webnovel

Faith In Love

Greg hates Ade because of the arrangement he believes Ade asked to her parents. And since both of their family were close to each other, Greg's parents didn't object to what Ade's family want to happen. It will also benefit their company if the two get married. He became cold and distant to Ade, their friendship never get back to what it used to be before. Greg grew interest on his college batchmate, Rian. They started dating a year after they graduate and became officially together also after a year of courtship. Greg truly loves Rian but at the same time he also wants to show Adelaide that they can't never be together, to hurt her intentionally. Then an accident happen. A ship where Rian was one of the passengers, sank on the ocean. Greg was devastated after knowing what happened to his lover, it leads to their company's bankruptcy. The only way to save their company from losing is to marry Ade. Greg agreed to follow what his parents want so they could relive their dying company. On the day of their wedding Greg assured Ade of one thing, he will never love her the way she wanted.

esgee_ · Urban
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

Bakit ba hindi na ako nasasanay sa pag-iignora sakin ni Greg. Bakit pilit pa rin akong humahabol. Kahit alam kong masasaktan lang ako lagi.  Kahit alam kong hindi talaga.

"You okay Ade?" tanong sakin ni kuya Geoff nang mapansing kanina pa ako walang kibo.

Kuya Geoff's my cousin on father's side, dad and uncle Sixto were siblings. Isinabay niya na ako papuntang school dahil doon din naman daw siya papunta, he was invited to talk in the seminar on the College of Business. And I will attend the seminar too.

"I'm okay kuya medyo inaantok pa kasi ako, late na ako nakatulog kagabi daming paperworks" sagot ko. "What was your question again?"

"I was asking if sasama ka sa Batangas this weekend we'll do night diving" he said as he parked the car.

"I don't think I can—"

"Greg will come" he cut me off.

Napatigil naman ako sa pag a-unbuckle ng seatbelt ko. Natawa si kuya Geoff. "It seems like Greg is a magic word to you" he teased.

"Kuya nama eh, pa'no naman sasama yun e sobrang busy nun" turan ko.

Kuya Geoff and Greg were friends, magka-batchmate din sila noong college. At alam ni kuya na may nararamdaman ako para kay Greg kaya lagi niya akong tinutukso dito. Actually the three of us were the best buddy when we're still a kid, kahit limang taon ang layo ng edad nila sakin. Nasa iisang village lang kasi ang pamilya namin nakatira, kaya sila lang lagi ang nakakalaro ko. Pero things changed when Greg knew about the arrangements our parents planned for us.

"You know I'm good at convincing. Besides our other cousin will also come, it would be a nice bonding you know we rarely see each other" pagkumbinsi pa nito. "So...?"

"Okay, magpapaalam ako kila mom and dad"

Kuya's right it would be a bonding na rin for us since bihira na lang kami kung magsama-sama. They're all busy with their work, ako na lang ata sa magpipinsan sa side ni daddy ang nag-aaral pa.

Pero sino ba ang ang niloloko ko, gusto kong sumama kahit na madami akong gagawin sa weekend dahil gusto ko siyang makita. Halos dalawang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Kahit ilang blocks lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin, bihira pa rin kami magtagpo. Even in the family dinner, tuwing iniinvite nila dad ang Del Rosario's or sila ang nagiimbita sa amin,  lagi siyang wala. Hindi ko alam kung busy ba siya or iniiwasan niya lang ako.

The weekend came, nag convoy nalang kami. I was with my cousins, Ate Tiffy kuya Geoff's sister,  Kuya Aqui and Kuya Fin Auntie Seb's sons and Kuya Geoff who was driving. On the other car was their other freinds, Greg was with them.

The car stopped when we reached the port, from here we need to ride one of our private yatch to reach the resort owned by Uncle Sixto.

Nakita kong tumigil ang kasunod naming sasakyan, bumaba doon sila Tim at Ken. Huling lumabas si Greg, umikot ito papuntang passenger's seat akala ko may kukunin lang nang buksan niya ang pinto ay lumabas doon ang isang babae. Biglang parang may kumirot sa dibdib ko. 

