webnovel

Fool, Frail Heart [ Tagalog ]

She used to be the dugyot at parang kulang sa paligo before. That was five years ago. Kaya nga wala siyang napala sa crush na crush niyang campus heartthrob dati na si Stephen Stonward. On that certain day she confessed her feelings towards him but all that she got was embarrassment and rejection sa gitna ng maraming matang nagmamasid sa kanila. She got judged big time. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring yun to the point that she even decided to follow her parents who is currently residing in States by that time. Stephen was her first love, though he's just loving him from afar. But he's also the first man who broke her fragile heart. After five years, she came back to the Philippines. She's no longer the ugly duckling Shania before. Meet the gorgeous 21 year old Shania Lorraine Gomez. Who still have a resentment towards her ex-crush. She came back to take her revenge. Napakababaw man kung iisipin, pero yun ang nais niya. Gusto niyang ipaghigante ang sakit at pagdurusang naranasan niya sa loob ng higit limang taon. Gagawa siya ng bitag na siguradong mahuhuli niya si Stephen. Isang bitag na kapag nahuli niya ang lalaki ay hahayaan niya lang itong makatakas na may baong sakit at pagdurusa. Ngunit pano kung mismo siya na gumawa ng bitag ay mahulog rin sa matinik at malalim na butas nito? What if her plan backfires in the middle of the process? Kakayanin niya bang umahon sa pagkakahulog ng hindi mangangapa at magdurusa? Kakayanin niya bang isantabi ang pagmamahal na unti-unting nabubuhay sa puso niya para lang maisakatuparan ang paghihiganteng ninanais niya? Kakayanin niya ba? O susuko na lang siya?

FebruaPiscium · Urban
Not enough ratings
15 Chs

CHAPTER SIX [ Part 2 ]

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Paano kapag ako yung gusto niya, hahayaan ko ba? Ay, halaka! Ano ba tong pinagsasabi ko! Get a grip of yourself, Shania! Masama yan! Juicecolored!

Iniwan ko muna siya sa kusina at nagpunta ako sa sala para kunin yung rose na bigay niya bago ako pumanhik sa kwarto ko. Aalis din naman siguro si Stephen after niya maghugas, nakakain na siya. Alangan namang tumambay pa siya dito sa unit ko.

Inilagay ko yung rose sa kulay lavender na vase na nasa study table ko dito sa kwarto. May kasweetan din pala sa buto itong si Stephen.

Malamang. Ang sweet nga pala niya before sa mga babae niya. Sa'kin lang naman hindi kasi chaka doll pa ako noon.

✨ F l a s h b a c k ✨

Naglalakad ako ngayon papuntang locker room. Iiwan ko tong ibang mga gamit ko, pati na rin yung ibang libro na wala naman kailangang aaralin mamaya. Ang dami ng libro eh, sobrang bigat kapag dadalhin ko lahat. Takte! Grade 8 pa lang ako ang dami ng libro. Sana naman next school year, mabawasan ng kaunti. Hehe!

Para akong nabato sa hallway nang makita ko yung crush ko. Shet! Ang gwapo niya talaga.

Nakasandal si Stephen sa isa sa mga lockers, with a piece of red rose in his hand, parang may hinihintay. Baka ako yung hinihintay niya. Pasimple ko namang hinawi papunta sa likod ng mga tenga ko yung iilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko. Dalagang Pilipina, yeahhhh.

Dahan-dahan kong ibinalik ang paningin sa kanya at maglalakad na sana papunta sa kanya nang makita ko ang isang maganda at sexy na babaeng papalapit ngayon kay Stephen. Lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi niya. Pagkatapos ay inabot naman ni Stephen ang kaninang hawak niyang rose kay ate girl. Ahh, siya pala yung hinintay niya. Akala ko ako. Hahahhah! Libre lang naman mangarap diba?

Kitang-kita ko yung saya sa mukha niya nang dumating yung babae. Kinuha niya ang bag nito at isinukbit sa isang balikat niya habang naka-intertwined yung mga kamay nila.  Nagbubulungan pa sila at nagtatawanan nung nagsimula na silang maglakad. So sweet naman. Sana all.

Pero kusa ring naglaho yung mga ngiti sa labi niya nang mapansin niyang nakatingin pala ako sa kanila. May ibinulong siya doon sa girl, tsaka nilampasan ako't nagmamadali nilang nilisan ang locker room. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin o di kaya'y binigyan ng isang ngiti. Okay na ako dun, eh. Buo pa rin naman yung araw ko eh, kasi nakita ko siya. Nakita ko siyang may kasamang iba. Pakshet! Mashakit mga bes.

