17 Assassin's Strength II

Ranzel's Pov...

Nakakainis dapat marami pang dugo eh.Umalis na lang ako sa ring kahit na hindi ako na satisfied sa nangyari,pero unfairness ha ang gwapo ng nakalaban ko.

"Kyaa Cass ang gwapo ng nakalaban ko ano?"tanong ko sa kaibigan ko na mukang nagtataka sa akin"Eh bakit parang gusto mo na kaninang patayin?"tanong naman nya sa akin."Hehe"eh kasi hindi ko mapigilan eh."Hindi mo dapat ginawa iyun dugo"sabi sa akin ni Gian"Bakit?ang alin?"tanong ko naman."Dapat hindi ka nalang nagtatatalon at nagsisigaw kanina dahil nakilala tayo ni Kerei at tsaka.."tinigil nya ang sinabi nya at tinuro si Adam sensei na nakangalumbaba at parang galit yung mga mata nya.Naku nakakainis ka talaga Ranzel hindi ka nag iisip."Sorry po Adam sensei"paghingi ko ng tawad pero hindi lang nya ako pinansin.

Naku ito yung ayaw ko eh,ang mapagalitan ni master Adam baka mamaya kung ano na naman ipagawa nya sa akin huhu anong gagawin ko.

Gian's Pov..

Natahimik si Dugo ng dahil sa nakita nyang nagalit si Adam sa kanya.Paano ko nalaman?Kasi tahimik ang pinsan ko kung magalit at hindi ka nya papansinin pag galit sya sa iyo.Ito namang si Amasona naghahanda na.Ang makakalaban nya sa pagkakataong ito ayon sa tinanungan ko ay si Rave at ang sabi pa ay magaling sya sa close combat pero tingnan natin kung gagana kay Amasona.

Tumayo na yung Rave at syempre pati si Amasona.

Cassandra's Pov..

Tumayo na ako sa inuupuan ko dahil ako na ang susunod pero wala talaga ako sa mood ngayon hay kailangan ba talaga ito?

Pagkadating ko sa ring ay walang gana ko lang na tiningnan yung lalaki sa harapan ko,ok lang whatever I hate men they are always taking my friends away from me pero except kay Adam sensei parang kuya ko na yun eh at tsaka may isa pang dahilan kung bakit ayaw kong lumaban.

"Ok on your places"sabi nung kanina pa nagsasalita kaya ginawa ko na lang at maya maya nagsenyas na pwede na magsimula.

Na..nagulat ako sa nangyari,ang bilis nyang makalapit buti na lang at nakailag ako.Oo nga pala sabi nung napagtanungan ni Gian ay magaling sa close combat ang lalaking ito.Wala talaga ako sa mood kaya umiilag lang ako ng umiilag.Hay para saan ba kasi itong ginagawa namin?Ang alam ko susubaybayan lang namin itong organization eh.

"Miss pwedeng seryosohin mo hindi yung ilag ka ng ilag"sabi nang kalaban ko pero hindi ko lang sya inintindi at tiningnan ko na lang ang mga galaw nya para matapos na ito.Sa wakas may nakita na rin akong kahinaan nya.Well obviously ang kahinaan nya ay ang sobrang lapit nya lumaban yung tipo na close combat eh close na close talaga.Doon ko na sinimulan ang pag atake.Sinipa ko lang naman sya ng napakalakas ang kapal kasi ng mukha akala mo kung sino eh sobrang lapit pa naman.

"May ibubuga ka naman pala eh"hello,lahat kami sa Assassin Organization ay may ibubuga dahil nag aaral kami ng ninjutsu para pumatay.Susugudin nya sana ako ng suntok pero nakailag ako at hinawakan yung kamay na dapat ay ipapangsuntok nya sa akin at inilagay ito sa likod nya."Sumuko ka na"sabi ko sa kanya pero nagrerebelde pa rin sya para manalo,tsk sumuko ka na kasi.

Maya maya ay itimutulak nya na ako pababa ng mataas na ring.Anong nasa isip nitong lalaking ito?Nang nasa dulo na ako ng ring ay nabitawan ko sya kaya nakawala sya at handa na sana akong mahulog sa ring pero nahawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako hanggang sa mapayakap ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nanatili lang ako sa ganong state at di ko namalayan binibilangan na ako ng Mc para tumayo pero hindi ko pa rin talaga maigalaw ang mga binti ko.Bakit kasi mataas yung ring na ito eh may trauma pa naman ako sa matataas.

