3rd person pov
Sa kalagitnaan nang mga tindahan, isang binata ang pinagsasabay-sabay ang napakarami niyang trabaho.
"uyy sobrang sipag mo naman carlo,hinay hinay lang sa pagtatrabaho!!"sabi ng mga nadaanan niya manang.
"salamat po pero ayos palang po ako"ngumisi si carlo at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
matapos ito ibinigay ang suweldo niya at halos di siya mapakali nang ma-abot ito.
carlo pov
Sapat na ito sa wakas magkakasama na kami.
agad akong pumunta sa red light district brothel at tinawag ang may-ari.
"ano kailangan mo dito,bilisan mo wag mung sayangin ang oras ko,kung di ka customer ng mga alaga ko umalis kana"ani ng noble.
kaagad kung ipinakita ang pera"nandito ako para bilhin si vica".
"hindi puwedi maliit na halaga lang iyan,malakas siyang kumita ng customer,guard alisin niyo na ito sa harapan ko"utos ng noble.
"ang pangako niyo ay sapat na ang halaga na ito"sabay akong kinaladkad.
"noon yun"sagot niya.
inihagis ako sa labas at nakita ko sa taas ng bintanan ng brothel si vica,sumigaw ako ngunit sinara ito ng lalakeng kasama niya,isang malungkot na mukha at patak ng luha ang huling nakita ko sa kanya.
"vica tutuparin ko ang pangako ko ililigtas kita,hintayin mo lang ako"
flashback
mula pagkabata lagi ng kaming magkasama ni vica nakaupo sa itaas ng puno.
"vica asahan mo kahit na anong mangyare,tayo magkakatuluyan sa uli"
"sana tuparin mo iyan"may mahinhing ngiti na sagot niya.
"ipinapangako ko"
ngunit pagdating ng wastong edad ibinenta siya ng kanyang mga magulang upang maging courtesan or bayaran sa noble.
"carlo please iligtas mo ako"habang kinakaladkad siya ng mga tauhan ng noble.
nagpupumilit akong makalapit kahit binubugbog"magtiwala ka pangako kung ililigtas kita".
end of flashback
hangang ngayon di parin natutupad iyon.
habang nakahandusay sa lansangan,naisip kung kailangan kung umupa ng adventurers.
"ito nalang ang paraan na naisip ko para mailigtas ka vica"
sabay pumunta sa guild.
3rd person pov
"Ma, Pa pinapangako kung magiging amg presidente at gaganda narin ang buhay natin"masayahing pangako ni kc sa magulang.
Ngumiti naman ang magalung sa kanya at ipinakitang proud sa taas ng pangarap ng anak.
Napunta si kc sa loob ng classroom.
"Kamusta ako nga pala si kc, pangarap kung maging presidente at pinapangako kung tutulungan ko kayo, kaya sa mga may problema wag mahiyang lumapit saakin kahit ano payan wag lang math tutulungan ko kayo"nakangiting anyaya nito.
Ngunit ang mga taong di mo maaninag at nagmimistulan parang aninong nakatayo sa kanya ay nilait lamang siya.
Sinubukan niyang gawin lahat kahit pa mag people please subalit walang taong gustong tumangap sa kanya either pinagtripan siya o ginamit lang siya ng mga ito ginawang taga dala ng gamit.
tinrato lang siyang parang basahan tinapon pagkatapos gamitin.
lalo lang niyang naramdamang mag-isa, Hangang sa masanay nalang siyang mag-isa.
Ang masasayang ngiti ng mga magulang na ibinigay sa kanya ay napalitan ng dismaya.
At biglang napadpad nanaman siya sa Portal kung saan siya iniligtas ni doc.
"Doc ang akala ko bang tutuparin niyo ang mga pangarap natin"ngumiti lang ito bago siya e-teleport sa isekai.
