webnovel

Chapter 21

Naalimpungatan si Hera dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng kanyang kuwarto. Nagtaklob siya ng kumot. Gusto pa niyang matulog. Mabigat ang pakiramdam niya at mabigat din ang talukap ng kanyang mga mata. Ngunit nang marinig ang isang pamilyar na boses ay awtomatikong napadilat siya.

"Ai, hindi ako puwede ngayon. Baka hindi rin ako puwede bukas. Hindi talaga, pasensya na."

Chase? Doon niya lang naalalang umuwi nga pala siya sa kanila at inihatid siya ng lalaki. Doon niya rin lang naalala kung ano'ng nangyari kagabi. Nakagat niya ang kanyang labi. Everthing's a mess right now. Ibinalik niya ang tingin kay Chase na nasa terrace at kasalukuyang may kausap sa telepono.

Nang magawi ang paningin nito sa kanya ay agad itong nagpaalam sa kausap. Bahagyang nag-init ang kanyang pisngi. Wala pa siyang makeup, ni hindi pa siya nakapaghilamos o suklay. Kung wala lang siyang pinoproblema at kung hindi lang masama ang pakiramdam niya, baka binato na niya ito ng unan at pinalabas ng kuwarto para makapag-ayos siya. But now, she couldn't even bring herself to care. Sabog na buhok, sabog na kilay, puffy na mukha… bahala na.

Mukhang wala rin naman itong pakialam. Nginitian lang siya nito at nilapitan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Sinapo nito ang kanyang noo. "May lagnat ka pa. Uminom ka ulit ng gamot mamaya."

She nodded. "I'm fine. I feel slightly groggy but I'm fine. Wala kang klase?"

"Saturday."

Wala nga pala itong klase ng weekends. Bigla niyang naalala ang nalalapit na pagbalik ng kapatid niya at ng napangasawa nito. Mukhang hindi na niya hihintayin ang mga ito at mauuna na siyang umuwi. Kailangan na niyang mag-impake ng mga gamit niyang nasa bahay nina Chase.

Tumikhim si Chase makalipas ang ilang minutong pananahimik. "Nasa baba na ang kasambahay n'yo, nagluluto. She looks confused when she saw me kaya tinawagan ko na ang kapatid mo para magpaliwanag."

"Si Manang ang confused pero kay kuya ka nagpaliwanag?" Natawa siya nang tumango ito.

"Baka magsumbong…"

Tumango-tango siya. "Chase?"

"Hm?" Tinitigan siya nito. His gaze went from intense to soft. Binasa nito ang labi saka siya nginitian.

"Alam mo ba kung gaano kakomplikado ang lahat ngayon?" tanong niya.

Hindi ito sumagot. Muli siyang nag-angat ng tingin. Nakatingin pa rin ito sa kanya na para bang maingat na tinitimbang ang kanyang bawat galaw.

"Tingin ko hindi mo alam, dahil kung alam mo, wala ka rito ngayon," konklusyon niya. Pinilit niyang umupo kahit para siyang hinihigit ng kanyang kama.

"I know everything."

Huminto siya sa paggalaw. Kunot-noo niya itong tiningnan. "You know?"

"Kausap ko si Pao kagabi, hindi ba? Kausap ko rin sa telepono si Lynne kanina."

Oh. That explains it. "Magkakilala ba kayo ni Pao? Even before? You mentioned his name last night…"

Tumango ito bago pa man niya matapos ang sasabihin. "Nakilala ko siya sa isang forum about Politics and Law. He's a good guy. Seminar-buddy nga ang tawag ko sa kanya dahil nagkikita lang kami pag may seminar. Ikaw, where did you meet him?"

"Schoolmate during college," pirming sagot niya.

"Doon ka niya niligawan?"

Nakagat niya ang kanyang labi. Mukhang alam na nga nito ang lahat. "Yeah."

"Ilang taong naging kayo?"

"Five."

He nodded. Pinaglaruan ang pang-ibabang labi bago marahang nagsalita, "Nabanggit niyang magtatatlong taon na kayong hiwalay. Nakilala niya si Lynne dahil sa 'yo. Wala siyang ideya na magkapatid kami."

Kumurap-kurap siya. Nagpatuloy naman si Chase, "Alam mo ba kung bakit pumayag si Lynne na makipag-date bigla? Hindi dahil sa 'kin. Because of Pao. Pao was included in my list. Nakita ni Lynne sa notebook na ibinigay mo."

"What?" Lalong nagulo ang utak niya.

"My sister really likes Pao pero pinigilan niya ang sarili noon dahil sa 'yo. Noong nakita niya ang notebook, bumalik lahat ng regrets niya. She thought of giving 'them' a chance."