✨E n d  of  F l a s h b a c k✨

I even followed them that day. Ewan ko baliw nga talaga ako noon. And guess what I saw? They're kissing dun sa likod ng room namin. Nadouble kill yung puso ko nung araw na yun. Nagsisi ako kung bakit sinundan ko pa sila. Para tuloy akong lantang gulay pag-uwi sa bahay.

Malas naman at nasa sala si kuya Lucas nun, nagri-review kaya nakita niya akong parang pinagsakluban ng langit.

"Brokenhearted ka na naman, kapatid? Okay lang yan. Panget mo kasi."

Oh dibah? Napakabait na kuya. Imbes na icomfort ako dinagdagan niya pa yung sakit sa puso ko.

Hayyy.... Enough with the hark backing Shania.

Iidlip muna ako saglit. Sigurado namang nakauwi na yung Stephen na yun.

Inaantok talaga ako, tagal ko kasing nakatulog kagabi eh. Pakisisi si Stephen, please.

Hapon na nang magising ako, buti naman at wala na yung gwapong gago dito sa unit ko. Aba ang kapal naman ata niya kung pati pananghalian dito pa rin siya makikikain. At sana wag na siya bumalik, mauubos yung stocks ko ng mabilis dahil sa kanya eh.

The next day bumalik na naman siya may dala na namang rose, nakikikain na naman ng breakfast. After kumain siya yung maghuhugas ng pinagkainan namin, nagi-insist eh. Kaya iniiwanan ko na lang rin siya sa kusina at papanhik na ako sa kwarto ko.

Tapos sa susunod na mga araw pa, araw-araw rin siyang may binibigay na rose sa akin. Nasasanay na nga lang ata ako na sa bawat breakfast kasabay ko siya.

Nagising ako dahil sa marahang pagyugyog ng balikat ko. Teka nga, at sino naman ang gumigising sa'kin ngayon? Last time I check, ako lang naman ang mag-isang nakatira dito. Shocks! M-multo?

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa isiping baka may multo nga sa kwartong ito. Takot po ako sa multo. Biglaan akong bumangon kaya ganun na lamang kasakit ang natamo ng noo ko nung tumama ito sa parang matigas na bagay. Shit! Naalog yung utak ko dun ah! Ang sakit! Feeling ko magkakabukol ito mamaya. Pero saan naman ako naumpog?

"Awwww!" Mabilis kong dinaluhan si Stephen nang makita ko siyang nakasalampak sa sahig habang hawak-hawak rin yung noo niya. Shit! Sa kanya pala ako naumpog. Bakit ba kasi nandito pa siya? Akala ko ba umuwi na siya? Aish!

"U-uy! A-ayos ka lang? Sorry hindi ko s-sinasadya, nagulat ako eh. Patingin nga." I move closer to him atsaka ko hinawi yung kunting buhok niyang nakatabon sa noo niya. Namumula na nga at parang bumubukol na. Mas malala pa ata ang natamo niya kaysa sa akin eh.

Nagbaba ako ng tingin kay Stephen para sana yayain na siyang bumaba at para na rin madampian ng yelo yung bukol niya. But I couldn't even utter a single word. Heck! Our faces were just an inch away from each other. Kaunting galaw lang ay siguradong magkakalapat na ang mga labi namin. Bakit ba kasi hindi ko napansing sobrang lapit ko na pala sa kanya.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya at ganun rin siya sa akin. Nakita ko siyang bumaba yung tingin niya sa mga labi ko. Shocks! Yung puso ko ayaw ng magpaawat sa pagtibok ng malakas, parang gusto na niyang lumabas sa ribcage ko. And my face is flushing red as tomato right now.  Sino ba ang unang babawi ng tingin at lalayo? Ako ba? Itutulak ko ba siya?

Pero parang ang harsh ko naman kapag ganun. Nasaktan na nga siya dahil sa akin, itutulak ko pa. Teka, baliktad ata?

Napakagat-labi nalang ako dahil sa tensyong nasa pagitan namin.

***•••

Stephen's  POV

"U-uy! A-ayos ka lang? Sorry hindi ko s-sinasadya, nagulat ako eh. Patingin nga." She moved closer to me, bago niya hinawi yung kaunting buhok ko para tingnan yung noo ko.

