Napanguso ako ng makita ang magkabilaang hallway. San ako dadaan? Kanan o kaliwa?🤔
Bahala na. Kanan nalang lahat hehehe. 😅
Agad kong tinungo ang kanang hallway at napakamot ako sa batok ko ng dalhin na naman ako nito sa tatlong hallway. Pinaglalaruan ba ko ng lugar na to? Ano mamaya, apat? Maze lang ang peg? Huhuhu how i hate this kind of situation. Malas layuan mo ko please! Ayoko sayo! Hindi tayo close 😭
Tinungo ko ang kanan ulit. Kulang nalang sirain ko na ang buong akademya nito ng madagdagan na naman ng isa! Apat na siya huhuhu.
How can i go out on this dungeon? 😭
~☆~
Alicia PoV
"I'm here to help you out Zeke. I heard that Xynthia is imprisoned on her own body"- i know Xynthia since she born. Sinubaybayan ko ang takbo ng buhay niya simula ng ipanganak siya. Ako ang binigyan ng misyon para patayin siya kung sakaling siya ang magiging dahilan para maubos ang lahi namin. Hindi ko maiwasang malungkot sa takbo ng buhay niya. Siya lang mag-isa ang bumuhay sa sarili niya. Ni wala siyang nakahabilo sa buhay niya. Gustuhin ko mang samahan niya ay hindi pwede dahil sa malayo ko lang siya pwedeng subaybayan. Saksi ako sa lakas ng kapangyarihan niya. Saksi ako sa pagpipigil niya sa sariling maging katulad ng ina niya. Nagpapasalamat ako sa kaniya na sa panig siya ng kabutihan napunta. Kung hindi? Siguradong katapusan na ng mundo.
Kahit pagdating niya dito sa akademya ay hindi ko siya tinigilan. Saksi ako sa pag-iibigan ng dalawang magkasintahang ito. Alam kong sila na ang nararapat sa isa't-isa. Darating ang araw na kapag naging masama si Xynthia ay hindi magdadalawang isip si Zeke na sundan ito. Ganon nila kamahal ang isa't-isa.
Napatingin ang lalaki sakin na may matatalim na tingin. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito ngunit agad mong malalaman na badmood siya dahil sa madilim na awra na pinapakawala nito. Sa presensya pa lang ay malalaman mo ng napakadelikado siya.
"Follow me"- malamig na saad nito at nagsimulang maglakad. Ng makarating kami sa dungeon at kung saan nakakulong si Xynthia ay agad nanlaki ang mata ko ng makitang sira na ang kulungan nito. She's missing..
"D*mn"- mahinang mura ni Zeke at sa isang iglap ay nawala na ito sa paningin ko.
Walang pagdadalawang isip na ginamit ko ang kapangyarihan ko para makita ang kinaroonan niya ngunit hindi ako nagtagumpay. May pumipigil sa kapangyarihan kong matunton ang lokasyon niya.
Xynthia where are you?? Please be safe..
~☆~
Xynthia PoV
Naiinis na napaupo ako sa sahig. Nakakainis! Kailan ba matatapos tong kalbaryo ko sa buhay? Hindi ako makarating-rating sa kadulu-duluhan nitong dungeon na to, e kung gibain ko nalang kaya? 🤔
Agad naman akong napailing at mahinang binatukan ang sarili ko. Napakatangang suggestion naman yon Xynthia, mas lalong hindi ka nila paniniwalaang ikaw na yan kung ginawa mo yon.
Wala sa sariling tumayo ako at nagsimula na namang maglakad but this time isang mahabang daan nalang dinadaanan ko. Wala akong makitang malilikuan tapos may kadiliman pa. Gumawa ako ng apoy sa kamay ko dahil padilim ng padilim. Huhuhu nasaan na ba ko?😭
Napatuod ako si kinatatayuan ko ng makaramdam ako ng napakalakas at nag uumapaw na kapangyarihan at kung hindi ako nagkakamali galing ito sa hallway na to. Ramdam kong malapit lang ako sa taong kinaroroonan nito.
Walang pagdadalawang isip na sinundan ko ang presensya niya. Bahala na.
Napahinto ako ng makita ang isang double door na gold na pinto. Sigurado akong dito nanggagaling yon pero ang ipinagtataka ko ay bakit biglang wala na kong maramdaman?🤔
Sinubukan kong patamaan ito ng kapangyarihan ko ngunit wala itong epekto sa pinto. Napangise na lamang ako ng may makitang padlock sa pintuan.
Fairy Susiey i summon you here..
May nabuong particles na yellow sa harapan ko at unti-unti itong nabuo sa pagiging fairy
She's Fairy Susiey. The fairy who can summon all keys, lahat ng pinto ay kaya niyang buksan.
"Can you please open that door? Hehe"- nginitian ako nito at nag bow ng kaunti. Lumapit ito sa pinto at tinignan ang podlock nito. Biglang lumiwanag ang kamay nito at sa isang iglap ay lumitaw ang isang susi sa kamay nito. Agad niyang ipinasok ang susi sa may padlock niya. Rinig ko pa ang pagtunog nito na sign na nabuksan na.
"Hehehe salamat. you can go back now. Patawad sa istorbo! Shaoo!"
Agad akong napaharap sa pinto. Ano kayang nasa loob nito? Dahan dahan kong binuksan ang double door na sobrang bigat. Parang ang tagal ng hindi nabubuksan. Rinig ko pa ang creepy na pagtunog nito. Geez~
Bakit sobrang dilim? Wala akong makita.. hehehe bampira ba tong naka stay dito?
Agad akong pumasok at mas nilakasan ang apoy sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng biglang sumarado ang pinto at hindi ko napigilan ang sarili kong mapatili.
"Kyaahhhhhhhh!"- huhuhu ngayon alam niyo na masama akong magulat 😭
"Noisy"- rinig ko ang baritonong boses na yon. Agad akong napatigil at napatingin sa pinaggalingan nito. Sumindi ang ilaw ngunit hindi masyadong maliwanag pero tamang tama lang ito para makita ko ang buong lugar at ang taong nagsalita.
Agad nanlaki ang mata ko ng makita ang taong kamukha ni Zeke.. mas lalo ko pang pinagmasdan ang mukha nito at ngayon alam kong hindi talaga siya si Zeke. Kahit magkamukha sila, marami silang pagkakaiba. Parehong pareho sila sa lahat ng bagay maliban lang sa awra nito. Kahit cold si Zeke sa pakikitungo sa ibang tao, alam kong may pakialam siya sa mga ito. At base sa lalaking nasa harapan ko, alam kong masama ang isang to. Sa awra pa lang niya alam kong napaka delikado niya..
Pero ang ipinagtataka ko, bakit kamukha niya si Zeke? Hindi kaya may kambal siya at hindi man lang niya nabanggit sakin?
"Who are you?"- malamig at malalim na saad nito. Parang nanggaling pa sa pinakailaliman ng lupa ang boses niya. Kitang kita ng dalawang mata ko ang mga mata nito. Sa kanan ay pula at sa kaliwa ay itim.
"I'm Xynthia hehehe, patawad sa istorbo!"