Napuno siya ng puot dahil hindi man lang niya napahalagahan o nasuklian ang mga bagay na binigay sa kanya ng mga taong nagtiwala sa kanya.
Bigla siyang nagising dahil sa mga bangungot ng mga bagay na pinagsisihan niya at nabaling pangako.
Huminga siya ng malalim"bakit lagi nalang di maganda panaginip ko"bulong sa sarili.
sabay nagmumukmok habang nakahiga si kc sa bahay ni andok.
dahil araw ng pahinga niya ngayon oras ng pagalingin muna ang mga natamo niyang sugat.
sa ngayon kanila manong andok muna siya natulog dahil naririndi siyang makitulog kay edgar.
dahil madalas nitong nakikita si edgar na kinukuwentuhan ng mga fairy tale love story ang mga ampon nito bago matulog ng mga kuwentong nagwawagi sa huli ang mga bida dahil sa true love at nagkaroon ng happy ending.
pumasok sa isip niya na naniwala din sila ni kc at ng kapatid niya noon sa mga ganoong kuwento pero hindi na ngayon.
"pina-paasa kalang"ani ni kc sa sarili,pinapaniwala kalang sa isang kasinungalingang di naman magkakatotoo sa realidad.
Sabay siyang napayuko at bumigat ang kanyang loob ramdam ang lungkot sa kanyang pagmumukha, dahil marami siyang bagay na pinagarap at ipinangako at hindi man niya lang natupad ang mga iyon.
kaso naantala ang pag iisip niya.
"kc may tumatawag sayo sa labas" ani ni manong andok.
humikab siya at iminulat ang mata.
sabay itong tinignan at nakitang si edgar ito.
"hey dude bakit ba lahat ng sinabi mo wala nanamang natupad,una sabi mo hahatiran mo kami ng ulam,kalawa akala kung mag ki-clear ka ng low level mission para tumaas ng kaunti ang reputation natin habang naka part time ako pero wala parin"reklamo nito.
parang lumipad pa ang utak ni kc na sumagot ng"nakalimutan ko at isa pa pagod pa ako mula sa huli nating mission ang sakit pa ng boung katawan ko".
"dude i did my part kailangan mo ring gawin yung sa iyo"
"could we rest for minute lang"sabay muling humilata para pahingain ang sarili dahil sa mga bugbog na natamo sa mga huli nilang misyon.
naglakad papalayo si edgar"ewan ka na sa iyo dude,sumunod ka nalang kung gusto mung tumulong agad mapataas ang reputation natin".
habang naiwang nakahilata ang isa,kinumbinsi siya ni manong"kc isipin mo nalang kung ano ang lagay ng pamilya mo,kung magtatagal ka pa dito, siguradong nag aalala narin sila sayo".
huminga ng malalim si kc at napa-iling, pinilit indahin ang mga nararandaman at sabay lumabas.
nagawang makonsiyensiya si kc at sumunod kay edgar para kumuha ng mission.
sa daan may nakitang magandang babae si edgar, mukhang cold makatingin sa paligid at nakakatakot ang tindig.
"sino siya"tanong niya sa mga lalakeng nagmamasid dito.
"si yunya yan,siya ang pang lima sa rankings malapit na niyang hamunin ang isa sa teritory leader,perpekto maganda malakas at matalino"sagot ng tambay.
di na nag-isip at lumapit sa harap nito si edgar"kamusta ako nga pala si edgar,care to have a tea with me".
tumingin ng napakatalas si yunya that sent shivers on edgard spine.
nanlamig ang boung paligid.
"my,my a tea wouldnt be suffice para lunasan ang nararamdaman mo"sabay naglakad si yunya at makikitang nababalutan na ng matigas na yelo ang katawan ni edgar.
"kc kumuha ka ng mainit na tubig,please"ani nitong nanginginig sa ginaw.