Concern is visible in her face. Hindi ko na nagawang sabihin sa kanya na ayos lang ako, nabigla ako sa mga hawak niya. Hindi niya ba napansing sobrang lapit na niya sa akin. Nakakabakla mang aminin, but hell yeah.... I'm turning red now, my face, my ears. Damn! Raine! What did you just do to me?

Kung kanina ay hindi ako nakapagsalita, ngayon naman ay parang hindi na ako makahinga sa sobrang lapit niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Isang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin. And I can't help myself but to admire her beauty at this close.

My heart thump, as if he's loving the moment we're in this moment. Is it really possible for a person to get truly attached to someone who you just knew for month? Yeah, one month had past since I accidentally saw her at the mini park. I followed her, then found out that she lives at the floor same as mine.

Since that day, there's something inside of me, shouting that I want to see her. I'd been ceasing myself not to do so. But now, here I am inside her condo unit. Facing an inch away from her. Nakatitig sa mga mata niyang kay ganda.

F*ck!

I'm having a hard time now fighting myself not to do what I wanted to do. Iniwas ko ang paningin ko sa mga mata niya, but I guess, I just did a wrong move. Kasi napunta lang naman ang paningin ko sa mga labi niyang parang kay lambot hawakan at kay sarap halikan.

Darn it! Could she take a single step away? Pwede bang siya na lang ang unang magbawi at mag-iwas ng paningin? Kasi ako? I won't! Magtitigan man kami buong araw dito ay hindi pa rin ako magbabawi ng paningin.

So, please Raine! You're torturing my mind right now. Step back. Before I could do something that's not likeable for you, but it's pleasurable for me. Step back. Before I could give of the consequences you deserve for getting this near to me. Step back, kundi hahalikan talaga kita.

Darn it! What am I saying?

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, then count seconds at the back of my mind. Akala ko ba hindi ikaw ang unang magbabawi  ng tingin, Stephen? And you just f*cking close your eyes to avoid your gaze away from her.

Kapag siya nasa harapan ko pa rin pagkabukas ng mata ko, ha! Pasensyahan na talaga. I won't hold myself anymore.

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata after ten seconds. At parang nawala yung bagay na nakadagan sa puso ko kanina nang makita ko siyang nakatalikod na sa akin. Hoooh! Buti naman. Hindi niya ako hinayaang magkasala.

"M-mauna na ako sa b-baba." Sabi niya sa akin without glancing at me.

Tumayo siya at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Oo, kwarto niya pero siya ang unang lumabas. Tsk. Manakawan nga. Haha! Biro lang.

I roam my gaze around her cute pink with a touch of lavender painted room. Babaeng babae. Unang beses kong pumasok dito. Until my sight darted to a pair of her black undergarments on the floor. Awtomatiko ko namang naramdaman ang pag-iinit ng tenga ko. Malala ka na, Stephen. Malala ka na. Aish!

"Bakit ba kasi nasa sahig to?"

Nanginginig ang kamay at pikit mata ko itong pinulot at ipinatong sa kama niya. Baka madumihan. You shall thank me for doing this, Raine. Pasalamat ka talaga at hindi ko naisipang ibulsa to.

Hindi nga ba?

Well... Hindi ko sure.

Phew! Staying for a few more minutes in her room isn't a good thing to me. Madudungisan ang pagkalalaki ko. Hahahahahaha! Masundan nga si Raine sa baba at ng masimulan na.

I mean makakain na. Syempre, makikikain ako ulit, ako kaya yung naghanda at nagluto.

Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa unit niya para makikikain. Nung una ay naasar pa siya sa akin, minsan nga inaaway pa ako eh. Kaya ang ginawa ko?

Araw-araw ko siyang binibigyan ng tig-isang pirasong rose, I just noticed na paborito niya ito. Araw-araw kasing may dumadaang ale na nagtitinda ng mga rosas sa building na'to, at araw-araw rin akong bumibili sa kanya. Kaya ayun, kalaunan ay parang nasasanay na rin si Lorraine sa kagwapuhan ko.

Nakakalungkot kaya kumain mag-isa at totoo naman talagang tinatamad akong magluto, kaya nakikikain ako dito palagi. Pero ngayon, sinipag ako magluto kaya pinagluto ko siya.

Diba, kadalasang sinasabi nila ay yung, 'a way to a man's heart is through his stomach'. Ngayon iibahin natin.

Dapat ganito, 'a way to a woman's heart is through her stomach', yun kung marunong kang magluto. Pero kapag hindi, ay naku, problema mo na yun.

Basta ako, marunong akong magluto.