lahat para sa inyo upang makapagtapos kayo"bangit ng kanyang ama.

"opo gagawin ko po ang lahat para makapagtapos"nakangiting sagot ni kc.

matapos kumain at maligo ng boung pamilya naghanda na sila para umalis.

"opano ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha"utos ng kanyang ama.

"ingat kayo dahan-dahan lang sa paglalakad ha"dag-dag ng kanyang ina at sabay na silang pumunta sa trabaho.

naglakad ang dalawang magkapatid papunta sa eskwelahan.

habang nasa daanan"kuya meroon ka nabang nagiging kaibigan sa klase niyo?"sabi ng kanyang kapatid.

"oo naman,masaya doon wag kang mag-alala sa kuya mo"sagot ni kc sabay iniisip na"be positive today,tiwala magaganda ang mga mangyayare".

pagdating sa harapan ng eskuwelahan ng kanyang kapatid.

"o kuya nandito na tayo salamat sa paghahatid"sambit ng kanyang kapatid sabay tumakbo papunta sa classroom ng nakangiti at nagpaalam sa kuya.

"lets do our best,go lang nang go laging nasa likod si kuya"cheerful na sabi ni kc.

nagpatuloy maglakad si kc papunta sa kanyang eskuwelahan.

huminga siya ng malalim at napakibit balikat.

kc pov

mp4 song

habang naglalakad sa kalsada,nakikinig ng kanta.

patuloy lang ako sa paglakad at pinipilit maging positibo.

umabot ako sa room na halos wala pang tao,umupo lang ako at patuloy maging cheerfull.

pagpasok ng mga kaklase ko lalong-lao na si max,agad niya akong napansin"nandito na pala utusan"sabay sapok saakin.

di ko siya pinansin patuloy lang sa pag-ngiti para palakasin ang loob ko.

"baliw na yata ito tumatawa pa,nasobrahan siguro sa sapok"sambit nito.

sinapok niya muli ako at sa pagkakataong ito halos mahulog ang ulo ko.

pero bumangon muli ako at ngumiti.

"nasiran ka na yata ng bait,hindi kita titigilan hangat di nawala ang nakaka-inis na ngiti mung yaan"dag-dag pa niya.

mga ilang minuto,dumating ang guro at dahil doon bumalik na ang lahat sa kanilang mga upuan.

turn off ko muna ang earphone.

"simula ngayon class,mayroon na tayong seating arrangement,tumayo na kayong lahat"utos nito.

dahil doon nakatabi ko ang babaeng crush ko kahapon.

"eww ano ba ito,puwedi bang ilayo niyo ako sa bacteriang ito"angal niya.

di ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa pag-ngiti.

di ko ipapakitang nasasaktan na ako,simula ngayon wala na akong pakielam sa iba.

sa mundong ito sarili mo lang ang dapat na iniisip mo.

sakit,hinanakit at problema lang ang madudulot nila,better to be alone.

ang tanging pangarap ko nalang ngayon ay maka-alis dito upang maka-ahon sa kahirapan at maipagmalaki nila ama at ina.

para sa kanila,tatapusin ko ang pag-aaral na ito.

titiisin ko lahat ang sakit itatago ko ang lahat sa isang ngiti.

matapos ang klase sinabi ng guro na"oras na ng recess".

pumunta sa harapan ko sila max at ang mga bully.

balak na naman nila akong pagtripan at saktan.

nag-strecth si max sabay sabi ng"ito na ang worse nightmare mo papangarapin mung mapunta sa impeyerno sa gagawin namin sa iyo,garantisadong mawawala ang nakakainis mung ngiti"yabang nito.

hangang kailan ko kaya kayang tiisin ang lahat ng ito para lang makapag-tapos.

sabay na nila akong binuska.

pinakingan ko nalang ang mp4 player para wag pansinin ang sakit.

at takasan ang realidad kahit papaano.

Gusto ko lang naman maging presidente para pahalagahan ako ng iba at hindi ituring na basura, pero mukhang di kona makakamit yun.

Oras ng sumuko, no matter how hard i tried the world and everyone keep rejecting me.

3rd person pov

samantala si dok sa kanyang bahay,pilit niyang sinusubukan ang mga bagong gawa niyang imbention.

"ok para sa una nitong testing 1,2,3 fire"sambit niya sabay itinira ang blaster.

meron siyang dummy na pilit niyang pinatatamaan sa kanyang bakuran.

pero lahat ng ito ay mintis.

