webnovel

Falling with a Bartender (GL) [Filipino]

"At kanino 'yang damit na 'yan ha miss? Sa bwisit bang waitress na 'yan? Ayaw ko niyan, baka saan pa galing 'yan. 'Di bale na lang," bwisit na bwisit at nandidiri kong sabi kay dumb waitress habang tinuturo ang isa pang walang hiyang waitress. "Ang arte naman. Akala mo naman maganda." "What? May sinasabi ka ba stupid waitress?" mataray kong tanong dito dahil bumubulong-bulong pa ito na ikinainis ko ulit. Posible kayang may mabuong pangmatagalan kung sa bar mismo ang lahat ay pansamantala lamang?

DamienSelene · LGBT+
Not enough ratings
46 Chs

Chapter 33

Sinundan ni Johansen si Kale at tulad nito ay sumulong din siya sa dagat. Unti-unti siyang lumapit sa kaibigan kahit na malamig na buhat sa napakalalim na ng gabi at mahangin pa.

"Kale...Kale, " tawag ni Johansen ngunit hindi ito sumasagot. Nanatili lang itong nakatanaw sa malayo at bahagya pang lumayo na walang pakialam kahit na hanggang dibdib na nila ang tubig.

"Kale! Sumagot ka, puchang 'yan!" sigaw na ni Johansen ngunit wala pa rin.

Paalis na sana si Johansen nang biglang magsalita si Kale.

"Nandito lang ako bakla. 'Di mo kailangang sumigaw, magkalapit lang tayo," tipid niyang wika.

Unti-unti uling lumapit si Johansen hanggang sa magkatabi na sila.

"Alam mo Kale, hindi mo kailangang pasaning mag-isa ang mga problema. In fact, wala namang problemang mahirap dahil lahat naman ay may solusyon 'di ba? It's how we see and approach the problem that makes it difficult. Alam kong alam mo 'yan Kale kaya nandito kami nina Ashleya, kaming mga kaibigan mo para tulungan ka," mahabang saad ni Johansen at niyakap si Kale ngunit hindi man lang natinag ang huli.

"You don't know everything about me, Johansen. Wala kang alam sa nararamdaman at pinagdadaanan--"

"Of course I know everything, Kale. 'Yong iwanan ka nga lang ng taong minamahal mo ay masakit na pero 'yong mawala permanently at hindi mo na makikita at mahahawakan kailanman..." Natawa na lamang si Johansen at napailing-iling saka humiwalay sa kaibigan.

"Tulad mo, nawalan din ako ngunit dalawa sa 'kin. Dalawang pinakamahalaga at espesyal na tao sa buhay ko. It left me with an invisible scar and a big hole in my heart," patuloy na sabi nito at tumingala sa kalangitan kung saan ang mga bituin ay nanonood sa kanila.

Sandaling tumahimik si Kale at inirerehistro sa isip ang sinabi ng kanyang bestfriend.

"Anong ginawa mo?" kapagkuwa'y tanong niya sa kaibigan.

Huminga muna ito nang malalim saka sumagot. "Wala, dahil wala ka namang dapat gawin kung di tanggapin ang mga nangyari. Accept it and life goes on. Life is a cycle, my dearest bakla. What goes around, comes around kaya don't get blinded by your past because you might not see what awaits in the future. Saka kung time won't heal my wounds pwede namang bayaran! Magpakapokpok na tayo at marami pang darating! Kaya bakla tama na ang kadramahan, 'kay? Ang dami mo ng nalalaman!" sigaw muli ni Johansen at sunod-sunod na winisikan ng tubig-dagat si Kale.

"Jo...Johansen, teka nga! Ang lamig, tigilan mo nga 'yan!" awat niya rito habang pilit na inihihilamos ang palad sa mukha niyang basa.

Ngunit nagpatuloy pa rin si Johansen sa ginagawang pang-aasar kay Kale. Tuwang-tuwa ito dahil halos hindi na ito makaporma sa ginagawa niya. Ang mahaderang halakhak na lamang ni Johansen at ang tunog ng tubig ang maririnig sa gabing iyon. Si Kale naman ay halos naligo na at lamig na lamig.

"Bakla! 'Yong mata ko! May suot akong—"

"Oh eto na, stop na! Bwisit ka kasi, ang seryoso mo masyado tapos kapag kinukulit ka ayaw mo rin! Lagi na lang ganyan, 'yong totoo, abnormal ka ba?"

