WEBNOVEL's writing platform-INKSTONE can realize your creative dream and connect you with readers all over the world with words. You can also visit https://inkstone.webnovel.com Create on the PC.
ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -
Isang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim-ang bampirang naninirahan sa mundo ng mga normal at ang nais lang ay maging kagaya ng mga ito ang kaniyang buhay. Matutupad kaya ang kaniyang hangarin na tanggapin sila at makaramdam ng pagmamahal mula sa mga ito? Abcde Xyz Jerusalem-Isang normal na tao na malaki ang galit sa mga bampira dahil sa nakaraan. Paano kung pagtagpuin ang dalawang nilalang na ito? Magagawa kaya nilang tanggapin ang isa't isa? Mananaig kaya ang pagpapatawad sa ngalan ng pagmamahal?
"Sa ngayon mananatili ka sa palasyo ko bilang isang prinsesa hanggang sa dumating ang araw na sumapit ka sa wastong edad, saka kita gagawing aking reyna. Mamili ka, dito sa poder ko at maging aking asawa, o ibibigay kita kay Vincent para maging pagkain niya? Madali akong kausap Elysia, alin man diya ang piliin mo ay buong puso kong ibibigay sayo," saad nito sa mababang boses na nagpatindig sa kaniyang mga balahibo. Buong buhay ni Elysia ay sunud-sunuran lamang siya sa mga utos ng kaniyang pamilya, ngunit dumating ang araw na makakawala siya sa pagmamalupit ng kaniyang itinuturing na kamag-anak. Ngunit, ang kalayaang iyon ay kapalit naman ng buhay niya. Buong puso niya iyong tinanggap kapalit naman ng mga alaalang iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang na hawak ng kaniyang tiyahin. Subalit ang inaasahan niyang kamat*yan ay hindi naganap, sa halip ay isang kasunduan ang inilatag sa kaniya ng inaakala niyang tatapos sa buhay niya. Si Vladimir na siyang hari ng mga bampira na matagal nang nabubuhay sa mundong ibabaw. Ang kasunduan bang iyon ang siyang magbabago ng buhay ni Elysia o ito rin ang siyang magpapahamak sa kaniya? Sa mga buhay nilang binabalot ng lihim, magkapuwang kaya ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkasalungat na angkan at lahi?
Simula pa pagkabata ay makikita na ang malaking pagkakaiba ng magkakambal na sina Tina at Nana. Si Nana ay normal ang itsura samantalang si Tina ay may hindi pangkaraniwang kaanyuan na naging dahilan kung bakit naging tampulan ito ng tukso. Pero ng tumungtong si Tina sa legal na edad ay isang misteryo ang nangyari na nagbigay dito ng magandang kaanyuan. Dahil doon ay mas nadagdagan ang inggit ng kakambal nitong si Nana. At dahil din doon ay nalagay si Tina sa kapahamakan. Noong nawala si Tina ay nagsimula na rin ang misteryo na bumalot kay Nana at sa mga kaibigan nito. Gusto ni Nana na maitama ang lahat. Pero paano iyon gagawin ni Nana kung isa-isa nang namamatay ang mga taong nakapalibot dito at ito na ang isusunod? Book cover by: Shekina Grace Edited by: Elf King Publishing Editors
Sa mundong ito, lahat ng tao ay may kanya- kanyang nadarama na parang pagkukulang sa buhay, mapagpanggap, at walang mapagkakatiwalaan… At sa araw-araw na ating tinatahak ay halos wala tayong oras upang hanapin ang ating hinahangad. Sa desisyon na “Ayos na at sapat na ang lahat ng meron ako ngayon.” ang lahat na akala nilang magiging buhay nila ay magbabago. Sa isang bagong café sa bayan ay ma iinkwentro nila ang mala-milagrong mga singsing na makapagpapalit sa buhay na meroon sila at PAG-IISAHIN SILA??? And dalawang tao ngayon ay nasa isang “Sumpa” na maaring isang “Biyaya” pala. Sila na ngaba ang hinihiling ng isa’t-isa? Ang taong makakadama at makakakita sa lahat na gusto nilang ipaalam sa mundo?
Si Elise ay pinalipat ng kaniyang mga magulang sa Dillian High, eskwelahan kung saan nabibilang ang mga taong nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan. Nakabangga Elise ang grupong tinatawag na Royalties kung saan dito na mag sisimula ang pagbabago sa takbo ng buhay niya. Ang lugar kung saan mayroong makikitang iba't ibang nilalang si Elise. At kung saan dito rin masusubok ang kaniyang kakayahan ng bilang mage. Nang ma-meet ni Elise si Ice, isa sa mga member ng Royalies, ang buhay kung saan siya'y tahimik na naging utusan, yaya, katulong, maid. Ano kaya ang maaaring mangyari sa pagkrukrus ng landas nina Elise at Ice? Welcome to Dillian High
Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?