I know her.  She's Rian Villanueva, batchmate sila nila Greg and kuya Geoff. I've heard rumors about them being together kahit noong college palang sila. Hindi ako naniwala dahil hindi ko nakitang magkasama sila at wala naman sinasabi sila Tita Vina na may girlfriend na si Greg.

Pero ngayon, nandito sila sa harap ko at para bang sinasampal sakin ng tadhana na maniwala na ako. Maniwalang hindi talaga kami ni Greg para sa isa't isa,  na itigil ko na to,  na hindi talaga.

"Hey man!" bati dito ni Kuya Geoff at sa iba pa nitong kasama "Hey architect,  thought you're going to work 'til weekend what a surprise" baling nito kay Rian.

"I was supposed to but Greg drag me here"

"It's not like you dont want it" Kita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Greg nang sabihin niya ito. Para bang tanging si Rian lang ang kanyang nakikita.

"You know I can't say no to the beach" she chuckled.

"Ahmm,  by the way these are my cousins.  I supposed you already met them in work perhaps?" asked kuya Geoff.

"Yeah, we've met in some seminars and meetings. Hi Tiffany,  Aqui, Fin and..." biglang dumako ang tingin nito sa akin.

"Ah this is Ade, the baby of the Lleve's" biro ni Kuya Geoff sabay gulo ng buhok ko.

"Kuya! I'm already twenty, that wasn't anymore a baby" sabi ko, sabay ayos ng nagulo kong buhok. Bumaling ako kay Rian.

"Hi Ade, nice meeting you" bati nito sakin at inilahad ng kamay.

Ano ba ang dapat kong maramdaman ngayong naririto sa harap ko ang babaeng gusto ni Greg. Ang babaeng may hawak ngayon ng gusto kong pwesto sa buhay niya.

Ilang segundo kong tinignan ang nakalahad nitong kamay. Ayaw ko itong tanggapin dahil para ko na ring tinanggap na wala na talaga kaming pag-asa ni Greg.

Lumipat ang tingin ko kay Greg na ngayon ay nakatingin sa akin,  hinihintay na tanggapin ko ang kamay ni Rian. At dahil alam kong magagalit sakin si Greg kapag pinahiya ko ang girlfriend niya kung hindi ko tatanggapin ang kamay nito kaya nakipag-kamay nalang ako dito.

"Ade" tangging sambit ko.

"Let's go! the yatch is waiting" Kuya Aqui announced, as he I think noticed the awkwardness I was feeling.

Minutes passed and now were heading to the resort. It's just an hour travel, so by 10 am we can now reach the destination. I busied myself doing digital artwork on my phone, I am just actually recreating my old handmade artwork but now in the digitalized version, to kill the time.

Ate Tiffy was beside me here in cabin, may kausap sa phone probably about work. Ang iba naman ay nasa labas, they're enjoying the view I think.

At exact 10:18 am we reached the shore of Islas de Sierra. Naunang bumaba ang mga lalaki, nahirapan akong dalhin ang bag ko dahil may mga laman itong art materials at canvas. Balak ko kasing magpinta sa harap ng dagat gaya ng ginagawa ko noon kapag pumupunta kami dito. Mas ginaganahan kasi akong magpinta kapag nakikita ang dagat at naririning ang mga along humuhampas sa dalampasigan. It brings peace and joy, and it shows in my art.

"Come on hold my hand" I heard Greg said as he lend his hand toward Rian. Kinuha naman ito ni Rian.

Nasa likod naman ako ni Rian waiting for my turn na bumaba sa yate.

"Kuya A—" Tatawagin ko sana si kuya Aqui para iabot muna sa kanya ang bag ko since mahihirapan akong bumaba. Pero una na itong kinuha ni Greg. Nagulat ako nang iabot niya ang kamay niya sakin without saying anything.

Nagtatalon na naman ang puso ko sa tuwa. Okay Ade kalma lang, he's just helping you walang ibang ibig sabihin yun. Kalma ko sa sarili.

"Bilis Ade ang init dito" reklamo ni ate Tiffy na nasa likod ko.

Mabilis ko namang inabot ang kamay ni Greg.  Ganun pa rin ang pakiramdam parang may dumadaloy na kuryente sa kamay ko tuwing naghahawak ang kamay namin.

