webnovel

Chapter 4

JAYROM POV's

Pag pasok namin sa canteen agad sumalubong sa amin ang mga hiyawan, at bulungan 'ng mga fangirls kuno namin'

'gwapo mo jayrommmm!'

'ang cute ni Xiemin'

'wah bagay sila'

'para silang lizquen at kathniel'

'gwapo mo Steven!'

 

'anakan moko Jayrom!'

'sexy ni isayyy!'

Puro ganyan lagi bumubungad

Sa amin, hindi ko naman sila masisi kung bakit hangang hanga sila sa amin, eh tao lang din naman kami.

Pumasok na kami sa canteen pero bago yun nakasalubong namin si, what her name again?  arrrggh

Faris?faira?France?

Basta yung kaklase namin.

Lumabas siya ng canteen alam kong nanpansin niya kami pero parang hangin lang kami sa kanya.

Anyway nandito kami ngayon sa usual spot namin.

Tumayo si isay para mag order

"Anong ooder nyo guys? Ako na bibili."- nakangiting Sabi niya

"French fries, cheese burger at juice ang sakin"- usal ni Xiemen

"Sakin kahit spaghetti at Burger lang"- nakangiting Sabi ko sabay abot ng one hundred.

"Ako na oorder nang sakin, samahan nalang kita" namumulang usal ni Steven.

Mukhang may something sa dalawa ah.

Tiningnan ko naman si Xiemen napapailing na nakatingin sa dalawa habang papalayo, mukhang parehas kami ng naiisip ah.

Bigla naman napalingon sa akin si Xiemen,

"May photoshoot daw tommorow sabi ni direk"- Sabi niya.

"Alright, thanks for the info."- sagot ko.

Maya maya lang ay dumating na ang order namin.

Nag pasalamat naman ako at agad na kinuha ang order ko.

Inubos ko agad ang spaghetti sa aking Plato at agad na tumayo.

"Teka san ka pupunta?"- tanong ni stev.

"Sa library lang." Sagot ko naman

"Tapos ka na agad?Ang bilis ah"- Si isay naman ang nag tanong.

Nakangiti akong tumango bilang pag sagot.

"Maiwan ko na kayo, kita nalang tayo sa room"- tumayo na ako at isinakbit ang aking bag, bini'tbit ko ang burger na hindi ko pa pala nakakain.

Dumiretso ako sa library dahil dito tahimik at walang makakapanggulo, walang nagbubulungan dahil pinapalabas ang maiingay.

Anyway hindi pa nga pala ako nakakapag pakilala.

Ako nga pala si Jayrom Valles 17 years old, And yeah, with the young age sumusweldo ako ng 30k in one month sa pag aartista.

My parents? They went abroad to pursue their career.

My mom's is a korean drama Director.

while my daddy is a lawyer.

So they don't have a time for me.

I understand naman dahil sabi nga nila para sakin daw yung ginagawa nila.

Tuwing Christmas at New year ko lang sila nakakasama saklap noh? Well that's life.

Solong anak ako kaya solo din ako sa bahay.

Hindi ako kumuha ng maid kahit pa sinasabi ng parents ko na kailangan ko yun.

'Pero mas kailangan ko kayo'

Palagi kong sinasabi sa akin isipan kapag napupuntahan sa ganon ang usapan namin.

Ako ang gumagawa ng gawain sa bahay, sa pagluluto, paglilinis at maging sa paglalaba ng damit ko. Dahil wala naman akong aasahang gumawa noon kundi ako.

Minsan laang umiingay ang bahay  kapag dumadating ang mga kasamahan ko o FameFour.

Minsan nga sa bahay narin namin sila natutulog kapag walang pasok, ayaw nila akong iwan dahil naawa sila sakin.

*Kringggg*

Napabalik nalang ako sa wisyo ng marinig ko ang bell. Ibig sabihin tapos na ang recess.

Ang bilis!

Hindi ko pa tapos yung binabasa ko eh.

Bale hihiramin ko nalang at sa bahay ko nalang siguro tatapusin.

Isinakbit ko na ang aking bag bago lumapit kay miss librarian.