"0"huling bilang nung mc at automatic na talo na ako pero anong gagawin ko?Napakaduga kung di lang mataas itong ring na ito ay hindi ako katatalo nakakainis!Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatayo at nagulat ako ng buhatin ako nung kalaban ko."Bi..bitawan mo ako"sabi ko sa kanya"Pag binitawan kita hindi ka pa rin naman makakatayo edi ganun din yun"tsk arogante porke nanalo sya.Nakakainis,babawi ako sa lalaking ito promise.

Nang madala na nya ako sa pwesto ko ay may binulong sya."By the way ang lambot mo"nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki at deretsa ko syang binatukan"Bastos!"nagsitinginan sa amin yung mga nanonood pati na rin yung lalaking nasa kasing taas ng tao na ring na nabibwisit ako kainis kung hindi lang iyan mataas baka nanalo na ako.

Gian's Pov..

Ngayon ko lang naalala na may trauma nga pala si amasona sa matataas na lugar kaya siguro natalo sya at binuhat pa sya ng lalaki na pinakaayaw nya.Well siguro kailangang ako naman ang lumaban at pag nanalo ako ay hindi na kailangang lumaban ni Adam.

Nang tumayo ako ay saktong may tumayo na rin sa kabilang grupo at mukhang masayang masaya pa sya,well whatever dahil wala akong pakealam sa mga trying hard na tao at pag isa sya sa mga iyon ay lagot talaga sya sa akin.

Umakyat na ako sa ring at ganon din yung lalaking kanina pa nakangiti.Bakit kaya nakangiti ang isang ito?Pag dating ko sa harap ay tinignan ko lang sya na at wala na talaga,naweweirduhan na ako sa isang ito."Sam kapag natalo ka dyan ipapahiya kita sa girlfriend mo"sigaw nung isa na hindi pa lumalaban pero whatever baka manalo sya sa akin.

Sumenyas na yung Mc na pwede ng magsimula at deretso kong nilabas ang mga shuriken ko at ibinato sa kanya pero nakailag sya pero uminda sya sa sakit ng malaman nyang nasanggi ko ang braso nya."Grabe miss atat ka naman masyado take it smoothly li..."hindi na nya tinuloy yung sinasabi nya dahil nagpadaan ako ng kunai deretso sa gilid ng mukha nya para magulat sya.Hindi dapat nakikipag usap sa laban."Pa..papatayin mo ba ako?"gulat na tanong nya sa akin pero sumugod ulit ako sa kanya at nang nasa harap na nya ako ay deretso akong umupo at iwinasiwas ang aking paa para matumba sya at duon ko na hinagis ang mga kunai ko at dumiretso iyon sa mga laylayan ng damit nya para hindi sya makagalaw.

"Whooo ang galing mo miss"ang iingay na naman nila"Are you ok Mr.Sam?"tanong nung Mc sa nakalaban ko."I can't move I forfeit"buti naman at sumuko na sya pero bakit parang hindi sya gumalaw?Siguro imahinasyon ko lang iyon.Tinanggal ko na angmga kunai na nakabaon sa lupa kasama ang laylayan ng damit nya at itinago ko ito.

"Wow you're a great fighter what's your name?"tanong nya pero di ko lang sya pinansin at umalis na sa ring.Hindi ko kailangang ibigay sa kanya ang pangalan ko.Maingay pa rin ang mga tao kaya nabibwisit ako pero panalo naman kami kaya ok lang.

"So I guess ay alam nyo na kung sino ang nanalo maaari bang tumayo ang Kuroshiya gang bilang pagkilala sa kanila bilang Rank 1 in Akuma Gangsters"Sabi nung lalaki kaya tumayo na sila at syempre hindi ako pinalampas ni Ms. Ai, si Adam hindi mo mapipilit ngayon,si Amasona hindi pa rin makatayo at si Dugo ay nasa iba pa ring dimensyon na parang nagcucurse.

A suivre...

Sorry po masyadong nagmamadali wag kayong mag alala hindi pa tapos ang encounters ng Dream Reapers at Kuroshiya kumbaga nga this is just the beginning..

Tnx po and god bless and sorry about my grammatical errors and typos.

YuKi...

avataravatar
Next chapter