webnovel

CHAPTER 05

CHAPTER FIVE

Hariette's POV

I FELT like I'm looking myself in front of a big mirror. I felt like my feet nailed on the floor. Hindi ako makagalaw. Nawala na sa isip kong hinahanap ko nga pala ang cr. I can't imagine what I just see!

Nakatayo parin ako nang may humawak bigla sa balikat ko.

"Ano ba?! Ba't ka ba nanggugulat?!" napatingin ako bigla kay Harley.

"Hindi kita ginulat. Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako pinapansin." paliwanag niya saka tiningnan ang larawan sa harap namin at tumingin ulit sa'kin. "Ikaw ba 'yan?" tanong niya na nakaturo pa sa picture kaya napatingin ulit ako dun.

"Hindi." tipid na sagot ko. Nakatitig pa rin sa larawan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Your friends asked me to follow you kasi antagal mong bumalik." Sabi niya at tiningnan ulit ang larawan. "She looks like you. Yeah, you look like her." tumingin ulit sa akin.

"I don't know her." mahinang sabi ko. "Kaibigan mo si Dylan, diba?" tanong ko pa.

"Yes. Actually, he's my best friend." nakangiting aniya.

"Do you know her?" tanong ko nakaturo sa larawan.

"Nope. But to tell you honestly, the first time I saw you, i thought that you are related to Dylan's family." seryosong sabi niya saka biglang nanlaki ang mga mata. "What if may nawawala palang kapatid sina Dylan at ikaw 'yon? Tapos napulot ka lang pala sa basurahan ng mama mo. At--"

"T-teka! Sagletttt! Over ka naman. Hindi ako ampon noh! Exaggerated ka masyado eh. Alam kong anak ako ng mama ko kahit hindi kami magkamukha." namana ko lang kasi kay mama yung kulay ng buhok ko. Pati na rin body shape pero mas matangkad ako sa kaniya ng ilang inch hehe.

"Joke lang pero kasi... bakit kamukha mo siya?" nakaturo pa ulit sa picture.

"Hindi ko rin alam okay? Kahit ako naguguluhan din." totoo. I'm a little bit confused right now. "Sandali lang. Pupunta muna ako ng cr." saka ako naglakad papunta sa maliit na hallway na tinutukoy ng kuya ni Dylan.

Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong babae. Gusto kong magtanong kay mama. Naguguluhan ako masyado. Alam kong anak niya ako, hinidi maipagkakaila 'yun pero bakit kamukha ko yung nasa picture? Tatanungin ko na lang siya bukas o sa makalawa.

Paglabas ko, nakaabang na si Harley sa'kin sa labas. Ngumiti siya habang papalapit.

"Teka nga... Ba't ikaw 'yong sumunod sa akin? Di ba hindi mo ako pinapansin?" ngumiti siya animo'y natutuwa. Abnormal din eh.

"Napapansin mo pa lang hindi kita pinapansin? Big deal pala sa'yo yun. Hmm." tumataas-taas pa 'yong dalawang kilay niya. Nang-aasar.

"Wag ka ngang assuming. Napapansin ko lang kasi lahat ng mga kaibigan ko, kinakausap mo. Akala ko galit ka eh."

"Hindi nga big deal para sa'yo." hindi kumbinsidong ani niya. "Pero hindi ako galit sa iyo. Nagtampo siguro..." ani niya.

"Bakit ka nagtampo?" tanong ko pa. "Wag mo na pala sagutin. Tara na nga." hinila ko na siya papunta sa mga kaibigan namin. Kaya lang hindi pa rin siya humahakbang. Pagtingin ko, nakatitig siya kamay kong nakahawak sa kanya kaya binitiwan ko agad saka ako naglakad ulit.

"Sino kaya 'yong babaeng yun?" mahinang tanong niya.

"Hindi ko rin alam eh."

"Hindi kaya magkamag-anak talaga kayo nila Dylan? Imposible naman kasi'ng kamukha mo lang yon"

"Tatanungin ko na lang ulit ang mama ko bukas. Hindi rin kasi mawala sa isip ko 'yong picture."

Pagdating namin sa baba ay medyo konti na ang mga tao. Masayang nagke-kwentuhan pa rin ang mga kaibigan namin pagdating namin sa table.

"What took you so long, Lei?" bungad agad ni Blaze.

"Hinanap ko pa kasi 'yong cr." sagot ko saka naupo sa tabi ni Angel.

"Bakit ang tagal mo?" bulong ni Angel pagkaupo ko.