"Alam mo ikaw ata ang may sayad sa 'tin 'no? Isipin mo mga drama natin sa buhay ang topic natin kanina tapos anong ineexpect mo? Tatawa ako? Ikaw ata 'tong nakadroga sa 'tin. Bawas-bawasan mo, Junior," sagot naman ni Kale.

"Eh ikaw, ano namang ginawa mo?" pag-iiba ni Johansen.

"I threw it."

"Threw what—oh! Congrats! For the first time and forever may ginawa ka ring tama! Ipagpatuloy mo 'yan! Uso mag-move on," at masaya niyang inakbayan ito.

"Tsk, uso ring umalis dito Junior dahil kanina pa ako nilalamig o maiwan ka na rito?" Akmang aalis na siya nang bigla siyang pigilan ni Johansen.

"Ops, ops, ops, bago ka umalis, ito naman talaga ang pakay ko kaya sinundan kitang lechugas ka. Nakalimutan ko na tuloy sabihin dahil ang daldal mo! Pumunta ka raw sa kwarto niyo nina Ashley at kanina pa 'yon kaya dalian mo na."

"Bakit daw?"

"Doon niyo raw ituloy 'yong bonfire," sarkastikong sagot naman ni Johansen. "Baks, alam mo hindi ko na talaga alam kung saang spectrum ka ng tanga, abnormal o shunga nabibilang kasi ang lala mo na. Mukha bang alam ko ha? Daig mo pa 'yong magkakaibigang moret."

"Tara na pala. Gusto mo bang sabay na tayong maligo? Tutal parehas tayong basa dahil sa 'yo," nakangising alok ni Kale.

Bigla namang kinilabutan si Johansen sa narinig. "A super duper big no! Kadiri! Yuck! Buti sana kung may makita akong birdie eh wala naman pero kahit na! Lumayas ka na nga, nakakadiri ka! Shoo!"

Bahagyang natawa si Kale at hindi na sumagot pa. Hinayaan na niya ang kaibigan niyang sirena sa dagat at umalis na. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanilang cottage.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaakyat na siya at nasa tapat na ng kanilang kwarto. Maingat at dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob upang 'di lumikha ng ingay ang pagbukas ng pinto.

Nadatnan niyang madilim ang kwarto at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay sa labas at ang nakabukas na lampshade. Patuloy pa rin siyang nilalamig kaya nagmadali na siya at isinara na ang pinto.

Nang makalapit siya nang kaunti ay naaninag niya si Ashley na nakayuko at nakaupo sa isang upuan sa gilid.

"Ashley...Ashley," tawag ni Kale ngunit hindi ito sumasagot.

Lumapit pa si Kale rito. "Ash...Ash—" Walang ano-ano'y tumayo ito at mabilis na ikinawit ang mga braso sa batok ni Kale.

"A-Ash, lumayo ka sa 'kin. Basa ako at kailangan ko ng maligo. Magpahinga ka na rin dahil hatinggabi na. Nakapagpalit ka na rin ba ng damit? Lango ka sa alak."

Akmang hihiwalay na siya kay Ashley ngunit mas hinigpitan nito ang pagkakawit ng braso upang hindi makaalis si Kale.

"Hindi ako lasing, Kale. Alam ko pa ang ginagawa ko at kanina pa kita hinihintay," seryosong giit naman nito.

"Pero Ash—"

Naputol na ang sasabihin ni Kale nang mabilis na inilapit ni Ashley ang mukha niya rito at akmang hahalikan ito ngunit mabilis din itong pinigilan ni Kale at umiwas.

Patuloy pa rin ito sa pagtangkang halikan siya habang siya nama'y pilit na inilalayo ito. Sanay naman na si Kale sa mga ganitong may mga nalalasing ngunit ayaw at iba ang pakiramdam niya sa ipinapakita ni Ashley ngayon.

"Ashley, 'wag ka ng makulit. 'Wag ngayon at matulog—"

"Bakit ba ha Kale Nixon? Hanggang ngayon ba mahal mo pa rin siya? Bullshit!"

Hindi na napigilan ni Ashley ang magburst out sa harap ni Kale. 'Di naman ito inaasahan ng huli.

"C'mon Ash, lasing ka nga—"

"No, hindi ako lasing! Just answer my fucking question, Kale Nixon! Mahal mo pa rin ba si ate? Si Ate Sarah na half-sister ko?"

Hindi na napigilan ni Ashley ang lumuha dahil sa nararamdamang sakit na matagal na niyang itinatago.

