Loki Dan point of view
Isang linggo ko na napapansin na sa tuwing sinusundo ko si Sera sa university parating may mokong na nakabuntot sakanya.
"It seems you have a lot of free time??...." tanong ko.
"Yeah!!...." sagot niya sabay pasimpleng ngumiti. "Nakalimutan mo na ba sinabi mo saakin??.....you said ako muna bahala sakanya....I can guard her here while you're not around....frankly speaking, you can't guard her if she's here..." dagdag pa niya na may tono ng pangaasar.
Kahit gusto ko siya bantayan 24/7 hindi ko magagawa, nagmumukha na ba ko BODYGUARD??? Whatever, kahit ano pa isipin niyo it doesn't matter to me, this is my mission, guarding her is my priority. Maraming iniwan saakin na gagawin si Ares, those things are important. And whatever those things so important, it was for the good of all. Tuwing uwian parati ko naman sinusundo si Sera. Kahit papaano nakakatulong din saakin si Azrael sa pagbabantay sakanya, kahit papaano pala may silbi itong childish vampire na ito.
Tumikhim ako saglit at kinuha ang bag pack ni Sera, "let's go Sera...." sabi ko. Sumunod naman saakin si Sera, binuksan ko ang pinto sa passenger seat ng sasakyan ko at sumakay siya. Pagkatapos ko isara ang pinto umikot naman ako para sumakay sa driver seat. Pinaandar ko ang makina at nagdrive paalis.
Napatingin ako sa salamin sa taas para silipin si Sera, nakita ko na binuksan niya ang bintana ng kotse, mukhang sinilip pa niya si Azrael dahil nagwave pa siya na parang nagpapaalam.
"You two grown so close....."
Napatuon ang attention niya saakin, at agad naman na bumalik ang tingin ko sa daan habang nagdridrive.
"Tama ka, Loki....childish nga siya pero he's a good companion, nakakatuwa siya kasama at hindi ako nauubosan ng tawa sakanya..." sabi niya, muli ko siya sinilip sa salamin sa taas at kitang kita ko ang matatamis niyang ngiti. Saglit ko lang siya tinignan at muling ibinalik ang mga mata sa daan.
"Good to know na nagkakasundo na kayo, somehow it seems unexpected for him to be act like that....i know him for so long, hindi siya iyong tipo na nakikipagclose sa kahit sinong tao...."
"Maybe tama ka Loki....napansin ko nga iyon....that's why sometimes, nakikita ko ang sarili sakanya, nararamdaman ko na sobrang lungkot niya, mabuti nalang nandyan ka...."
"Huwag ka lang masyado dumikit sakanya....baka..... halikan ka niya ulit..." nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang mga sinabi.
"Huh??!...." takang tanong ni Sera.
"I mean....baka kagatin ka niya....alam mo na he's a vampire, natural na sakanya ang mangagat....pwede mo siya ihalintulad sa asong ulol na may rabis...." depensa ko sa huling sinabi.
Narinig ko naman siya na natawa, "What??....may sinabi ba ko na nakakatawa??...." tanong ko.
"HAHAHAHAHA!!!....nakakatawa kasi iyong sinabi mo about kay Azrael....sabi mo asong ulol....tapos may rabis pa, HAHAHAHA!!!...." sabi niya habang tuwang tuwa. Why??? Nagsasabi lang ako ng totoo. At hindi ako nagpapatawa lang.
Azrael point of view
"AAAAACCHHHUUUUUU!!!!....." napasinghot ako at napahawak sa sarili kong ilong. Mukhang may sinasabing hindi maganda si Loki kay Sera about saakin. Ganito daw iyon pag may naguusap about saiyo, HUMAN BELIEF thingy. Seriously, ano naman kaya ang sinasabi ng idiot na iyon kay Sera?? Baka naman sinisiraan na niya ko, baka kung ano ano sinasabi niya na negative about saakin. Hindi na ko magtataka o magugulat, that idiot, insulting me is a pleasure thing for him. Tsss...
Bigla ako napalingon sa roof top ng building, nandito kasi ako sa labas, kanina ko pa nararamdaman na parang may nagmamasid saamin ni Sera, pero nawala iyon ng makaalis si Sera. Isang linggo ko na rin iyon nararamdaman ever since na sinusundo ko si Sera sa classroom niya at sinasamahan hanggang dumating si Loki. Do I look lika a BODYGUARD??? Napakagwapo ko naman para sa isang Bodyguard. Si Loki, pwede niyo pa tawagin na bodyguard because that's what he really doing this time.
