webnovel

Forbidden Knowledge: Diary of Sulan

Kung ayaw mong mapahamak wag na wag mo ito babasahin. This book contains of knowledge that the world doesn't know

Aristeia_Lapiz · Fantasy
Not enough ratings
7 Chs

Entry #4

Mayroon akong kaibigan na nagkwento saakin ng kakaiba,  tinatanong kung siya lang ba nakaranas nito... Pipilitin ko alahanin lahat ng sinabi niya at isusulat ko dito... (Nga pala nangyari pa ito around 2013)

"Bes... Di ko alam kung ako lang ba nakaranas nito pero... Kakaiba siya eh... Alam kong alam mo kung anong nangyayari saakin..."

"Nakaraan kasi, habang nakasakay ako sa jeep, yung paningin ko... Bigla na lang nawala tas bumalik pero iba ang nakikita ko... Parang nag g-glitch ako... Di ko maintindihan... Nasa loob ako ng isang tube o tanke? Maraming tubig pero nakakahinga parin ako dahil may nakatabon sa bibig at ilong ko, yung parang sa mga hospital, yung daanan ng oxygen? Basta! Tas habang humihinga ako may mga bubbles akong nakikita... Tas sa likod ng glass, madilim pero may nakikita rin akong tao na nakalagay din sa tube kagaya ko... Pero nawala yun dahil bumalil ako sa reyalidad... Bes, akala ko namamalikmata lang ako pero bumalik yun kanina lang... Pero iba na kasi mga di ko maintindihang nilalang ang nasa harap ko... May sinasabi sila at nafefeel kong parang natataranta sila... Di ko alam kasi may pinipindot sila malapit sa tube kung nasaan ako... At ayun bumalik na naman ako sa reyalidad... Bes... Feel ko di ako to, simula nung nangyari saakin yun... Please... Sabihin mo saakin, bakit ako nagkakaganito? Baliw na ba ako? May mali ba saakin?"

Tiningnan ko siya ng maigi at sinabi kong wag siyang mag alala at mas magandang wala siyang alam... Dahil pag once na alam na niya yung misyon niya ay mabibigo siya at alam kong pagsisihan niya...

Kung nangyayari din ito saiyo, sa susunod na entry ay sasabihin ko ang dahilan ngunit wag na wag mong bubuksan ang sunod na page. Sip the Entry #5 dahil once na malaman mo...

"Log out"

-Sulan-