"malas di talaga ako marunong umasinta"bulong nito sa sarili.

dok pov

lumapit ako ng koonti sa target para madali itong matamaan.

siguro naman tatamaan na kita ngayon.

pero bago ko pa masimulan.

nakita kung naglalakad si kc papasok sa aking bakuran.

matamlay ang kanyang mukha at bug-bog sarado muli ang kanyang katawan.

"ayos ka lang ba kc,wag mung sabihing nabully ka nanaman"tanong ko.

yumuko lang siya at hindi sumagot.

"wag kang mag-alala,ipaghihigante kita gagawa ako ng imbention"galit kung sambit.

"wag na dok hayaan mo na,oras na may nangyaring masama sa kanila ako ang kanilang kaagad na sisihin,yoon ang sinabi nila sakin dahil doon mapapatalsik pa ako sa school,ayaw kung mangyari iyon para sa mga magulang ko"paliwanag ng bata.

huminga ako ng malalim"tara pumasok ka na sa loob upang matulungan na kita"sambit ko.

pagpasok namin sa loob inayos ko ang damit niya.

at inalis ang mga pasa niya gamit ang tech.

"ayos ka na ba"tanong ko.

"salamat dok,puwedi ko bang masubukan ang lumilipad na board"pinilit niyang ngumiti.

"oo naman balak ko ngang ipa test drive sayo"sagot ko rin ng nakangiti.

"mayroon akong koonting experience sa pag surf ayos na ba iyon"sagot niya.

"oo naman"tugon ko.

lumabas kami sa bakuran at inabot ko sa kanya ang board.

"pindutin mo ang button sa ilalim matapos kung bangitin yung launch,wag mung diinan sosobra sa bilis"paliwanag ko.

sabay siyang tumayo sa board.

"1,2,3 launch!"sigaw ko.

kaso lalo niyang diniinan ang button at bumulusok siya sa itaas.

"nababaliw kanaba,sabi kung wag mung diinan!!"sigaw ko habang nakikita siyang bumubulusok ng ubod ng bilis paitaas.

ikamamatay niya ito.

mabilis na na-ubusan ng power ang board mula sa pinakataas.

unti-unti siyang bamabagsak sa tantiya kung 5 seconds.

"kailangan ko siyang sapuhin!"sambit ko at mabilis na dinampot ang imbention kung bouncing spring boots.

"wag kang mag-alala,ililigtas kita!!"sigaw ko sabay talon para siya ay sapuhin.

nagawa ko siyang ma-iligtas.

nagawa ko siyang mailapag ng maayos dahil sa spring ng boots na bumawas sa impact ko sa lupa.

"nagpapakamatay kaba,puwedi kang bawian ng buhay sa ginawa mo!!'sigaw ko sa kanya sabay tulak.

napaluhod siya at napansin kung pinupunsan niya ang kanyang luha.

"pasensiya na patawad"sagot niya at patuloy na bumuhos ang kanyang mga luha.

habang nakaluhod.

hindi ko alam ang sasabhihin sa sitwasyong ito,pero tulad niya naranasan ko din iyan,dumaan din ako sa sitwasyong nararanasan niya,tanging technolohiya lang ang nagpapasaya saakin at ang kagustuhang magpatuloy sa aking pangarap.

pero nakikita ko sa mukha niya na wala na siyang pag-asa.

siguro kung masusubukan niyang magustuhan ang teknolohiya,mabibigyan ko siya ng rason para magpatuloy,pasensiya na ito lang ang paraan naiisip ko para ikaw ay matulungan.

hinawakan ko ang kanyang balikat"gusto mo bang ilabas ang lahat ng sama nanng iyong loob"sambit ko.

hindi siya sumagot dahil doon inabot ko sa kanya ang blaster na inimbento ko.

"subukan mung patamaan ang dummy na iyon,sinisigurado ko na sasarap ang pakiramdam mo"sambit ko.

kaagad siyang pumwesto at inasinta ang target.

tumama ang blaster at sumabog ng malakas na bogzz!!.

sumabog at nalusaw ang dummy dahil sa bala ng blaster.

matapos niyang makita iyon bigla siyang napangiti.

at mapapansing nakalimutan pansamantala ang kanyang problema.

lumingon siya saakin at ngumiti ng napaka-aliwalas ng mukha"salamat dok,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo,napakaraming salamat,kayo ang unang taong tumulong saakin sa panahong lugmok na lugmok ako"sambit ni kc.

bigla akong napaluha ng hindi ko namamalayan,nasabi ko sa sarili"ikaw ang unang taong nagbigay ng gratitude at napasaya ng imbention ko"pinunasan ko ang aking luha sabay sinabing"wag kang mag-alala marami pa akong imbention na gusto kung iyong masubukan"sabay ko silang isa-isang kinuha.

nagpatugtog kami sa speaker(queens-dont stop me now)

sabay dinampot ang mga imbention ko sa loob.

una ang lightsaber"subukan mung putulin ang kahoy na may picture ng bully mo".