Tila ipinako sa kinatatayuan si Kale at walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig nito. Para siyang napipi sa narinig mula kay Ashley.

'Di niya alam kung ano ang magiging reaksyon o sasabihin sa rebelasyong iyon.

"A-anong ibig mong sabihin Ashley? Paano nangyari na—so all this time a-alam mo k-kaya ba..." puno ng pagkalitong sambit ni Kale matapos ng ilang sandaling pananahimik.

"Oo matagal ko ng alam at matagal na rin kitang mahal, L. Noon pa man kilala at nakikita na kita at hanggang doon na lang ako. Alam kong hindi mo pansin dahil sa t'wing dinadala ka ni ate sa bahay, mabilis akong nagtatago sa kwarto ko hindi dahil sa ayaw kitang makita kung di dahil kinikilig and at the same time ay nasasaktan ako dahil ang taong palihim kong minamahal ay pagmamay-ari na ng iba." Patuloy na naglalandas ang mga luha ni Ashley dahil sa mga katagang iyon.

"Naaalala ko pa rin kung paano kayo tumawa ni ate. Naririnig ko kayong dalawa noon habang ako nama'y palihim kayong pinapanood lalo ka na. Napakasaya mo noon kaya naisipan kong umalis at bumalik ng Pilipinas upang magpakalayo at limutin ka. Kahit mahirap ay kailangan kong gawin. Nagpakabusy ako sa bar until one night, nagtapon ako ng basura. 'Di ko alam kung ba't biglang nahagip ng paningin ko ang isang pigura. That moment, tinitigan ko muna until I realized that it was you." Bahagya namang natawa si Ashley sa huling sinabi kahit na puro luha na ang kanyang pisngi.

"Stop it, Ashley. Please—" Pilit pinatatatag ni Kale ang kanyang boses at naikuyom ang mga palad.

"That's how we met for the first time, L. Akala ko unti-unti na akong nakakalimot pero the moment that I saw you there, sitting at the middle of nowhere, my stupid heart raced again like crazy. This heart of mine remembered you so well that it only skipped for you. Wala na akong pakialam noon dahil mas nanaig ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo kaya nilapitan kita agad at niyakap. And there, for the first time, I reached you, whom I loved and adored from afar—"

"I said stop it, Ashley!"

"Mahal na mahal kita L! Sobra kitang mahal... Tell me, kahit ba katiting ay wala akong puwang diyan sa puso mo?...o... s-si Ate Sarah pa rin ang... nila...laman niyan?" puno ng sakit na sambit ni Ashley habang ang luha nito ay walang tigil sa pagpatak.

Yumuko lang si Kale at nanahimik. Nangingilid ang mga luha. Lahat ng mga alaalang matagal na niyang ibinabaon sa limot ay sariwang bumabalik. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng kapalaran at pilit hinahabol ng nakaraan.

Ilang saglit ay nag-angat na si Kale ng tingin, malungkot ang mga mata tulad kay Ashley.

"Ashley...Sarah was my everything... my lover...but then... I lost her too soon. Basketball. Cars. She was amazing. How could I forget? That was three years ago but now, it's different. Everyday, there was an unbearable pain that kept on growing inside me, engulfing my entirety 'til I could feel nothing but numbness. Pain got me nowhere... and then, you found me. You took care of me...assisted me with everything without me asking for it. You put everything to me...your attention, your time even though you were busy. You never get tired of me. I rarely spoke and talked to you but you still managed to be patient with me. You stayed with me all along. Because of you, I got on my own feet again and started to move forward. Ashley, you are very special to me. You have a special place in my heart and I love you but not the way you're hoping us to be. I can't afford to lose someone again. I'm sorry, Ashley."

Lalong humikbi si Ashley sa narinig at sapat na 'yon para malaman ni Kale kung gaano kabigat at kasakit ang nararamdaman nito. Masakit din para sa kanya na makita si Ashley na nasasaktan nang dahil sa kanya; na walang ibang inisip kung di ang kapakanan niya ngunit anong magagawa niya gayong naging totoo lamang siya rito at ayaw niyang paasahin ito.

Kumilos na si Kale at nanguha na ng gamit nang sa gayon ay mabawasan na ang bigat na namamagitan sa kanilang dalawa. Makaraa'y lumabas na rin siya dahil mas makakabuti kung hahayaan muna nila ang isa't isa.

