webnovel

FALL IN LOVE WITH AN IDOL

Si Czarina at Elise ay matalik na magkaibigan since there was a child, Kaya naman kilalang kilala na nila ang bawat isa. Lagi silang magkaramaray sa lahat ng bagay, parehas silang matalino, same course Ang kinuha nila nung college at ngayon ay sa same University pa sila nagtuturo. Lagi silang nagkakasundo sa lahat ng bagay, katulad na lamang ng pananamit, maging sa pagkain, sa galaan at pagkahilig sa k-drama. Ngunit kahit ganoon ay may roon pa rin silang pagkakaiba, mas nahumaling si Elise sa mga koreano, mas mahilig siya sa mga K-pop groups. Samantalang si Czarina naman ay hanggang k-drama lang dahil mas focus siya sa kaniyang trabaho dahil siya Ang tumatayong bread winner sa pamilya. Nakatuon ang atinsyon Niya sa pag-iipon ng pera, kasalukiyang nasa under construction Rin Ang pinapangarap niyang bahay para sa kaniyang mga magulang at malapit na itong matapos. Nag-iipon rin siya para sa kaniyang sarili dahil may usapan silang magkaibigan na lilibutin nila Ang buong mundo at Ang una sa kanilang listahan ay Ang Korea na Ang bestfriend Niya pa Ang pinili, Wala naman siyang magagawa dahil parang kapatid na Rin Ang turing niya dito. At nakapagpangako rin siya dito na si Elise ang masusunod sa lahat kapag nakapunta na sila roon. Samantala, ang K-pop boy band group naman na BTS ay kasalukuyang namamayagpag at sikat na sikat sa larangan ng musika hindi lamang sa kanilang lugar, maging sa buong mundo. Masasabing perfect ang grupong ito dahil sa mga achievements na natatanggap nila sa kasalukuyan. Masyado silang natuon sa kung ano sila ngayon, nalimutan na nilang maghanap ng makakatuwang sa buhay. Magkakaroon pa ba sila ng pagkakataon para sa love? Ito na kaya ang pagiging dahilan upang makilala nila Ang isa't isa? Ano kaya ang sunod na mangyayari? Magiging maganda Kaya ang una nilang pagtatagpo?

QueenA_014 · Teen
Not enough ratings
26 Chs

CHAPTER 7 (Preparing for Fan Sign)

Alas sais (6am) na ng umaga ng biglang tumunog ng pagkalakas lakas ang alarm clock sa loob na kwarto nila. Dahil alam niyang tulog mantika si Elise matulog, iritang-irita siyang tumayo para ibalibag (charot lang) para patigilin ang alarm clock na tipong buong hotel na ang makakarinig dahil sa sobrang lakas nito.

CZA: Hysst, ano ba naman to, ke aga-aga naghahanap ng kaayaw. Baka gusto mo ng mawala sa mundo, magsabi ka lang, iisahan lang kita.

Parang baliw na kinausap ni Czarina ang alarm clock dahil na sobrang pagkainis. Wala siyang choice dahil umaga na rin naman ay dumiretso na siya sa banyo para gawin ang kaniyang morning routine.

-mumog/hilamos/suklay/sabay smile.

Lumabas na rin siya para gisingin na ang kaibigang sarap na sarap pang matulog.

CZA: Uy Eli, umaga na. It's time to wake up.

ELI: Hmm, five (5) more minutes please.

CZA: Akala ko na super excited ka for today. So get up!

ELI: Why would I, it's just an or...

Bigla namang napabalikwas ng bangon si Elise ng bumalik na siya sa reyalidad.

ELI: OM! I almost forgot. What time is it! What time is it?!

CZA: Easy, maaga pa. Anong oras ba kasi yung pupuntahan natin?

ELI: Before nine (9) am pa naman.

CZA: Good 6:30 am pa lang. So fix yourself because I'm hungry.

ELI: Lagi naman eh, haha. Sa labas na ba tayo kakain?

CZA: Ikaw bahala.

ELI: Ok, sa labas na lang, para diretso na tayo sa venue after we eat. For now maliligo na muna ako. Ikaw?

CZA: Oo, pakatapos mo na lang.

