webnovel

CHAPTER 07

RonaSheen Hi, sistah! 💋

CHAPTER SEVEN

Hariette's POV

NAKATANGA pa rin akong nakaupo dito sa bench habang nakatingin kay Harley na lumalapit na sa mga kaibigan namin. Pilit kong pinapasok sa utak ko ang mga huling sinabi niya.

'Ano naman ngayon kung gusto ka niya, Lei?' Hindi ko alam kung bakit masyado akong apektado. Dumagdag pa sa isipin ko. Tsk!

Wala naman akong pakialam kung gusto niya 'ko eh. Who cares, di ba? Hindi naman ako maganda at mas lalong hindi rin naman ako pangit. Nakakabigla lang kasi ilang araw akong hindi pinansin tapos ngayon biglang sasabihing gusto niya ako? Like, wth?!

Panay ang tawa nila habang nagsasalita si Blaze. Syempre, siya na naman ang bangka ng istorya. Ano pa bang aasahan ko eh madaldal 'yan? Bigla pang napalingon sa'kin si Harley saka tumingin din sa tinitingnan ko, kay Blaze. Kumunot ang noo niya na para bang may ginawa akong masama. 'Nakakalito talaga ang lalaking 'to!' Napairap na lang ako saka napabaling sa ibang direksyon ang mga mata ko.

Nakita kong naglakad papalapit si Zally sa'kin matapos itapon sa trash bin ang smokey. Ngumiti siya sa'kin habang papalapit saka umupo sa tabi ko at tumingin kay Harley na nakikinig na ulit sa kwento ni Blaze.

"Anong iniisip mo? Gusto ka niya?" kilala na talaga nila ako. Sila ni Angel. Alam din nila ang tinatago ko.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka nagsalita. "Iyon ang sabi niya. Ayaw ko namang maniwala." sagot ko sa kaniya.

"Bakit? Halata namang gusto ka nung tao. Inamin din naman niya yun kagabi, di ba?"

"Ang hirap lang kasi talagang paniwalaan.'Tsaka bata pa tayo para sa mga ganiyang bagay."

"E, ikaw? Gusto mo ba siya?" kumabog na naman tuloy ang dibdib ko. Ang prangka talaga nito. Wala man lang paligoy-ligoy kung magtanong. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong gusto? Kakikilala pa lang namin tapos gusto na agad? Kaya ang hirap niyang paniwalaan kasi kailan lang naman kami nagkakilala."

"It's not about the time, Lei. Hindi ka mapipigilan ng panahon para may magkagusto sa'yo at magkagusto ka sa isang tao. Think about the sincerity. Sa ating magkakaibigan, ikaw ang madaling nakakaramdam kung totoo ba ang sinasabi at pinapakita ng isang tao sa iyo. Kaya alam kong nararamdaman mo rin na totoo ang sinasabi niya." mahabang sabi niya at tumingin muli sa mga kaibigan namin.

"Ang hirap lang kasi paniwalaan, Zal. Imagine, nung mga nagdaang araw hindi ako pinapansin tapos biglang nag-confess na gusto ako? Ano yun? Lokohan? Wala naman akong ginawa para gustuhin niya ako. Ni hindi nga ako pinapansin bigla e, wala naman akong ginawa. Tapos bigla gusto na ako?! Baliw ba siya?!" mabilis na sabi ko. Naiinis na talaga ako sa lalaking 'yon.

Natawa siya matapos akong magsalita."Naiinis ka na. Kilala na kita, Lei. Kaya ayaw mong maniwala kasi takot ka ring magkagusto sa kaniya." natahimik ako bigla. "Naiinis ka kasi hindi ka pinansin ng ilang araw. Sabi nga niya kagabi di ba na nagseselos siya sa inyo ni Blaze. Aayain ka daw kasi niya dapat pero naunahan lang siya ni Blaze." natatawa pang dagdag niya.

