webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · Urban
Not enough ratings
129 Chs

THE UNEXPECTED MARRIAGE

Bago lumabas ng kwarto ay lumapit muna siya sa ina at naupo sa gilid ng kama saka hinawakan ang kamay nitong lagi na'y nanlalamig na tila walang dugong dumadaloy doon. Pinisil-pisil niya 'yon.

"Ma, aalis po muna ako ha? Si Harold muna ang bantay niyo. Bukas nang umaga, bibisita ako sa puntod ni papa," pumiyok ang kanyang boses pagkasambit sa ama.

Hindi man lang kasi nila nabisita ang burol ng huli dahil naka-focus sila sa pagbabantay sa ina at si Harold ay araw-araw ding umuuwi para bisitahin ang mga kapatid subalit pagkatapos ng tatlong oras ay bumabalik din ito sa ospital para samahan sila do'n.

Mabigat man sa kanilang loob pero hinayaan na lang nilang ang kabit nito ang mag-asikaso sa lahat maging sa pagpapalibing sa kanilang papa. Hanggang nang mga sandaling 'yon, 'di pa rin malinaw sa kanya kung ano talaga ang nangyari sa mga magulang. Si Anton nama'y 'di pa rin niya nakikita hanggang ngayon kaya wala silang mapagtanungan sa mga pangyayari sa labas maliban sa mga kinukwento ni Mamay Elsa na kagagawan daw ng kabit ng papa nila ang nangyari sa mga magulang. Ang sabi pa nito, isa palang director ang ama ni Anton sa NBI at nagkunwari lang professor sa pinapasukan niyang university para lang masubaybayan ang kanyang papa at ang magkapatid na sangkot sa druga, ang kabit ng ama at ang kapatid ng kabit nito.

"Ma, patawarin mo ako sa gagawin ko pero ito lang ang paraang alam ko para patuloy kayong mabuhay." Garalgal na ang kanyang boses at bago pa siya tuluyang mapaiyak ay hinalikan niya sa noo ang ina saka mabilis ang mga hakbang na lumabas na ng kwarto.

Kung nanatili sana siya kahit isang minuto lang, makikita na sana niyang gumalaw ang hintuturo ng ina.

Habang nasa loob ng elevator, si Dixal na ang laman ng kanyang utak. Nakahanda na siyang ibigay ang kahilingan nito. Isang linggo rin siyang gabi-gabing lihim na lumuluha sa 'di matanggap na pagbabago ng ugali ng binata. Pero ngayon, tanggap na niya ang lahat. Mayaman ang lalaking minahal niya, natural lang marahil dito ang gumastos ng pera para lang makuha ang gusto at 'yon nga ang ginawa sa kanya.

Pero hindi niya ito kayang kamuhian. Kahit anong gawin niya, nananatiling tumitibok ang kanyang puso para sa lalaki. Ito ang kanyang first love at 'di na mababago 'yon kahit sabihin pang pinaglaruan lang siya nito.

Malayo ang kanyang iniisip habang naglalakad sa lobby kaya't laking gulat niya nang may umakbay sa kanya. Pipiglas sana siya pero nagsalita ang binata.

"Amor, come with me," ani Dixal.

Nagulat ma'y hindi siya tumutol. Hindi na niya kailangang magpuntang Sogo para lang makipagkita rito.

Wala silang kibuan habang naglalakad hanggang makapasok sila sa loob ng kotse.

Pagkaupo pa lang ng binata sa driver's set ay ipinako na agad nito ang paningin sa kanya, sinipat siya na tila ngayon lang sila muling nagkita sa loob ng mahabang panahon pagkuwa'y dumukwang sa kanya.

Mabilis siyang kumilos sa kabila ng biglang pagkabog ng dibdib.

"Ako na ang magkakabit ng seatbelt ko," maagap niyang sambit.

Subalit nanatili sa gano'ng posisyon ang binata hanggang sa iangat niya ang mukha. Iyon lang ang hinihintay nito't agad nitong sinakop ang nakaawang niyang mga labi na 'di man niya sadyain ay tila naghihintay na sa gano'ng pagkakataon.

Napasinghap siya agad kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Ahh, 'di niya kayang dayain ang sariling katawang kusang sumusuko sa binata.

"Just sex honey, no strings attached and we're even," biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig dahilan upang bahagya niya itong itulak.

"Oh, sweetie. Just can't help wanting you," tila nahihirapan nitong sambit saka siya kinabig at mahigpit na niyakap.

"Amor, I can't wait for your birthday to come," anas nito.

Naguluhan siya sa sinabi nito at wala sa sariling sumagot, or was it her heart who betrayed her?

"Today is my birthday."

Narinig niya ang marahan nitong pagtawa na tila tuwang-tuwa sa sinabi niya.

'Ano'ng nakakatuwa do'n?'

Kaarawan niya ngayon, pero imbes na maging masaya, heto siya't pinaglalaruan ng binata at gustong kunin ang kanyang pagkababae na parang wala lang para dito.

"Amor, let's get married."

"Ha?" bulalas niya, agad na natuliro ang isip. Pa'nong nabanggit nito ang salitang kasal kung ayaw nito ng commitment? Isa ba iyon sa mga plano ng binata para hindi ito mahirapang pasunurin siya sa kahit ano'ng gustuhin nito?

Hindi, baka nagkakamali lang siya ng dinig.

