webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · Urban
Not enough ratings
129 Chs

BETWEEN LIES

Hindi alam ni Flora Amor kung bakit gigil na gigil siya habang pasulyap-sulyap sa dalawa sa unahan at nakikitang pinupunasan ng finance director ng tissue ang noo ni Dixal. Mangani nganing batuhin niya ng bag ang mga ito lalo na ang lalaki.

'Babaero talaga. Hindi man lang inawat ang kamay ng babae!' hiyaw ng kanyang isip.

"Dixal, naiinis ako kay Shelda. Okay lang naman sa'kin kahit siya ang pakasalan mo, pero 'pag nakikita niya ako, lagi niya akong inaaway. 'Di ko naman siya ginagalaw." sumbong ni Veron sabay hilig ng ulo sa balikat ng lalaki.

Lalong humaba ang nguso niya't naikuyom ang mga kamao.

'Grrrrr. Walanghiyang 'yan! Sarap na sarap sa ginagawa sa kanya," pag-aalburuto niya lalo habang panakaw ang sulyap sa mga 'to hanggang sa mahuli ng lalaki ang matatalim niyang titig, sa halip na magtaka ay naningkit ang mga mata nito't nagpakawala ng nakakalokong ngisi. Iyon ang naabutan niya nang panakaw na uling sumulyap dito.

Gigil na gigil siya't gusto nang ihampas ang bag sa ulo nito sa sobrang inis.

Kung pwede lang lumabas sa kotseng iyon habang tumatakbo'y ginawa niya na. O 'di kaya pahintuin ang sasakyan at siya na lang ang lalabas.

Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga, kinontrol ang nararamdaman saka humalukipkip at ipinako ang tingin sa labas ng pinto. Kung ipapahalata niyang nagseselos siya---wait, wait. 'Di siya nagseselos.

Nanggigigil lang siya sa galit sa ginawa nito kagabi at 'di pa nga siya nakakaganti, pero heto ngayo't lumalandi na ito sa ibang babae liban sa fiancee sa harap niya pa mismo.

Subalit, kung ipapahalata niyang nanggigigil siya'y baka mas lumapad ang apdo nito't lalo siyang inisin.

'Makakaganti rin ako sayong hinampak ka!'

Ngunit kahit anong gawin niya at isipin, 'di pa rin niya maiwasang mapasulyap sa dalawa hanggang sa mapansin niyang inilalapit ni Veron ang mukha sa nagmamanehong lalaki.

Awang ang mga labing napatitig siya sa mga ito.

'Aba! Aba, Dixal sumusobra ka na ha? 'Wag kang magpapahalik. 'Wag na wag kang magpapahalik!' tutol ng kanyang isip.

Napaangat ang pwet niya sa upuan nang isang pulgada na lang at mahahalikan na ito ng finance director.

At nagulat ang dalawa nang biglang dumapo ang palad niya sa pisngi ni Dixal.

"Hey, what are you doing?"

"Ma'am, may dumapong lamok sa pisngi ni sir. Pero napatay ko na. Laking lamok no'n. Buti na lang napatay ko." Nakakalokang ngisi ang kanyang pinakawalan sa babae saka umayos ng upo sa likuran at ipinako na uli ang tingin sa labas ng bintana.

"That girl is crazy. Hindi ko naman nakitang may lamok sa pisngi mo," pabulong na sambit ni Veron sa lalaki habang pairap na lumingon sa kanya.

Inilamukos ni Dixal ang kamay sa mukha at lihim na nagpakawala ng matamis na ngiti sa halip na mainis saka siya panakaw na sinulyapan sa rearview mirror.

'Amor, I love it when you're jealous.' hiyaw ng isip nito.

'Asungot na 'yon! Kung 'di pa ako gumawa ng paraan, magpapahalik talaga siya. Mamaya ka lang. Talagang 'di ako titigil hanggat 'di ako nakakaganti sa ginawa mo sakin kagabi!' Kumikibot-kibot ang bibig niya sa sobrang inis na nararamadaman.

"You know what Dixal, mas bagay talaga sa PA mo ang ma-assign sa ginagawang bagong building kasama ng project manager. I think they'll be a perfect match," suhestiyon ni Veron nang muling matalim na sumulyap sa kanya.

Sa biglang prenong ginawa ng lalaki'y napasubsob na marahil ang katabi sa harapan ng sasakyan kung hindi nakakabit ang seatbelt nito.