"Hindi ko naman kasalanan 'yon ah. Malay ko bang gusto niya pa lang ako ang maging date kagabi e, sana sinabi niya. O sana man lang kinausap pa rin niya ako hindi yung biglang hindi namamansin. Bahala siya sa buhay niya. Abnormal siya! Tapos kung makaakbay pa kagabi akala mo boyfriend ko siya. Hmp!"

"Oh, chillax. Naiinis ka na e pinansin ka na nga. Umamin pa! Kaya 'wag ka nang mainis diyan." bigla nalang niya akong hinila patayo saka ako kinaladkad papalapit sa mga kaibigan namin.

"Hi, Lei. Kumusta na yung balat mo?" Si Blaze agad ang unang nagsalita pagkalapit namin. Tiningnan niya ang balat ko. "Hala! Nagpantal-pantal na."

"Ayos lang. Mawawala rin 'to mamaya. Bakit kasi nagkaroon pa ako ng mga bruhang kaibigan?!" natawa naman sila sa sinabi ko. Well, kasalanan ko rin naman haha.

"Kids, come here! Lunch is ready! Come inside!" napalingon kaming lahat at nakita si Tito Harry'ng sumigaw. Natawa na lang kami bago pumasok sa loob.

Lahat ng mga kaibigan ko ay namangha rin nang makita ang buong mansyon pati na ang dining nila. My friends are all rich but not as rich as Dylan's fam.

Lalo pa silang nag-ingay nang makita ang nasa mesa. Puno ng pagkain na akalain mong may pista. Tawa naman nang tawa si tito Harley sa mga kaibigan namin. Habang kumakain kami ay nagpatuloy sila sa kwentuhan.

"All I know are Blaze and Harley. They're best of friends kaya lagi ko silang nakikitang magkasama ni Dylan. Kailan ko lang din nakilala sina Gavin at Kendrick." sabi ni tito Harry.

"Actually, Tito, bago lang din kami nagkakilala. Si Charlisa ang inimbitahan ni Gavin para dumalo sa party. Tapos ayaw daw sumama ni Charlisa kung hindi kami dadalo kaya hindi na kami tumanggi. Tapos ayon, simula nun sabay-sabay na kaming mag-lunch. Pati na rin 'pag break time. Nakakasawa na nga mga pagmumukha nila, e." Si Zally na walang preno na naman ang bibig.

"Hoy! Akala mo ba hindi rin kami nagsasawa sa mukha mo? Saka ikaw pa nagsawa ah.. Sa gwapo kong 'to?" si Blaze agad ang nag-react. Hinimas-himas niya pa ang mukha niya. Natawa naman sila samantalang ako nakikinig lang. Kung may ibang tao mang nambabara kay Zally, si Blaze yun.

"Gwapo?! Saang banda?! E, panahon pa ng Homo eretus 'yang pagmumukha mo!"

"Bakit ikaw? Maganda ka ba? Kung hindi lang halata iyang bukol sa dibdib mo e, akalain kong lalaki ka! Mukha ka kasing lalaki!"

"Anong sabi mo?! Gusto mo sapakin kita?! Pumapatol ako sa unggoy kahit pa i-report ako sa animal welfare! And FYI, boy siklab, astigin lang ako pero hindi ako mukhang lalaki!" Ang ingay nila. Hindi na nahiya. Sa sobrang ingay, nakakarindi na! Tapos yung iba, tumatawa lang dahil sa bangayan nila!

"Anong 'boy siklab'?! And FYI rin, kaya sa sobrang astigin mo, nagmumukha ka nang lalaki!"

"Anong sabi mo?!" tumayo na si Zally saka tinutok ang tinidor kay Blaze. "Hoy! Homo er-"

"KAKAIN BA TAYO O MAGLALAMBINGAN LANG KAYO?! TINATABOY NIYO ANG GRASYA DAHIL PANAY ANG SIGAWAN NIYO!" natahimik naman sila at umupo na ulit si Zally. "Sorry po, Tito. Hindi kasi marunong mahiya itong mga kaibigan ko." pinandilatan ko pa silang dalawa ng mata. Inirapan ako ni Zally samantalang nginitian lang ako ni Blaze.

