webnovel

CHAPTER 3

Chapter 3

Nagising akong si Donovan ang bumungad sa aking paningin. Nakaupo ito sa isang golden teak wood chair. sa tabi ng kama ko habang pinagmamasdan ako.

Napapikit ako at tinampal ang noo ko. "Fudge, di pa rin ako nakakabalik sa realidad. Eottoke?" Napa-korean pa nga.

"What are you blabbering about?"

Tiningnan ko ng masama si Donovan pero ginantihan niya. "You still stick? I told you I will come back here and you should be feeling well."

"Tigilan mo ako sa kaka-english mong bata ka."

Nagsalubong ang kilay niya. Tumayo siya at padabog na umalis ng kwarto.

Ang dalawang empire ay may kanya-kanyang lenggwahe. Tagalog ang salita ng Egtarian habang English naman ang gamit ng mga Tareans. Si Callista ay may kakayahang magsalita ng dalawang lenggwahe and the most interesting part, pagtanda niya ay magaling siyang makipaglaban. Abilidad na wala ako.

Matapos n'on ay matagal na kaming hindi nagkita ni Donovan. Hindi ko naman sinabing dapat ay palagi ko syang makita.

Ilang paggising ang dumaan ngunit hindi pa rin ako nakakaalis sa kwentong ito.

I set the bed sheet aside then stand up. Nagtungo ako malapit sa malaking salamin at tinitigan ang sarili ko.

Staring at the 13-year old version of me, I ask myself. "Bakit hindi pa rin ako nagigising sa katotohanan?"

Sinampal ko ang pisngi ko, nagbabaka-sakali na magigising ako sa panaginip na ito. Ngunit wala namang nangyare bukod sa may narinig akong sumigaw.

"Kamahalan, ano ang inyong ginagawa?" natataranta siyang lumapit sa akin at sinuri ang pisngi ko. "Ano pong nangyayari sainyo? Bakit nyo po sinasaktan ang sarili ninyo?" Hinimas niya ng marahan ang namumula kong pisngi.

"Gusto ko ng magising sa katotohanan, Ami."

Nagtataka man ay sumilay ang pag-aalala sa mga mata niya. Niyakap niya ako. "Kung ano man ang pinagdadaanan mo Callista, tandaan mong narito lang ako palagi sa tabi mo."

Tumango-tango ako. "Alam ko," sinsiridad na sabi ko.

Alam ko iyon, Halle.

"Nakabalik na po ang hari at reyna. Halina't mag-ayos ka na upang makapagbigay pugay," aniya matapos akong yakapin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Si Ami ay kasing-edad ko lamang pero kung asikasuhin niya ako ay para siyang ate na ilang taon ang tanda sa akin.

Tanda ko sa kwento, nabaggit na hiniling ni Callista sa mga magulang na siya ang gawing personal maid among all the royal maids dahil dito siya pinaka-komportable at ito ang pinaka-pinagkakatiwalaan niya. Hindi niya pinahihintulutan na pumasok ang ibang maids kung wala si Ami.

Sandali akong natigilan nang biglang may na-realize. Nabanggit ni Ami na narito na ang hari at reyna.

Nakaramdam ako ng nerbyos. Paano kung strict ang mga magulang ni Callista at hindi ko masabayan? Hindi ko alam kung paano sila haharapin gayong wala akong ideya kung sino at anong klaseng magulang sila.

Hindi ko rin alam kung ang tinutukoy ba ni Ami ay ang mga magulang ni Callista or the grandparents? I'm not really into monarchy pero base sa mga napapanood kong drama, crowned prince and crowned princess pa rin ang tawag sa magulang ng princess. Ang kanyang grandparents ang hari at reyna. The royal parents will only be entitled as king and queen when the current king dies. That's only from my understanding and I'm sure it is always case to case basis and depends on the policy and rules of a kingdom.

Inihanda ni Ami at ng ibang royal maids ang aking pampaligo at susuotin. Medyo nailang ako nung hanggang pagligo ko ay kasama ko sila. Mayroong nag-aasikaso sa buhok ko at naghihilod sa likod at magkabilang balikat ko. Ilang minuto lang iyon, hindi ko natagalan so I pleased them to allow me take a bath on my own.

Tatlong maids ang nagtulong-tulong sa pagbihis ko at dalawa sa pag-aayos ng buhok ko. I'm wearing a corset with built-in pads and boning dress- embellished with embroidered green leaves and daisy flower. I AM REALLY LOVING THE FASHION IN THIS WORLD.

