webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

6 Historya ni Lola

Alas otso ng umaga, nakakulong si Raza sa kanyang kwarto habang nakadungaw sa bintana. Nananaginip nanaman siya ng gising tungkol sa kanilang bayan. Minsan ay tumatambay siya sa silid-aklatan ng kanilang bahay at tinitignan ang mga letrato o kaya kasulatan tungkol sa bayan. At kung paano ito nabuo at nakilala bilang Huyenbi.

Kilala ang pamilya ni Raza bilang isa sa mga unang nanirahan sa Huyenbi. Ang lola ni Raza ay walumpong taong gulang na pero malakas parin ang memorya. Araw-araw ay kinukwento niya sakanila ang tungkol sa bayan.

Si Raza ay lagi naeengganyo sa kwento ng lola. Marami itong nakilalang tao at maraming nasasabi tungkol sa pinagmulan ng pangalang Huyenbi. Dala na siguro na matumal ang umaga ay nagtanong si Raza sa lola niya kung sino ang dating nakatira sa mansyon at kung ano ang kwento sakanila.

Napapailing naman ang matanda kung ikukwento nga ba niya sa apo o hindi. Sa lahat ng kuwento ng Huyebi, ang kwento lamang ng mansyon sa dulo ng bayan ang pinaka hindi niya kinukwento.

[1920]

Disyembre ng 1920 unang nasilayan ng isang grupo ang lugar ng Huyenbi. Hindi pa Huyendi ang pangalan ng lugar. Isa lamang itong kapatagan na maraming puno at maraming halaman. Ang grupo ay nabighani sa ganda ng lugar kaya naman minabuti nilang doon manatili ng ilang araw.

Masaya silang nanatili doon kasama ang kanilang mga pamilya. Isang araw ay napag desisyunan nilang manatili sa lugar. Ilang pangalan din ang naisip nila tulad ng Sapang Bato, Sweet Hills, Mystic River at kung ano ano pa.

Ipinakita ng matanda ang letrato ng Huyenbi na walang bahay at mga tolda lamang ang nagsisilbing lilim ng mga tao doon. Maluwang na kapatagan at may mga kalat kalat na puno. Itinuro ng matanda ang isang letrato na may malaking puno. Namukaan naman ito ni Raza, mas maliit lang ang punong iyon noon pero sigurado siya na yoon ang puno na nakatayo sa gitna ng hardin ng mansyon! Tinignan naman niya ang lola.

"Apat ang punong iyan noon, tig-isa sa bawat sulok ng lugar, noong una ay nagtaka ang grupo pero ipinag-kibit balikat nalamang nila ito. Apat na pamilya din ang bumuo sa lugar. Tayo ang namalagi dito sa hilagang-silangan, ang mga Francisco. Sa Timog naman ang mga Dela Passion, umalis sila sa lugar noong 1953, ang simbahan ang nakatayo ngayon sa dati nilang bahay. Sa Silangan ang mga De Francia, bahay nila ang pinakamalaki, ang tinatawag nilang haunted house ngayon. At sa Kanluran ay ang mga Mendoza, pamilya nila ang nag-angkat ng mga produkto dito sa lugar, kaya marami silang business dito."

"So, sa apat na pamilya, mga Dela Passion at De Francia lang umalis?" tanong ng dalaga. Tumango naman ang matanda. "Bat po sila umalis? At kung umalis po ang De Francia, bat anjan parin yung bahay? Bat tinatawag siyang haunted? Totoo po bang may Kalypso na tumira doon?" magkakasunod na tanong ng dalaga. Napangiti naman ang matanda.

"Ang mga De Francia ang nagpangalan ng Huyenbi. Sabi ng matandang De Francia ay mysteryo daw ang ibig sabihin ng Huyenbi sa salitang Viatnam. Kung bakit mysteryo, well, sabi niya ay dahil ito sa apat na punong nakatayo sa lugar." saad ng matanda at naglabas muli ng letrato.

"Eto si Mr. and Mrs. De Francia. At yan ang mga anak nila, si Catherine, Marcelo at Lorenzo. Sila ang pinakamayaman sa apat na pamilya noon. Mababait din sila. Noong pinatayo nila ang bahay ay hinayaan nilang nakatayo ang puno, ang tatlong pamilya naman ay pinutol ito para gawing upuan, mesa at kama."

Dumungaw siya sa bintana at binuksan ito, ilang segundo pa ay nagpatuloy ang matanda sa pag-alala ng nakaraan...

"Payapa ang lugar at walang nangyaring kung ano, tago ang lugar at malayo sa malalaking bayan kaya naman nung nagsimula ang world war II ay hindi nila ito halos naramdaman. 1953 ay nakatanggap ng telegrama ang mga Dela Passion na namatay ang kanilang lolo, kinailangan nilang umuwi sa Espanya, binigay nila sa mga Mendoza ang bahay na di nagtagal ay ginawa nilang simbahan. By this time ay matanda na ang great grand parents mo. Kaya ako na ang gumagawa ng ilang mga bagay bagay.

Mula sa mga social gatherings, at celebrations. Maayos naman at walang problema. 1970, 50th celebration ng lugar, sineset-up ko ang mga bagay sa town square nung nakita ko si Catherine. Dalagang dalaga parin siya I was 30 back then and she's 40 pero she looked way younger than me. Nahiya pa siya dahil siya lang pupunta noon pero yun din ang panahon na nagpaalam siya. Na-aksidente ang bunso nilang si Lorenzo. Kinailangan siyang dalhin sa mas modernong ospital. Yoon ang huling beses na nakita ko siya at ang mga kapatid niya.

Sa sumunod na araw ay nakita ko nalamang na nag-eempake ang magkakapatid. Naiwan ang mag-asawa, at hindi katulad ng mga kwento sa labas hindi Kalypso at walang sumpang nangyari. Haka-haka lang yun dahil hindi pinagiba ang bahay kahit halos kasing tanda ko na yan. Edwardo at Cresencia ang pangalan ng mag-asawa. At namatay silang payapa. Nauna si Eduardo noong 1985. Umuwi si Lorenzo noon at sinamahan ang ina hanggang 1988. Inilibing sila sa mosileyo ng mga De Francia.

Bago umalis si Lorenzo ay dumaan siya dito sa bahay kasama ang isa sa mga Mendoza, nagkaroon kami ng pagpupulong dahil maaaring hindi na makabalik si Lorenzo sa lugar, sabi niya ay malabong makabalik din ang mga kapatid niya. Inabutan ako ng kasulatan na nagsasabing bawal gibain ang bahay. Isa sila sa mga founding families kaya naman sumangayon kami ng mga Mendoza. Hanggang ngayon ay nakapangalang parin ang bahay at lupa sakanila, ang balita sakin mula sa council ay mayroon daw nagbabayad ng buwis ng bahay at lupa kada taon. Sa tingin ko ay mga apo iyon.

Weeks turned to months, and months turned to years, 50 years later walang kahit isa ang bumisita, maraming lokal ang gusto ng ipagiba ang bahay pero humindi kami ng mga Mendoza.

Nataputol ang kwento ng may kumatok sa kanilang bahay.

Nabitin man si Raza sa kwento ay masaya siyang malaman na 'di haunted ang lugar at hindi totoo ang mga haka-haka. Pero ano nga kaya ang kwento sa likod neto? Masyado lang ba niyang iniisip na may mas malalim pang kahulugan ang nangyari sa pamliya?