"Siya rin naman sumigaw ah." Mahinang bulong ni Harley na dinig na dining pa rin naming lahat kaya napuno na naman ang tawanan sa hapag. Sinamaan ko siya ng tingin na ngumiti lang din siya sa'kin.

'Oh God! Bakit ang gwapo ng lalaking 'to?' Ano ba itong iniisip ko.

"So, pa'no kayo naging magkaibigan lima?" patuloy na tanong ni Tito Harry sa'min nang humupa ang tawanan.

"Si Zally po talaga ang unang naging kaibigan ko pero hindi kami close talaga. Nakilala naman ni Zally si Lei nung namatay ang lolo niya nung first year high school pa siya. Sinama po ako ni Zal sa lamay ng lolo ni Lei kaya kami nagkakilala. Magkaibigan naman sina Charlisa at Lei pero gaya sa'min ni Zally, hindi rin sila masyadong close. Sina Charlisa at Sandie naman ay magka-klase nung elementary, si Charlisa ang nagpakilala sa'min kay Sandie hanggang sa naging magka-bardaka na kaming lima. Hanggang ngayon kami pa rin magkasama." mahabang maarteng kwento ni Angel.

"Patay na si Tatay Erning, Hariette?" tanong ni Tito Harry sa akin. "Malakas pa 'yon nung huli kaming nagkita, ah." dagdag niya.

"Kilala niyo rin po si Lolo?" tumango naman siya. "Well, na-mild stroke po kasi siya 3 years ago tapos hindi na gumaling. Saka matanda na rin si Lolo eh." patuloy ko kahit nagtataka ako kung paano niya nakilala si Lolo.

"Really? I'm sorry for your loss kahit late na." malungkot na sabi niya.

"Thank you, po. Tanggap na po namin na ganoon ang nangyari sa kaniya." tipid na ani ko.

"So, how's your mom? She didn't tell me about Tatay Erning's death. Not even when he got mild stroke." napatingin ako bigla sa kaniya.

"May communication kayo ni Mama?" 'Ikaw ba ang papa ko?' gusto kong itanong kanina pa.

He look stunned. Nabigla sa tanong ko. "N-no! I mean naging close kami ng mommy mo pati na rin ni Tatay Erning. Kaya nagtaka lang ako kung bakit hindi man lang niya pinaalam sa amin." nauutal na sagot niya.

"Okay." Maikling sagot ko.

Hindi na rin sila nag-usap nang nagpatuloy kaming kumain. May naramdaman yatang tensiyon.

"So I guess its goodbye for now? Bumalik ulit kayo dito. You're all welcome here anytime." Paalam ni Tito Harry sa amin. Lumapit naman siya sa'kin at bigla akong niyakap. Nabigla ako sa ginawa niya. "Take care, baby. I hope to see you again too soon. Send my regards to your mom." mahinang sabi niya then he kissed my forehead at hinaplos ang pisngi ko. May nabasa ako sa mga matang niyang iba't ibang emosyon. Pangungulila? Lungkot? Kasiyahan? Hindi ko na alam.

Tumango na lang ako bago sumakay sa kotse ni Blaze. He waved his hand as I take the front seat. Malungkot ang mukha niyang nakatingin sa akin bago ko sinara ang pinto ng kotse.

Sabay ulit namin si Harley sa sasakyan na nasa likod nakaupo. Nag-text na rin ako kay mama na pauwi na kami. Hindi pa siya nag-re-reply kaya alam kong naghahanda pa iyon sa bahay.

Nagsalpak na lang ako ng earphone at nagpa-tugtog sa cellphone ko tutal hindi ko naman maintindihan ajg pinag-uusapan nila Blaze. Usapang lalaki e.

"Lei, nandito na tayo." nakangiting mukha ni Harley ang bumungad sa akin. Si Blaze ay nasa labas na ng kotse. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa byahe.

