webnovel

Finding Ethan: The Dream That You Seek (Tagalog, Filipino) - Falling For the Secret Superstar

“Kahit nakatayo ka lang diyan at nakangiti sa akin, kinikilig na ako.” Ethan Ravales just wanted to escape from his suffocating life as the Philippine’s prime leading man. Pakiramdam niya ay kinakain na ng kanyang sistema ang kanyang kaluluwa. Para hanapin ang sarili ay tumakas siya hanggang mapadpad sa Isla Juventus matapos iligtas mula sa isang magnanakaw ang isang magandang dalaga—si Aurora. Hindi inakala ni Ethan na makakaya niyang mabuhay sa Isla Juventus—na walang kuryente, Internet, o signal man lang ng cell phone, at bilang Alvaro Baltazar na isang ordinaryong lalaki. Hindi rin niya napaghandaan ang espesyal na naramdaman nang makilala at makasama niya sa isla si Aurora. Handa na siyang iwan ang mundong nakagisnan para kay Aurora. Ngunit nang may magpaalala kay Ethan ng mundong iniwan niya ay napaisip siya. Ano ang kaya niyang gawin para kay Aurora? Handa ba siya sa maaaring mangyari kapag nalaman ni Aurora ang tunay niyang pagkatao? The final book of Finding Ethan Series, a collaboration with Leonna, Gezille and @Tyramisu.

Sofia_PHR · General
Not enough ratings
55 Chs

Chapter 4

Ang real life Mang Kepweng na ito si Doctor Tagle? Ito ang gagamot sa kanya? Hindi ito isang doktor kundi isang... Albularyo. Ito ang napapanood niya sa documentaries na gumagamit ng anting-anting, nagbubuga ng insenso pampaalis sa masasamang espiritu at gumagawa ng mga gayuma. This was worse than he expected. Natitiyak niya na taguri lang dito ang doktor, but he didn't earn a degree or anything. Wala rin itong lisensiya.

"Amang, alisin mo na ang kamay mo para matingnan natin ang sugat mo," sabi ni Doc Tagle at akmang iaangat ang kamay niya.

"H-hindi. Okay lang ako. Malayo ito sa bituka," anang si Ethan at sinikap na tumayo. There was no way in hell that he would allow this quack doctor to treat him. Or even touch him with a ten-foot pole. Ni hindi niya alam kung naghugas ang matandang lalaki. 'Yung tamang paghuhugas na ginagawa ng medical practitioners na tatagal ng five minutes at mag-aalkohol pagkatapos. He highly doubted it. Hindi siya kasing OC-OC ng manager na si Icca pero ibang usapan na kapag may open wound na involved at buhay niya ang nakataya.

I must get out of here. Siya na ang bahalang humanap ng ibang doktor na totoo. Gusto pa niyang mabuhay nang matagal. He would rather take a chance outside this pit.

"Huwag kang gumalaw. Baka lalong dumugo ang sugat mo," naaalarmang sabi ni Doc Tagle at pinigilan siya sa balikat. "Humiga ka ulit."

Pumiglas siya. "Pakawalan ninyo ako! Aalis na ako."

"Huwag kang mag-alala. Si Doc Tagle na ang bahala sa iyo," sabi ni Aurora at pinisil ang balikat niya.

"Huwag kang mag-alala. Anti-bacterial ang sabong gamit ko. Naghugas ako bago pumunta dito. Alam ko ang ginagawa ko," anang si Doc Tagle sa kaswal na boses. Parang nabasa nito kung ano ang iniisip niya. "Kung anong ginagawa ng mga doktor, ganoon din naman ako."

Ngumiti sa kanya si Aurora. "Sige na. Kailangan nang matingnan ang sugat mo."

That smile made Ethan's heart jolt. Kapag umalis siya doon, baka hindi na niya makita pa ang ngiting iyon ni Aurora. At ayaw niyang mangyari iyon. Lumunok muna siya bago inalis ang kamay sa sugat niya. Parang may gayuma ang babaeng ito at napapasunod siya. He even made her want to stay, tetanus-threatened and all.

"Inumin mo ito para wala kang maramdaman na sakit," sabi ng isang lalaki na sa palagay niya ay di nalalayo ang edad sa kanya. Isang likidong berde na nakalagay sa baso ang inaabot nito sa kanya.

"A-Ano iyan?" tanong ni Ethan.

"Katas ng dahon ng bayabas, ginayas na aloe vera, kalamansi, dinikdik na malunggay, kolantro..." Nakanganga lang ang binata habang iniisa-isa ng mga sangkap na ang iba ay parang galing pa ata sa ibang planeta.