"pare nakalimutan kung sabihin sa iyo na malaki ang galit niyan sa mga lalake"na late na paalala ng tambay.
matapos ng commotion,dumiretso ang dalawa sa guild.
pagdating doon namili na ng mission ang dalawa.
kaagad dinampot ni kc ang isang papel,upang kaagad ng matapos ito.
nakasulat sa papel.
Mission.
Mercenary request.
reward 700 money.
500 reputation.
"hindi ba medyo mababa ang reward,2800 palang reputation natin kung gusto nating agad umabot ng 10000 medyo mahirap ang kunin natin"pilit ni edgar.
"puwedi na iyan para mabilis matapos,masakit pa ang katawan ko"sagot ni kc halatang gusto munang magpahinga.
kaagad nilang pinuntahan ang lalakeng nagbigay ng request.
"ako nga pala si carlo,gusto kung tulungan niyo akong iligtas ang mahal kung si vica,isa siyang courtesan sa brothel"luhod na makaawa nito na naghihinagpis ng luha.
"pero mataas na noble ang may hawak sa brothel na iyon,mahihirapan tayong bangain ito"tugon ni edgar na parang maiiyak sa awa.
lalong nagmakaawa si carlo"please nagmamakaawa ako,ayaw kung makitang nahihirapan siya at itapon na patrang basura oras na pinagsawaan,ibibigay ko kahit pa ang buhay ko mailigtas lang siya,gusto kung tumakas kami dito at mabuhay ng malaya sa labas".
humagusgus ang luha ni edgar.
"payag na ako tatangapin na namin ang trabaho"naluluhang sagot ni edgar.
tumingin kay kc si carlo at yumuko.
"please kayo nalang pag asa ko"
"i cant promise anything"sagot niya dahil alam niyang ang mga pangakong ganito ay mahirap tuparin, ang hamakin ang lahat matupad lang ang pinapangarap mo.
"hayaan mo siya you got my full word,tutulungan kita"dagdag ni edgar.
at tumungo na ang grupo sa brothel.
una nag damit sila ng waiter na mamasukan ngunit hindi parin natangap, nagkunwaring janitor pero ganun parin.
"ano ba yan looban nalang kaya natin"reklamo ni edgar.
"masyadong mahigpit ang guwardiya,tanging mga mayayaman lang at matataas ang tungkulin ang nakakapasok"tugon ni carlo.
mapapansing merong napakalaking catapult sa itaas ng brothel.
"para saan iyon?"tanong ni kc.
"para sa mga magtatankang lumusob o tumukas isang tama lang niyan lusaw ka"sagot ni edgar.
habang hirap na hirap mag isip ang dalawa at naka chill lang si kc,bigla nilang napansing papasok si kilan na may kasama sa brothel.
"uuy kilan kamusta na"bati ni edgar sabay lumapit.
"kayo pala,nandito rin ba kayo para maghappy happy,siya nga pala kaibigan ko blake pangalan niya"pakilala ni kilan.
"kamusta blake ako nga pala si edgar siya si kc at carlo"
"masaya akong makilala kayo"sabay napagtanto ang gusto naming gawin at napangiti"siya nga pala papasok ba kayo sa brothel samahan niyo na kami"sagot ni blake.
"oo kaso di kami pinapapasok ng guwardiya ayaw sa magicless at low rank"sagot ni edgar.
"ahh ganun ba sumama lang kayo samin kaming bahala sa inyo"sagot ni blake.
"o pano tra na"yaya ni kilan.
"maraming salamat"ani ni carlo.
pagdating sa malaking gate"papasukin niyo nga ang mga kasama ko"utos ni kilan.
yumuko ang mga guwardiya sabay tumabi"masusunod".
nagtaka ang tatlo,gaano kaya kataas ang rank ng dalawang ito tanong nila sa sarili.
binuksan ang malaking gate.
pagpasok nakita nilang di bihira ang pagbukas ng pinto nasa 2nd floor pa ng control room ang makina pinapaganan ng mahika na nagagawang makapagbukas dito.
tadtad din ito ng guwardiya.