"Anong tumatakbo sa isip mo ngayon?" biglang tanong ni Chase.

She clutched her chest. She wanted to be honest. She will be honest. "Nasasaktan ako."

Pagod itong ngumiti. "You still love him," bulong nito.

Umawang ang labi ni Hera. Gusto niyang umiling. Gusto niyang sabihing mali ito. She likes this guy—this logic freak! Sigurado siya. Masaya siya kapag kasama ito. Nagseselos siya kapag may iba. But Lynne's words haunt her. 'Do you even know yourself?' Does she?

Tumingala siya upang pigilan ang nagbabadyang luha. Nanuyo ang kanyang lalamunan. Huminga siya nang malalim bago yumuko. She was weighing her thoughts, her feelings, her state of mind, but everything felt blank.

"Chase?" Hindi na niya hinintay pang sumagot ito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Anong fallacy 'to?"

"What?"

"A-anong fallacy 'to? Hindi pala kita puwedeng magustuhan. Kapag nagkagusto kasi ako sa 'yo, mas gugulo lang ang lahat." Sa bawat pagbuka ng bibig niya, parang may kung parte sa kanyang nababasag. "Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, paano ka pa kaya? Mag-aaway lang tayo. Magkakasakitan. Kaya hindi kita p-puwedeng magustuhan."

Nagtiim-bagang ito. Pinilit naman niyang matawa. "Hindi mo alam? Kinalawang ka na ba? I am asserting that some event must certainly follow from another without any rational argument. That's slippery slope, Chase." Bumalik siya sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Pinilit niyang pinakalma ang sarili.

But something inside her jumped when Chase finally spoke…

"Mali ka. Puwede mo 'kong gustuhin, Hera."

—x—

Mabigat ang bawat paghakbang ni Hera. Kanina pa siya pinagpapawisan nang malamig. Pakiramdam niya, mabubuwal siya ano mang oras. She clutched her pouch tightly. Huminga siya nang malalim matapos siyang pagbuksan ng pinto ng security guard. Mabangong amoy ng kape ang agad na sumalubong sa kanya. Pinilit niyang ngumiti ngunit hindi niya talaga magawa.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sa pagkakataong iyon, mas mabagal. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid—tumigil lang nang mahagip ng mga mata niya ang isang lalaki.

"Pao," bulong niya.

Nakatingin ito sa cellphone nito at masyadong abala sa ginagawa. He is wearing a black v-neck shirt and a chino pants. Ni hindi nito napansin ang paglapit niya. Kinailangan pa niyang tumikhim para maagaw ang atensyon nito. Nag-angat ito ng tingin kasabay ng biglaang pagtayo.

"Hera," pormal na bati nito sa kanya.

Umupo siya sa harap nito.

"What do you want? Americano? Espresso?"

Gusto niyang umirap. Abala ito sa pagti-text at hindi man lang tumingin sa kanya. Isa pa, he knew exactly what she wanted. Latte. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit binigyan siya nito ng pagpipilian na alam nitong hindi niya pipiliin.

"Let's just talk," tiim niyang sagot.

"Okay," he answered, emotionless. Ipinatong nito sa mesa ang cellphone.

Kinagat niya ang kanyang labi. Gustong-gusto niyang bugahan ng apoy ang kaharap. Oo, siya ang pumilit na makipagkita rito pero sana naman, 'wag nitong ipahalatang ayaw siya nitong kausap. Naalala niya tuloy ang sinabi ni Chase nang sabihin niyang kauusapin niya si Pao, "Sasamahan kita." Humindi lang siya dahil gusto niyang harapin ito nang mag-isa.

"What do you want to talk about?"

Kinagat niya ang kanyang labi. Linggo ng umaga ngayon. Dapat ay nag-iimpake siya ng mga gamit niya kina Lynne o nagpapahinga dahil hindi pa siya tuluyang magaling, pero heto siya, piniling makipagkita kay Pao. To settle everything—once and for all.

Tiningnan niya ang kausap. They were together for five years. Mahirap talagang kalimutan… pero hindi imposible.

"I want your side of the story. Bakit mo niligawan si Lynne kahit alam mong best friend ko siya?" tanong niya nang hindi man lang kumukurap.

"Hera, kung kaya ko lang pigilan ang nararamdaman ko, ginawa ko na. 'Kala mo ba, madali? Ipinagtatabuyan niya 'ko sa tuwing nagkikita kami. Kahit tingnan ako, hindi niya magawa!" bahagyang tumaas ang boses nito. "Ngayon na lang ulit ako nakalapit sa kanya. Pumayag na siyang maging magkaibigan kami. Kaso ito na naman, may problema na naman."