"osige!"sagot niya at feeling samurai sa pag-slice ng maliit na kahoy.

nalusaw ang kahoy at picture ng bully.

"ang astig nun dok,ang cool ng armas na ito"sambit niya na ubod ng saya.

"wag kang mag-alala marami pa,ito pa guantlet lusawin mo yung malaking boulder!"sambit ko at inabot sa kanya ang weapon.

sinuntok niya ang mala higanteng boulder na nakakalat sa bakuran ko,iniwan ito ng mga namuymuysit na taga construction.

nawasak ito at nagkalasug-lasug sa maliliit na piraso sa paligid.

"wag kang mag-alala dok di ko ito titigilan hangat hindi nalulusaw,take that defenceless boulder"sambit niya at pinagsusuntok ito to pieces,you can see kc smiling genuinely.

"kahit anong ikasasaya mo boy"sagot ko ng nakangiti.

"eto pa kc,gamiting mo ang flamethrower at sunugin lahat ng mga basura sa paligid"sabay inabot sa kanya ang gamit.

"wag kang mag-alala dok walang basurang ligtas sa alab nito"tugon ni kc at tinusta lahat ang basura hangang sa maging abo.

may mga napadaang kapitbahay at nagsitakbuhan"magtago na kayo dumadami na ang mga baliw kahit di nanganganak"sigaw nila.

"poor boy nahawaan na siya ng kabaliwan ng matanda"

"parami na sila ng parami magtago na kayo baka kayo na ang susunod"

mga over-acting na sigaw ng mga tao sa paligid habang kumakaripas ng takbo.

"kc subukan mo itong hydro cannons,mga kanyong na tumitira ng malakas na pressure ng tubig"sabay kung inabot kay kc ang bagay.

"ako nang bahala dok"sambit ni kc at nilinis ng kanyon ng tubig ang bakuran.

matapos nung"this is first time on many centuries na nakita kung malinis uli ang aking bakuran,maraming salamat kc"sambit ko.

"ako nga dapat ang magpasalamat dok,for the first time nagawa kung maranasan mailabas ang aking sama ng loob at sumaya"sagot ni kc.

"same here,after so many centuries first time kung magkaroon ng good time"sagot ko.

maya-maya lang napansin kung paparating na ang isang malaking itim na limo.

"kc nandito na sila,magtago kana"taranta kung sinabi kay kc.

kaagad siyang tumakbo papasok ng bahay at nagtago.

lumabas ng sasakyan ang mga naka-itim na mafia at naglakad papalapit sakin.

"ang mga gamit na ipingako mo kahapon o gusto mo ba nanamang mabubog,dahil lagpas na ito sa pinag-usapan"sambit niya.

"wag po kayong mag-alala ito na iyon,tapos na"sagot ko at mabilis na ibinigay sa kanila ang blaster.

"magaling gumagana ba ito"tanong niya.

"pwedi niyong subukan"sagot ko.

at itinira niya ito sa nasirang punching bag,dahil doon ang target ay nalusaw.

"magaling iyan ang gusto ko,buti nalang natapos mo na ngayon ito kung hindi papatayin ka sana namin,dahil sa inconsistensy mo"nakangiti niyang sinabi.

"salamat po"alanganin kung sagot.

"sa susunod na nangailangan kami ng armas,babalikan ka namin hindi ka puweding tumangi kung hindi patay ka"banta nila sabay inabot ang pera saakin"ito na ang bayad".

"bat kalahati lang itong bayad niyo"tugon ko.

"dahil kulelat ka at wala na ito sa oras ng pinag-usapan,isa pang angal lalagutan na kita,tandaan mo iyan"banta niya sabay umalis sakay ng limo.

lumabas is kc sa kanyang tinataguan"dok wag mung sabihing.."mukhang di siya makapaniwalang.

yumuko nalang ako at sinabing"pasensiya na gusto ko mang tumangi pero papatayin na nila ako".

"bakit niyo nagawa ito"tanong niya.

"nung panahon na walang-wala ako,hindi kumikita ang mga gawa ko dahil baliw ang tingin ng mga tao sakin,sila lang ang taong nagbigay saakin ng offer,dahil doon nagawa kung mabuhay ang sarili ko at makatulong,pero nung panahon na gusto ko nang kumalas hindi sila pumayag"paliwanag ko.

sigurado na akong kamumuhian ako ni kc at lalayuan tulad ng iba.