"May nakita kasi akong picture sa taas. Mamaya ko na ike-kwento." bulong na sagot ko rin.

"Akala ko nilamon ka na ng banyo."

"Manahimik ka nga. Bakit si Harley ang pinasunod niyo sa'kin?

"Siya ang nagpumilit sumunod sa'yo. In fact, kanina ka pa niya hinahanap kasi nga ang tagal mong bumalik."

"Bayaan na nga."

Nung tingnan ko si Harley ay nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti muna siya bago siya nakisama sa kwentuhan nilang magka-kaibigan.

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap habang nakikinig lang ako kanila. Ang bangkero sa usapan? Sino pa ba, edi si Blaze. Sa kanilang magka-kaibigan siya lang naman ang pinaka-makulit at pinaka-maingay.

Mga bandang 9pm na ay kokonti na lang ng mga tao at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Bakit ko kamukha ang babaeng 'yon? Alam kong anak ko ng mama ko kasi napatunayan ko na' yon. Pero....

'Sino ba kasi ang nasa picture?'

"How did you two meet?" tanong ni Angel kay Gavin at Charlisa. Oo nga, hindi pa pala namin alam kung bakit sila magkakilala. Alam kong magka-klase sila pero close na kasi silang dalawa.

"Si Gavin 'yong sinasabi kong childhood friend ko." sagot ni Charlisa. Nabanggit niya sa amin noon na may best friend siyang naiwan sa probinsya.

"Bakit ka nandito?" parang imbestigador na tanong ni Angel kay Gavin.

"Sinundan ko siya." simpleng sagot naman ni Gavin.

"Kaya naman pala sobrang close kayong dalawa. Hindi kasi nabanggit ni Charlisa na nandito na pala ang boy best friend niya." sabat ni Zally.

Hindi naman ako kasali sa usapan nila kaya naisip kong lumabas na muna. Nagpaalam ako sa kanila saka tumayo.

Napunta ako sa may garden sa likod ng mansiyon. May fountain sa gitna na napapalibutan nga magagandang bulaklak. Umupo ako sa may patio at nagsindi ng yosi. Yes, sa ganitong edad ay may pangit akong bisyo. Actually, tatlo kami. Pati sina Zally at Sandie. Ewan, naging bisyo na naming tatlo 'to eh.

Paano ko kaya tatanungin si mama tungkol doon sa picture? Halata kasing iniiwasan niyang magsalita kapag tungkol na kay papa.

Kapag ganitong may iniisip ako, yosi lang nakakapagpalinaw sa isip ko. Lalo na kapag mag-isa lang ako. Parang kada buga ko sa usok ng sigarilyo ay isa-isang lalabas din ang mga isipin ko. 'Hayy'

"Are you okay?" may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Medyo. Naguguluhan lang kasi ako. Nakakalito." Iiling-iling na sagot ko kay Angel. "Bakit ka lumabas?" dagdag na tanong ko.

"Alam ko kasing may bumabagabag sa'yo. Ano 'yon?" kilala niya talaga ako.

"Tungkol doon sa larawan sa itaas."

"Bakit? Anong meron dun?"

"Kamukha ko iyong nasa picture. Kung hindi lang blonde ang kulay ng buhok nung babae, baka maisip kong ako siya. Walang pinagkaiba eh maliban sa buhok."

"Hindi mo ba naitanong kay tita Erin ang tungkol sa papa mo?"

"I already asked her pero hindi niya sinasagot directly."

"O, eh anong plano mo? Tatanongin mo ulit?"

"Siguro. Hindi ko alam." nakayukong sagot ko na lang.

Mahirap kasi'ng tanungin ang isang tao kung wala siyang balak sabihin ang totoo. Alam kong may tinatago si mama tungkol sa papa ko kasi kung may balak siyang ipakilala ako kay papa, dapat noon pa.

Tumabi sa'kin si Angel saka tumingala sa langit. Sa aming magkakaibigan, si Angel ang mas matinong kausap. Si Zally kasi ay may pagka-harsh magsalita. Sobrang prangka. Si Sandie naman dinadaan sa biro. Si Charlisa ay palaging lutang kaya mahirap din kausapin ng seryoso.

"Si Dylan kaya ang tanungin natin, Lei?" suhestiyon niya bigla.

"Paano? Hindi ko naman kaibigan 'yon. Saka isa pa, baka magka-nosebleed pa ako."

"Marunong naman iyon magtagalog. Mas mabuti'ng siya ang tanungin natin para hindi ka na maguluhan." may punto siya kaya tumango na lang din ako.