Mabuti na lang din at nakakapit na siya sa likod ng upuan ni Veron hindi pa man nagpipreno si Dixal, kung hindi'y baka nayupi na ang pisngi niya sa pagkakangudngod sa bintana ng kotse.

Sisigaw na sana siya ng, "Ano ba!" subalit natahimik nang magsalita ito sa matigas na boses.

"Am I asking your opinion?"

Sa salubong nitong mga kilay ay halatang 'di nito nagustuhan ang sinabi ng kababata.

Natigilan ang huli, umawang ang bibig para sana sumagot pero agad na binuksan ng lalaki ang pinto ng kotse at padabog na lumabas.

Nagmamadali ring lumabas si Veron at

hinabol si Dixal na nagpatiuna nang tumungo sa elevator.

Siya nama'y naguguluhang napatingin na lang sa dalawa. Kanina lang ay naglalampungan ang mga ito. Pero bakit sa isang iglap lang ay bigla nagalit si Dixal? Marahil ay 'di nito nagustuhan ang ibinulong ng babae kanina lang. Sobrang hina kasi ng bulong na 'yon, di niya narinig masyado.

Pagkalabas ng sasakyan ay nakita agad niya ang dalawang magkasama sa loob ng VIP's elevator.

Susunod na sana siya nang biglang tumunog ang kanyang phone.

"Amor, kelan ka uuwi? Ibili mo akong smartphone," hirit agad ni Devon hindi pa man siya nakakapag-"hello."

"Smartphone? Ano'ng gagawin mo do'n eh napakabata mo pa para gumamit no'n?" Bahagya pang tumaas ang kanyang boses sa narinig.

"Amor, I need a phone," giit nitong kapansin-pansin ang panginginig ng paos nitong boses.

'Nagtatantrums na naman ba ang batang to?' naitanong niya sa sarili.

"Baby ko, kumain ka na ng aroscaldo para makainom ka na ng gamot."

Kumunot agad ang noo niya sa narinig na sinabi ng ina.

"Bata, pakausap nga kay mama. Ibigay mo muna ang phone sa kanya," utos niya sa anak.

"Flor, pagbigyan mo na ang anak mo't nahihirapan akong painumin siya ng gamot," hiling agad ng ina.

"Ma, ini-spoil mo na naman ang batang 'yan. Ano bang sakit niyan at paiinumin mo ng gamot?"

"Hindi ko siya ini-spoil. Kilala mo naman 'tong anak mo, 'pag may gusto eh namimilit hanggang pagbigyan mo. Pero 'pag ayaw, ayaw talaga. May lagnat lang naman, 39.50 degrees. Kaso ang ina, walang pakialam sa anak niya, ni 'di umuwi kagabi para asikasuhin ang sariling anak!" Pambabara nito sabay pasaring sa kanya.

Duon na siya nakaramdam ng kaba para sa bata. 39.50 degree Celsius? Mataas na ang lagnat na 'yon para sa anim na taong gulang na bata tulad ni Devon.

"Ba't 'di niyo siya dinadalang ospital, Ma? Taas na ng lagnat niya ah!" Sa pag-aalala sa anak ay napataas na naman ang boses niya.

"Ayaw nga niya. Gagaling daw siya basta bilhan mo lang daw siyang smartphone." sagot ng kausap.

"Pambihira! Pakausap nga uli sa batang 'yan."

Maya-maya'y kausap na niya uli ang anak.

"Bata, magpadala ka na sa ospital. Ang taas pala ng lagnat mo," nag-aalala niyang pakiusap dito.

"Amor, ibili mo akong smartphone." Iyon pa rin ang sagot ng bata kaya't napilitan na siyang tumango.

"Si--ge basta kumain ka na't uminom agad ng gamot. Pag-uwi ko mamaya, may smartphone ka na. Pero 'pag 'di ka uminom ng gamot, walang smartphone," pagbibigay niya ng kondisyon.

"Mama, kakain na po ako at iinom ng gamot. Pero ayuko po sa ospital. Sabi ni daddy pupunta raw siya rito 'pag magaling na ako."

'Daddy?!' bulalas ng kanyang isip. Sino ang tinatawag nitong daddy? Imposible namang si Harold at alam naman nitong uncle nito si Harold, Pappy nga lang ang tawag ng bata sa kapatid. Si kuya Ricky niya? Tatay naman ang tawag nito doon. So, sino ang tinatawag nitong daddy?