Kahit kailan hindi pa nagkakamali ang instinct ko, alam ko kung may nagmamasid saakin o may tumitingin, malakas ang pakiramdam at pangamoy ko, but now, everything doesn't make sense, i can't smell any scent but I'm sure na may mga matang nakamasid saamin.
Paakyat na ko ng hagdan ng may mga nakasalubong ako na tatlong estudyanteng lalaki, they look freshman.
"Ano name niyong transferee??...."
"Hindi ko masyado maalala....pero parang nagsisimula sa SE...."
"Maganda siya....pero hindi ko alam kung bakit hindi siya masyado kapansin pansin...."
"Ano ba kayo?!!! Ano naman kung maganda kung may sayad sa pagiisip...."
"Tama siya pre.....nasa bandang likod ako nakaupo diba, she's talking kahit wala naman siya katabi o kausap...."
Napahinto ako sa paglalakad paakyat ng macurious ako sa mga pinagkwekwentohan ng tatlong unggoy na ito. Sino kaya ang pinaguusapan nila?? Kung magusap parang mga babae, hindi mo na talaga matukoy sa panahon ngayon kung sino ba ang mas tsismosa o tsismoso, ang mga babae ba o mga lalaki??
Sera Shinto Bia point of view
Huminto kami sa gasoline station, nagpakarga si Loki ng gasolina, minsan nacucurious talaga ako sa kung anong klaseng machine ang kotse at gustong gusto ko matuto magdrive, next time magpapaturo ako kay Loki para hindi na siya maabala sa pagsundo't hatid saakin sa university. Nahihiya na kasi ako sakanya, pakiramdam ko naaabala ko siya, madalas ko na siya nakikitang umuuwi ng madaling araw, sobrang pagod, mukhang may inaasikaso siyang importante pero hindi man lang niya makwento saakin kung ano iyong importanteng ginagawa niya.
Kumatok si Loki sa bintana ng kotse na malapit saakin at nagsign na pinabubukas niya ang bintana, mukhang may gusto siya sabihin. Agad naman na sinunod ko siya.
"Sera....please stay here, may bibilhin lang ako sa covenience store...." sabi niya sabay talikod pero muli siyang bumalik, "kahit ano mangyari dito ka lang huwag ka aalis....understand??...." dagdag pa niya, tumango nalang ako biglang pagsabi na oo.
Tinignan ko lang siya paalis. Napakaprotective niya saakin, ramdam ko iyon araw araw. Pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan niya ko bantayan.
Napatingin ako sa kalsada, nakatingin lang ako sa mga sasakyan na dumadaan, may mga personal car at public vehicle, may mga tao rin na naglalakad, nagbibike at tumatakbo. Isang linggo narin, simula ng pumasok ako sa university at masilayan ko ang mga bagay na nangyayari sa labas ng mansion na pinagmulatan ko.
Habang nagmamasid ako, may napansin akong batang lalaki na nakatingin sa gawi ko. Nakatayo siya, madungis at gusot gusot ang suot na damit, pansin ko rin ang mga bahid ng luha sa pisngi niya, bigla ako naawa sa ayos at hitsura niya. Pero mas lalo ako naawa at nagulat ng mapansin ko ang namumulang bahagi sa bandang ulo niya. May sugat siya at tumutulo ang dugo mula sa ulo niya hanggang sa gilid ng mukha niya at hanggang sa leeg niya, sa hitsura ng sugat niya mukhang bago lang ito at mukhang nauntog siya sa matigas na bagay.
Hindi ko napigilan na lumabas ng sasakyan ni Loki, hindi ko magawang alisin ang paningin sa batang lalaki, lalo ako nakaramdam ng awa, bigla rin kumirot ang bandang dibdib ko. Hindi na ko nagdalawang isip pa na lapitan ang batang lalaki, pero bigla siya tumakbo paalis at agad rin ako tumakbo para sundan siya.
Patuloy lang ako sa pagtakbo habang sinusundan ang batang lalaki, nawala narin sa isip ko kung saan ako napadpad sa kakahabol sakanya. Napahinto ako ng hindi ko na siya makita, sa dami ng tao sa paligid hindi ko na siya makita ulit. Palinga linga ako at hinahanap siya. Napatingin ako sa kabilang kalsada ng may napansin ako batang lalaki may hawak siyang itim na bola, kasing tangkad ng batang lalaki na hinahabol ko kanina lang. Pati ang suot nitong damit ay parehong pareho. May kasama siyang matandang babae.
