webnovel

Escaping Zamiel's Clutches

Two people who are inlove with each other but something is keeping them apart. Their past. Ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit gustong lumayo ni Sienna mula kay Zamiel? Bakit ayaw pakawalan ni Zamiel si Sienna? Read more to find out.

Deianne_e23 · Teen
Not enough ratings
36 Chs

23: A Night With Them

"Kuya Miel!" Napalingon kami sa may-ari ng boses at si Maneli iyon. Lumapit na din kami sa table nila at mabilis siyang lumapit kay Zamiel at marahan itong niyakap.

"I thought you wouldn't come today." She said as she pouted. Napatingin ako sa iba pang nakapaligid sa table. Aside from Maneli ay dalawang lalaki at isang babae na di ko kilala. Then there's also a familiar face, nakalimutan ko nga lang ang pangalan. Ngunit ang pagkakatanda ko ay kaibigan iyon nina Maneli at nina Troy.

"You're the one who asked so I have to come." Sambit ni Zamiel at iginaya ako sa tabi na upuan nina Maneli.

"You make it sound so bad." Maneli said as she giggled. Month had passed and she keep getting prettier. Nasa lahi na siguro talaga ng mga Trevino ang pagiging gwapo at maganda.

Her eyes darted towards me. "Sienna, I didn't see you for a long time." I felt a bit uncomfortable nang makita na parang may mali sa ngiti niya. It wasn't fake but not real at the same time.

Although hindi kami naging close noon ay maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa at naging magkaibigan, lalo na noong bumalik ito mula sa America.

"It's good to see you again." Simpleng sambit ko na lamang at ngumiti sa kaniya.

"Right! I forgot to introduce the both of you!"

Lumapit si Maneli sa isang lalaki na asul ang mata. Sa tingin ko ay may ibang lahi ito.

"This is Brian. My boyfriend." Brian smiled at us and I couldn't help but notice it's cute dimples.

"This is Cristine, my friend.." She gestured towards a girl with a short curly hair. She smiled at us and I could tell she's a shy type.

"Christine, this is my brother Zamiel... and this is Sienna." Christine muttered a 'Hi' and I simply replied a smile.

I have a bad feeling on Maneli's attitude towards me. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit mag-iiba ang ugali niya sa akin kung maayos naman ang relasyon namin noon.

"You've already know Ellie.." Sambit ni Maneli at dinaanan lamang si Ellie na katabi ang isang mestiso na nakaakbay sa kaniya. Sa tingin ko ay boyfriend niya ito.

"Akala ko ipapakilala mo kami?" Nagbibiro niyang sambit ngunit sa huli ay siya din ang nagpakilala.

"This is my boyfriend, Jerome. Jerome, these are Sienna and Zamiel, my close friends." Ngumiti si Jerome sa amin at ngumiti din ako pabalik. So this is the guy who tamed Ellie.

Tumayo ang ang babaeng kasama nila at medyo lumapit sa pwesto namin.

Isa lang masasabi ko.

Maganda.

Lahat naman ata ng mga kaibigan nina Maneli magaganda pero I can sense that she's different from those typical pretty girls. And it's the way she bring herself.

She look so confident as she lightly smiled at us and seriously, it made her more prettier. She giggled as she glanced at everyone around the table. "Seems like almost all of us here has partners, huh?"

"Sadly, I can't introduce mine because he's still playing with some girl. Right Zamiel?" Napatingin ito sa lalaking katabi ko at hindi ko maiwasan manigas sa aking inuupan.

They know each other?

...of course. Kaibigan siya ni Maneli and it is inevitable for the two of them to meet.

Yon naman diba? Then why do I have a negative feeling towards her?

Napatingin ako kay Zamiel. And what I saw made me shiver. His face looks so cold as he glare at the girl in front of us. Ilang buwan din ang nagdaan mula nang makita ko muli ang ekspresyon niya na ito. The last time I saw it was when we had a fight.

Mahinang natawa muli ang babae at sa pagkakataon na ito ay sa akin na siya humarap. "I'm Csilla by the way. You can just call me 'Aila'." She said as she extended her arm for a handshake. Kahit masama ang kutob ko sa kaniya ay tinanggap ko ang kaniyang kamay at ngumit sa kaniya.

"I'm Sienna." Ako ang unang bumitaw at bumalik din siya sa upuan niya. I felt as if the ambiance of the atmosphere suddenly changed. It was as if it turned a lot colder.

"What are all of you sitting there? So ano? Uupo na lang tayo at magkukuwentuhan?" Sambit ni Hance habang nagpupunas.

"Isn't it what we should be doing? Magkuwentuhan?" Pabalik na sambit ni Ellie.

Napatigil naman sa pagpunas si Hans. "...Oh. I thought we're here to swim." He said as he looked at us curiously.

"My God Hance! You're acting as if you haven't swam in a swimming pool!" Lahat kami ay natawa sa sinabi ni Ellie.

Nagsimula nang mag-away ang dalawa kaya ay medyo gumaan ang ambiance ng lugar. I silently sighed. The air awhile ago was about to suffocate me.

Thank God at nandiyan si Hans.

He's really the mood maker in a group.

"Troy! Tulungan mo ako! Pinagtutulungan na naman ako nila!" Nagsisigaw na sambit niya habang nakatingin kay Troy na prenteng nakahiga sa isang malaking unicorn na floaty.

"Ang ingay mo! Bumalik ka na lang dito! Kita mo na ngang pugad yan ng mga love birds ginulo mo pa!" Sigaw na balik ni Troy. Mas lalong napasimangot si Hance.

"Shoo! Shoo!" Pantataboy ni Ellie kay Hans na para bang nagpapaalis ng aso. "Balik ka na lang dito pag may girlfriend ka na!"

"Jerome! Pag yang girlfriend mo hindi titigil itatapon ko yan sa swimming pool!" Magmamaktol na sabi niya at tiningnan ng masama si Ellie.

I chuckled as I hug the man next to me.

This feels so good.

Yong ganito kayo kasama ang taong mahal mo.

Napatingin ako muli kay Zamiel at may ngiti na muli ang mga labi nito.

That was a close one though.

Hindi ko alam kung ba't galit na galit siya kanina, ngunit ang nasisigurado ko lamang ay hindi maganda ang dulot ng Csilla na yon sa kaniya.

Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang mga balikat nang ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang.

"Hahaha... Try then if you have the guts.." Natatawang sambit ni Jerome.

"Tang ina niyong lahat!"

Laughter then again vibrated in the whole place.