webnovel

Enchanted Academy

They are all waiting for her. They are all hunting her. She is the hope of everyone in the whole forest. She's the savior. She's their everything.

Jessa_Altarejos · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

Chapter 9

Chapter 9

Ako

Mizuki POV

Nagising ako sa init ng araw sa aking balat. Iminulat ko ang aking mata at ang kasunod ay ang pagtatakang narito ako sa aking kwarto.

Panaginip lamang ba iyong kagabing nangyari? Pero imposible dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hapdi ng kukong bumaon sa asking leeg. Kinapa kong mabuti ang aking leeg kaya hindi ako pwedeng magkamali. Napangiwi ako nang mapadapo ang aking kamay sa bahaging may sugat. Paanong mangyari na nandito ako?

Sino ang nag ligtas sa akin at dinala ako dito? Natigil ako sa pagtatanong sa aking isipan dahil sa tunog ng dambana.

Nagmadali akong kumilos para maghanda Sa eskwela. Minabuti ko na lamang din takluban ang bahaging may sugat. Mabuti na lamang din at parang walang naaalala ang mga nasa paligid matapos ang nangyaring pagsabog. Nagmadali na akong pumasok sa aming solid at iniwasan ang may mga masasamang titig. Madami damin na din ang tao sa aming classroom ngunit wala pa ang aming guro kaya naman nag basa basa muna ako. Maya maya ay nag datingan na ang iba at ang aming guro kaya napatigil na ang aking pagbabasa tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at ang pagpapalakas pang lalo nito.

Itong libro ay galing pa sa aking ninuno na mula bata ay siyang nakadikit na sa aking katawan. Sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa aming guro ay dumating ang sekritarya ng presidente.

"Maari ko bang isama sa akin ang nag ngangalan na Mizuki? Hanap siya ng presidente" sabi ng sekretarya. Tumingin naman sa akin ang mga mata ng mapanghusga. Ang iba ay nakangisi pa na animoy isa ako sa kanilang papatayin. Diretso naman ang tingin sa akin ng guro.

"Mizuki maaari kang sumama, wari kong may mahalagang sasabihin sa iyo ang presidente para ipatawag ka pa ng ganito. Batid ko ang iyong ligtas na pagbalik" Tumango na lamang ako. Anong akala niya? Mamamatay na ako? Napairap na lamang ako sa kawalan.

Tumayo ako at dinala ang aking makapal na libro. Kasabay ko ang sikretarya papunta sa opisina ng presidente. Habang papunta kami sa opisina ay hindi ko maiwasang mag isip kung ano ang kailangan sa akin nito gayong hindi kami gaanong magkakilala at magkalapit sa isa't isa.

"Wag kang mag alala, kalmado ang presidente kaya batid kong isa itong kalmadong pag uusap sa pagitan ninyo" napatingin ako sa kaniya habang siya ay sa unahan lamang ang tingin. Mukhang kilalang kilala na niya ito.

Hindi ko na namalayan ang pagpasok ko sa loob ng opisina ng presidente. Katulad ng palagi kong kilos ay pumasok ako ng nakayuko. Ngunit bago iyon ay nasilayan ko at nakita ko na nagsusulat sya.

"Maaari ka ng lumabas" sabi nito sa kanyang sikretarya.

Inintay muna ng presidente na makalabas ang kanyang sikretarya bago ako sinenyasang maupo. Nakatungo lamang ako at sya naman ay tumigil sa kanyang ginagawa.

"Maupo ka Mizuki" nag aalangan man ay kailangan kong sundin ang utos niya. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa silya na nakatapat sa kaniya.

"May itatanong ako na kailangan mong sagutin" hindi ako nagsalita pabalik tulad ng inaasahan niya. Namutawi ang katahimikan sa loob ng silid habang siya ay patuloy sa pagsusulat.

"Sino iyong lalaki kagabi na sumakal sa'yo?" Doon na ako napatingin ng diretso sa kaniya habang siya ay munting nakayuko dahil sa pagsusulat. Hindi ko maiitago na ikinagulat ko ang kanyang tanong at nakumpirma ko na  totoo nga ang nangyari kagabi at hindi lamang isang panaginip. Siya ba ang nagligtas sa akin?

"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Sabi ulit nito sa akin. Naramdaman ko ang pag iiba ng kulay ng aking mata kaya napapikit na lamang ako. Huli na ang lahat nang biglang mapatapat ang aking mga mata sa papel na sinusulatan niya. Nasunog iyon ng mabilisan na ikinagulat naman niya.

"A-anong ginawa mo?" utal nitong sabi. Hindi ako nagmulat ng mata.

Tumayo sya at tumabi sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang pinanatili niya ang distansiya sa aming dalawa. Nararamdaman ko ang kanyang ginagawa habang ako ay nakapikit. Akmang hahawakan nya dapat ang aking braso ngunit iniiwas ko iyon mula sa kaniya. Hindi maaari ang binabalak niya.

"Huwag kang matakot mapagkakatiwalaan mo ako" sabi nito sa akin.

"Hindi kailanman ako matatakot sa iyo, ngunit nasisiguro kong ikaw ang matatakot sa akin at luluhod ka sa harapan ko pagdating ng panahon"

Sabi ko ng hindi nagmumulat ng mata. Hindi iyon ang intensyon kong sabihin ngunit ganito ang epekto niya sa akin. Ganito ang epekto ng pag iiba ng kulay ng aking mga mata. Mahirap makontrol ang lahat sa akin. Hindi pa sya muling nagsasalita batid kong natakot siya sa simpleng salitang nasabi ko sa kanya. Muling namutawi ang katahimikan habang ako ay sinusubukang bumalik sa normal. Maya maya lamang ay parang natauhan na siya at narinig ang kaluskos at ang munting pagtikhim. Hindi pa rin ako nagmumulat ng mata

"Anong ibig mong sabihin?" sabi nito na mababakas ang takot sa pagsasalita ngunit pinapanatili ang pagiging ma-awtoridad.

"Maiintindihan mo rin yan sa tamang panahon"

"Kailan ang tamang panahon na tinutukoy mo?" Bakas ang pagtataka sa tono ng pagtatanong niya sa akin.

"Malapit na iyong dumating kaya mag iingat kayong lahat sa lahat ng kalaban kapag dumating ang araw na iyon, sapagkat kapag ako ay natunton ng kalaban ay malaki ang posibilidad na pati ikaw ay mawalan ng kontrol sa bawat mag aaral na pumapasok dito kailangan ng pag ibayuhin ang matinding pagsusulit" mahabang paliwanag ko dito ng may pagbabanta at noon lamang ako nagmulat ng mata. Alam kong purong asul ang kulay ng aking mata senyales na ako ay kalmado na.

Nagkatapat ang aming mga mata. Nandoon ang gulat ngunit agad na lumipas.

"Ano ang nais mong ipahiwatig?"

"Naghahanda na ang mga kalaban sa nalalapit na pagtatagpo ngayon na ang panahon upang sanayin ang bawat isa sa nalalapit na gera nasa iyo na kung ako ay iyong paniniwalaan"

"Ako ay nananatiling naguguluhan"

"Ang nakita mo kagabi ay isang senyales na nalalapit na ang mga kalaban, natunton na nila ako, ako ang kailangan nila at kailangan nyo din ako"