ELI: Ok.

Dumiretso na rin agad sa bathroom si Elise. Si Czarina naman ay kinuha ang laptop para magsurf through internet at para balitaan ang pamilya sa Pilipinas na ayos lamang sila roon.

(Ring, Ring, Ring)

CZA: Antagal namang nagutin, anong oras na ba dun?

(Ring, Ri..)

ATE MARY: Alam mo ba kung anong oras pa lang dito ha, Gaga ka!

CZA: Oo, 5am pa lang. Pero online kana kaya tinawagan kita. Sila mama?

ATE MARY: Tulog pa, ano kamusta Korea sayo?

CZA: Ayos lang naman, di nga kami nakakagala pa at andaming plano ng kasama ko.

ATE MARY: Basta yung mga pasalubong namin wag mo kalimutan.

CZA: Haha oo, ano nga ulit gusto mo?

ATE MARY: Sabi na kinalimutan mo eh.

CZA: Haha, nalimutan hindi kinalimutan.

ATE MARY: Make up set sabi ko.

CZA: Pag yun hindi ko afford bibili na lang ako sa divisorya pagbalik.

ATE MARY: Pagkakuripot talaga eh.

CZA:  Haha oo hahanapan kita dito, puntahan mo si mama, gisingin mo na.

ATE MARY: Oo na, ito na oh papunta na.

Naghintay naman sandali si Czarina, rinig na rinig niya ang pagsigaw ng kaniyang ate sa kabilang linya. Kaya naman natawa na lang siya.

ATE MARY: Mama! Yung anak mong gala gusto ka makausap! Gising na!

MAMA CHE: Ano ba! Ingay ingay, ang aga aga !

ATE MARY: Oh, si Cza kakausapin a daw.

Binigay naman ni Ate Mary ang phone sa kaniyang mama, agad rin naman niya itong kinausap.

MAMA CHE: Nak! Ano kamusta kana.

CZA: Ayos naman po ako dito, masaya po.

MAMA CHE: Mabuti kung ganun, mag enjoy ka lang nak, wag mo kaming alalahanin dito.

CZA: Haha opo ma. Si papa po pala.

MAMA CHE: Ayun tulog pa, ang aga naman kasi ng tawag mo nak.

CZA: Ito lang po kasi free ko for today, baka maging busy ako at itong kasama ko ay gustong libutin lahat ng sulok ng Korea.

MAMA CHE: Mag-iingat kayong dalawa ha. Mabuti yan para malayo naman kayo sa stress kahit papaano.

CZA: Oo nga po eh.

MAMA CHE: Oh sige na nak, bababa ko na ito. Bye.

CZA: Bye.

(Tototototot...)

Tumayo na rin siya at tiningnan ang damit na kaniyang susuotin na kagabi pa ready dahil sa kaibigan niyang super excited.

CZA: Ano to, skirt! Eli...!

Sumigaw naman si Elise mula sa bathroom.

ELI: Bakit??!!!!....

CZA: Pagpapaldahin mo ko ng ganito ka ikli! Ayos ka lang!

ELI: Ano ka ba naman, uso yan dito! Saka hindi naman yan gaanong maikli Gaga!

CZA: Aba't..

Tiningnan niya pa ang iba. Ang t-shirt naman ay plain lang with voilet color at may naka print sa harap na map of sole.

CZA: Ano namang kajejehan to.

Nakita niya rin ang head band na red at kasama nitong panyo. Sakto naman na lumabas si Elise na bagong ligo. Tiningnan naman ni Czarina si Elise ng masama.

ELI: What?! Didn't you like it?

CZA: Alam mo naman kung ano yung mga ayaw ko diba. 

ELI: Sabi mo you can do everything that I want.

CZA: At talaga namang sineryoso mo, ayos.

ELI: Wag na magalit Cza, ngayon lang naman to promise.

CZA: May magagawa pa ba ako, andito na tong mga to.

ELI: Kaya lab lab kita eh, ligo kana, nangangoy kana kasi.

CZA: Aba't.

ELI: Hahaha ito talaga pikunin. Di na mabiro.

Hindi na lamang ito pinansin ni Czarina at dumiretso ng bathroom para maligo.