webnovel

Transferee

"Anak gising na baka malate ka"

Heidi's Pov...

*yawn*

Hay umaga na agad, wala pa naman akong masyadong tulog dahil dun sa lalaking yun

*flashback*

"Sino ka? Bakit nandito ka sa bahay?" Sumiryoso yung tingin nya sa akin dahil sa tanong ko.

"You don't need to know because after this incident we might get a chance to see each other" Medyo naguluhan ako sa sinabi nya.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Because of the I.d inside your bag."

'Oo nga pala nadala ko yung I.D sa school kasi tinigingnan din nila yun'

"It looks like you're alright, then I'll be going" Ganun lang yun di man lang sya nag sorry eh halos mamatay na ako nung sinakal nya ko.

"Saglit!" pagpapatigil ko sa kanya

"Why?"

"Ganon na lang yun." Nagtaka sya sa sinabi ko pero mayamaya ay naintindihan nya na.

"Oh that, when we meet again" Yun na lang ang sabi nya at biglang tumalon sa bintana.

*end of flashback*

Medyo naguguluhan parin talaga ako sa lalaking yun hay pero totoo kayang magkikita pa kami ulit, siguraduhin lang nya....

Pero baka patayin nya ako kasi diba mamamatay tao naman sya.

Ok ok nakapagdicide na ako, ayoko na syang makita pa.

"Anak pwede ka nang tumayo kanina ka pa ata tapos kumain at bawal mangulumbaba sa hapag kainan"

"Ah opo" nakakahiya.

"Aalis na po ako" paalam ko kay mama.

Naghintay muna ako ng bus para makapunta na ako sa school, medyo malyo kasi yung eskwelahan ko.

"Heidi!" Napalingon ako dun sa nagsalita at nakita ko yung kaibigan kong si Sherrie sa bintana ng bus kaya kumaway ako.

Pagkahinto ng bus sa harap ko ay umakyat agad ako at pumunta sa upuan ni Sherrie.

"Good morning Rie" bati ko sa kanya pero di naman ako pinapansin dahil sa cellphone nya nakatutok.

"Oi ano naman yang pinagkakaabalahan mo" tanong ko sa kanya.

"Ah ito ba, ito yung nangyari sa party ng mga Delta" medyo nanigas ako dahil sa sinabi nya.

"Oo nga pala diba nandun ka?"

"Ah eh umalis na ako ng maaga nun kaya hindi ko na alam kung anong nangyari"

"Grabe yung nangyari pinatay yung tatlong mangandidato sana sa darating na eleksyon" dahil sa sinabi nya ay naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi, hay Rie kung alam mo lang kung ano ugali ng mga iyon.

Pero hindi naman nila kailangang mamatay.

"Ok ok facebook muna tayo" Hinayaan ko nalang syang magpipindot pindot dyan hay kailan ko ba malilimutan yung nangyaring yun.

"Kyaa!" nagulat ako kay Sherrie kasi biglang sumigaw pati yung mga tao sa loob ng bus napatingin sa amin.

"So..sorry po hehe" sabi nya habang nakapeace sign kaya hindi na nila kami tiningnan.

"Hoi ano ba iyan at kailangan mo pang sumigaw nakakahiya ka"

"Grabe beb may transferee daw sa school at ang pogi daw nya" ayan na naman sya.

"Hay nako"

"Naku excited na ako"

....

Maya maya nasa harap na kami ng school.

At may pinagkakaguluhan sila ah.

"Kyaa beb andyan siguro yung gwapong transferee, tara bilis makisingit tayo"

"Sorry Rie may duty ako eh" nalungkot sya dahil sa sinabi ko.

"Hay nakakainis naman sa susunod wag mong hahayaang gawin ka nila ulit na presidente ha" presidente lang po ako ng room namin.

"Ok sige Rie una na ako"

Hay sa amin kasi maraming ginagawa ang mga presidente ng bawat klase kaya walang nagprepresnta ako nga rin sana eh, ayoko kaso ninominate ako hay.

Dahil gumagalaw ang oras ay di ko namalayang pumapasok na lahat ng estudyanye sa mga room kaya nagmadali akong ilagay yung bag ko sa upuan bago pumunta ng office.

Pag uusapan kasi namin yung darating na sport's fest sa susunod na buwan at kailangan na naming maibigay yung list ng mga sasali sa mga laro.

"Oh good morning Heidi magbibigay ka ka na rin ng list" sabi ng presidente ng 1st section si Trance na mukhang kalalabas lang ng office.

"Ah... oo kailangan na kasi to diba" pagkasabi ko nun bigla nya akong inakbayan

"May gagawin ka ba mamayang hapon,gusto mong lumabas" at may pagka playboy syang ugali.

"Hehe hindi ako pwede kasi kailangan ako sa bahay eh" ayoko ngang sumama sa kanya mamaya kung ano pa mangyari sa akin.

"Ah ganun ba,kung ganon sa susunod na lang" Yun ang sabi nya bago umalis.

Hay kailan ba titigil ang isang yun.

Pagbukas ko ay nakita ko agad ang principal.

"Oh Heidi magandang umaga magbibigay ka na rin ba listahan" tanong ni Ms. Garcia ang principal ng school, at single sya.

"Ito na po yung listahan ng mga sasali"nang tiningnan yun ni mam ay medyo nadismaya sya.

"Heidi bakit hindi mo piliin yung mga alam mong makakatulong para manalo sila sa laro,parang sila mismo ang pumili kung saan nila gusto eh, tingnan mo lagi kong nakikitang magkakasama ang mga andidito"

"So..sorry po mam" kaya ayokong maging presidente eh.

"Heidi ikaw ang presidente ng klase nyo kaya dapat sundin nila ang mga inuutos mo,wag mong intindihin kung ano ang sasabihin nila"

Medyo napaisip din ako sa sinabi ni maam, eh anong gagawin ko.

"Hhintayin ko yung list na ibibigay mo Heidi at hindi ko to tatanggapin" tumango na lang ako kay maam

Hay pano ko naman sila maiteteam sa mga laro kung di ko naman alam kung papayag ba sila hay.

Binuksan ko na yung pintuan sa room at syempre sa likod ako dumaan.

Hindi na tumingin sa akin yung mga kaklase ko dahil alam naman nila kung saan ako nagpunta.

Pagkaupo ko ay nag isip isip muna ako.

"Do you have a problem?" tiningnan ko yung nagsalita na nasa tabi ko, teka wala namang nakaupo sa tabi ko ah.

"Yo"O_o

teka bakit nandito itong lalaking to.

"Ikaw!!" bakit nandito itong killer na to, dapat di ko na sya ulit makikita ah.

Nasumpa ba ako para makita ko ulit itong lalaking ito.

"Ms Hernandez may problema ba?" tanong sa akin ni sir.

"Sir bakit po sya nandito?" tanong ko na may haling kaba.

"Ha?nandito sya kasi nagtransfer sya" tra...transfer bakit bakit?

"Mukhang di ka pa kilala ni Ms Hernandez,ipakilala mo na ang sarili mo" tumango lang yung lalaki at tumayo.

"I'm Adam Kiev Mendoza it's nice to meet you"

A suivre...