webnovel

Fallen Eden

In a world ravaged by nuclear devastation, the Philippines stands as a grim testament to the horrors of war. Once a paradise, now an uninhabitable wasteland, the archipelago's fate seemed sealed when China unleashed its nuclear arsenal, erasing an entire nation from the map. A century later, amidst the radiation and desolation, a hidden enclave of survivors’ clings to life in the remote wilderness of Mt. Apo. As a group of soldiers’ ventures beyond the safety of their camp, they confront unimaginable horrors—mutated creatures born from the nuclear fallout, their forms twisted into those of legendary beasts from Filipino lore. The conflict escalates as ancient bloodlines awaken, bringing forth man-eating carnivores and supernatural beings. The survivors' mission becomes a battle not only for survival but for the soul of their homeland, as the barrier between dimensions collapses, merging the human world with realms of fairies and dark spirits. In the midst of this chaos, a glimmer of hope emerges from an underground laboratory. Genetically engineered children, designed to withstand the harsh new world, may hold the key to rebuilding what was lost. As humanity's remnants grapple with their past and the unleashed powers of their ancestors, they must decide whether to embrace a new era or succumb to the cycle of destruction.

GenZRizal · Sci-fi
Not enough ratings
10 Chs

CHAPTER IX: Echoes of the Past

AFTER they had defeated the beast that almost killed them all, the strange yet familiar creatures tied them up. At first, they were forced to walk, but Sergeant Reyes ordered his team to stand by and follow the creatures' commands. It was ironic—these creatures had saved them, only to tie them up afterward. But it was still better than ending up as the beast's dinner. Being captured was just another problem to face.

They estimated that it had been about an hour since they started walking away from the beast's nest. The rough road they traversed took a toll on their bodies, the pain from the journey giving them a rough sense of the distance and time they had covered. Despite the shared language, communication with the creatures was impossible, leaving them with no idea where they are or where they are being taken. The uncertainty gnawed at them, but all they could do is keep moving forward.

 Lahat sila ngayon ay nag-iisip kung paano makakatakas mula sa mga nilalang na ito, maliban kay Sergeant Reyes. Hindi nila natagpuan si Corporal Axel sa loob ng pugad ng halimaw. Kaya nilang pasukin ang lahat ng butas sa lugar na iyon kung hindi dahil sa mga nilalang na nagligtas sa kanila. Nakiusap si Sergeant Reyes na maghintay at tulungan silang hanapin ang kaniyang tao, ngunit para bang nakikipag-usap siya sa hangin—walang tugon, tanging isang malamlam na tingin ang ibinalik sa kaniya. Alam niyang hindi niya kayang isugal ang buhay ng buong koponan para lamang mailigtas ang isa sa halip na apat.

 There was no guarantee that Corporal Axel was still alive or that he was even inside the tunnel, but they were there. It was their chance to confirm the truth and put an end to the torment of imagining what might have happened to him. As long as there was no evidence of his fate, they would continue to hold on to the hope that he was still alive, at least for now.

 "Saan kaya tayo dadalhin?" Hindi maiwasang magtanong ni Engineer Arnie habang nakatali ang kaniyang dalawang kamay sa likod. Napapalibutan sila ng mga nilalang na hanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya kung ano'ng klaseng nilalang ang mga ito. Hindi sila nakasuot ng radiation suit o anumang proteksiyon laban sa nakamamatay na hangin sa paligid, subalit may suot silang itim na damit na tila gawa sa balat ng hayop.

Sobrang dilim ng paligid, at tanging ang liwanag mula sa buwan ang nagbibigay ilaw sa kanilang dinadaanan. Pero kahit gano'n, hindi pa rin nila makita ang kanilang daan dahil sa makapal na hamog na bumabalot sa paligid. Nakapagtataka lang na hindi man lang nahihirapan ang mga nilalang na ito na hanapin ang kanilang landas, na tila kabisado na nila ang mundong ibabaw.

"Paghilum!" Ang kaninang mga tahimik na nilalang, na parang mga pipi, ay biglang nagsalita, ang isa sa kanila na may malakas na awtoridad sa tinig. Agad namang tumahimik si Engineer Arnie. Tumigil sila sa paglalakad, tila may hinihintay mula sa makapal na halaman na nasa kanilang harapan, na binabalot ng hamog. Habang hinihintay nila ang anumang maaaring lumabas mula sa mga halamang iyon, bumibilis ang tibok ng puso ng mga kasama ni Arnie, senyales na may masamang mangyayari.