"Bata, sino'ng---" usisa niya ngunit pinatay na nito ang tawag. Tatawag na sana siya uli nang marinig ang boses ni Dixal mula sa kanyang likuran.

"Do you have a child, Amor?" deretsahan nitong tanong.

Muntik na siyang mapalundag sa gulat pagkarinig sa boses nito at agad humarap sa lalaking salubong ang mga kilay na tumitig sa kanya. Bakit andito ito? 'Di ba't nakita niya itong nasa loob na ng elevator? Asan ang finance director?

"Who are you talking 'to? Anak mo ba 'yon?" pag-iiba nito sa tanong. Kung ga'no kaseryoso ang mukha nito kaninang lumabas, mas higit pa seguro ngayon habang salubong ang mga kilay na naghihintay ng kanyang sagot.

"H-hindi.W-ala! K-kapatid ko 'yon, bunso namin," maagap niyang sagot, pautal nga lang saka agad iniiwas ang tingin dito pero nagtaka rin sa biglang lumabas sa kanyang bibig. Bakit kailangan niyang magsinungaling sa lalaki? Pero wala siyang balak magsabi ng totoo at alamin kung naniniwala ba ito sa sagot niya o hindi.

"Anong pangalan ng bunso niyo?"

She had no choice but to stare back at him with the same curiosity as his. Bakit curious itong malaman kung anong pangalan ng bunso nila? Kelan pa ito naging mausisa about sa family niya?

"H-indi mo siya kilala," tipid niyang sagot subalit 'di niya inaasahang hahablutin nito ang kanyang braso't hihilain palapit rito hanggang sa magdikit ang kanilang katawan, pero ewan niya kung bakit sa halip na kabahan sa nakikitang kakaibang galit sa mukha nito'y mas napansin niya ang tila kuryenteng bumalot sa buo niyang katawan nang maglapat ang kanilang mga dibdib.

"I really hate liars, Amor. I can tolerate anything as long as you're not lying to me. But If what you said this time is a lie, you're surely be punished for it!" Mahina lang ngunit nasa bawat salita ang diin sa mga sinabi nito patunay na hindi ito nagbibiro.

Nakaramdam tuloy siya ng takot ngunit ayaw niyang ipahalata iyon kaya sa halip ay pumiglas siya't binawi rito ang braso.

"Sino kaya sa atin ang sinungaling? Don't tell me nakalimutan mo na agad ang ginawa mo sakin kagabi para lang mapasunod mo ako sa gusto mong mangyari!" pang-aakusa niya.

Nailamukos nito ang kamay sa mukha.

"I have all the rights to do that, Amor. Asawa kita. Hindi kita hahayaang matulog sa ibang bahay liban sa bahay natin," katwiran nito.

"Siraulo ka! Kung anu-anong pinaggagawa mo sakin kagabi, pinahabol mo pa ako sa aso, tapos sinabi mo pang ang lakas ng ungol ko eh wala naman palang nangyari sa'tin. Right mo pa rin bang magsinungaling sa'kin nang gano'n? Halata namang sinungaling ka't pinaglalaruan mo lang ako, tapos ikaw pa may ganang magalit ngayon? Kapal naman ng mukha mo!" panunumbat niya.

Ito naman ang natahimik at agad lumingon sa paligid kung may tao sa malapit at nang masegurong sila lang ang ando'n ay saka lang uli ito bumaling sa kanya.

"Let's forget about it, Amor. Come, may inihanda akong pagkain para satin." Mahinahon na ang boses nito nang muling magsalita.

"Anong inihanda para sa'tin? Inihanda kamo para sa anniversary niyo ni Shelda!" hiyaw niya. Ngayon niya gustong manggigil sa lalaki sa galit. Tutal naman, ito ang nagsimula, siya lang naman ang tatapos.

"What?! Anong anniversary?" gulat pa nitong bulalas. "Amor, I don't know--"

"'Tamo, napakasinugaling mo talaga! Mismong vice-chairman nga ang nagsabing pinapupunta mo si Shelda sa office niya kasi may inihanda ka para sa anniversary niyo ng fiancee mo. Hindi ka ba naaawa sa fiancee mo't imbes na siya ang kasama mo kanina'y 'yong finance director ang dinala mo sa site para sunduin ako? Wala ka talagang puso. Kala mo 'di ka nakakasakit sa damdamin ng mga babaeng tinutuhog mo!" Mahaba niyang litanya habang litid ang mga ugat sa leeg sa galit. Kahit magalit ito sa kanya ngayon, wala siyang pakialam basta mailabas niya lang ang laman ng dibdib na kanina pa gusto kumawala mula nang malaman niyang inisahan na naman siya nito kagabi.

