20 Heidi's Realization

Seira's Pov...

Umalis na si kuya, sabi ko na nga ba eh hindi pa nya kami napapatawad ni mama sa nangyari namimiss ko na yung masaya naming pamilya bakit ba kasi yun kailangang gawin ni mama.

"Ok lang yan Seira sasamahan na lang kitang mag ikot sa school" Nakangiting sabi ni Miss Heidi kaya ngumiti rin ako sa kanya.Napakabait talaga nya buti na lang at nandito si Miss Heidi.

"May pupuntahan tayo Seira" Sabi ni Miss Heidi at hinila ako palabas ng school."Wait lang Miss Heidi saan tayo pupunta?" Hindi lang sya nakinig at nang makalabas na kami ng school grounds ay pumara sya ng taxi.

"Um Miss Heidi saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya."Basta, at tsaka wag mo na akong tawaging Miss Heidi, Heidi na lang" Sabi nya kaya tumango ako pero saan ba talaga kami pupunta.

Heidi's Pov...

Ito lang ang magagawa ko para kay Seira dahil hindi ko alam kung ano ang mga napagdaanan nya. Tutulungan ko sya sa lalaking gusto nya. Pagkababa namin ng taxi ay nagulat sya kung saan ko sya binaba.

"Mi..Heidi bakit tayo nandito?" Tanong nya sa akin sa napakamahinhin nyang boses.Hindi na ako nagsalita at hinila sya papasok ng parlor may naipon akong pera para sa festival pero kung gagamitin ko yun sa kanya ay magiging panatag akong makatulong.

"Pwede po bang ilabas nyo ang tunay na ganda nya"napatingin sa amin yung mga tao at nagsitakbuhan papunta kay Seira.

Nagulat si Seira sa pinaggagagawa sa kanya at pinasok na sya sa loob ng para maumpisahan na.

Habang naghihintay ay may nakita akong dalawang babaeng nag uusap.

"Jessa ayokong humiwalay sa kanya pero anong gagawin ko, naguguluhan na ako" Sabi nung babae."Chadia magtapat ka na sa kanya para malaman nyang mahal mo sya" Sabi naman nung isang babae. Biglang naiyak yung Chadia at yumakap dun sa Jessa."Jessa mahal na mahal ko si Anthony, sya lang ang unang tao na tumanggap lahat ng mga imperfections ko lumalakas yung tibok ng puso kapag lumalapit sya sa akin at tuwing hinahawakan nya ako ay komportable ako at hindi iyon nabibigay ng ibang tao Jess ayoko syang iwan huhu" naaawa ako doon sa babaeng umiiyak pero nabaling yung isip ko dun sa sinabi nya.

Lumalakas yung tibok ng puso ko kapag lumalapit sya, komportable ako kapag sya ang yumayakap sa akin at kapag iba naman ang gumawa ay kinikilabutan ako.

Ganon ba ang pagmamahal? Sa sobrang seryoso ko sa mga bagay bagay naging masyado akong naging inosente sa pagmamahal, Nakakainis bakit ngayon ko pa napagtanto lumalayo na ako eh pero bakit? Bakit ko pa nalaman?

Natatakot akong magmahal kasi baka makalimutan ko sila. Naiinis ako gusto kong maalala ang lahat bakit kasi ganito ang utak ko eh.

"He..Heidi ayos ka lang" natigil ako sa pag iisip dahil sa tumawag sa akin at nakita kong tapos na sila sa pagpapaganda kay Seira, sabi ko na nga ba eh may tinatago syang ganda.

Parang si Adam lang. Nilapitan ko sya at nag thumbs up sa mga nag-ayos sa kanya. Nakalugay na ang buhok nya at kulot ang bandang dulo, naglagay si ng konting make-up at tinanggal na rin nila yung salamin nya kaya kitang kita ko ang perehas na mata nila ni Adam.

"Um H..Heidi ok lang ba talaga ito kasi ano eh nakakahiya naman sa iyo?" Nahihiya nyang tanong sa akin.

"Ok lang iyan" Sabi ko sa kanya at pumunta na sa counter at mukhang may konti pang natira sa pera ko makakalibot pa ako sa festival.

Pagkatapos ko magbayad ay hinila ko na si Seira palabas at hiyang hiya pa sya.

Pagkalabas ko ay nakita kong nandoon parin yung dalawang babae at mayroong lalaking papunta sa kanilang dalawa pero di ko na lang pinansin at umalis na ako kasama si Seira.

Habang hila hila ko si Seira ay kung saan saan napupunta yng isip ko.

"Heidi ok ka lang ba?" Tanong ni Seira na may tonong pag-aalala.

"O..Ok lang ako wag kang mag-alala tara balik na tayo sa school" aya ko sa kanya at sumunod naman sya.

Pagdating namin sa school ay pinagtitinginan sya.Maya maya ay lumapit si Sherrie. "Heidi saan ka ba pumunta hinahanap ka ng buong class dahil nagkaproblema sa lalaban para sa karate dahil nagback out yung isa" What?Sino? "Si..sino daw yung nagback out?" Medyo nainis sya nung tinanong ko kung sino. "Yung boyfriend nang kaklase nating hipon nakakainis if I know hindi nya lang pinayagan ang boyfriend nya eh tsk" sa sobrang galit ni Sherrie ay parang nagkakaangry vessel sya. "Oh wait sino sya be?Ang ganda nya" sabi ko na nga ba pati si Sherrie magagandahan eh. "Ano ka ba si Seira yan" Halatang nagulat si Sherrie at biglang hinila si Seira. "Heidi ako munang bahala sa kanya ha hahaha" ayan na kinuha nya na nga, kailangan ko pa nga palang ayusin yung gulo hay.

Pagkadating ko sa room ay nakita ko si Agatha na kasama yung boyfriend nya. "Um bakit ka nagback out ka sa karate Denise? Alam mo namang ngayon yun diba" Napatingin sila sa akin at inirapan lang ako ni Agatha. "Um kasi ayaw ng girlfriend ko eh sorry" dahil doon ay napatingin ako kay Agatha. "Wag mo nga akong tingnan ng ganyan, kasalanan mo to bakit mo pa kasi pinagpalit palit eh nakakainis kang babae ka!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Agatha at maya maya ay lumapit sya sa akin. "You know what Heidi I really hate you, you're such a bitch lahat ng lalaking nandito sa school ikaw na lang ang nakikita eh ang bobo bobo mo naman" Nagulat ako sa sinabi nya grabe naman sya magsalita kasalanan ko bang mahina ang utak ko. Yumuko na lang ako at hinayaan na lang silang tingnan ako.

Nang biglang may kamay na sumabit sa bewang ko. "What's happening here?" Nandito na sya pero ayoko syang tingnan nakakahiya eh. "A..Adam a..ano kasi eh hindi ako pinayagan ni Agatha kasi mahina raw ako sa karate kaya..."

"Damn!" Lahat na nasa loob ng room ay nagulat sa sigaw ni Adam. "You bitch when I write him on the list it means that he has a potential and I trust him and you, you didn't like the volleyball right, didn't I said that if you have a problem in the list then deal with me and not her tch. I will not gonna let this happen again you must all remember that or else, you will all face the consequences of your action"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay hinila na nya ako.

*dug dug dug dug*

Please wag ka maingay puso ko baka marinig ka nya please.

A suivre..

avataravatar
Next chapter