Walang ni isa sa kanila ang naglakas-loob na kumilos, kahit man lang kumurap. Kung ano man ang mangyayari, tila alam na nilang hindi ito magwawakas nang maganda. Habang naghihintay, nag-iisip si Sergeant Reyes ng plano kung paano sila makakawala nang walang mapapahamak sa kanila. Ngunit naguguluhan siya kung bakit nanaisin niyang makatakas sila kung iniligtas naman sila ng mga nilalang na ito. Gayunpaman, walang kasiguraduhan kung magiging ligtas din ba sila sa mga kamay ng mga ito.

"Naa na sila, Ama," sabi ng isang lalaki, na sa tunog ng boses ay tila mas bata kaysa sa mga dumakip sa kanila.

"Sulod na dayon mo," nagmamadali nitong sabi sa kasama nilang may hawak kay Sergeant Reyes. Una silang pumasok nang magkasabay mula sa nagbukas na mga halaman. "Nganong dugay kaayo mo?" pahabol nito.

"Istorya ra ta inig makasulod na ta tanan," tugon ng kasama nilang may hawak kay Sergeant Reyes.

Sunod na pumasok sina Engineer Arnie at ang humahawak sa kaniya, saka sumunod sina Dr. Ed at Scout Niel. Tig-iisa silang hawak ng mga nilalang, habang may dalawang nilalang ang nakasunod sa kanilang likuran. Nang makapasok ang lahat, ang dalawang nagbabantay sa labas ay lumingon-lingon saglit sa paligid bago isinara ang mga halaman pabalik sa dati nitong anyo, at sumunod na rin sa kanila.

Ilang sandali pa, naaninag nila ang ilaw na nagmumula sa gitna ng malalaking bato, na may mga naglalakihang puno na nakatayo sa ibabaw ng mga ito, parang mga bantay na nagpoprotekta sa daan papasok sa kung saan man sila patungo. Sa labas, may mga kaparehong nilalang na nagbabantay mula sa itaas ng mga bato hanggang sa bunganga ng lagusan.

Nang makita sila ng mga kasamahan ng mga nilalang na ito, hindi nila maiwasang mamangha at makaramdam ng pangamba sa kakaibang hitsura ng kanilang mga bihag—sobrang naiiba sa kanilang kasuotan at anyo. Ang suot ng grupo nina Sergeant Reyes ay tila higit na kakaiba at kakaiba sa mga nakasanayan nilang makita, lalo na sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng buwan na bahagyang naglalahad ng kanilang sitwasyon.

Habang papasok, ang naramdaman nilang pangamba ay biglang napalitan ng pagkamangha nang tumambad sa kanila ang tanawin sa loob ng lagusan. Napakaganda ng lugar na parang isang lihim na paraiso na nakatago sa ilalim ng lupa. Sa gitna ng malalim na lambak, nakita nila ang mga maliliit na bahay na tila bahagi ng kalikasan mismo—gawa ang mga ito mula sa ugat ng mga puno na nagmumula sa ibabaw. Ang mga butas sa mga bato ay ginawang tahanan, na parang mga kweba na may hagdanang gawa sa kahoy na nag-uugnay mula sa lupa patungo sa kani-kanilang mga pinto. Sa gitna ng lambak, may malaking apoy na nag-aalab, nagbibigay-liwanag at init sa buong lugar.

Ang lambak ay tila isang sinaunang komunidad na nakatago mula sa modernong mundo. Ang mga bahay ay nakapuwesto sa iba't ibang antas ng bato at lupa, na parang mga pugad ng ibon. Ang mga ugat ng puno na bumabalot sa paligid ng mga bahay ay nagbibigay ng pakiramdam ng proteksyon at seguridad. Ang paligid ay puno ng mga halaman at puno na hindi nila nakikita sa labas—mga halaman na tila may sariling liwanag, nagbibigay ng malambot at mahiwagang sinag sa kabuuan ng lugar.

Habang sila ay naglalakad patungo sa gitna ng lambak, napansin nilang unti-unting nagsisilabasan ang mga nilalang mula sa kanilang mga tahanan. May mga bata at matatanda na dahan-dahang nagtipon-tipon malapit sa malaking apoy. Tahimik ang lugar, ngunit ramdam nila ang sigla ng komunidad na ito. Hindi man nila kilala ang mga nilalang na ito, naramdaman nila ang pagkakaisa at pagkakaroon ng isang kultura na matagal nang nananahan dito.