"opano maghahanap lang kami ng matitipuhan namin"sambit ng dalawa sabay humiwalay.
may isang butler na kumausap samin.
"ano pung maipaglilinkod ko"ani nito.
"dalhin mo kami sa kuwarto ni vica"ani ni carlo.
"medyo mahal po ang bayad"
walang masyadong dalang pera ang grupo.
"sagot ko na sila!!"sigaw ni kilan habang naglalakad.
"sumunod po kayo saakin, dito po ang daanan"
sabay dinala ang grupo sa kuwarto ng babae.
nang magkita ang magkasintahan,sobrang higpit na yakap ang kumamusta sa isat-isa.
"sa wakas nahagkan din kita vica halos isang taon din ang hinintay ko"lumuluhang sambit ni carlo.
"matagal kung hinanap ang yakap mo"sagot ng babae.
"pinapangako ko di na muli tayong maghihiwalay"
binigyan ng pribadong oras ang dalawa at naghintay nalang sa labas ng kuwarto sila kc.
"kay sarap yatang maramdamang umibig,ano sa tingin mo"tanong ni edgar.
"hindi ako interesado sa bagay na iyan, so much of a hassle better to live alone"sagot ni kc.
"yan ang paniniwala mo,pero ako oras na naging village chief pakakasalan ko ang pinakamagandang babae na makikita ko at magkakapamilya,mamumuhay ng masarap pati narin ang mga ampon ko,yun ang ipinangako ko sa kanila, handa akong mamatay para gamapanan iyon"confident niyang sinabi.
biglang narecharge ang relo ni kc at nanahimik.
ilang oras ay bumalik na ang butler at may dala nanaman itong ibang lalake.
"sir tapos na ang oras niyo, meron pang ibang susunod"ani nito.
"carlo could we bother you a second,mukhang oras ng simulan ang plano!"sigaw ni edgar sabay humarang.
mula sa loob ng kuwarto daling nagbihis ang dalawa"vica tara sumama ka sakin tumakas na tayo dito".
"saan tayo pupunta"tanong ng babae.
"kahit saan bastat malayo dito gusto kung mamuhay tayo ng magkasama ng payapa tulad ng pinangako ko sa iyo"desididong sagot ni carlo sabay inabot ang kamay.
napaluha si vica"oo sasama ako kahit saan pa tayo magpunta bastat kasama ka masaya ako"sabay inabot ang kamay.
maghawak na lumabas ng kuwarto ang dalawa"tayo na"ani ni carlo at tumango sila kc.
"nahihibang na ba kayo,di kayo makakalabas dito ng buhay"sigaw ng butler at pinigalan makalabas ang grupo.
isang bulusok lang ng kuryente ni edgar bumagsak lahat ng nadaanan.
"bilis marami pa ang darating"
sabay silang nagmadali.
pagtanaw sa gate"ako ng magbubukas sa second floor,tumuloy lang kayo susunod ako"ani ni edgar sabay ginamit ang kidlat para maabot ang makina.
naharang siya ng napakaraming guwardiya pero nagawa niyang mapindot ang makina at bumukas,ngunit na block lahat ng madadaanan niya.
dumiretso ang grupo papasok sa gate, sabay pinaulanan sila ng pana ng mga guwardiya sa taas ng ibang floor.
biglang hinarang ni kilan ang mga tatama saming pana,gamit ang matalim na hangin.
ngunit may mga panang nagawang makalapit saamin na bigla ring hiniwa ng matalim na tubig ni blake.
"tumuloy na kayo kami nang bahala dito"sigaw ng dalawa.
paglabas ng gate"koonti nalang vica makakalaya na tayo".