Nagtungo na si Kale sa isang cr ng resort sa labas upang makaligo na. Nang matapos ay dumiretso ito sa tabing-dagat at umupo sa buhanginan. Balot ng kanyang towel sa gabing malamig ay tahimik lang siyang nakatambay. Pinagmamasdan ang kawalan habang maraming naglalaro sa kanyang isipan.

"A beer for your thoughts?"

Isang bote ng beer ang bumungad kay Kale. Nakalapit na sa kanya si McKenize nang 'di niya namamalayan. Umupo na rin ito.

"No, thanks."

Tinungga na ni McKenzie ang bote ng beer habang parehas silang nakatingin sa madilim na kawalan. Tahimik lang sa pagitan nilang dalawa. Tanging paghampas ng alon at ihip ng hangin ang maririnig.

"I'm sorry."

"For what?"

"For what we did to you and...for what... you went through," nauutal pang sambit ni McKenzie habang nakatingin kay Kale.

Bahagya namang natawa si Kale habang nakatingin pa rin sa malayo. "Don't be."

Wala na uling umimik sa kanila at si McKenzie ay patuloy lang sa pagtungga ng alak.

"Can we be friend—"

"Sobrang lamig na. 'Wag ka ng magpakatagal pa at pumasok na rin. And, trust is earned, miss." Iniwan na ni Kale si McKenzie at umalis na.

Kinabukasan ay sama-sama silang lahat na masasakit ang ulo. Lahat ay tahimik habang ang sapo-sapo ang kanilang mga ulo at ang iba nama'y nakasubsob sa mesa.

"Nagugutom na ako, magluto na nga kayo ng pagkain," saad ni Natalie habang hilot-hilot nito ang sentido.

"I want coffee, please?" si Aubrey habang nakayakap sa kanyang boyfriend.

"Nasa'n na ba 'yang si Allison? 'Di pa gising 'yong babaitang 'yon?" Walang sumagot kay Johansen.

Dahil tinatamad silang lahat na kumilos ay kanya-kanya silang pwesto at muling natulog. Makalipas ang dalawang oras ay nauna nang gumising ang mga lalaki at dumiretso sa kusina. Pinangunahan na ni Tyler ang pagluluto habang ang iba niyang kasama ay inihanda na ang mga kakailanganin ng iba sa oras na magising na ang mga ito.

"Sa wakas, kakain na tayo! Mauuna na ako ha!" Sumandok na si Natalie at sumunod na rin ang iba.

"Nasa'n na ba kasi 'yang si Allison? Kanina ko pa siya hinahanap ah! Saka may nawawala pa tayong kasama...si bakla! Sa'n ba nagliligalig ang mga 'yon?! Gisingin niyo na nga at lalafang na tayo!" talak na naman ni Johansen sa mga kasama.

"Puntahan ko muna sa kwarto nila. Baka sa ilalim natulog dahil sa sobrang kalasingan," sabi naman ni Ian at iniwan sila.

"Wala si Ali pati si Kale. Baka hindi sila rito natulog o kaya maagang namasyal diyan sa tabi-tabi."

Napairap na lang si Johansen kay Ian. "Bahala sila. Matatanda naman na sila kaya na nila—si Ashleya?! Hoy moret, sa'n na 'yong pinsan mo? Tawagin mo na nga."

Tinaasan lang siya ng kilay ni McKenzie. "I'm eating, can't you see? And we're not close. Nat seemed close with her so Nat, go fetch your friend," mataray namang tugon niya.

"Ah sino ka? Kayo ata huling magkakasama kagabi eh. Ikaw, si Ashley, Kale at bakla tapos si Pilak!"

"So what? Kumain na lang tayo dahil nandiyan lang naman sila besides kina Allison naman itong resort so why bother?" katwiran ni Silver kaya nanahimik na sila at nagpatuloy na sa pagkain.

Natapos na sila at nakapaghanda na ay wala pa rin sina Allison, Ashley at Kale. Kaya ang ginawa nila ay nagkanya-kanya sila ng mga gusto nilang gawin. Naglaro rin sila ng team games hanggang sa nagkapikunan si Aubrey at Natalie dahil mapang-asar ang huli. Sa halip na awatin ang dalawa ay ing-cheer pa nila lalo na ang mga lalaki. Si Johansen naman ay nakasilong habang may sinisipsip na juice at pinapanood ang mga kasama. Sitting pretty while on his sexy one-piece swimsuit.

Nilibot rin nila ang buong resort at kanya-kanyang kuha ng mga pictures lalo na si Black at Aubrey.

"Ba't ang tahimik mo, Mc? Tayo na lang ang magpicture! Dali, ngumiti ka na!"