Nang makarating sila sa gitna ng lambak, pinaupo sila ng mga nilalang malapit sa apoy. Ang mga bata ay nagsimulang magtipon sa paligid nila, mga mata puno ng pag-usisa at kasabikan. Ang mga matatanda naman ay umupo sa gilid, tila naghihintay ng isang mahalagang okasyon. Kahit hindi man nila kita nang malinaw ang itsura ng isa't isa dahil sa suot nila, nahahalata ang kanilang edad mula sa kanilang mabagal at maingat na mga kilos.

Isa sa mga matatandang nilalang, na may mahabang buhok na puti at mga matang puno ng karunungan, ang tumayo at lumapit sa apoy. Sa kaniyang kamay ay may hawak siyang isang mahabang patpat na may nakaukit na mga simbolo. Sa sandaling ito'y nagsimula siyang magsalita, at kahit hindi nila lubos na naiintindihan ang wika, naramdaman nila ang bigat ng bawat salita.

"Niadtong panahon sa Gubat sa Kalibutan, sa dihang miabot ang mga Hapon sa atong mga baybayon, ang atong mga katigulangan nakigbisog aron ipagtanggol ang yutang natawhan," nagsimula ang matanda sa salaysay, ang boses niya'y malalim at puno ng damdamin.

Agad na nakuha nina Sergeant Reyes at ng kaniyang mga kasamahan ang ideya kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil sa salitang Hapon. They appeared to be human as well—able to speak, walk, think, and live. But what intrigued them even more was that these beings were discussing the history of the Philippines. It was a topic they had studied back in the Sentinel, so they were familiar with the events, particularly the Japanese invasion of the Philippines.

"Ilang gisangkap ang ilang mga kaugalingon, dili lamang sa mga armas apan sa kinaiyahan ug sa mga nilalang nga sukad pa sa daang panahon nagauban sa atong mga katigulangan. Ang mga aswang, nga hilabihan ka bangis sa ilang mga panagway, ug ang mga kapre, nga mga bantugang higante nga nagapanalipod sa mga kalasangan—sila ang miuban sa atong mga katigulangan sa gubat batok sa mga mananakop."

Habang nagsasalita ang matandang nilalang, ang mga bata ay nakikinig nang mabuti, habang ang mga matatanda ay tahimik na tumatango, na parang naaalala ang mga kwentong matagal na nilang narinig mula sa kanilang mga ninuno.

"Apan bisan pa sa ilang kabangis, ang mga Hapon nagdala ug mga bala ug kanyon nga dili mabulabog. Ang ilang gahum nagpalalom sa atong kalisod, ug ang mga aswang ug kapre, bisan pa sa ilang kakusgan, miatras ug naghilom. Apan wala mitalikod ang atong mga katigulangan. Ang ilang pagtuo ug paglaum nga ang kinaiyahan ug ang mga nilalang niini dili motalikod kanila, mao ang naghatag kanila ug kusog nga mosukol hangtud sa katapusan."

Nagpatuloy ang matanda sa kaniyang kwento, habang ang mga nilalang sa paligid ay patuloy na nakikinig, na parang bumabalik sa panahon ng giyera. Ang kaniyang kwento ay hindi lamang tungkol sa mga laban, kundi tungkol din sa pagkakaisa at pagtitiwala sa isa't isa, kahit na sa harap ng matinding pagsubok.

"Ug sa katapusan, ang mga mananakop mipahunong, dili tungod kay sila napildi sa armas, apan tungod kay nakit-an nila nga ang atong mga katigulangan dili magpailalum. Ang kalisod naghatag ug kusog, ug ang kalibutan misanib aron pagpanalipod sa ilang kaugalingon nga kaliwatan. Ang mga aswang ug kapre mibalik sa ilang mga kahoy, apan ang ilang pamatuod nagpabilin sa atong mga kasingkasing ug huna-huna—nga sa bisan unsa nga kalisod, dili kita mohatag ug kabalaka, kay kita mag-uban ug magtinabangay."

Nang matapos ang kwento, isang tahimik na pagninilay ang bumalot sa buong lambak. Ang mga bata ay dahan-dahang tumayo at lumapit sa mga bisita, tila nagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng kanilang presensya. Ang mga matatanda ay tahimik na nagbigay galang sa parabulong, na ngayon ay bumalik sa kaniyang pwesto, nakaupo sa tabi ng apoy.

Sa kanilang puso, alam nina Sergeant Reyes at ng kaniyang grupo na kahit napalayo sila sa kanilang pinagmulan, nakatagpo sila ng isang komunidad na may malalim na kaugnayan sa kanilang sariling kasaysayan. Ang mga kwento ng nakaraan ay nagbigay sa kanila ng bagong pag-asa at tapang para harapin ang mga darating pang pagsubok.

