webnovel

First Kiss?

Sam's POV

"Ah ehe. Ano." Hindi ako makasagot sa tanong nila.

"Yup. Kahapon lang." Sagot ni Joshua.

"Let me explain." Pahabol ko.

"So. He is your first boyfriend? Ang bilis naman ata." Sabi ni hazel. Sabe na gusto niya e.

Tumingin sa akin si Joshua na nagtataka sa sinabe ni Hazel. Hindi dahil sa mabilis kung hindi sa first boyfriend thingy. Hindi kase nila alam na nagkabf na pala ako. Second ko na si Joshua. Duh

Piniga ko na lang ang kamay ni Joshua. Para mamaya ko na lang din ipaliwanag.

"Okay. Seat down." Anjan na pala ang prof namin.

Maghapon nato ay nagaral lang kami. Pero hindi maiiwasan ang napakasweet na si Joshua na gumawa ng mga kasweetan. Ihhhh. Ang swerte ko naman.

Naipaliwanag ko na rin kila Bessy yung sa amin ni Joshua. Pero syempre gulat pa rin sila dahil ang bilis nga ng mga pangyayare. Kahit ako nagulat din. Ang alam nila first boyfriend ko pa lang si Joshua.

Uwian na. At hinila agad ni Joshua yung kamay ko. Ganun nya ba ko kamiss?

"Bye Ivy. Bye Hazel. Bukas na lang." Pasigaw kong pagpapaalam. Kase naman si Joshua. Nagmamadali.

Nakarating kami sa park ng school. Umupo.

"We're here." Sabi ni Joshua tas umupo.

"Pinagod mo ko." Pagtatampo ko.

"Wala pa ngang nangyayare sa atin. Pinagod na kita? Pano pa kaya pag meron na." Pabiro niyang sabe.

Hindi naman maitatago yung pamumula sa mukha ko.

Nagkwentuhan lang kami ni Joshua. Ang sarap niya talagang kausap.

Maggagabi na. Kailangan ko ng umuwe. Pero kase gusto ko pang kausap si Joshua. Magagalit na rin si Mader. Lagot ako. Tapos magrereview pa ko. Pero bahala na.

Gabi na. Parang kami na lang ang tao. Yung iba kase umuwe na. Yung iba nagkaklase.

Kami na lang yung tao sa park. Nakaupo kami pareheheehhas. Dumukdok ako sa balikat nya. Tas pumikit.

Binangon niya yung mukha ko tas hinawakan yung pisngi ko. Tas tinitigan ako ng nakakaloko. Tas kinindatan ba naman ako. Ghad. Nakakalusaw.

Tinitigan niya lang ako. Hindi ako sanay. Kaya pumikit na lang ako.

Ilang segundo.

May naramdaman ako.

His lips.

Hinalikan niya ako?!

Akala niya sguro. Nagpapahalik ako. Lagot. Hindi muna ako nagresponse.

Umalis ako sa pagkakahalik niya.

"Why?" Nakapout niyang sabe.

Ang gwapo niya talaga.

"Kase. First kiss ko yun eh?" Sorry Joshua. Nagsinungaling ako.

"Ako rin naman. Turuan mo nga ako." Sagot niya.

"Wag dto. Kase bka may makakita." Hala. Bigla kong sabe. Hala ka.

Hays. Ang sinungaling ko talaga. Pero hayaan mo na. Wala namang nakakaalam nun. Saka kinalimutan ko na si Jan Joshua.

Lahat ata ng may pangalang Joshua kissaholic. Lol