"Salamat. Ah yung bag ko" wika ko. Walang pagaalinlangang binigay niya naman 'to agad nang hindi ako tinitingnan at lumakad na ito patungo kay Rian.

"Let's go Ade" Tawag sakin ni Ate Tiffy nang mapansing naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.

Nagkanya-kanya na kaming punta sa mga nakareserve na room para samin. Nagpahinga muna kami saglit bago sila nag-aya mag lunch. Isang boodle fight ang pinahanda ni Kuya Geoff sa cottage na harap ng dagat.

Ate Tiffy was busy taking pictures of the food with the background of the beach,  she says it was instagramable.

"Tiffy tama na yan, let's eat" aya ni kuya Geoff sa kapatid.

I noticed how Rian gave crab meat to Greg after she take it out from the shell.

"Rian you know I know how to get the crab's meat" he chuckled.

"Yes.  And the last time we eat crab pati shell kinakain mo" natatawang sabi nito sabay subo dito ng kanin.

Inilayo ko naman ang tingin ko after I feel the pain started to grow inside my chest. I just focused my attention on opening the crab.

"Ba't ba ang hirap buksan nito!" I silently said to myself,  naiinis na ibinaba ko nalang ito.

"Here" si Tim sabay lagay crab meat sa harap ko. "Mukhang kanina ka pa frustrated buksan yan" natatawa nitong sabi.

"Thank you" nahihiya kong turan.

Tim and I aren't that close, maybe we're civil. We often see at the parties and that's all. It's our first time to hangout like this.

"Papi Tim ako din ipagbalat mo" natatawang biro ni Ken.

"Gago!  Gusto mo ikaw balatan ko" sabay bato nito dito ng crab leg.

The lunch went through with me trying to ignore Greg and Rian and their sweet gestures. Ba't ba sumama pa kasi ako dito? I should've been doing my papers at home. But at least I saw Greg right? Not bad at all. Kailangan ko nalang siguro tiisin ang sakit,  I'm good at it.

I started to place the materials I need to use for my painting. The day is nice. The warm breeze was blowing my hair so I put it in a bun using my paint brush, I forgot my ponytail in the room. It's past 5 in the afternoon and the sun is starting to set. Pinagmasdan ko muna ito ilang minuto, pinagsasawa ang mata sa kagandahan at kalmadong tanawing nakikita. May mangilan-ngilang lumalangoy di kalayuan. Di masyado ganoon kadami ang mga turista ngayon, hindi pa kasi summer which is the peak season.

I started to mix the acrylic colors I needed. I'll paint the sunset in front of me.  Hindi ko alam kung ilang sunset na ang napaint ko, in every beach na pinupuntahan namin lagi kong inaabangan ang sunset para ipaint ito. I don't know what's on it pero parang lagi akong inaakit ng ganda nito.

"Hindi ko alam na magaling ka palang mag-paint"

I was in the middle of painting when I heard a voice behind me and when I turned my back I saw Tim. He was wearing his board shorts with nothing on top. I immediately turned away my gaze from his body.

"Ah thank you" nahihiya kong sabi. Hindi pa rin ako sanay kapag may nagko-complement ng gawa ko. Alam kong hindi pa naman kasi ako ganun kahusay,  pero nakakataba ng puso kapag naappreciate ang gawa ko.

"Mind if I stay here? I also want to see the sunset"

"No, sure" I smiled to him.  He sit on the sand meter away from me. We stayed quiet for a couple of minutes. Me finishing my painting and him watching the sunset. I don't know how to open a good conversation knowing that we're not that close.

"Why didn't you take fine arts?" He asked after minutes of silence. Napatingin naman ako sa kanya. How did he know my course now? "Ah you know Andrew?  He's my cousin, nakwento niya minsan na you're one of his blockmates" dagdag nito matapos sigurong makita ang pagtataka sa mukha ko.

"Yes I know Andrew. Business talaga ang gusto kong course since only child ako so my parents expect me to run the company if they retired. Maybe fine arts is just my second choice. Besides I take arts as an hobby only, I don't think I'm good enough to make it as my profession" I chuckled as I saw a little disorient strokes on my painting.