Hinawakan niya ang kanyang pouch, mahigpit. Sa tono ng pananalita nito, mukhang hindi nito alam ang tungkol sa notebook, sa listahan, sa pagpayag ni Lynne sa planong makipag-date dahil sa kanya.

"Hindi ko kasalanan," defensive niyang saad.

Bahagya itong natawa. "Alam ko. Pero Hera, hindi mo na 'ko mahal."

Umawang ang kanyang labi. "What?" Bakit napunta ro'n ang usapan?

"Ipinagpipilitan ni Lynne na mahal mo pa raw ako, pero alam kong hindi. 'Yang tingin mo sa 'kin ngayon, hindi ka ganyan tumingin sa akin noon. You might feel confused about your feelings but your eyes, they just won't lie."

"Bakit ba pinangungunahan n'yo 'ko? Bakit ba kayo ang nagdedesisyon kung ano ang nararamdaman ko? Feelings ko 'to!" may diin niyang sabi.

Alam niyang hindi na niya mahal ang kaharap. There was no question, she would choose Chase in a heartbeat. Pero naiinis siya sa mga taong nagdudunong-dunungan pagdating sa kanya at sa emosyon niya.

"Hindi ka namin pinangungunahan, tinutulungan ka naming maintindihan ang sarili mo. Hindi lang ikaw ang naapektuhan dito, Hera. Marami tayo. Just… just be honest to yourself. Mahal na mahal ko ang kaibigan mo. Please naman o, kung itutulak na naman niya ako palayo…"

Napalunok siya nang mangilid ang luha sa mga mata ni Pao. Five years, five years naging sila pero kahit kailan, hindi siya nito iniyakan. Not that she wanted him to cry over her, it's just that, his tears speak so many unspoken words.

Bumigat ang paghinga niya. She was ready to say something when she heard a voice calling her name.

"Is that you, Hera?"

Awtomatiko niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Umangat ang kilay niya nang makita si Ai. Nakangiti ito nang malawak.

"Oh, you're with someone. Date?"

Umiling siya. Hindi na sana niya papansinin ito kung hindi lang ito nagsalita ulit.

"How nice! I'm on a date rin with Chase. Nagpa-park lang siya ng kotse kaya nauna na 'ko."

Chase is dating who? Tila nabingi siya sa narinig.

"By the way, Hera, I think you should stop pestering Chase. Pinakikisamahan ka lang niya dahil matalik kang kaibigan ng kapatid niya."

Umawang ang labi niya. "Wha—pestering?"

"He told me that. Kahit tanungin mo pa siya. 'Yung pagtira mo sa bahay nila, anong tawag mo ro'n? Hindi mo ba kayang mag-isa sa bahay n'yo? You're already twenty-seven, right? 'Wag ka nang maging pabigat sa magkapatid." Ngumiti ito na para bang hindi nakakainsulto ang pinagsasasabi nito.

Her eyes widened in disbelief. Noong nakita na niyang nagtutulog-tulugan ito para lang magpapansin kay Chase, alam na niyang nasa loob ang kulo ng abogada. But to be this evil? Hindi siya makapaniwala!

Tumayo siya ngunit agad ding maramdaman ang paghawak ni Pao sa kamay niya. Umiling ito. Huminga siya nang malalim. Lalong lumawak ang ngiti ng dalaga.

"Oh, I'm sorry! Naiistorbo ko na yata ang date ninyo."

Tumalikod ito at naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa umupo ito sa tapat ng mesang pandalawahan. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa pinto ng coffee shop. She looks like a witch who is happily waiting for her prince charming.

"Ask Chase, Hera. Don't believe that girl," seryosong bulong ni Pao.

Tinapunan niya ito ng tingin. Bumalik siya sa pagkakaupo. Her heart is beating so fast in rage.

"What if it's true? And do I even have the right to ask? Hindi naman… kami."

Kumunot ang noo nito. "When did you become such a coward? You used to do everything without even thinking. Kung totoo man, ang mahalaga, nanggaling mismo kay Chase."

She knew she changed, but she wanted to believe it was for the better. And does being cautious tantamount to being a coward? Does being afraid synonymous to being a weakling? Parang may nagbara sa lalamunan niya.

Gusto naman niyang magtanong pero natatakot siya sa makukuha niyang sagot mula kay Chase. Tumihim siya at mariing pumikit. Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang tumayo.

"Pao, I'm sorry but I need to go."

"You should wait for Chase. You need to talk," pigil nito.

"W-we will but not now." Tinalikuran niya ito pagkatapos humingi ng paumanhin.

Nakita pa niya ang pagkaway sa kanya ni Ai nang magtama ang kanilang paningin.