"oo carlo di ko lubos maisip na magkakatotoo ito"nakangiting sambit nila kahit hingal na hingal.
biglang kumislap.
nang nakalapit ang grupo sa labasan ng siyudad.
lalong lumakas ang liwanag,pag lingon ng grupo sa likuran.
itinulak ni carlo si kc at vica papalayo"ipangako mo ililigtas mo siya, nagtitiwala ako sayo"sabay tingin kay kc, bago malusaw ay nhinitian niya si vica, dahil ito sa kagagawan ng elemental catapult sa itaas ng brothel na ipinatama ng noble sa kanya.
"carlooo hindee!!!"sigaw ni vica na humagusgus sa pag iyak gusto siyang mahagkan kaso lusaw na ang katawan ni carlo.
napatulala lang si kc dahil kahit kailan di niya natupad ang mga ipinangako, tulad ng maglakbay kasama si dok at ang pangarap niyang maipagmalaki ng magulang, napayuko siya at nangigil sa inis dahil nakita niya ang pinag-daanan kay carlo simple lang naman ang gusto nila, ang makasama ang mga mahal sa buhay at mamuhay ng mapayapa pero bakit ayaw matupad ng mga simpleng pangarap na iyon.
Nagalit siya sa sarili dahil ang tanging inisip niya lang ay agad matapos ang mission at hindi niya binigyan ng halaga ang mga taong nagtitiwala sa kanya.
Ang dahilan kaya hindi siya naniniwala sa pag-ibig ay ayaw niyang masaktan sa realidad oras na hindi natupad ang mga pinapangarap niya, natatakot siyang paasahin o makontrol nito tulad ng pag people please niya dati sa mga kaklaseng di naman siya natangap.
pero ang nakitang ito ay patunay ng isang tunay na pag-ibig na handang magsakripisyo para sa minamahal kahit kapalit pa ang buhay mo.
Mga bagay na ayaw niyang tangapin dati, dahil pinaniwala ang sarili niyang ang pagmamahal ay paraan lang para paikutin ka ng iba at saktan.
Napakuyom siya ng kamao at desididong napagdesisyunan na tuparin ang ipinangako.
Kc pov
"tayo na, huwag na nating sayangin ang sakripisyo niya!"sabay hila kay vica na nanlulumo parin para makatakas.
ngunit pagdating namin sa labasan.
napapalibutan kami ng napakaraming humaharang na kawal"kung ayaw mung magaya sa kaibigan mo ibigay mo na siya"banta ng noble,bago muling itira ang catapult.
tumayo lang ako at inihandang pindutin ang relo.
sa pagkakataong ito its do or die tutuparin ko ang ipinangako ko sayo carlo.
"you have my word, kahit anong mangyare itatakas kita dito"sabay pindot sa relo.
sabay muling tumama samin ang napakalakas na pagsabog ng liwanag.
matapos mawala ang usok,napapalibutan kaming dalawa ng isang malaking bilog na force field barrier, na kayang maglabas ng enerhiya tumutulak sa paligid upang ilayo ang mga papalapit.
"tayo na konting minuto lang ang itatagal nito"sabay kaming mabilis na tumakbo.
"harangan sila!!"lahat ng humarang samin ay tumatalsik dahil sa lakas ng force field.
nagpatuloy kaming tumakbo,kaso bago pa kami makalayo,may isang bumubulusok na bagay ang bumagsak samin mula sa itaas.
sabay kaming tumalsik at nagcrack ang force field nawalan ng malay si vica.
"papaanong nangyare ito?"pagtataka ko.
biglang tumambad samin harapan,may lalakeng kumikislap ng kuryente sa katawan mas malakas sa kuryente ni edgar.
3rd person pov
"si qougre yan isa ang teritory leader ng east"ani ng mga nasapaligid.
"oras ng tapusin ang kalokohang ito"ani ni qougre sa isang iglap lang full charge agad ang isang napakalakas na atake na kayang lumusaw sa boung nilalang sa paligid.
kaso bago pa ito tumama napuno ng yelo ang paligid at napunta sa ibang ibayo ang atake ni qougre.