"Sorry. Nakatulog pala ako." paumanhin ko. Nakangiti pa rin siyang naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman yun bago lumabas.

Magkakasunod na nakaparada sa gilid ng kalsada ang mga sasakyan nina Kendrick, Gavin at Dylan. Isa-isa na rin silang nagsilabasan pati na ang mga kaibigan ko na nagmamadaling mag door bell. Nakita ko naman si Mama na siyang nagbukas ng gate.

"Tita! I miss you!" sabay-sabay na sigaw nila. Si Angel pa ang may pinaka-maarteng sigaw. Imbes kasi na 'you' ay 'yah' ang sinigaw niya.

"I miss you too, babies. Where's my baby?" paghahanap ni Mama sa'kin matapos siyang yakapin ng mga kaibigan ko. Nang makita niya ako ay tumakbo na ako papalapit sa kaniya. "There you are, my baby! Mwah! Mwah! Mwah! Na-miss kita. Mwah! Mwah!I miss you so much. Mwah! Mwah!" hinalik-halikan niya ang buong mukha ko saka niyakap ng mahigpit na akala mo ilang taon kaming hindi nagkita.

"Ma! Nakakahiya. May mga kasama kami." bulong ko sa gitna ng yakap niya. "I miss you too, Mama." hinalikan ko siya sa pisngi saka nagmano.

"Asusss! Itong baby ko nahiya pa. Pasok kayo, pasok. Welcome to our home." anyaya niya sa mga kaibigan ko. Nasa loob na ang mga kaibigan ko at pumunta agad sa kusina. 'Mga walang'ya!'

"Hi, boys. Kayo ba ang mga bagong kaibigan ng baby ko? I'm Erina. Hariette's mother." pakilala ni mama sa kanila. "Just call me Tita Erin or anything that would make you comfortable." nilahad niya pa ang kamay niya.

"Hello po, Tita Erin. I'm Blaze. Glad to meet you po. Kaya pala ang ganda ni Lei kasi maganda rin ang mommy niya." pambobola ni Blaze na nagmano at humalik sa pisngi ni Mama.

"I'm Kendrick po. Nice to meet you, Tita." kinamayan niya si Mama saka nagmano.

"Gavin at your service, Tita Erin." nagmano siya kay Mama.

"Dylan is the name, Tita." hinalikan sa pisngi si Mama.

"Hello, Mama Erin. I am Harley Wren. Your future-son-in-law, po." nagmano at humalik pa siya sa pisngi ni Mama. Pinandilatan ko ng mata pero kumindat lang siya sa akin. Natawa naman si Mama saka ginulo ang buhok ni Harley.

"Ang gu-gwapo naman ng mga batang ito. Oh, siya mga anak, doon muna kayo sa mag hardin. Hindi pa ako tapos magluto. I will call you na lang pagkatapos." pumasok si Mama sa kusina. Siya namang labas ng mga kaibigan ko.

"Grabe, amba-bango ng luto ni Tita. I feel hungry na tuloy kahit tapos na naman na tayong kumain ng lunch. " si Angel na hinimas-himas pa ang tiyan.

"Oo nga eh. Namimiss ko ang luto ni Tita." si Zally. Sumang-ayon naman sina Charlisa at Angel.

"Hoy! Baka nakakalimutan niyong nandito kayo buong weekend? Tayo muna sa garden. Tatawagin lang tayo mamaya ni Mama." sumunod naman sila sa akin.

Nagulat pa ako nang biglang may umakbay sa akin. Aalisin ko na sana nang mapagtantong si Blaze 'yon.

"Ang cool ng mama mo, Lei." aniya.

"True. I wish my mom is just like her." may konting pait na sabi ni Dylan.

"Welcome na welcome tayo eh. No wonder kaya gusto bumalik-balik ng mga kaibigan mo dito." sabi naman ni Gavin.

"Pwede naman kaming bumalik din dito, di ba, Lei?" si Kendrick.

"Pwede ba akong tumambay dito palagi?" tanong ni Blaze.