"I see" he nodded. "But believe me you're good at it" he said pointing the canvass.

Nagkwentuhan pa kami ng ibang bagay.  Nalaman kong magkakabatch lang pala sila nila Greg and graduated on the same school. Hindi ko alam ba't 'di ko siya nakikita sa school noon. Nakikita ko lang siya sa mga business parties.

Nang matapos ko na ang painting ay lumapit siya sakin para tignan ito.

"Wow it's beautiful artwork, just like the artist" he said while looking at me.

"Thanks" nahihiya kong pagpapasalamat.

Kinuha ko ang camera ko at kumuha ng ilang shot sa painting na natapos. Inayos ko na rin ang mga art materials na ginamit ko.

"Ako na magdadala" tukoy nito sa canvas stand at bag na may lamang mga acrylics at paint brushes.

"Sige, salamat" Hinayaann ko nalang siya,  nahirapan kasi talaga akong dalhin yun kanina lalo na ngayon na medyo basa pa ang painting ko. Yung painting nalang ang binitbit ko.

Medyo madilim na nang makabalik kami ng resort. Lubog na ang araw, buwan naman ang naghari.

"O san kayo galing?" Salubong samin ni Kuya Fin at Ken na parehong naka scuba diving suit.

"Kanina pa namin kayo hinahanap" saad ni Ken. "Magpalit ka na Tim, hinihintay na nila tayo" aya nito at naglakad na kasunod ni Kuya Fin.

"Okay I'll follow" Tim answered.

"Ako na nito, mauna ka na baka maiwan ka pa"

"Hindi ka sasama?" takang tanong nito.

"She's afraid to scuba dive at night"

Bago ko pa man masabi ay may sumagot na para sakin. Pagtingin ko sa likod ko'y nakita ko si Greg he's also wearing a same suit like Kuya Fin and Ken's. I'm trying not to lower my gaze on his body. Because the last time I did while he's wearing that, he caught me staring on the bulge in front of him and it's really embarrassing.

"Y-yeah I don't like night diving" baling ko kay Tim, nervous at the sudden thought with Greg. "Sige, salamat sa pagtulong kaya ko na 'to. Enjoy kayo" I said and get my things to Tim. "Greg" I said then lower my head as a sign of leaving. He just nodded.

Dumaan muna ako sa reception para isauli ang stand na hiniram bago nagtungo sa kwarto.

I'm feeling sweaty and exhausted that's why I decided to have a bubble bath. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakababad sa bathtub. Nagising nalang ako nang marinig kong may kumakatok sa pinto. Umahon na ako at nagsuot ng bathrobe.

Pagbukas ko ng pinto'y bumungad sakin ang mukha ni Greg. Agad naman akong nataranta at naging concious sa suot ko, inayos ko ang sa may bandang dibdib dahil medyo nakalihis ito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang bahagya niyang pagtingin dito. Mas lalo naman ako nahiya.

"May kailangan ka?" I asked to remove my tension.

"They're waiting you at the restaurant, for dinner" Walang emosyong sabi nito at basta nalang tumalikod hindi pa man ako nakakasagot. Sungit.

Mabilis akong nagbanlaw at isinuot ang floral beach dress na abot hanggang tuhod ko at flip-flops kong dala. Tinignan ko muna ang orasan,  it's almost 9 in the evening. Ilang oras ba akong nakatulog at parang ang bilis naman nilang bumalik?

Bumaba na ako sa sinabing  restaurant ni Greg. Agad ko namang nahanap sila.

"Antagal mo naman Ade" bungad sakin ni Ate Tiffy pagkarating ko sa mesa.

"I'm sorry nakatulog ako" I said while looking for a vacant seat.

"Here" turo ni Tim sa katabi niyang upuan.

"Thank you" I said when he pulled the chair for me.

"Ahem!" I heard Ken fake a cough. Paglingon ko'y, nakatingin silang lahat sa ginawa ni Tim, even Greg was intensely looking at us.

"Ah let's eat?" aya ko sa mga ito to divert their attention. Nagsimula namang kumain ang lahat.