May kung anong hinahanap ang matandang babae sa bitbit nitong sling bag, lumapit ako sakanila para mas makita ko ang mukha ng batang lalaki, ang pinagtataka ko, wala siya sugat sa ulo, hindi rin siya madungis, hindi rin gusot gusot ang suot niyang damit. Pero kamukhang kamukha niya ang batang lalaki na nakita at sinundan ko kanina lang. Siguro namalikmata lang ako ng makita ko na luhaan at sugatan siya, kasi mukhang ok naman ang bata kasi nakangiti siya at pinaglalaruan ang dala niyang itim na bola.
Tumalikod na ko para sana balikan si Loki ng marinig ko ang matandang babae na sumigaw ng malakas.
Loki Dan point of view
Pagbalik ko sa kotse, hindi ko na makita si Sera. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at sumilip sa loob, pero wala talaga siya. Inilapag ko sa upuan ang pinamili ko, naisuklay ko ang sariling palad sa buhok ko ng makaramdam agad ako ng kaba.
"Where are you Sera???....." bulong na sambit ko habang palinga linga sa paligid. Ang sabi ko huwag umalis kahit anong mangyari.
May nakita ako service crew at agad na nilapitan, "excuse me....did you see the girl, iyong kasama ko sa kotse kanina??...." tanong ko.
"Ahh....iyong maganda....at may mahabang kulay itim na buhok??....Oo....kanina parang nakita ko siya tumakbo papunta doon...." sabi niya sabay turo kung saan niya nakita si Sera. Tatakbo na sana ako para sundan si Sera ng pinigilan ako ng service crew.
"Sandali lang boss...iyong kotse niyo hindi niyo pwede iwan dito, marami po nakapila sa likod naghihintay sainyo..."
"Ikaw nalang magdrive, ipark mo kung saan pwede ipark dito..." saad ko sabay bigay sakanya ng susi ng kotse ko. Aalis na sana ulit ako ng may maalala ako at binalikan iyong service crew.
"Walang mahal na bagay dyan sa loob....dahil iyong kotse mismo ang mahal....sa kaibigan ko iyan, kaya pakiingatan mo kasi hindi ka matutuwa kung ano kaya niya gawin saiyo pagnagkataon..." sabi ko na may tono ng pagbabanta, sabay tap sa balikat niya at mabilis na umalis patakbo.
Hindi ko naman sinasabi na baka may gawin siya hindi mabuti sa kotse ni Ares. Baka lang, naiintindihan niyo naman siguro iyong salitang BAKA. Human are weak, that's why they are easy to manipulate. Because of those weak feelings, madali sila maloko, masaktan at matempt na gumawa ng mga bagay na ikakapahamak nila.
"Nasaan kaba Sera???...." bulong ko sa sarili habang patingin tingin sa paligid. Kung saan saan na ko napadpad, wala ako kakayahan na malocate ang amoy niya tulad ng kayang gawin ni Azrael, he's a vampire that's why he has this ability to sense scent from far distance.
"OH MY GOSH!!!!!....ANG ANAK KO!!!!....."
Napahinto ako ng marinig ko ang malakas na sigaw na iyon, napalingon ako sa kabilang kalsada kung saan nanggaling ang malakas na sigaw, may nakita ako malaking bus na nakahinto sa gitna ng kalsada at isang matandang babae na nakahiga sa sahig at walang malay, pinagkakagulohan siya ng mga tao, may mga grupo rin ng mga tao ang nasa harap ng nakahintong bus at parang may kung ano sinisilip at tinitignan sa ilalim nito.
"Oh my!!....nakita niyo ba iyon??...."
"May batang lalaki na masasagasaan ng bus, tapos tumawid iyong babae para sana siguro iligtas iyong batang lalaki...."
"Pero nasaan na sila??....."
"Ewan ko....nakakakilabot iyong nangyari....."
"Baka nasa ilalim lang sila ng bus, tulongan natin!!...."
Saring saring mga salita at kwento ang naririnig ko sa mga tao. Batang lalaki? At isang babae?? Don't tell me, "SERA???...." agad ako kinabahan ng maalala ko si Sera, agad rin ako lumapit sa pinaggalingan ng aksidente.
Wala ako nakita na batang lalaki o isang babae. Ang nakita ko lang ay isang itim na bola.
SOMEONE point of view
"Ok lang po ba siya kuya???...." tanong ng isang batang lalaki.
"Yeah....she's fine....don't worry to much...."
Pareho sila nakatingin kay Sera na walang malay at bitbit-bitbit ng isang lalaki.
"Salamat po....iniligtas mo po kami ni ate...." pasasalamat ng batang lalaki sabay ngiti ng malawak.
Hindi na sumagot ang lalaki at ngumiti lang din ito pabalik sa batang lalaki.