"Wala ako sa mood Eiji kaya tigilan mo ako pwede ba? Saka 'wag ako ang kinukulit mo!"

Kahit na sinigawan na siya ni McKenzie ay hinila na niya ito palayo at humiwalay na sila sa kanilang mga kasama.

"So tell me Mc, anong arte natin ngayon? Dahil pa rin ba 'yan kagabi? Nalapitan mo ba siya?"

"None of your business, Zamora. And I'm fine so shut up!"

Hindi naniniwala si Silver kaya hinayaan na lang niya ang kaibigan at inasar ito. Nagpadala na lang din si McKenzie sa kakulitan ng kasama dahil alam niyang nagseselos ito kina Aubrey kaya nagliliwaliw.

Nakabalik na sila ng cottage at saktong kadarating din ni Allison.

"Hoy babaita, sa'n ka galing ha?! Kanina pa kita hinahanap!" bungad agad ni Johansen dito.

"Kumusta naman kayo rito? Pasensya na at ngayon lang ako. May inasikaso pa kasi ako. Anyway, doon na lang tayo sa bar dahil may mga ipinahanda na akong pagkain saka pwede rin kayong mag-relax kaya guys tara na!" at sabay-sabay na silang nagtungo sa bar.

***

Pagkahatid ni Allison kay Kale sa kanyang apartment ay agad na nagpahinga si Kale at natulog. Laking pasalamat niya ng pagbigyan siya nito sa kanyang gusto na umuwi na kaya maaga silang umalis ng resort.

Nang magising ay naghanda na siya sa pagpasok sa trabaho. Pagdating niya ay saktong kabubukas ng The Midnight Haven.

"Magandang hapon, Kuya Mario. Kumusta na?" bati niya sa nagmo-mop na si Kuya Mario.

"Uy bata, nandito ka na pala! Ito pogi pa rin. Ikaw, kumusta na? Ilang araw ka ring absent dito. Busy ba sa pag-aaral?"

"Ito Kuya, may tama ang paa. Oh siya, punta na po ako sa bar counter," paalam ni Kale at iniwan na ang katrabaho.

Sa wakas, nakabalik din, aniya sa isip.

Nagsimula na siyang magpunas ng mga baso at bote. Pinagsama-sama rin niya ang mga alak na magkakaparehas ng uri dahil sa t'wing wala siya at iba ang bartender ay kung saan-saan nakalagay ang mga alak at makalat pa ang mga ito.

Gayundin ang ginawa niya sa mga utensils na kung saan-saan pinaglalalagay. Si Kale talaga ang pinaka-bartender sa bar dahil para sa kanya ang bar counter na kanyang pinagtatrabahuhan ngunit dahil maraming parokyano ang kanilang bar ay kailangan nilang magdagdag ng tao at 'di rin pwedeng mabakante ang kanyang bar counter.

"Dude! Long time no see! Ang tagal mong 'di nagpakita sa'min! Kumusta ka na?" masayang bati sa kanya ni Troy nang makita siya nitong nagpupunas kaya pinuntahan agad siya nito at mahigpit na niyakap.

"Dude, dahan-dahan, baka mabitiwan ko itong tequila. Okay lang ako eh kayo ba? Si Yan din pala, nasaan?"

"Oh my, Nix! Nandito ka na ulit sa wakas! I miss you!" biglang tili naman ni Arian nang makarating ito. Agad din siyang pinuntahan at sinalubong nang napakahigpit na yakap.

"Yan, dude! Namiss ko rin kayo pero 'wag niyo akong ipitin! Bitiwan niyo na rin ako dahil 'yong paa at braso ko ay masakit!"

Humiwalay agad ang dalawa at tiningnan siya.

"Eh? Napano ka ba kasi talaga dude? May usapan pa tayo 'di ba?"

"Ha? Anong usapan? Meron ba?"

"Chix, dude! Meron at marami na akong irereto sa'yo ano, g ka na ba mamaya? Dito lang muna sa bar."

Bago pa makasagot si Kale ay binatukan na ni Arian si Troy. "Hoy kupal! Napakahilig mo talaga ano? Kung gusto mo ng karamay diyan sa pambababae mo, humanap ka ng matanda! Hindi 'yong idadamay mo pa si Nix sa kamanyakan mong gago ka!"