"Hey, isa lang ang sinabi ko, pero ang dami mo nang inakusa sa'kin. I don't know about that anniversary. Isang anniversary lang ang alam ko, anniversary lang natin. Tsaka hindi kita pinaglalaruan. Pa'no kitang paglalaruan eh asawa kita," pagtatanggol nito sa sarili, hindi alam kung matutuwa o maiinis sa mga sinasabi niya. Pero halatang pinipigilan nitong ngumiti sa nakikitang panggagalaiti niya.

"Sinungaling! Our anniversary your ass! Walang anniversary sa ating dalawa't hindi kita asawa, ni hindi kita bf at lalong never kitang magugustuhan bilang bf ko, mas higit bilang asawa ko! Ang usapan natin 'pag napatunayan kong hindi nga kita kilala, 'di mo na ako guguluhin pa. Bukas na ang katapusan ng kasunduan natin. Pag natapos 'yon, ayuko nang maging PA mo. Kahit saan mo ako i-assign basta wag lang akong maging PA mo!" Pagkahinto lang ng bibig niya mula sa mahabang patutsada'y binirahan na niya ng talikod sa lalaki at nagmamadaling tumungo sa elevator katapat ng VIP's elevator subalit nahawakan siya nito sa kamay at hinila siya papasok sa VIP's elevator.

Natural na nagpumiglas siya pero bigla siya nitong binuhat nang 'di na siya makapalag.

"Walanghiya ka talaga. Ibaba mo ako!" Lalo siyang nanggalaiti sa galit subalit hindi ito sumunod.

Ilang beses niyang binayo ng kamao ang dibdib nito para lang ibaba siya subalit tila 'di ito apektado sa ginagawa niya hanggang sa siya na rin ang sumuko.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" kunut-noo niyang tanong nang mapansing ando'n na sila sa secret elevator nito.

Nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang 'di na ito magsalita subalit kitang-kita sa salubong nitong mga kilay at makulimlim nitong mukha ang 'di maipipintang galit na mas matindi pa yata kanina. Bakit? Ano bang nasabi niya't gano'n na lang ang naging reaksyon nito?

"D-dixal, ibaba mo ako," kinakabahan na niyang utos sa lalaki habang mahigpit na nakakapit sa leeg nito. Mas nakakatakot pala ito 'pag 'di nagsasalita.

Napalunok siya nang sa pagbukas ng elevator ay silid agad nito ang tumambad sa kanilang harapan.

"D-dixal, i-baba mo ako," pakiusap niya rito, tila lahat ng tapang niya kanina lang ay biglang naglaho. Takot naman ngayon ang kanyang nararamdaman.

Napahiyaw pa siya nang bigla siya nitong ihagis sa ibabaw ng kama subalit tila umurong ang dila niya't 'di man lang magawang magalit.

"What are you doing?" Ang lakas na ng kabog ng kanyang dibdib pagkakita sa lalaking naghuhubad ng coat at polo saka sumampa sa kama.

"Let's see kung never mo nga akong magugustuhan. I'm not your husband, huh? " kulang na lang magkarun ito ng sungay sa paningin niya para masabi niyang tila naging halimaw ito sa galit sa sinabi niya kanina.

"D-dixal, stop kidding me. H-hindi ka na nakakatuwa," pilit niyang nilabanan ang takot na nararamdaman habang isinisipa ang mga paa paakyat sa headboard ng kama upang maiwasan ang galit na lalaki.

"You're forcing me to claim what's really mine, Amor!" tiim-bagang nitong sambit, at sa isang dukwang lang ay agad siya nitong nahuli't biglang dinaganan.

Napasigaw siya sa takot at pinagbabayo ang dibdib nito subalit wala yong epekto sa lalaki, sa halip ay lalo pa itong nagwala''t hinawakan ang dalawa niyang mga braso't inilagay sa kanyang uluhan.

Nagsimula siya nitong halikan sa leeg, marahas, madiin sa balat, masakit, ni 'di niya iyon matatawag na halik. Ang nararamdaman niya lang ay tila siya nito pinaparusahan sa mga sinabi niya kanina.