"Pwede pakitanggal ang kamay mo?" hinablot bigla ni Harley ang kamay ni Blaze sa balikat ko. Natawa naman sila. "Huwag ka ngang magpa-akbay ng iba. Ako lang dapat umaakbay sa'yo." at inakbayan nga niya ako.

"Why do you care? At anong tawag mo kay Mama?" nakakunot-noo kong sabi sabay tanggal ng kamay niya. "At anong future-son-in-law pinagsasabi mo?"

"Future-husband mo ako kaya magiging biyanan ko rin ang Mama mo." anong bang nangyayari sa lalaking 'to. Panay tukso naman ang mga kaibigan namin hanggang sa hardin.

"Baliw ka na!" sigaw ko na nakaturo sa kaniya. "Nakakakilabot mga pinagsasabi mo!" sabay-sabay naman kaming naupo sa mahabang upuang kahoy. Tumabi pa sa'kin ang abnormal. "Doon ka nga. Di ba sabi ko 'wag kang dumikit-dikit sa'kin?!" tinulak-tulak ko pa siya.

"Ito naman. Parang tumabi lang eh. Arte nito." nakangusong sabi niya. Sarap tuloy pisilin ang pisngi.

'Ay! Ano ba 'tong iniisip ko ulit?!'

"Diyan na muna kayo. Magbibihis muna ako." Lumapit ako kina Zally at Angel saka bumulong."Nangangati na ang mga mata ko."

"Sige. Kami na muna bahala dito." sabay na sagot nila kaya umakyat na ako sa taas.

Nakasalubong ko pa si Ate Jenny. "Lei, alam mo yung mama mo hindi mapakali. Namimiss ka na raw." natatawang sumbong niya.

"Oo nga, Ate. Pinugpog nga ako ng halik kanina sa baba. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan ko."

"Oh? Nandito sila Sandie?"

"Opo. Nasa baba po sila. Nandito rin ang mga bago naming kaibigan. Maliligo po muna ako, Ate. Ang kati na ng mga mata ko, e." pumasok na ako sa kwarto at dali-daling tinanggal ang nakalagay sa mga mata ko bago pumasok sa banyo.

Paglabas ko, nakita kong nakaupo si Angel sa may sofa. "Sumunod na ako. Ang tagal mo kasi." nakangiting aniya.

"Naligo pa kasi ako ulit, e. Feeling ko ang lagkit-lagkit ko na. Hinintay mo na lang sana akong bumaba." naglakad ako papalapit sa vanity table ko.

"It's okay. Nagkakatuwaan naman sila dun sa baba." sabi niya habang ako naman ay may kinukuha sa drawer ng vanity table ko.

"Saglit lang. Ilalagay ko pa ito, e." ipinakita ko sa kaniya ang hawak ko.

"Why do you always wear that? Mga kaibigan naman na natin sila, ah." she commented.

"Alam mo na ang dahilan ko." sagot ko habang nilalagay ko na sa kanang mata ko.

"Ikaw bahala. Hindi mo ba sasabihin sa kanila? Especially Charls and Sands?" Heto na naman kami. Ilang beses na niyang gusto ipaalam sa mga kaibigan namin tungkol dito.

"Maybe some other time. Lalo na ngayon nandiyan na sila Dylan." sa kaliwang mata ko naman nilagay.

"So, tatanungin mo na ba si Tita mamaya?" tanong niya.

"Siguro. I'm not sure. Kasi dapat noon pa niya sinabi kung gugustuhin niya." kibit-balikat na sabi ko.

"Yeah, right. Baba na tayo." at hinila na nga niya ako pababa pahkatapos kong mag-ayos.

Pumunta muna ako sa kusina para sana tulungan si Mama ngunit narinig kong may kausap siya. Si Angel naman ay dumiretso sa hardin.

"Ang sarap niyo pong magluto, Mama. Pwede po paturo?" anang boses.

"Of course, baby. You can visit here anytime." ani Mama sa kausap. May iba na pala siyang baby.