"Alam mo Ramirez, hanggang dito ba naman may nasasabi ka?! Ni hindi ko nga pinapansin 'yang mukha mong espasol sa t'wing nagpupulbos ka! Saka 'di naman ikaw 'yong niyayaya ko—"

"Guys, chill lang okay? Mamaya na natin ituloy 'to dahil may mga dumarating na oh. Trabaho muna tayo," saway ni Kale sa dalawa.

"Basta dude ha?" Tinapik muna siya ni Troy at umalis na habang nakabuntot si Arian dito.

Mga wala talagang pinagbago.

"Miss, one vodka and five shots of tequila, please."

"Two old fashioned and one margarita."

"Bata! Pasuyo nga itong mga nakalista sa papel."

"Mimosa and martini for me."

Sunod-sunod at dagsa na ang mga customers ni Kale. Salin doon, serve dito, takal ng yelo at shake ng kung ano-ano ang naging takbo ng kanyang gabi. Ang kanyang mga customers naman ay nawiwiling nanonood sa kanya kaya 'di pa niya naiseserve ang mga inorder ng mga ito ay may nakalagay ng tip sa bar counter.

"Ma'am, here's your French 75," serve niya sa kanyang huling customer.

Pinupunasan na ni Kale ang counter top at iniligpit na ang ilang shot glass nang biglang may tumawag sa kanya kaya nahinto siya sa ginagawa.

"Oliveros, pumunta ka raw sa opis ni Manager Oli ngayon din," sabi sa kanya ng isa pang katrabaho niyang waiter.

Iniwan niya muna ang ginagawa at nagtungo na sa opisina ni Manager Oli. Kumatok muna siya.

"Come in."

Pagpasok ay nadatnan niyang nakaupo ito sa sariling office chair habang abala sa pagpipirma ng mga papel at nag-aaudit.

"Good evening po Manager Oli. Pinapatawag niyo raw po ako?"

"You were absent for how many days, Oliveros and here you are, bigla-bigla na lang susulpot na parang kabute at kung kailan mo gusto. You know that I have my own policies here and that includes not tolerating unprofessional behaviors like you have," mahabang wika ni Manager Oli habang nakasandal sa kanyang upuan at seryosong nakatingin kay Kale.

"I'm sorry, Manager Oli. Naging busy lang po—"

"And here comes again the one and only Oliveros the Great—the epitome of endless excuses. So, bukod sa busy, may sakit, na-late, ano pang alibi mo?"

Tumahimik na lamang si Kale at hinayaan na lang kung anong gusto nitong sabihin sa kanya. 'Di naman lingid sa kanyang kaalaman na mainit talaga ang dugo nito sa kanya.

"This will be your last and final chance, Oliveros. Umayos ka at ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong sisantehin kita. Are we clear?"

"Yes, Manager Oli. Thank you po."

"I don't need your gratitude. Now, get back to work!"

Paika-ikang lumabas si Kale sa opisina at bumalik na sa trabaho.

Hindi na niya namalayan ang oras dahil nakapokus lang siya sa pagtatrabaho at pag-aasikaso ng mga orders at kanyang customers. Habang nagpupunas ay hindi maiwasang sumagi sa kanyang isip ang mga nangyari sa kanila sa beach kagabi lalo na ang mga sinabi sa kanya ni Ashley.

Hay Ashley...

Ba't ako pa...

Nang wala na gaanong customers ay naisip ni Kale na umakyat sa rooftop upang magpahangin ngunit sa 'di inaasahan ay nandoon din si Ashley, nakatayo habang ang mga braso ay nakapatong sa railings.

Umupo lamang si Kale sa isang bench doon at tahimik na tumingin sa langit. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa.

"I'm sorry for what I acted last night." 'Di namalayan ni Kale na nakalapit na si Ashley sa kanya.

Bigla niyang naalala si McKenzie. Sa halip na tumugon ay iminwestra niya itong umupo sa tabi niya.

"What is a friend to you, Ash?"

Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa malayo. Hindi na rin kumibo pa si Kale at hinayaan na lang ang presensya nila ang manaig sa sandaling 'yon.

Ilang minuto lang ay tumayo na si Kale at nagpaalam ng umuwi. Paalis na siya nang biglang nagsalita si Ashley.

"A friend is someone who you can trust or share your life with... but not with your feelings."

Napangiti si Kale dahil dito. "I'll go now. Thanks, Ash. Have a good rest."

A/N: Hello readers! It's been months since I updated this story. I'm sorry if may mga hindi tumugma na scenes (if meron man) at errors dahil di ko na ito naproofread at nakalimutan ko na 'yong flow ng story ✌✌✌✌