"sinong may gawa nun!!"sigaw niya.
lumabas si yunya.
"hinahamon mo ba ako babae!!"ani ni qougre.
hindi na sumagot si yunya at mabilis na umatake.
nabigla si qougre dahil hindi pa siya handa, ngunit bago pa tumama ay pumagitna na sila kilyan at blake.
"nahihibang na ba kayo maraming masasaktan,oras na nagpaligsahan kayo dito"sigaw ng mga ito.
"nandito na ang tatlo sa mga teritory leader si kryge nalang kulang,magkakaroon kaya ng giyera"sigaw ng mga kawal na nasa paligid.
tumalikod si yunya at pumunta sa noble"sigurado akong sapat na ang halaga na ito para mabili ang babaeng iyan".
"oo sobra-sobra pa ito"sagot ng noble.
"kung ganoon sumama ka sakin, palalakasin kita gamitin mo ang sarili mung kamay para maghigante at susuportahan kita, sa tulong ko magagawa mung maiukit ang sarili mung tadhana"ani ni yunya.
sinubukan ko siyang pigilan,
"not on my watch,di tayo nabibili ng pera"sinubakang siyang pigilan ni kc gamit ang wasak na barrier.
kaso isang wasiwas lang ng kanyang kamay ay tuluyang nasira ang barrier at nahampas siya ng bloke ng yelo.
tumalsik ang binata sa lakas ng atake.
hindi makapiglas ang naghihinang si vica at dinala siya ng mga tauhang babae ni yunya.
sinubukan muling tumayo ni kc, ngunit pinigilan siya ng mga pulutong ng guwardiya"ibalik mo siya!!"pinilit niyang pumiglas para tuparin ang pangako.
"wala na kayong magagawa batas na ito"sigaw ng mga kawani.
dahil sa legal na paraan nakuha ang bayaran,walang magawa si qougre kung di sundin ang batas at umalis.
"may araw ka ring sakin babae ka"bago muling bumulusok sa itaas at naglaho.
sumunod narin ang mga guwardiya at lahat.
walang magawa si kc kung di suntukin nalang ang lupa sa galit.
sabay nito pinalaya na ang nahuling si edgar.
kabado itong kinausap ang kaibigan"ang akala ko makukulong na talaga ako,ayos ka lang ba kc"ani niya.
naiisip ni kc sa sariling,"hangang ngayon napakahina ko parin,wala parin akong magawa,tulad ng dati hindi ko parin kayang tuparin ang mga pinangako ko"habang napapasuntok sa lupa.
"wag kang mainis sa sarili mo kunin nalang natin ang mga natitirang labi ni carlo"ani ni edgar.
huminga siya ng malalim at sinubukang kimkimin nalang ni kc ang galit.
kinalap ng dalawa ang natitirang labi ng kaibigan.
dahil ginawa nila ang mission at natupad na maalis sa brothel si vica ay nakuha nila ang pabuyang at reputasyon na binigay ng guild.
pero ginamit nila ito para mabigyan ng maayos na libing si carlo.
kasabay ng malakas na patak ng ulan hindi mo mawari kung luha nga ba ang bumabagsak sa mata ng dalawa, tahimik lang silang nakatayo sa libingan ni carlo na may malungkot at blangkong mukha na wari'y tinitiis na maramdaman ang kanilang emotion.
"He died chasing his love,well that was one of the sadest love story i ever seen in my entire life"ani ni edgar habang sinusubukang mag act ng cool at pigilan ang luha .
tumalikod si kc"not really a fan of love story"na parang tinatago ang sakit na nararamdaman sa kaibuturan ng puso niya, sabay naglakad papalayo di niya masabi kung namanhid naba siya dahil sa dami ng paghihirap naranasan, di niya alam kung kaya niya pang mag tiwala sa sarili dahil sa daming ng pangakong kanyang napako.
chapter end