"Sige po. What's Hariette's favorite, Mama?" tanong ni Harley. Oo,siya ang kausap ni Mama. Kapal muks, nakiki-mama sa Mama ko.

"Hmm, favorite dish niya is buttered chicken. But she's not choosy when it comes to food. Except green leaves, mapili siya sa mga ganoon." natatawang sagot ni Mama. Close na sila ah.

Pumasok na ako nang tuluyan sa kusina. I hugged her in the back and her cheek. "Tutulungan ko na po kayo, Mama." tiningnan ko si Harley nang nakataas ang kilay. "Anong ginagawa mo rito? Bumalik ka na doon sa labas."

"Hi, baby. Let him here. He just wanted to help kaya hinayaan ko na. Patapos na rin kami. Nakahanda na rin ang mesa sa labas." ani Mama at nagpatuloy sa pagluluto.

"Hi, Hariette. Tinulungan ko lang si Mama." nakangiting aniya.

"Ba't ka ba nakiki-mama sa mama ko?" inirapan ko siya. Inayos ko ang mga pagkain na ilalabas namin.

"Mama mo siya kaya mama ko na rin siya. Di ba, Mama?" tumingin pa siya kay Mama na natawa lang sa sinabi niya.

"All done. Come on, ilabas na natin 'to baka nagugutom na ang mga kaibigan mo." sabi ni Mama, hapon na rin kasi.

Nilabas na namin ang mga pagkain sa may hardin. Malaki rin ang espasyo kaya minsan dito kami 'pag may handaan.

Tinulungan pala nilang mag-ayos ng mesa si ate Jenny na may nanunuyong ngiti nang makita ako saka bumaling kay Harley.

"Ren-ren, dito mo ilagay 'yan. Dito mo rin ilagay, Lei." sabi ni ate Jenny. Close na agad sila.

"Sinong Ren-ren, Ate Jenny?" nagtatakang tanong ko.

"Siya." tinuro si Harley. "Di ba Harley Wren ang pangalan niya? Ang taas bigkasin kaya Ren-ren na lang." paliwanag niya.

Natawa naman si Mama. "You really love giving names, Jenny. Ikaw din ang nagbigay ng nickname sa baby ko kaya naging Lei ang palayaw niya." naiiling na sabi ni Mama. Mahilig kasi talaga gumawa ng nicknames si Ate Jenny kaya 'yon na ang nakasanayan na rin namin.

"E, sa ang hahaba ng mga pangalan nila, Ate Erin."

"What makes you happy." natatawa pa rin si Mama. "Girls, boys, eat up. Huwag kayong mahiya. Eat."

At nagsimula na kaming kumain. Himala at walang bangayan na naganap. Panay ang puri nila sa luto ni Mama. Kesyo babalik daw sila rito, hindi na nahiya.

"Grabe! Ansarap magluto ng mama mo, Lei." komento ni Gavin sabay himas sa tiyan. Umakyat na kasi si Mama kaya kami na lang ang naiwan.

"Kaya pala palaging pumupunta dito sina Angel. Babalik talaga ako rito." si Blaze.

"Si Tita Erin pa ba? Lahat yata kayang lutuin." si Sandie.

"Hindi pa ba kayo uuwi? Gabi na oh." pagtataboy ko.

"Mayamaya na. Tinataboy mo na kami porket nasarapan kami sa luto ng mama mo." ani Blaze. Nakaramdam din pala. Inirapan ko siya.

"So guys, club listing na next week, anong club sasalihan niyo?" singit ni Kendrick.

"Sa arts club kami ni Charlisa." sagot ni Sandie.

"Sa sports club kami ni Zally. Volleyball." si Angel.

"Me, science club." Dylan. 'Hmm, Matalino.'

"Sports club ako. Basketball." si Harley.

"Basketball din ako." si Blaze.

"Arts club kami ni Gavin." si Kendrick.

"Ikaw, Hariette? Anong club sasalihan mo?" tanong ni Harley. Nagkibit-balikat lang ako. Ayaw ko lang sabihin. "Ano nga?" ulit niya.