Maya-maya pa ay isa-isang nagsilabasan ang mga kaibigan namin. Pati na rin sina Blaze

"Here they are." nakangiting papalapit sa'min si Dylan.

"Inuman naaaa!" sigaw ni Blaze. May dala silang mga inumin at baso. Si Sandie naman may bitbit na basket na puro chichirya. Si Kendrick may dalang tray din ng pagkain.

Isa-isa nila yung nilagay lamesa. Umuwi na daw ang mga bisita kaya kami na lang ang naiwan. Pumayag naman daw ang parents ni Dylan na mag-inuman kami dito sa labas.

"Smokey?" nilahad ko kina Sandie at Zally ang yosi at kinuha na naman nila yun.

"Nagyoyosi ka pala." biglang lumapit si Harley at kumuha ng isa saka tumabi sa'kin. Hindi ko na siya sinagot dahil hindi naman kailangan.

"Minsan lang." Si Sandie ang sumagot.

"Alam ba ng parents niyo yan?" si Harley.

"Kay Lei lang hindi." sagot ni Sandie.

Iba-ibang inumin ang nasa lamesa. May Jack Daniel, Bacardi, black label, smirnoff and canned beers. May tatlong maids pa'ng dumating na may dalang mga cocktail drinks. 'Jusko! Plano ba talaga nilang maglasing?'

Unang nilang binuksan ang Bacardi saka isa-isang sinalinan ang mga wine glass. Iniisip niyo sigurong hindi pa akma sa edad namin mga ganitong klaseng inumin but trust me, sanay na kami. Malalakas man kami uminom, alam naman namin ang limitasyon namin.

Nagku-kwentuhan lamg sila hanggang sa canned beers na lang ang natira. Pabilog kaming umupo sa bermuda grass dahil maglalaro daw kami ng spin the bottle,truth or dare daw.

Ayaw ko sanang sumali kaya lang pinilit ako ni Harley. Oo si Harley. Hindi ko alam sa taong 'to at dikit nang dikit sa' kin. Kulang na lang pumulupot kahit hindi ko naman kinakausap.

Si Blaze naman ngingisi-ngising tumitingin sa amin. Inaasar nadin kami ng iba kasi nga ayaw na lumayo. Lasing na yata 'to eh.

"Lumayo ka nga. Ba't ba lapit ka nang lapit." reklamo ko ng sumandal siya bigla sa balikat ko.

"Inaantok na'ko, babe." nakapikit na aniya.

"Sinong babe?! Anong babe pinagsasabi mo?!" singhal ko sa kanya.

"You're my babe, babe." nakangiting sabi niya pa.

"Ano bang sinasabi mo d'yan? Lasing ka na. Mabuti pang matulog ka na!"

"Oyy! May bagong loveteam." pang-aasar nila kaya tinulak ko nang bahagya ang ulo niya.

"Simulan na natin ang laro nang magka-alaman na." si Blaze at siya na rin ang unang nag-ikot ng bote. Tumapat ang bote kay Gavin.

"Anong relasyon niyo ni Charlisa?" tanong ni Blaze. Kung sino kasi ang nag-ikot ng bote ay siya'ng magtatanong. Kung sino ang natapatan ng bote ay siya'ng susunod nag mag-iikot ng bote.

"Best friend." sagot ni Gavin.

"Ay! Best friend-zone ka, Charls, hahaha." buyo ni Zally kay Charlisa.

Tumawa lang si Charlisa. Inikot naman ni Gavin ang bote at tumapat yun kay Angel.

"May boyfriend ka na ba?" Gavin.

"Wala." sagot ni Angel at inikot ang bote at tumapat kay Blaze. "May gusto ka ba kay Lei?"

"Subukan mong um-oo, tatadyakan kita." banta ni Harley. 'abnormal'

"Yes." tumayo bigla si Harley kaya hinila ko ulit paupo. Nagtawanan naman sila. "But as a friend." tumatawang dagdag niya pang nakatingin kay Harley saka inikot ang bote. "Sandie, may gusto ka ba sa isa sa amin?" tinutukoy ang mga kaibigan niya.

"Oo!" sigaw niya at tumingin sa katabi ko. Kay Harley. Inikot niya naman ang bote. "May gusto ka ba kay Blaze?" tumingin muna ako kay Blaze bago sumagot.

"Wala." tipid na sagot ko saka inikot ang bote na tumapat sa katabi ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti rin siyang tumingin sa akin. "Bakit ka nagtampo sa'kin?" bahagya pa siyang natigilan. Hindi yata inaasahan ang tanong ko.