"How's the scuba diving?" I heard Rian asked. So hindi pala siya kasama?  Akala ko ako lang ang naiwan dito kanina.

"It was great, you should come next time" sagot dito ni Kuya Geoff.

"Yes next time.  Greg will tech me first how to dive, right Greg?"

"That's for sure" he said then smiled to her. A smile I've never seen in awhile now.

"Greg is a good diving instructor, he taught Ade. Naalala ko magkasama sila sa diving lesson noon. And 'tong si Ade hindi nakukuha ang tinuturo nung instructor pero nung si Greg na yung nagturo ang bilis makuha." Natatawang kwento ni Ate Tiffy. "Diba Ade?" Baling nito sakin.

I remember that moment, I was only 12 and Greg is 17. Gustong sumama ni Greg kapag  nag-i-scuba dive sila Dad kaya kumuha ng instructor sila Tito Roy and since gusto ko rin matutong magdive pinasabay nalang din ako turuan kasama si Greg. Madali ko lang naman itong nakuha since marunong na akong lumangoy noon pa, sinasadya ko lang talagang huwag ito gawin ng tama dahil alam kong tuturuan ako ni Greg.  Lagi naman siyang ganun kapag may hindi ako nakukuha o naiintindihan lagi niya akong tinuturuan hanggang sa makabisa ko na ito. Ngayon nalang naman hindi.

"Yes" tanging sagot ko.

"Wow, di ko alam diving instructor ka na din pala" natatawang sabi ni Rian kay Greg.

"Dad just forced me to teach her" parang wala lang ito nang sabihin niya.

Napatigil ako sa pagkain nang marinig yun. Naramdaman kong biglang natahimik ang lahat. Parang nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Mababaw lang naman yun kung tutuusin pero ba't parang ang sakit marinig na napilitan lang siya noon? At pinaalam niya pa ito sa lahat.

Nanatili akong nakayuko dahil baka pagtingala ko'y tumulo ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"Are you okay?" rinig kong tanong ni Tim sa akin. Mabilis naman akong tumango, hindi siya tinitignan.

"Anyway, sasama ba kayo mamaya? There's an open bar on the front beach" basag ni Kuya Geoff sa katahimikan and I thanked him for that.

"Sure! Let's all chill" excited na sabi ni  Kuya Aqui,  trying to lighten the heavy atmosphere we had earlier.

After the dinner ang iba'y dumiretso na sa may beach. Nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako o hindi, kaya bumalik nalang muna ako sa room ko. Nakarinig ako ng katok sa pinto ilang minuto after kong pumasok.

It's Tim.

"Hindi ka sasama?" Bungad na tanong nito sakin.

"Sasama, susunod nalang ako"

"Hintayin nalang kita" he offered.

"No, mauna ka na. May sasagutan lang akong online quiz, baka matagalan ako. I'll follow promise" I assured him.

Nang makumbisi'y bumaba na ito papunta sa front beach. Mabilis naman akong nag-log in ng account ko sa student portal para masagutan ang quiz namin na mabuti't naalala ko dahil hanggang 12 midnight lang ang pasahan nito.

Mabilis ko namang nasagutan ang mga tanong.  Pagkatapos ko ay bumaba na ako papuntang open bar. Dumaan ako sa may pool area dahil mas malapit doon. Walang nagsiswimming, nasa bar siguro ang mga tao. Napatigil ako at mistulang naestatwa sa kinatatayuan ko ng mahagip ng mga mata ang dalawang taong nakaupo sa isa sa mga sun lounger sa may madilim na parte. 

Rian was sitting on Greg's lap while they were kissing. Kita ko pa kung paano haplusin ni Greg ang mga hita nitong nakapatong sa kanya.  

Ramdam ko ang init ng mga luhang dumaloy sa aking pisngi kasabay ng paulit-ulit na pagkawasak ng aking puso.  Ilang beses na ba ako nakaramdam ng kirot sa aking dibdib ngayong araw? Hindi ko na mabilang.

Why is he doing this me? I only want my love to be reciprocated. Di ba sabi nila'y when you're in love, you feel happy. Pero bakit paulit-ulit kong nararamdaman ay sakit? Why loving him could be this painful?