"Pahawa mo dira! Ayaw mo pagduol ana nila," galit na sabi ng kanina na nakahawak kay Sergeant Reyes, na ngayon ay nakaupo sa tabi ng parabulong. Agad naman na patakbong umalis ang mga bata.

"Serge, mga tao rin sila," mahinang sabi ni Dr. Ed, na may saya sa kaniyang boses. "Ibig sabihin, mabubuhay tayo rito sa ibabaw.

Sergeant Reyes noticed the watchful eyes of the creatures surrounding them. He knew there was something unusual about their intentions, and he couldn't fully trust their actions. Despite his doubts, they needed to find a way to communicate with their comrades at the Sentinel and relay what they had discovered.

"Oo, pero hindi tayo ligtas dito," sagot ni Sergeant Reyes, na ngayo'y tahimik na nagmamasid sa kanilang paligid. "Kailangan nating makahanap ng paraan para makalabas at maipaalam sa lahat ang nalaman natin."

Sumabat si Arnie. "Ang problema, hindi natin magagamit ang radio at hindi rin nila nakikita ang mga nakikita natin dahil offline at sira yata ang mga camera natin dahil noong inatake tayo ng halimaw, at mukhang hinaharangan ng kung anong signal ang frequency natin dito." Mas lumapit pa siya kay Sergeant Reyes upang hindi sila marinig. "Kung maaayos ko lang ang radio, baka makuha natin ang signal, ngunit ang problema… hindi ko kabisado pero susubukan ko," dagdag pa niya, habang iniisip ang posibilidad. "Pero kailangan kong tanggalin ang suit para magawa 'yon, at alam ko hindi mo papayagan 'yan, Serge."

"Alam mo kung gaano kahalaga ang suot mo, Arnie. Hindi pa natin alam kung ano ang magiging epekto ng radiation sa atin. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay mo para lang subukan 'yan," matigas na sagot ni Sergeant Reyes.

"Kung nandito lang si Professor Amado, alam niya kung ano'ng gagawin," dagdag ni Dr. Ed. "Mas nauunawaan niya ang mga nilalang na 'to. Baka matulungan niya tayong makipag-ugnayan o maintindihan kung ano talaga ang mga plano nila."

Habang nag-uusap sila, napansin ni Sergeant Reyes ang mga palihim na sulyap ng mga nilalang sa kanila, lalo na sa direksyon ng parabulong na ngayon ay tila may binabalak. May kakaibang tensyon sa paligid, at tila nag-iipon ng lakas ang mga nilalang na ito para sa susunod na hakbang.

"Serge, napapansin mo ba 'yong mga tingin nila?" bulong ni Scout Niel, na kanina pa rin tahimik ngunit ngayon ay may halong pangamba sa boses.

"Oo, at hindi ko 'to gusto," sagot ni Sergeant Reyes. "Mukhang may pinaplano sila, at hindi 'to maganda."

Nagpatuloy sila sa pagbabantay, ngunit unti-unting nagiging malinaw ang masamang plano ng mga nilalang. Ang mga batang nilalang na kanina lamang ay tila inosente ay tila naging mga bantay, na ngayon ay nakapaligid na sa kanila. Ang mga matatanda naman ay nagsimulang mag-usap ng may kabigatan, habang ang parabulong ay nagsimulang magkwento ng ibang klaseng salaysay—hindi na ito tungkol sa mga sinaunang laban, kundi tungkol sa mga sakripisyo na kailangan para maprotektahan ang kanilang kagubatan.

"Mga sakripisyo?!" bulong ni Dr. Ed, na ngayon ay halatang kinabahan. "Serge, mukhang gusto nila tayong gawing sakripisyo para sa protektor ng kagubatan."

Agad na umigting ang tensyon sa kanilang grupo. Hindi na lang ito simpleng sitwasyon ng pagkakadakip—nasa peligro na ang kanilang mga buhay.

"Hindi natin sigurado kung 'yon nga ang ibig nilang sabihin. Gayunpaman, kailangan nating makahanap ng paraan para makatakas dito, at mabilis," sabi ni Sergeant Reyes, na ngayon ay nagsisimulang magplano ng kanilang pagtakas. "Wala tayong ibang pagpipilian kundi umasa sa sarili nating lakas at diskarte."

Habang patuloy ang pag-usap ng mga nilalang, unti-unti na silang naghahanda para sa kanilang susunod na hakbang—isang hakbang na maaaring magdala sa kanila sa kaligtasan, o tuluyan na magwawakas ng kanilang kwento.