"Ahhh...Pwede na sigurong huwag kong inumin iyan. Di naman ako basta-basta nasasaktan. Malakas ang tolerance ko sa sakit," sabi niya at nakangiwing ngumiti. Kundi siya mamamatay sa tetano, baka bumula na lang ang bibig niya sa likidong iyon.

"Inumin mo na iyan." Ngumiti si Aurora sa kanya saka siya kinausap sa malamyos na boses. "Magaling si Doc. Siya ang gumamot sa tatay ko nang hindi di maipaliwanag ng mga doktor kung ano ba talaga ang sakit niya. Kaya magtiwala ka lang. Kung nagawa niyang mapabuti ang kalagayan ng tatay ko, kaya rin niya sa iyo."

"Talaga?" Ano bang scientific explanation ang mayroon sa likidong iyon para gumaling siya? At least he was thinking with his brains now. Di lang siya basta nagpapadala sa sinasabi ng isang magandang babae.

"Naku! E nobyo mo ba ang isang iyan? Daig pa ang mga tinutuli kong bata dito kapag bakasyon. Ang mga iyon walang angal-angal. Baka mamaya mag-iiyak pa iyan. Ibalik mo na lang sa nanay niya," anang si Doc Tagle. "Baka di pa nabinyagan iyan."

"Hey! I was circumcised by a doctor when I was ten," depensa agad ni Ethan. Nakita niya ang pamumula ni Aurora habang mariing magkadikit ang mga labi. Parang pinipigilan pa nitong tumawa.

Nakakahiya! Ikinumpara pa siya nitong si Mang Kepweng sa mga batang tinutuli nito. At pinapalabas pa siyang supot. Kailangan niyang patunayan ang tapang niya. Ayaw niyang isipin ni Aurora na hindi pa siya binyagan. He was Ethan Ravales, the Philippine's hottest leading man. Tapos ay may magsasabi na hindi pa siya tuli? Hindi siya papayag. Kailangan niyang ibangon ang dignidad niya.

Kinuha niya ang baso mula sa lalaki at tinungga iyon. Noong una ay mapait iyon at mariin na lang siyang pumikit. Inisip niya na protein drink iyon o kung anumang kakaibang concoction na ipinapainom sa kanya ng dietitian niya sa gym.

Mind over matter. Mind over matter. Maasim-asim ang likido dahil sa kalamansi at mabilis na nag-glide sa lalamunan niya ang pira-piraso ng aloe vera. Pinigilan niyang maduwal. Kaya ko ito. Bawal ang bumitaw.

Ang mahalaga ay maipakita niya kay Aurora na isa siyang matapang na lalaki. Na hindi ang berdeng likido lang na iyon ang pwedeng makasira sa record niya bilang isang makisig na binata.

Gusto niyang makita ang ngiti nito at paghanga nito matapos niyang maubos ang likidong iyon. Di niya alam kung gaano katagal niyang pilit na nilulon ang berdeng likido hanggang matungga niya iyon.

"Ang galing! Naubos mo!" sabi ng dalaga at kinuha ang baso mula sa kanya. Pinasundan iyon ng babae ng tubig. "Magiging maayos na ang pakiramdam mo."

"Langgasan na ng pinakuluang dahon ng bayabas ang sugat niya para malinisan," narinig niyang sabi ni Doc Tagle. "Mukha namang di malalim ang sugat niya kaya baka di na kailangang tahian."

Gusto sanang i-monitor ni Ethan kung anong nangyayari sa kanya pero unti-unti nang sumasara ang mata niya. "A-Anong nangyayari sa akin? Nahihilo ako."

"Epekto iyan ng ininom mo. Kailangan iyan para mas magamot kang mabuti," sabi ni Doc Tagle na naulinigan niyang nagbibigay ng instruction sa kasama nito.

"No! A-Ayokong matulog. Di ako pwedeng matulog." Kinuyom ni Ethan ang palad habang pilit na nilalabanan ang antok. He was in an unfamiliar house, in an unfamiliar place. He was vulnerable. Wala siyang mapagkakatiwalaan.

Naramdaman niyang may pumisil sa kamay niya. "Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako para sa iyo. Hindi kita iiwan," sabi ng malumanay na boses ni Aurora.

Nakatunghay ito sa kanya habang nakangiti. She looked like a guardian angel watching over him. Bahagyang nawala ang mabigat na pakiramdam niya at tuluyang bumitaw sa takot na nararamdaman. Di niya alam kung anong mangyayari sa kanya. Kung magigising pa siya. Kung mawawala man siya sa mundo, ang mahalaga ay ang mukha ni Aurora ang huli niyang nakita.

Hala! Baka may gayuma 'yung pinainom kay Ethan bebeh.

Excited na ba kayo sa mga susunod na ganap? Comment naman po if nagustuhan ninyo ang kwentong ito.

Sofia_PHRcreators' thoughts