Bang... Bang... Bang.... Sunod sunod na tunog ng putok ng baril ang maririnig sa firing lane ng kampo habang ang mga mata ng mga lalakeng agent ay sa iisang tao nakatingin.
Capt. Amiel Dela Torre sa unang tingin iisipin bisita lang ang babae o baka asawa ng isang agent.Morena with long black hair, sexy body na pagkakamalian mong model ng mga underwear dahil malaman ang bawat parte ng katawan, Wearing sexy fitted floral dress and a four inches high heel shoes, papasa si Amiel na mag model o kaya a mag cover ng isang magazine. With her height five feet and nine inches,walking with lot of confidence.,aakalain mong sanay sa catwalk maglakad ang dalaga. But under her sexy dress is a Cal.45 on her right thigh and a jungle knife on the left one.
- Wala ka pa ring kupas inaanak... Masayang bati ni Maj. Martinez sa dalagang kalalapag lang ng hawak na baril, kasalukuyang inaalis ang eye at ear protector sa tabi ng baril na ginamit para mag practice.
-Ninong...
balik bati naman ng dalaga sa kakadating na opisyal, Si Maj. Martinez ay isa sa mga matalik na kaybigan ng kanyang ama na syang naging impluwensya nya upang pasukin ang mundo ng pagiging DPA(Deep Penetration Agent)ng NBI na sa simula ay mariing tinutulan ng kanyang magulang.
Kamusta po? Tagal po nateng di nagkita, sabi po ni daddy my special task daw po kayo saken? Tanong ni Amiel sa opisyal.
Yes inaanak, I already ask permission from your dad about this, isa din kasi sa mga college friend namen ang involve, actually not exactly our friend, but his son. Medyo complicated yun situation so lets have some coffee while we discuss about this new project.
Hyacint Jake Domingo?.. Sound familiar ninong.. Habang tinititigan ni Amiel ang information sheet na binigay ng ninong nya, titig na titig sa larawan ng lalakeng susunod nyang pagkakaabalahan sa mga susunod na araw.
Hyacint Jake Domingo... Kung di mo babasahin ng buo ang pangalan mapagkakamalian mong babae, pero habang tinititigan nya ang larawan sa information sheet tila magugulo ang isip nya.
No.. Purely business lang Amiel wag kang magnilandi ngayon gurl,buhay mo ang nakasalalay dito, kausap ng dalaga sa sarili.
Pagkakita palang nya sa larawan di na nya maiwasan ang humanga sa susunod nyang project.
Hindi man nya aminin naeexcite sya na makita ang babantayan, lalo na at maganda ang set up at pagkakaplano ng ninong nya sa susunod nyang mission.