webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Urban
Not enough ratings
56 Chs

Jei's Nightmare

Nabulabog ang mundo nang lumabas ang official statement ng Seoul Intenational Hospital tungkol sa kalagayan ni Wonhi:

"We would like to inform the public about the current situation of the supermodel, Wonhi Park, after the fatal accident early this morning. He is now recovering from his wounds and series of surgeries will be performed when he stabilizes."

Iba't- ibang opinyon ang nagsilabasan base sa nangyaring aksidente. Pati ang social media ay napuno ng mga balita tungkol sa binata.

Mevious Insider Breaking News: "Supermodel Wonhi Park has been in a fatal accident after his car was pursued by a paparazzi in Seoul, South Korea around 5 in the morning today. According to the CCTV footage, it's clear that the supermodel was trying to dodge the car following him resulting to the accident. The identity of the alleged paparazzi is yet to be revealed since the person is wearing a dark racing helmet making it hard for the authorities to identify the person. Meanwhile, Seoul International Hospital released an official statement saying that Wonhi Park is still in a critical situation and series of surgeries will be performed when he stabilizes. Fans from all over the world are sharing their thoughts and prayers and some are even in front of the hospital waiting anxiously for his fast recovery."

Hindi mapakali ang mga nasa bahay ni mang Liam. Abo't langit ang kanilang pag- aalala kay Wonhi maging kay Jei na hindi tumitigil sa pag- iyak.

"Kuya believe me. That's no accident! I saw him in my dream. I saw him," saad ni Jei.

"Jei... we can't be certain about that. Maybe, it's a mere coincidence," sagot naman ni Martina na pilit kinakalma ang dalaga.

"I don't think so," pilit pa ring sinasabi ni Jei habang ang kuya niya ay abala sa pagsagot sa mga tawag mula sa Korea.

"Sir, find out what happened to him. Molla! Na neun na do moreunda. Geunyang haera, jebal!" saad ni Rain. Halos sigawan niya ang kausap. "One more thing... check on his mom! Okay, got it. Thank you, sir!"

Hinila ni Martina si Rain sa isang sulok bago kausapin. "Rain, calm down. I got a text from Khamila. She said that Wonhi is unlikely to recover," malungkot na saad ni Martina sa binata. Nakuyom ni Rain ang kanyang kamay bago humarap sa dalaga.

"Is Khamila a doctor? Martina, do you believe her? I am sorry. I know she's your friend but I have to see Wonhi myself and listen to the doctors' diagnosis with my own ears," mariing sagot ni Rain.

"Are you saying...,"

"Yes. I am flying to Seoul today," saad nito sa nagulat na dalaga.

"What?"

"I already booked a flight. Pack your things, babe. You're coming with me," sagot ni Rain. Tango lang ang naisagot ni Martina kahit nalilito ito sa kilos ng binata.

Nais man ni Jei na sumama sa kapatid ay wala siyang nagawa ng awatin siya ng kanyang ama.

"I will make sure that he's okay. Don't worry too much, sis. I won't let anything bad happen to him," pangako ng kanyang kuya.

Seoul, South Korea.

Humahagulgol si Khamila sa tabi ni Wonhi habang mahigpit na hawak ang kamay ng binata.

"Hang in there, Wonhi. Be strong. Everything's gonna be fine," saad nito. Hindi pa rin gumigising si Wonhi mula ng dalhin siya sa ospital.

"Nae adeureun eodi itni? Eodisso?!" (Saan ang anak ko?) hysterical na sigaw ng ina ni Wonhi na lakad takbo ang ginawa hanggang sa makarating sa ICU.

Dagling nagkasubukan ng tingin sina Khamila at Park Haneul, ang sopistikadang ina ng binata, ng magpang- abot sila sa ward ng binata. Sa simula palang ay hindi na nila gusto ang isa't- isa.

"Wonhiya, gwenchana? Gokjjongma adeura ne ommaga yogi gyesyo," umiiyak na saad ni Haneul sa kanyang anak. (Wonhi, are you okay? Wag kang mag-alala. Nandito na ako.)