Pero wala siyang lakas ng loob na magtanong kung tama ang sinabi nito't hinayaan lang ang binata sa gusto nitong gawin.

Umayos ito ng upo saka kinuha ang phone sa bulsa. Maya-maya'y may kausap na ito pero ang tangi lang niyang naintindihan sa mga sinabi nito'y --"We'll be there in twenty minutes. Make sure everything is well prepared," saka bumaling sa kanya.

"Give me your phone."

"Ha? Wala sakin, naiwan ko sa--" ngunit napahinto siya nang makapa ang phone sa bulsa ng pantalon.

Ang akala niya'y hindi niya iyon nadala. Pa'no pala makakatawag si Harold kay Mamay Elsa kung nasa kanya ang phone?

Bago pa siya nakakilos kinuha na ng binata ang smartphone sa bulsa niya saka itinapon iyon. Nagulat siya sa ginawa nito.

"Bakit mo itinapon? Kailangan ko 'yon."

Lalabas na sana siya nang itapat sa mukha niya ang phone na gamit nito.

"I'll give you this," agad nitong sagot.

Naguguluhang bumaling siya rito, blangko ang ekspresyon ng mukha subalit isang matamis lang na ngiti ang isinagot nito't agad nang pinaandar ang sasakyan saka mabilis iyong pinaharurot.

Wala siyang maarok sa itinatakbo ng isip ng binata. Ni hindi niya maintindihan ang mga ikinikilos nito. Pero nanatili siyang tahimik, ayaw niyang magtanong man lang. Hahayaan niya ito sa gusto nitong gawin basta 'wag lang nitong hayaang mamatay ang kanyang ina. Kailangan nito ang kanyang katawan at kailangan naman niya ang pera ng lalaki para manatili ang ina sa ospital. Kung hindi siya tutupad sa pangako dito'y baka ipatanggal agad nito ang mga aparatung nakakabit sa kanyang mama. Buo na ang kanyang desisyon, hahayaang niyang manipulahin siya ng binata sa araw na ito, at kapag nagising na ang kanyang ina, ipinapangako niyang hindi na magkakasalubong pa ang kanilang mga landas.

------

NAGULAT si Flora Amor sa bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nasa loob sila ng sasakyan ng binata, ngayon nama'y nasa loob na sila ng Attorney's office kaharap ang isang abugado habang nasa likod si Lemuel at ang asawa nito.

Wala siyang maunawaan sa nangyayari. Gulung-gulo ang kanyang isip. Ang akala niya'y nagbibiro lang ang binata at hindi rin tama ang pagkakarinig niya kanina. Subalit heto't sinusuot na nito ang singsing sa kanya at wala man lang siyang ginagawa para tumutol gayong kanina pa'y kitang-kita niya ang matatalim na tinging ipinupukol ni Lemuel sa kanya at ang mga mata nitong dismayado sa naging desisyon ng binata.

"You may now kiss the bride."

Kinabig siya agad ni Dixal saka puno ng pananabik na siniil ng halik. Hanggang ng mga sandaling 'yon, wala siyang magawa kundi ang magpatianod na lang sa nangyayari sa takot na baka magbago na naman ito ng desisyon. Subalit aminin man niya o hindi, para siyang lumulutang sa alapaap sa halik nito hindi dahil kasal na sila kundi ramdam niya ang pagmamahal ng binata sa simpleng ginagawa nito sa kanya. 'Di niya mapigilang kumapit sa batok nito at mapaungol saka gumanti ng halik dahilan upang lalong sumidhi ang pagnanasa nito saka kinabig ang kanyang beywang.

"Uhummm!" Biglang umubo si Lemuel, nagulat pa sila pareho at kunut-noong napatingin sa paligid.

IKINASAL sila nang gano'n lang kasimple, nagpirmahan ng papeles ng gano'n lang kabilis. Ilang "Congratulations!" tapos iyon na, tapos na ang kasal.

"What have you done Dixal? Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon ngayon. 'Di ka talaga nag-iisip," narinig niyang wika ni Lemuel nang makalabas na sila sa attorney's office at akbayan nito ang ngayo'y asawa na niyang si Dixal. Wala itong pakialam kahit katabi niya ang lalaki.

"This is my business, not yours," maikling sagot ng huli.

Nanatili lang siyang tahimik, pilit inia-absorb sa isip ang mga nangyari kanina lang pero kahit ano'ng gawin niya, hindi talaga pumapasok man lang sa utak niya ang reyalidad na mag-asawa na sila ni Dixal. Mas paniniwalaan pa niyang isa na naman itong plano ng lalaki para hindi na siya makawala at tuluyan siyang magpasakop dito, ngunit iba ang isinisigaw ng kanyang pusong kanina pa nagdiriwang sa tuwa, tila may sariling utak iyon, may bibig na paulit-ulit na isinasambit sa nagdududa niyang isip na mahal siya ng lalaki kaya siya pinakasalan.

'May kasal bang mabilisan? Pinapaasa ka lang niya. 'Pag nagsawa na siya sa'yo saka niya sasabihing peke ang kasal niyo!' 'di nagpatalo ang kanyang isip at kumuntra agad.

Anuman ang pinaplano ng lalaki, buo pa rin ang desisyon niya, lalayo siya pag nagising na ang ina at 'di na magpapakita rito kahit kelan.