"Ah miss, pwede ko po ba itong mahiram?"- tanong ko bago ko ipinakita ang libro. She smiled at me.

"Oo naman utoy"- sagot niya at saka inabot yung list. "O sya kelangan mo pumirma diyan at ilagay mo na din ang title ng libro"- Sabi niya.

Kaya pinirmahan ko na agad at agad na binalik sa kanya.

"Thank you"- Sabi ko bago tuluyang lumabas sa library, tinanguan lang niya ako.

Pumunta na ako sa room namin, ayoko pa naman ng nalalate.

Pagdating ko sa room namin naabutan ko sina stev.

"Yo pre"- bati niya kaya tumango lang ako.

"Kakadating nyo lang?"-  tanong ko sa kanila.

"Oo eh Ito kasing si isay ang dami nakain"- sumbong ni stev.

"Oy anong ako? Ikaw kaya tong matakaw psh"- sagot ni isay at inirapan si Steve. 

"Oh bat tahimik mo Xiemen?"- puna ko. Kanina pa kasi tahimik.

"Alam mo kasi—"

*BUGSHHH*

Hindi natuloy ang sasabihin ni Steve, nang bigla kaming nakarinig ng ingay na parang may bumagsak na kung ano sa loob, kaya binuksan namin kaagad ang pinto.

d_d

Nagulat kami nang makita namin ang isang babae na nakayuko habang nakaluhod.

Tss weird.

"Ano yung kumalampag?"- tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Oo nga, Ang lakas ah. nakita mo ba miss?" - si Xiemen Naman ang nag tanong.

Bago sumagot inayos muna nung babae ang kanyang itsura medyo humara kasi yung buhok sa mukha niya. At unti unti kona nakikilala ang babae.

Ah yung transferee!

"Ah yun ba?"- tanong niya

"Natutulog kasi ako kanina nang biglang binangungot ako kaya ayun nahulog ako"- pagpapaliwag niya. At napahawak kung saan sya nasaktan.

Nagulat ako nung biglang nagtanong si Steve.

"Ah ganun ba? How are you feeling right now? Ayus ka na ba? Nasaktan ka ba?" - may pag aalalang tanong niya.

Napalingon tuloy ako sa kanya.

Bakit kung mag tanong siya, parang close na close sila ah.

Hmm

"Fine, I guess." - Walang ka emosyon emosyon na sagot niya.

Nang makasagot siya ay umupo na din kami sa upuan namin.

Maya maya lang ay pumasok na din ang prof. Kasabay nitong pumasok si Heaven, bago ito umupo nakita kong nagkatinginan sila nung transferee at saka nginisian.

Mag kakilala kaya yung dalawa?

Tss hayaan na nga.

Nag focus nalang ako sa nagtuturo sa unahan.

Kung minsan natatawag ako, at nasasagot ko naman Ito ng tama.

Hindi naman talaga ako matalino eh, nakakasagot lang ako dahil nakikinig ako ganon lang.

Ang sumunod na klase ay pareho din. Discuss lang ang ginagawa. At kung minsan ay nag bibigay ng assignment.

"Ok, class dismiss, goodbye."- Sabi ni sir Magnum.

"Good bye sirrrr~"- pamamaalam ng mga kaklase ko.

Unti unting nag uuwian ang mga kaklase ko.

Napansin ko din na nasa labas na ang mga body guard namin.

"Jayrom ikaw ba sasabay ka Samin?"- tanong ni Xiemen.

"Hindi na, mauna na kayo aayusin ko lang to."- sagot ko naman.

"Sure ka? Sige ingat"-  Sabi niya saka lumapit sa akin para bumeso at ganun din si isay.

Si Steve naman pi-nat ang aking balikat.

"Mag ingat din kayo"- nakangiting sabi ko.

Pag kaalis nila saktong aalis na din yung transferee.

Dumaan muna siya sa harap ko, dahil madami siyang bitbit hindi niya napansin na may nag patak na 1/4, nilimot ko ito.

At binasa ang nakasulat.