"hindi na ako puweding mapasama dito mapapahamak ang mga pamilya ko,sila nalang ang meron ako kailangan ko pang makapagtapos para matulungan silang kumita ng pera"paliwanag ni kc at naghandang umalis.

siya nalang ang natitira kung kaibigan,kung mawawala siya babalik na naman ako sa pagiging mag-isa.

"kc puwedi kitang gawing aide at bibigyan kita nang kalahati ng kita ko,makakatulong ito para sa gastusin ng mga magulang mo,wag kang mag-alala itatago kita sa mga mafia"paliwanag ko.

"gusto ko man dok,pero delikado ang trabahong ito"sagot niya.

"paano kung sasabihin ko sayong kaya mung kumita ng higit pa sa kung sino mang tao,oras na makita mo ang tunay kung plano"bangit ko.

"pasensiya na dok pero hindi talaga puwedi"sagot niya.

"tulad ko alam ko ang pangarap mung makatulong sa mga kapos palad, magsilbing kang inspirasyon sa kanila na magagawa mung magtagumpay,kahit na isa kang talunan"sambit ko.

"paano mo nalaman iyon dok"tanong niya.

"dahil nung araw na una kitang nakita,muli kung nakita ang dati kung sarili na gustong baguhin ang masamang mundong ito,hangang ngayon yoon parin ang pinanghahawakan ko,kaya ko nagawa ang lahat ng ito"paliwanag ko ng sincere.

napa-isip si kc at sinabing"puwedi ko bang makita ang sinasabi mo dok".

"kung ganoon sumunod ka"sabay ko siyang idinala sa secret underground lab.

pagbukas ko ng sikretong laboratoryo.

namangha siya ng makita ang ginagawa kung portal papasok sa kabilang mundo.

"oras na nagawa ko ang portal na ito kc,magagawa nating makapunta sa ibang realidad,gagamitin ko ang mga matutunan ko doon sa kakaibang mundo,para makatulong sa mga nandito gamit ang bagong resources at kaalaman,wala nang magugutom at magiging madali na ang buhay dahil sa tulong ng mga kakaibang enerhiya na matatagpuan doon"paliwanag ko kay kc.

huminga siya ng malalim at makikitang naging desidido ang kanyang mukha"kung ganoon dok,sang-ayon na ako sa plano mo tintangap kong maging aide mo,ano pa ang mga kulang na gamit para umandar ang portal simulan na natin ngayon"excited na sambit ni kc.

"thats the spirit,mga mamahaling piyesa,ang dahilan kung bakit ko binebenta ang mga imbention ko,para kumita ng pera,para sa piyesa ng portal"sagot ko.

"kung ganoon dok magkasama nating tatapusin ang portal na ito"tugon niya.

"ginagabi na kailangan mo ng umuwi,pero bago ka umuwi tangapin mo ito"sambit ko at binigyan ko siya ng pera mula sa suweldo ko sa mafia kanina.

"hindi ko magagawang matangap ito dok di pa ako nakapag-simula"tugon ni kc.

"wag kang mag alala,nagsimula kana kanina pa"sagot ko at ipinilit ibigay ang pera sa kamay ni kc.

"salamat dok"sambit niya matapos nito siya ay umuwi.

kc pov

habang pauwi may nakita akong gadgets store.

dahil sa pagkamangha minarapat kung pumasok para tignan ng mabuti ang mga nasa loob.

pagpasok doon napakaraming games,may nakita akong sample games sa isang console,free laruin kaya kaagad ko itong sinubukan.

ilang minuto lang na pag-lalaro na-enganyo ako nito,dahil ito ang first time kung nasubukan.

parang sa panahong naglalaro ka nito ay natatakasan mo ang realidad,nakakalimutan ang lahat ng problema,napupunta sa ibang mundo na ikaw ang bida.

napamahal ako sa laro naranasan kung tunay na sumaya, dahil doon di ako isang talunan, isa akong mahalagang tao na pinahahalagahan ng iba.

napagpasyahan kung mag-ipon para sa gadgets,ibibigay ko kay ina ang kalahati ng suweldo ko.

sabay akong umalis sa store,habang tumatakbo pauwi,naisip ko simula ngayong araw,kokolektahin ko nalang lahat ng games na magustuhan ko at makapag-tapos sa pag-aaral.

yoon nalang ang pangarap ko.

chapter end.