webnovel

Fallen: Breakout

Admiral Alexandrious is an orphan. Isa sa masuwerteng batang fallen na nailigtas noon ng dating Head Admiral na si Creious mula sa isang breeding place na pagmamay-ari ng isang malakas na warmonger. Sa kasamaang palad ay namatay ang nagsilbing tagapagligtas at tatay-tatayan niya noong nakaraang digmaan dahil rin sa mga mortal na kaaway ng lahi nila, ang mga mababagsik na mga lahi ng Warmonger. Fallens uses elemental magics while Warmonger uses dark magic throughout their lives. Fallens and Warmonger have different paths to take but both race wants to become powerful on their own. Good and Evil cannot be distinguished in this world. Warmonger feels like this world is their own safe haven, lugar na para lamang sa kanila lalo na at nakikita nila ang mga Fallens bilang mga mahihina at inferior sa natural na lakas at kakayahan ng mga warmongers. Walang tigil ang mga karahasan at kaguluhang nililikha ng mga warmongers and Fallens do safety measures inorder to survive. Admiral Alexandrious wants to create a better place for fallens that's why he joined the Fallen Warrior Guild and became the youngest admiral throughout the history of the said guild. One thing is for sure, he wants to protect the race of fallens and avenge his foster father Creious. He wants to find answers behind the roots of this cruelty in this world. Naniniwala siyang magagawa niyang maayos ang magulong mundong ito at mamuhay ang lahat ng mapayapa mapa-fallen man o warmongers.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 1

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa buong paligid. Ang mga nilalang sa paligid ay kapwa naglalaban-laban na halatang walang kapaguran sa pakikipaglaban gamit ang mga sandatang dala-dala ng mga ito. Kitang-kita kung paanong lumikha ng iba't-ibang mga tunog ang nagkikiskisang mga metal laban sa metal.

CLANG! CLANG! CLANG!

Nakakarindi ang tunog ng mga kumakalansing na mga bagay sa lugar na ito. Rinig na rinig ang boses ng mga naghihiyawan at pawang tinig ng pagmamakaawa.

TAH! TAH! TAH!

Bawat parte sa nasabing pook na ito ay naging alipin ng mga nilalang na gustong pumaslang at kitang-kita kung paanong humihiwa o nahihiwa ang mga parte ng laman ng katawang natatamaan ng mga sandatang tila bakas ang karahasan at brutal na senaryo ng isang malagim na digmaan.

Ang labanang ito ay pawang bunga ng alitan sa dalawang lahi ng mga nilalang na nag-eexist sa mundong ito. Ang panig ng mga Fallens laban sa mga literal na mga mababagsik na mga Warmonger. Isang selyadong lugar ang Levos na ginawa lamang upang maging panghabang buhay nq hawla ng mga tinapong mga nilalang sa kalupaan.

Ang mga Fallen/s ay kilala bilang isa sa mga nilalang na minsang naging alagad ng mabuti ngunit napariwa ang buhay dahil sa paglaban sa nakatataas. Ang mga ninuno ng mga ito ay minsang ipinatapon sa lugar na ito dahil sa paglabag ng batas ng langit.

Warmonger, isang lahi ng mga masasamang nilalang na naunang ipinatapon sa lugar na ito. Lahing pinaniniwalaang nagmula sa isang mabangis na halimaw ngunit kalaunan ay masuwerteng nakapagcultivate at nagawa ng mga itong magkaroon ng human form.

Dalawang lahing minsan na ring naging matiwasay na namumuhay sa lugar na ito na tinatawag na Levos.

Ang levos, isang sinaunang tapunang lugar ng mga makasalanang mga nilalang ng mga Fallen at Warmonger. Dito na lumaganap ang dalawang magkaibang lahing walang nais magpatalo.

Sa loob ng tatlong buwang ito ay walang tigil ang digmaan sa pagitan ng Warmonger at ng mga Fallen. Masyadong maliit na ang lugar na ito para sa dalawang lahing wala ng lugar para sa negosasyon.

Pinamumunuan ni Admiral Alexandrious ang labanang ito na mula sa lahi ng mga Fallen. Isa siya sa pinakabatang admiral sa kasaysayan ng mga Fallen. Ang pakpak ng mga Fallen ay nahahati sa dalawang kulay, itim at puti ngunit ang pakpak na meron ang nasabing admiral ay kulay itim tandang isa ito sa mga Dark Fallens.

Hindi nito aakalaing sa loob lamang ng dalawamput-isa niyang edad ay nagawa niyang umunlad at ipakita ang husay niya sa pakikipaglaban at pakikidigma sa mga mapang-abusong mga Warmonger.

Hindi maitatangging masasama ang mga Warmonger dahil na rin sa hindi magandang nature ng mga ito. Nagawa ng mga itong magtayo ng mga bahay-ampunan upang gawing breeding home ng mga batang fallens at sa huli ay gagawin lamang ng mga itong kainin ang batang nasa edad sampo dahil iyon ang oras na iha-harvest ng mga walang kalaban-labang mga batang fallens.

Saksi si Admiral Alexandrious sa kasamaan ng mga warmonger. Warmonger really wants to ascend to Nine Heavens. Lugar na siyang naging tirahan ng mga lahi ng mga anghel at doon maghasik ng lagim.

Warmonger came from the ancient demonic beasts. Sa pagkain nila ng mga karne ng mga buhay na mga nilalang na galing sa lahi ng mga Fallens ay naniniwala silang sa pamamagitan nito ay maaari silang maging mas malakas kaysa sa mga kasalukuyang mga fallens.

Sa pamamagitan ng pagpapalaki ng mga fallens sa mga breeding place ay napupunan nito ang cultivation ng mga Warmongers at upang malaman ang mga kahinaan ng mga fallens.

Admiral Alexandrious is an orphan. Isa sa masuwerteng batang fallen na nailigtas noon ng dating Head Admiral na si Creious. Sa kasamaang palad ay namatay ang nagsilbing tagapagligtas at tatay-tatayan niya noong nakaraang digmaan dahil rin sa mga Warmonger.

Fallens uses elemental magics while Warmonger uses dark magic throughout their lives.

Sa kasamaang palad, Fallens only have a four elemental magic at iyon ay ang tubig, apoy, lupa at hangin na siyang primaryong elemento ng mundong ito.

Matagal ng nawawala ang makapangyarihang mahika ng liwanag o Light Magic sa Levos. Only those high officials tend to teach and learn about using Light Magic but not all can use light magic.

Only by combining the four elemental magic can create light magic. Isa ito sa dahilan kung bakit masyadong naging mahina ang lahi ng mga Fallen laban sa mga Warmonger.

Ang tanging nagpoprotekta lamang sa Fallen ay ang nagsisilbing pambihirang barrier o harang sa pagitan ng dalawang lugar na dinisenyo ng misteryosong nilalang na gumawa sa lugar-bilangguan na ito, mundong kailanman ay walang tigil sa pagdanak ng dugo mapa-fallen man o Warmonger.