Hindi nakalampas sa kanyang pandinig ang pagngisi ni Khamila sa kanya. Binalewala lamang niya ito dahil mas nanaig ang kanyang pag- aalala bilang ina kaysa sa kanyang pride bilang isang tao.

Hindi niya mapigilang mapaluha habang tinititigan ang mga life support na nakakabit sa katawan ng kanyang anak.

Lumabas muna siya sa may hardin ng ospital upang magpahangin ngunit hindi niya namalayang sinundan siya ni Khamila.

"Wae yeogi itni? Tsk! Neo eommaya? Gabjagi? Hah!" nang- uuyam na saad ni Khamila sa matanda. Tumahimik lang si Haneul habang sige pa rin si Khamila sa pagpapahiya sa kanya. (Ba't ka nandito? Dahil ina ka niya? Suddenly?)

Hindi lingid sa kanya na ayaw siya ng mga fans ni Khamila at Wonhi nang hadlangan niya ang kanilang relasyon noon. Dahil dito ay naging negatibo ang tingin sa kanya ng media at kinasusuklaman siya lalo na ni Khamila.

"Malhaebwa palli yogin wae wasso?! (Bakit ka nandito?! Sabihin mo na dali!)" sigaw ni Khamila. Umaagaw na siya ng atensiyon dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Gamhi geunyeo ga eotteotge yeogi oneunji.(Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita dito.)" saad ng isang lalaki ng makilala kung sino ang sinisigawan ni Khamila. Nagpunas ng luha si Haneul bago lisanin ang ospital.

Nagngingitngit ang kanyang kalooban sa nangyari. "Gurae! Na hante nappeun yeoja ga doegil barae. Na neun nappeun yeoja ga doelgeo ya. (Sige lang. Gusto nilang akong maging masama, e di makakikita nila kung gaano ako kasama!) " ngitngit niya habang nagdadrive palayo sa ospital.

Pagkaalis ni Haneul ay bumuntong- hininga si Khamila. Alam niyang wala siyang respeto sa ina ni Wonhi ngunit kailangan niyang gawin iyon para sa binata.

Wala nang ginawa ang ina nito kundi humingi ng pera at gastahin sa mga mararangyang bagay na hindi naman importante. Isa pa, hinding- hindi niya ito mapapatawad sa ginawa niyang pagsira sa kanyang reputasyon upang hadlangan ang relasyon nila ni Wonhi.

Naputol ang kanyang pagmumuni- muni ng tumunog ang kanyang cellphone. "Hello? Thank you so much! I'll be waiting then," sagot nito bago pindutin ang end call.

Nagpatawag si Khamila ng presscon para sagutin ang mga katanungan ng media. Sumang- ayon naman ang manager ni Wonhi kaya't makasama nilang hinarap ang mga reporters na naghihintay sa kanila.

Matapos ang presscon ay dumiretso si Khamila sa ospital. Nagulat siya ng madatnan si Martina sa kwarto ni Wonhi. Agad nagyakapan ang dalawa. Tumingin si Khamila sa silid na parang may hinahanap.

"Ah... he is talking to the doctors," sagot ni Martina sa hindi nasabing tanong ni Khamila.

"The presscon went well. Thank goodness you're here. I don't know what to do," nanghihinang saad ni Khamila sa dalaga. Hinaplos ni Martina ang likod ng kaibigan.

"Everything's gonna be fine," sagot ni Martina ngunit biglang humagulgol si Khamila.

"The doctors said that he has a 50/50 chance of recovering. If he does, he might be in a vegetative state for the rest of his life," humahagulgol na saad ni Khamila.

"We can't be certain, Khamila. Don't lose hope," sabi ni Martina. "He's a fighter you know."

Tumango si Khamila habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. Saktong pumasok si Rain hawak ang isang folder. "I have to meet his agent. Please take care of him," saad ng binata bago iwan ang dalawang dalaga.