webnovel

Four Phases of Love

We didn't know and we cannot choose the right people for us. We didn't know when the exact time for us to settle down. We cannot force someone to stay in our life. Two people don't have to be together right now, in a month or in a year. If those people are meant to be, then they will be together somehow at something in life.

supercarlogistic · General
Not enough ratings
15 Chs

02 Eriol

"Malayo pa ba yung rooom?" Tanong nito.

"Hindi, actually andito na tayo." Sabi ko bago pumasok sa room na nasa harapan namin. Sumunod na rin ito sa akin sa loob at naupo sa tabi ko. Wala pa masyadong tao pati na rin yung bestfriend ko. Hays! Kahit kailan talaga ang tatamad pumasok ng mga 'yon ng maaga.

"Arya, Anong oras na?" Tanong ni Eriol. Agad ko naman iniangat ang kaliwang kamay ko at tinignan ang oras sa relo ko.

"Quarter to 7 na. Baket? Uwing-uwi ka na ba?" Umiling-iling ito sa isinagot ko sakanya.

"Quarter to 7 na pero tayo palang ang nandito. Sure ka ba na ito talaga ang room natin?" Tanong nito at tumango lang ako bilang sagot.

"Mababagal lang talaga kumilos mga kaklase natin. Halos lahat ng classmates natin ngayon kilala ko na. Papasok 'yon maya-maya." Paliwanag ko at tumango-tango lang siya.

Maya-maya ay nagsi datingan na ang mga kaklase namin. Agad na umupo sa tabi ko ang bestfriend ko na si Jesika . Tinginan palang nito ay alam ko na ang iniisip niya.

"Eriol, si Jesika nga pala bestfriend ko." Kita ko sa mukha ni Jesika ang pagkabigla sa ginawa ko. Agad naman na kumaway si Eriol kay Jesika at nagpakilala samantalang si Jesika ay tahimik lang at pansin mong nahihiya.

"Paano mo yan nakilala?" Bulong nito nang ilapit nito ang mukha niya sa tenga ko. Kinindatan ko lang siya at hindi na sinagot pa ang tanong niya dahil nagsimula nang magsalita ang teacher sa harapan. As usual, ito na naman tayo sa introduce yourself. Hindi na ako nakinig dahil kilala ko na naman silang lahat bukod sa tatlong transferees kasama na itong accelerated student na si Eriol.

Buti nalang at mabait at bata pa ang bagong adviser namin kaya hindi kami masyado nabored sa anim na oras naming nasa room lang. 10 am palang ay pinauwi na kami. Maaga kaming pina-dismiss dahil first day palang naman daw at mabilis lang nilang nasabi niya mga dapat nilang sabihin. Kasalukuyan na kaming bumababa ng hagdan ni Jesika nang biglang sumulpot sa harap namin si Eriol.

"Uuwi ka na, Arya?" Tanong nito. Hindi agad ako sumagot at napaisip.

"Depende eh." Sagot ko sakanya. Nilingon ko si Jesika na nasa tabi ko at nagtanong, "Gagala pa ba tayo?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang ito.

"Hindi namin alam eh bakit ba?" Hindi siguradong sagot ko sakanya. Umiling-iling lang ito sa akin.

"Sige, mag-ingat kayo ah. See you tomorrow, Bye!" Paalam nito atsaka naunang umalis. Agad akong napahinto sa paglalakad nang biglang hawakan ni Jesika ang braso ko.

"Hoy! ikaw babae umamin ka nga, may gusto ka don sa transferee na 'yon 'no?" Straight to the point na tanong ni Jesika sa akin.

"Ano ako? kagaya mo na marupok pa sa yerong nangangalawang na? Girl, ngayon ko palang siya na-meet gusto na agad? Bahala ka nga jan." Sabi ko atsaka siya iniwan. Agad naman itong sumunod sa akin sa paglalakad.

Parehas kaming walang pera ni Jesika kaya napagpasyahan nalang namin na umuwi na para makapagpahinga. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong humilata sa kama. Huminga ako ng malalim at nakatitig sa kisame nang biglang sumagi sa isip ko si Eriol. Hanggang ngayon ay na-aamaze parin ako sa nabalitaan ko tungkol sakanya. Pogi siya at matalino, napaka swerte niyang nilalang.

Please don't plagiarise my work. Thank you!

supercarlogisticcreators' thoughts