webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

19

Isang lingo na ang lumipas matapos ang insidente. Almost back to normal ang mga tao pero di maiiwasang may mga umuusyoso parin. May mga bumibisita sa bahay ng magkapatid para kumustahin sila.

Si Raza naman ay nakakalabas na rin ng bahay pero limited ang oras niya sa labas. Lagi siyang tumatambay sa bahay nila Katleya at Mon.

Si Anthony at ang ama niya ay pinagtabuyan ng mga mamamayan ng Huyenbi. Nadismaya ang council sa ginawa ni Anthony at tinanggap na hindi bubuksan ng magkapatid ang kanilang bahay. Hindi pero makapaniwala ang council sa nangyari at lalong di sila makapaniwala nang hindi nagsampa ng kaso ang dalawa.

"Why did you not press charges?" tanong ni Raza sa dalawa habang naghahain ng pagkain. Nagtinginan ang magkapatid, ayaw nila itong pagusapan.

"We just don't want to be bothered. Pressing charges won't do any good." sabi ni Mon. Naguluhan lalo si Raza sa sagot ni Mon. Why would you not press charges? What if they return and kill you for real this time? Iyon ang mga iniisip ni Raza ngunit di niya magawang tanungin.

"Raza, are you sure your parents are cool that you are hanging out with us?" tanong ni Katleya habang umiinom ng Irish Coffee. Umiling si Raza.

"No--" she answered honestly. Nagtinginan ang magkapatid. "I want to run away from my parents." sabi pa nito napatingin sila sakanya.

"Sigurado ka?" tanong ni Katleya. It reminded her the first time she ran away. Tumango ang dalaga.

"San ka pupunta? Do you have a plan?" tanong ni Mon.

"I plan to go to Sanjati first, mayroon na akong interview na nakaset for next month. I'm leaving this place!" desedidong sabi ni Raza.

"Kung desedido ka, I can definitely help you. Marami akong kakilala sa Sanjati na pwedeng tumulong sa Fashion Design Career mo. Gusto mo ba ipakilala pa kita kay Chihiro Uheda?" deretsong sabi ni Katleya.

"Chihiro Uheda? Yung exclusive designer ng mga elites sa Sanjati?" gulat na tanong ni Raza kay Katleya. Tumango naman si Katleya at inabutan siya ng contact card.

"Yan yung fashion agency ni Chihiro. Sabihin mo lang na kilala mo si Katleya De Francia sigurado ako matutulungan ka niya." sabi naman ni Katleya.

Labis ang tuwa ng dalaga. Dalidali niyang itinago ang contact card at sobrang nagpasalamat kay Katleya. Tumingin naman siya sa relo niya at nakitang magaalas singko na ng hapon. Nagpaalam siya sa magkapatid at umuwi na rin.

"Ate." bungad ni Mon kay Katleya.

"Hmmmm?" ani ni Katleya.

"I just realized, ngayon na wala yung tarantadong reporter na yun dito. Pwede kaya nating makita yung mga gamit niya sa BnB? Hindi niya pa nakuha diba?" tanong ni Mon sa ate niya.

"Aanhin naman natin yung mga yun?" tanong ni Katleya kay Mon.

"Malay mo may ebidensya siya doon diba? Isa pa andun din yung ibang mga hiniram niya satin at kila Raza" sabi ni Mon.

Dumating sila sa BnB ni aling Demetria na binigay naman agad ang susi sakanila. Hindi pa nalilinisan ng matanda ang dugo ni Mon sa sahig kaya naman nagboluntaryo ang magkapatid na linisan ito. Habang iniimpake ang mga libro at papel na hiniram ni Anthony sakanila at sa mga Fransisco.

"Sa tingin mo ate. San kaya nagtatago yung hayop na yun?" tanong ni Mon habang kinakaskas niya ang sarili niyang dugo sa sahig.

"Malamang sa tatay niya. At sigurado akong gagawa yun ng paraan para walang marelease na kahit anong balita sa insidenteng to. After all go parin ang opening ng Huyenbi." kalamadong sabi ng dalaga.

Natahimik naman si Mon at nagpakabusy nalang siyang kaskasin ang dugo sa sahig. Tila naalala niya ang unang beses na namatay siya.

.

..

...

Hindi pa sila umaalis ng ate niya noon sa Huyenbi dahil hindi pa nila alam kung ano ang meron sakanilang dalawa noon. Masayahin parin siya at nakikipaglaro sa mga kaibigan niya. Mahilig silang tumambay sa sapa at magtakutan sa sementeryo. Maging si Katleya ay wala pang ideya sa kanilang sitwasyon noon.

Hanggang isang araw napagdesisyunan ng magkakapatid na mamundok. Mahilig maghiking ang tatlo at mag star-gazing. Doon unang nadiskubre ni Mon ang batuhan sa gilid ng sapa. Naghahanap sila ng panggatong ngunit nawalan siya ng balanse at nahulog sa mabatong paanan ng bundok.

Nataranta noon si Lorenzo at Katleya. Dali dali silang sumaklolo sa kapatid. Di alam ni Lorenzo at Katleya ang gagawin nila. Halos mamatay pero sa takot ang dalawa ng bumangon si Mon na parang walang nangyari.

"Ate? Lorenzo?" gulat pang tanong niya. "Anong nangyari? Bat san ako nasugat? Ang daming dugo?"

Hindi makapaniwala ang mga mata ni Lorenzo at ni Katleya. Hindi rin maintindihan ni Mon ang nangyayari sakanya. Umuwi sila ng kanilang bahay at halos mataranta din ang mga magulang nila. Wala silang masabing sagot dahil walang sagot na lohikal ang tatlo.

Nahulog si Mon. Nabagok ang ulo niya. Hindi siya namatay.

Yun lang ang alam nilang nangyari. Hindi naniwala ang mga magulang nila at nagbiro nalamang na pinaglololoko lang sila ng tatlo.

Ngunit sigurado na sila nang si Katleya naman ang madisgrasya. Back then ay open space lang ang likuran ng bahay nila. Mabato at may kalaliman iyon. Inaayos noon ni Katleya ang batuhan para gumawa ng rock garden. Kasama ang kanyang ina ay naglilipat sila ng mga bato at halaman.

"AAAAHHHH" Nagulat nalamang ang ina ni Katleya nang makitang mahulog ang dalaga sa batuhan. Nataranta ang ina at dalidaling humingi ng saklolo sa asawa. Dumating naman ang ama at halos maluha ng makababa sa batuhan. Walang buhay na nakahandusay si Katleya.

Ngunit wala pang limang minuto ay bumangon ang dalaga. Halos maubusan naman siya ng hininga ng yakapin siya ng ina at ama.

Hindi nila alam kung paanong buhay ang dalaga at naniwala sila na totoo din ang nangyari kay Mon. Pero kung paanong buhay parin sila na tila walang nangyari...

Mirakulo?

Sumpa?

Walang lohikal na sagot ang pamilya. Kahit pa pinatingin nila sa doctor ay wala din silang nakitang kakaiba o mali. Doon na din nagsimulang magpanic ang pamilya. Lahat ba sila ay apektado? Kung sa ganoon ay paano? Kelan?

Maraming katanungan na walang sagot...