Freya Holmes-smith

Room 212

Humss- Luthor

Mon-fri

(7am-3pm)

Math

earth and life

Breaktime

Filipino

Oral comm

Lunch

Ppg

Emptech

Diss

Schedule pala niya.

Pero bago pa siya makalabas ng room ay napansin kong nakatingin siya sa akin. Ngumiti ako, medyo nagulat siya pero nakabawi din naman agad.

Ngumiti din siya sakin pabalik.

"Pauwi kana ba?"- tanong ko

"Oo ikaw ba?"- sagot naman niya.

"Oo din, Ingat Freya"

"Ikaw din"- nakangiting sagot niya.

At tuluyan na siyang lumabas.

Nang matapos ko ang pagliligpit ng gamit ko ay lumabas na din ako sa room. At nilock, naaalala ko sakin nga pala ipinaubaya ang susi.

Kasabay kong bumaba ang body guard ko. Kaming apat kasi merong bodyguard ibinigay sa amin ni direk.

Pero hindi sila sa bahay namin natutulog. Ang trabaho lang kasi nila ay bantayan kami pag pasok at pag uwe para ligtas. May sarili silang kotse at palagi lang nasa likuran.

Pagdating ko sa parking lot pinuntahan ko na agad ang kotse kong Lamborghini.

Regalo ni daddy pero sabi niya wag ko muna daw gamitin dahil wala pa akong lisensya pero dahil makulit ako ay hindi ako pumayag syaka meron na din ako ngayong student license.

Isang buwan nalang mag e-eighteen na ako so pwede na ako makakuha ng lisensya.

Ini-restart ko na ang kotse at pinatakbo nang sakto lang.

Napatingin ako sa side mirror at nakita ko naman ang kotse ni manong tahimik na nakasunod lamang.

Nang marating ko na ang subdivision namin ay napansin ko na hindi na siya naka sunod.

Hanggang dito lang kasi dapat, bawal makapasok kapag hindi taga dito.

Nang matapos tingnan nung guard sa subdivision ang card ko ay pinapasok na niya ako.

Pag karating ko sa amin ay ipinark ko na sa aking garahe. At pumasok na sa loob.

Ang tahimik!

As always.

Umakyat na ako sa second floor dahil nandoon ang kwarto ko.

Pagpasok ko unang bumungad ang sala at blackboard doon kasi nakadikit lahat ng schedule ko.

Tumapat naman ako sa lagayan ko ng mga libro kung titingnan

Parang normal na book shelves lang pero kapag itinulak mo patagilid ay magbubukas na parang pinto.

Bumungad sa akin ang malinis kong study table.

Ganto kasi nirequest ko kay daddy noong maliit pa ako, gusto ko kasi kapag nag aaral ako walang umiistorbo.

Inilapag ko na ang aking gamit sa maliit na couch at sinara muli ang mini study room ko.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo.

I took 15 minutes sa pag ligo.

Kailangan ko din kasi magmadali dahil mag luluto pa ako.

Nang matapos ako maligo ay nag bihis na ako ng t-shirt na itim saka short na puti. Nag blower muna ako nang buhok bago bumaba.

Pag ka baba ko ay dumiretso na agad ako sa kusina.

At nag luto ng kanin sa rice cooker. At medyo nababagot ako sa pag iintay ay naisipan kong mag log in sa Facebook

Home|profile|message (7,128)|notification (12,125)|findfriends(9322)page(20,022)

Ang binuksan ko lang ay message. Galing sa mga fans

At ni isa wala akong nireplayan.

Agad ko nadin ni log out dahil baka masunog ang niluluto ko kapag na tagal pa ako.

Nang tingnan ko ang niluluto ko

Sakto luto na din.

Bubuksan ko na sana ang ref para kumuha sana ng lulutuing ulam. Nang biglang may nag door bell.

Sino naman kaya bibisita sakin ng ganitong oras? Tsh

Pumunta naman ako sa labas at sinilip kung sino iyon.

()_()

Pero nagulat nalang ako ng makilala ko kung sino iyon.

"FREYAAA??!"- napasigaw ako ng wala sa oras.

At pano nya nalaman na dito ako nakatira???

-psyclovers