"Same club as before." tipid na sagot ko.

"Doon rin kaya ako?" mahinang sabi niya na narinig pa rin namin. Tumingin siya sa'kin ulit. "Ano nga, Hariette?" ang kulit talaga.

"Will you all just go home? Alam kong pagod kayo sa byahe at puyat tayong lahat kagabi. Pwede pahinga muna?" yes, tinataboy ko na sila. Atat na akong kausapin si Mama. Sana nga lang sagutin niya kasi hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

"Grabe makapagtaboy 'to." si Sandie ang nagreklamo.

"Gabi na nga kasi." dahilan ko.

"Wala namang pasok bukas. Sarap tumambay dito sa inyo, e." segunda ni Kendrick. Wow! Ginawang tambayan pa ang bahay namin.

"Mukha bang kanto itong bahay namin at gagawin niyong tambayan?" tumawa lang sila bago isa-isang tumayo. 'Sa wakas!'

Nagpaalam na sila kina Mama na sinabi ring sana bumalik sila rito kaya tuwang-tuwa tuloy ang mga kumag. Gagawin na yata talagang tambayan ang bahay namin. Sana hindi ko na lang sila dinala, e. Magulo na ngang puro kaibigan kong babae ang naglalagi rito, pati ba naman sila?

"Bye, Mama. Thank you po sa pagkain niyo. Paki-ingatan po ang magiging asawa ko, Mama,ha." sabi ng abnormal na Harley. "Bye, babe. I miss you." nakangiti pa siyang tumingin sa'kin.

"'Wag mo nga sabi akong tawaging babe." inirapan ko siya.

"Baby, then." he grinned. Abnormal talaga.

"Hindi ako baboy! Pauwiin niyo na nga sila, Mama." Lumapit si Blaze sa'kin, may ibubulong.

"Malakas na talaga tama sa'yo niyan, Lei." tumawa pa siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Magkaibigan nga sila. Puro abnormal.

Sabay-sabay na silang nagpaalam. Sabay din kaming pumasok ni Mama. Naabutan namin si Ate Jenny na naglilinis ng kalat namin. Mga kaibigan ko, rather.

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanungin ko si Mama. As I've said, sasabihin niya kung gugustuhin niya. 'Pero last na talaga 'to. Hindi na ako magtatanong ulit. Hayy'

Tumingin si Mama sa akin nang marinig ang malalim na buntong-hininga ko. "Is there a problem, baby?" hinaplos niya ang pisngi ko. Kinakabahan ako.

"Can I ask you again, Mama?" buhok ko naman ang hinaplos niya.

"Again? Is this about your papa again, baby?" malambing na tanong niya. Tumango lang ako kahit gusto kong malaman kung paano sila nagkakilala ni Tito Harry at kung kilala niya ba ang babae doon sa picture sa mansiyon ng mga Bridge. "I told you na 'wag mo nang problemahin 'to, right? Baby, you can't understand if I will tell you. It's too early to tell you everything. You might not understand. Just let your teenage life be memorable by not minding our family matter yet. Not now. May tamang oras para diyan,sana maintindihan mo ako, ha, baby?" patuloy pa rin siya sa paghaplos sa buhok ko.

Tinago ko ang konting pagkadismaya sa mukha ko. Palagi na lang. Wala akong nakukuhang direktang sagot. Ngumiti ako ng pilit kay Mama para hindi na siya mag-alala.

"Okay lang po, Ma. Matutulog na po ako. Goodnight, Mama. I love you." Hinalikan ko siya sa pisngi bago umakyat sa kwarto ko at dumiretso pahiga sa kama para matulog.

This day drained me a little. Little by little, I felt that I discovered a buried pieces of myself. And to discover that piece, i have to be hurt. To be curious. And to feel pain. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Mama kung bakit hindi niya masabi-sabi ang tungkol kay Papa. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko sabay tulo ng isang butil ng luha na hindi ko namalayan.

'Papa...'

*****