"Yayayain sana kitang maging date kaya lang naunahan ako ng ugok na 'yan." sagot niyang nakaturo pa kay Blaze.

"BWAHAHAHAHAHHAA" tawanan nilang lahat.

"May tama na'to." pang-aasar ni Blaze kay Harley.

"May angal ka?!" asik niya. Inikot niya ang bote at tumapat yun kay Dylan. Sumeryoso siya bigla bago nagtanong.

"Sino yung babae sa larawan sa itaas?" Nabigla ako kasi akala ko lasing na siya.

"What picture?" tanong ni Dylan.

"Yung babaeng may berdeng mata."

" Oh! She's my grandfather's twin sis." nakangiting sagot ni Blaze. Napaisip ulit ako. 'Kung ganun, lola ni Dylan yun'

Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa maubos ang beer. Hindi pa rin ako tinatantanan ni Harley.

"Lumayo-layo ka nga. Masyado kang madikit!" singhal ko sa kanya.

"Gusto lang kitang ihatid, babe." nakangiting aniya.

"Babe mo mu'ka mo! Alisin mo nga 'yang kamay mo. Naaalibadbaran na ako sa' yo ah!" inis na talaga ako! Nakahawak kasi siya sa balikat ko habang nasa likod ko siya. Ang mga kaibigan naman niya ay hinahayaan lang siya. Panay ang tawa!

"Ayoko! Ayaw ko na ngang lumayo sa'yo." aniya.

"Grabe... Ano ba'ng nangyayari sa lalaking 'to?" bulong ko pa. Hindi ko kasi alam kung anong trip niya. Parang nung mga nakaraang araw lang hindi ako pinapansin pero ngayon, daig pa ang rugby kung dumikit.

"Sabi ko sa' yo may gusto 'yan sa'yo e." tumatawang ani Angel. Pasiring ko siyang tiningnan bago ko tinanggal ang mga kamay ni Harley.

"Bitaw sabi eh!" ang sarap niyang batukan. Tiningnan ko siya nang masama ngunit nakangiti pa rin siya sa' kin. 'Parang g*go' "Ano bang trip mo?!" singhal ko.

"Hindi ako nanti-trip, Hariette Lei." nabigla ako nang banggitin niya ng kompleto ang pangalan ko. May diin pa.

"Hayaan mo na lang 'yan, Lei." sabi bigla ni Kendrick.

"Ang lakas uminom ang bilis naman malasing." hinayaan ko na lang siya kasi iniisip kong lasing lang siya kaya makulit.

"He's not drunk. Blame the alcohol for giving him the courage to show his feelings." tumatawang sabi ni Dylan. Tama siya. Ayos pa naman maglakad si Harley kaya lang, ito nga, makulit at dikit na dikit!

Umakyat nadin kami sa taas. Nasa iisang kwarto kaming limang babae, sama-sama naman sa iisang kwarto ang mga lalaki maliban kay Dylan kasi may sarili siyang kwarto. Bahay niya 'to eh.

"I like you." bulong bigla ni Harley nang matapat na kami sa pintuan ng kwartong tutulugan namin. Nanigas ako kasi hindi ko inaasahan.

Nang tingnan ko siya ay sobrang seryoso ng mukha niya pero parang nakangiti ang mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko o may dapat ba akong sabihin.

"Lasing ka lang." wala sa sariling sabi ko bago siya tinalikuran. Mahirap paniwalaan ang sinabi niya lalo na't kaka-kilala pa lang namin. Lasing pa!

Dumagdag pa siya sa isipin ko!

Matapos maligo at magbihis ay nag-text ako kay mama na matutulog na kami. Ni hindi man lang ako tinablan ng alak. Psh.

'She's my grandfather's twin sis'

Sino ba kayo sa buhay ko? Hindi ko pa man alam ang totoo, nararamdaman kong may koneksiyon sila sa pagkatao ko.

Hinintay ko ang text ni mama pero hindi nag-reply kaya naisip kong tulog na siya.

May kama kami bawat isa sa loob ng kwarto'ng 'to. Ang yaman naman kasi nila. Buti na lang hindi sila maaarte kagaya nung ibang mayayaman.

"Goodnight, gurlsss!" biglang sigaw ni Sandie. Ang ingay talaga nito. Nakakahiya sa may bahay. Sabagay, sa sobrang laki ng mansion na'to imposibleng marinig kami sa labas. Hindi na rin nakapagtatakang sound proof ang bawat silid.

Nahiga na rin ako hanggang sa nakatulugan ang pag-iisip.

***