"Dixal, stop it!" saway niya habang iniiwas ang mga labi mula rito hanggang sa mahuli nito iyon at siilin siya ng masakit na halik saka kinagat ang ibaba niyang labi na 'di niya alam kung dumugo ba iyon pero nasaktan siya sa ginawa nito.

Nagpumiglas siya upang makasagap ng hangin sa ginagawa nito.

"Dixal, you're hurting me," mangiyak-ngiyak na niyang sambit sa lalaki pero hindi pa rin ito tumitigil sa ginagawa hanggang sa mapagod na siya't 'di na nagawang pumiglas subalit napahikbi siya't agad tumulo ang luha sa mga mata.

Sa wakas ay tumigil ito sa ginagawa, bahagyang inilayo ang mukha saka siya mariing tinitigan.

"Do you really hate me that much, Amor?" tila nahihirapan ang kaloobang tanong nito.

Hindi siya sumagot, sa halip ay iniiwas ang tingin ngunit patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya hanggang sa ito rin mismo ang sumuko at lumayo sa kanya saka umupo sa gilid ng kama.

"Amor, I'm not forcing you to remember me. But at least have sympathy on me. It's not very easy to be loyal to you when you can't even remember me as your husband and I can't even kiss you like before," malamig nitong sambit habang nakatalikod sa kanya. Pero 'di pa rin siya sumagot.

Tumayo ito, nagtungo sa banyo. Saka lang siya bumangon at tumayo mula sa kama.

Hindi niya naman kasalanan kung bakit nagkaroon siya ng amnesia. At lalong hindi niya kasalanan kung bakit 'di niya ito maalala, higit na 'di niya kasalanan kung bakit 'di niya ito magawang mahalin sa kabila ng kahit papaano'y kabaitan nito. At 'yong sinasabi nitong sympathy, pa'no niya 'yon mararamdaman kung madami itong babaeng pinaglalaruan? Pa'no siya maniniwalang loyal nga ito sa kanya kung totoo ngang mag-asawa sila kung may fiancee na nga, merun pa itong finance director. Tama lang ang ginawa niya. Mas mabuti nang malaman nitong hindi siya nito basta matutuhog.

"Amor, Amor... I really want you this time. But how could you be so cruel to me?"

Nagulat pa siya nang marinig itong bumubulong sa loob ng banyo na tila nahihirapan ang damdamin at ang paghihirap na 'yon, bakit tila lumilipat sa kanya at dumadagan sa kanyang dibdib? Ang bigat sa pakiramdam. Takang tinitigan niya ang pinto ng banyo. Mahal ba talaga siya ni Dixal?

"Dixal--" gusto niya itong tawagin para humingi ng sorry pero nagpigil siya, sa halip ay tumalikod siya sa banyo't hinanap ang pinto ng kwartong 'yon. Ang pagkakaalam niya nasa kusina ang pintuan ng kwarto, sa likod ng ref. Inilapat niya ang kamay sa dingding sa tantya niya'y likod ng ref at sinalat 'yon kung may makakapa siyang bukasan ng pinto subalit napapitlag siya nang bigla siyang yakapin ni Dixal mula sa likuran at halikan ang likod ng kanyang tenga.

"I'll never give up, Amor. It's okay for me if you can't remember me. But please, Try to stay by my side. I'll never demand anything from you aside from your loyalty kahit 'di mo ako maalala," anas nito.

Ang mga salitang lumalabas sa bibig nito this time, bakit tila bumabaon sa kaibuturan ng kanyang puso at nag-iiwan ng kirot doon?

"D-dixal, why don't you try to give up? I--I'm sorry pero hindi kita kayang mahalin kahit bumalik pa ang alaala ko," prangka niyang sagot habang pilit kumakawala dito.

Muli siya nitong hinalikan sa likod ng tenga, at ewan pero naiiba ang kiliting hatid no'n this time dahilan upang manindig ang kanyang mga balahibo.

"You're my Amor. You're my wife. I can give up everything, sweetie, but I can never give up on you," usal na naman nito sa kanyang tenga saka marahang dinampian ng halik ang kanyang batok.

To hear him say those words, kahit sino naman seguro papalakpak ang tenga sa tuwa. Pero hindi lang tenga ang pumapalakpak sa kanya, her heart started to beat fast at ang katawan niya'y tila gusto nang magparaya at magpatianod sa gustong mangyari ng lalaki.

But what if gusto na naman siya nitong isahan?

"I hate you Dixal," biglang lumabas sa kanyang bibig.

"Liar."

"Ha?"