Tila hindi ko nakilala ang sarili ko nang tumingin ako sa salamin. I look prettier 100x. I look even more presentable. I look like a real princess.

After curling my hair, they made me wear a crown.

Wow! This will be the very first time I will compliment myself like this: I look so stunning!

"Napakaganda ng aming prinsesa!" Todo ngiting sabi ni Ami habang nakatitig sa akin, siya ang pinakabata sa lahat ng maids na kasama ko ngayon. Bakas rin ang saya sa iba pang maids habang pinagmamasdan ako.

Ilang sandali lang ay may kumatok sa mataas na pinto. Binuksan ito ng isang maid at may butler na lumitaw.

"Paparating na ang mahal na hari at reyna!" He announced.

"Nakahanda na ang prinsesa."

Tumango-tango ang butler sa sinabi ni Ami at umalis na.

Pagbaba ko sa grand staircase, hindi ko inaasahang napakaraming tao ang madadatnan ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila kanina pa inaabangan ang paglabas ko.

There is some wearing duke attire, wearing crowns, and so on. They all look elite, wearing all expensive fits.

Nahagip ng paningin ko si Donovan. He is staring at me. Nag-iwas siya ng tingin nang mahuli ko siya. At nahuli ko pang namula ang pisngi niya. Gusto ko tuloy matawa. Pinigilan ko lang dahil kailangan kong magkaroon ng proper ettiquette as a princess. Sayang naman ung napakaganda kong dress diba kung magpapaka-jologs ako.

May mag-asawang lumapit sa akin. They both wear big crowns. Di ko sila kilala. I don't know how to address them. But just by looking at them, I can say they are royalties.

Sinipat ko si Ami sa gilid dahil kanina ko pa siya napapansin sa likod ng mag-asawa na parang may gustong sabihin sa akin. Pinanlalakihan niya ang ng mga mata at gini-gesture na mag-bow ako.

Oh, oo nga pala.

Nag-bow ako sa harap ng mag-asawa. "Greetings, Your Highness."

Mabuti nalang nakapanood ako before ng mga ganitong klaseng movie. Kung hindi, paano na ako ngayon?

"You look extravagant today, Princess Callista." Nakangiting sabi ng reyna. Napakaganda niya at napakahinhin kumilos.

Tinawag ng hari si Donovan. Okay, they are family. Kamukhang kamukha ni Donovan ang ama niya.

"Escort the princess, Your Highness," utos niya sa anak.

Ngumiti ako sa mag-asawa. Although ayokong makasama yung anak niya. I can go to the quadrangle alone, or it would be better if Ami will accompany me.

Donovan takes a few steps forward while gazing at me. He looks very handsome. His eyes are very charming that can capture everyone's heart.

He offers his arm to me. Tinitigan ko iyon ng ilang sandali.

Lumingon ako sa ina niya, na ngumiti sa akin ng matamis. Ang comforting lang ng smile niya.

I cling my arm to Donovan's then we head outside the palace. Sumunod ang lahat sa amin. Tumigil kami sa labas kung saan may kabayo na nakaabang. May lalake na nakahawak rito.

"Sasakay tayo dyan?" tanong ko kay Donovan. Di nya naman naintindihan so I translated it into English. Nakaka-nosebleed sya ha!

"Why? You afraid?"

Tinitigan ko siya. I'm about to say first time kong sasakay ng kabayo kasi hindi na yun uso sa panahon ko. We have vehicles. Ngunit baka maging complicated pa kaya hindi nalang ako kumibo.

"Don't worry and just trust me."

Walang ano-ano'y hinawakan niya ako sa magkabilang gilid ng bewang at binuhat pasakay ng kabayo. Nakaalalay naman ang ibang servants.

"How can you..." I murmured to myself. How can a 13 years old boy be this strong?

Inayos niya muna ang dress ko bago siya sumakay sa kabayo... behind me. Nilingon ko siya ng kaunti. He's so close to me. His chest is touching my back. He's only 13 but how he can be this attractive?

Napakalawak ng palasyo at kailangan pang sumakay ng kabayo para makapunta ng quadrangle kung saan namin sasalubingin ang pagdating ng aking mga magulang.

So far, I enjoyed riding a horse. Hindi dahil sa halos nakayakap na sa'kin si Donovan habang pinapatakbo nya yung kabayo, ah!

Ayokong magmukhang pedophile tigilan niyo ako sa inisip niyo.