Natatawa pa si Hyacint sa ginawa ng dalaga, she finds it cute kapag nag bublush ang dalaga sa pang aasar nya.
Isinara muna nya ang pinto ng kwarto bago tuluyang lumabas, para magulat lang nang makita ang mga magulang na nakaupo sa sofa.
Nagmamadali nyang pinulot ang mga damit nila na nakakalat sa sala, kahit pa magulang nya ang kaharap at sabihing nasa tamang edad na sya nahiya parin sya na malaman ng magulang ang ginawa nya.
You better have a perfect explanation about this Hyacint Jake Domingo. Wika ng ina nya.
Alam nya na galit ang mama nya, tinatawag lang sya nito sa buong pangalan sa tuwing may magagawa syang hindi tama.
Explain yourself son, alam mong hindi ganito ang tinuro ko sayo pag dating sa mga babae, mas malumanay ang ama nya.
Yes, dad of course, I won't do this if I dont love her and Im not serious with her. Seryosong sagot nya sa ama.
You better be, o ako mismo ang kakastigo sayo.
Bakit di mo sya pinakilala samen hijo? Tanong ng ama nya.
You know her dad.
What? At kilala pa talaga namen? Umayos ka talaga Hyacint, wag mong sabihing binata ka na makakatikim ka talaga saken.
Sabay sabay silang napalingon sa pinto ng kwarto ng marinig si Amiel.
Hya.. Maligo ka na, para makapunta na tayo kela ninang, sigaw ng dalaga sa kwarto.
Nanlaki naman ang mata ng mga magulang nang makilala ang boses ng dalaga.
Babe.. Labas ka muna may naghahanap sayo.
Lumabas din naman ang dalaga at nakita nya na namutla ito ng makita ang mga magulang nya na nag aabang sa sala.
Ninang? Ninong?.... Good afternoon po. Hindi nya alam kung anong mararamdaman sa mga oras na yun. Hindi nya alam kung alam ng mga ito ang ginawa nila, pero guilty na agad sya.
Hija, lumapit naman ito sa dalaga at niyakap ito na tila nagaalala.
Lets talk hija. At inaya siya nito sa kabilang silid.
Nagkatinginan naman ang mag ama sa ginawa ng ina, alam nilang hindi nila ito mapipigilan.
Pag kapasok sa loob silid, tinanong agad aya ng ginang,
Are you okay hija? Tell me pinilit ka ba ng anak ko, hindi ko sya kakampihan hija, tell me.sunod sunod na tanong ng ginang.
Ninang, sorry po. Wala pong pilitan na nangyari, parehas po namen gusto yun.
You don't have to say sorry hija, alo sa kanya ng ginang. I heard na papunta dapat kayo sa bahay?
Yes po, gusto po kasi ni Hyacint na sabihin na sa inyo kung anuman ang meron kami. Kaya lang mukhang naunahan nyo na po kami.
Yeah, Im used of surprising Hyacint pag di sya nakakauwi sa bahay, I never thought That Im the one to be surprise sa mga nakita ko kanina. Are you sure hija na hindi ka napilitan lang. I won't tolerate my son hija if he done something wrong.
Hindi po talaga ninang, sorry po talaga, alam ko po pinagkatiwala nyo saken si Hyacint pero parang bantay salakay po ako. Hinging paumanhin nya sa ginang.
No, actually mas natuwa ako ng makita kong ikaw ang kasama nya sa kwarto, alam kong iingatan at proprotektahan mo sya, anuman ang mangyari.
Thank you po. Pero sana po kahit may relasyon na po kami ni Hyacint hindi nyo po ipaalam sa kanya kung ano po ang tunay na dahilan kung bakit andito. Hayaan nyo po sana na ako ang magsabi sa kanya.
Oo hija, hindi namen pangungunahan o pakikialaman ang relasyon nyo, Ipangako mo lang na iingatan mo at mamahalin si Hyacint.
Pangako po yan ninang, salamat po.
Halika na sa labas hija at ang kakausapin ko naman ay yung magaling kong anak.
Naabutan nila ang mag ama na may hawak na baso ng wine.
Hijo, nasabi na saken ni Amiel lahat ng nangyari, umayos kang lalake ka, wag mong sabihin sa aken na malaki ka na, sa oras na may ginawa kang hindi tama, I will disown you.
Mama, hindi ko yan gagawin alam nyo kung paano ako trumato ng babae, Isa pa i love Amiel, walang gatol na deklara nito sa harapan ng mga magulang na ikinapula naman ng mukha nya.
Thats good to hear hijo, You should take care of her, shes a gem. Pero mag hinay hinay ka alam ko kung anong ginawa nyo kanina, baka hindi pa kayo kasal may anak na kayo.
Tila naman umuusok na ang pakiramdam ni Amiel sa pinag uusapan ng mag ina. Nakita nyang pilyong naka ngiti ang binata habang nakatingin sa kanya na tila nagsasabing "Alam na nila".
Inirapan nya lang ang binata na ikinatawa nito, sabay lapit sa kanya at yumakap.
Ma Pa, you dont have to worry, Ill take care of her, takot ko lang sa mga ninong. Saka Mahal ko to, sigurado ako dun.
Hindi nya inaasahan na ang masungit na lalakeng ito ay ganito ka vocal sa nararamdaman sa harap ng mga magulang.
Okay I know that you love her, but for now I want both of you to go to our house, I want to spend dinner with you son. Wika naman ng papa nya.
Okay papa, We'll just follow may dadaanan pa kami ni Amiel, balak naman talaga namen pumunta kanina pa, kaya lang alam nyo na. Habang nakangiti ito ng pilyo.
Sinamaan nya lang ito ng tingin at hindi na muli pang umimik,
Okay then, we'll go ahead, make sure to be ther before dinner, I will invite your ninong Arman as well.
Pag karinig ng pangalan ng ninong Arman nya, tila naman hindi mapakali si Amiel.
Yari na talaga ako, wala na kong kawala ke. Ninong, paano ko ba ieexplain to?think Amiel, siguraduhin mong hindi yung kalandian mo ang masasabi mo. Kasi naman lakas ng magnet nitong lalakeng to, ang sarap pa. Kausapan ng dalaga sa sarili.
Babe? Ang layo naman ng iniisip mo, nakaalis na sila Mama,.
Huh?
Mukhang kulang ata? Round 2?
Hindi nya maintindihan ang sarili, pero parang na excite sya sa sinabi ng binata.
Ang rupok mo talaga! Ah bahala na nga, at sya na mismo ang kumabig sa batok ng binata at humalik dito.