webnovel

Falling For Mr. Wrong [Tagalog Novel] Soon To Be Published under PHR

Myla was good at her job. At kahit ano pa mang trabaho ang ibato sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Iyon ay bago siya ipinatapon ng kapatid sa hacienda ng kanilang pamilya upang tumulong sa pamamahala niyon. She accepted the task at hand without much question. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ang desisyong iyon nang makilala isang umaga ang lalaking magiging bagong kasosyo sa hacienda. Si Darwin, ang nag-iisang lalaking gustong gusto niyang pulbusin noon pa mang makilala niya ito. Ang masaklap pa ay obligado siyang pakisamahan ito nang mabuti dahil kasama iyon sa trabaho niya. Dahil napasubo na ay pinilit na lamang niyang gawin ang nakaatas sa kanya habang ipinagsisiksikan sa isip na trabaho lamang iyon. But then again, she was with Darwin, her greatest nemesis who happened to possess the pair of lips that had hunted her thoughts ever since she had tasted them when they were in college. Mapapanindigan ba niya ang "workmates" set up nila kung maging ang tibok ng puso niya ay naaapektuhan na ng simpleng presensiya lamang nito?

Eira_Alexis_Sotto · Urban
Not enough ratings
32 Chs

19

"MYLA Camille Tuazon, right?" ang nakangiting sabi ni Christopher.

"A-ako nga." Ang nagawang sabihin ni Myla. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang greatest crush niya noong nasa kolehiyo pa siya. Sa dami ng taong wala siyang balita rito ay bigla na lamang pala niya itong makakasalubong at sa probinsiya pa nila.

But something was definitely different. Kung noon makita pa lamang niya ito ay pinamumulahan na siya ng mukha, ngayon ay hindi na ganoon ang epekto nito sa kanya. She must have passed through that stage when she still blushes because of her crush. She grew up afterall.

Ah kaya ba ilang beses ka na rin nahuling nagblush ni Darwin? Pangungulit ng makulit na bahagi ng utak niya na agad naman niyang pinalis. Her greatest crush from high school is now in front of her after so many years. Dapat na ito ang inaasikaso niya hindi ba?

"Nice seeing you again. You look even prettier." Walang kiyemeng sabi nito habang nakangiti sa kanya.

"Ahm thanks. You look great as well." Kung noon ay malamang na naglupasay na siya sa kilig dahil sa papuring natatanggap sa lalaki, ngayon ay simpleng ngiti na lamang ang nagawa niyang ibigay rito.

"Bakit ka nga pala nandito? Not that I'm complaining though. I'm really happy to see you honestly."

"Nandito ang hacienda ng Lola ko. I'm here for work and vacation na rin. Ikaw?" tanong niya.

Madami mang nag-iba ay isa lamang ang sigurado niya. She was glad to see Christopher. He was like a long-lost friend.

"May inaasikaso rin akong negosyo rito. Naimbitahan lamang din ako sa sayawang ito." Nakangiting sabi nito. "Mabuti na lang pala at nakarating ako. Kung hindi, hindi sana kita makikita. I missed you."

Inintay niyang mag-init ang puso niya sa huling sinabi nito. Isang gwapo at mabait na lalaki na gustong gusto pa niya noon ang nagsabing namiss siya nito ngunit bakit ni hindi man lang pumintig ng mabilis ang puso niya? Not like when Darwin was near her.

Pinalis niya ang isiping iyon. Hindi lamang siya siguro makaramdam ng kung ano dahil ngayon na lamang niya itong nakitang muli. She just needed some time to make her remember what she felt for him back then.

Pero teka bakit nga ba kailangan niyang alalahanin ang naramdaman niya sa lalaking ito? Dahil ba naguguluhan siya sa damdamin niya sa kasalukuyan? And then what? She will be using him to get her sanity back? Na dapat ito ang ginugusto niya at hindi si Darwin?

"Myla!" napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Awtomatiko ring bumaling ang tingin niya sa may-ari ng tinig. And she held her breath when she saw Darwin standing a few steps behind Christopher. Her heart started to beat faster. Partida pang napakalayo pa nito sa kinatatayuan niya!

"Darwin..."