40 CHAPTER 40: REAL WORLD?

Argon's POV

Nagising ako dahil sa sinag na nagmumula sa bintana, pinilit kong igalaw unti-unti ang aking kamay ngunit hirap akong galawin iyon, Nasaan ba ako? Nagpalinga linga ako sa paligid pero kulay puti lang ang nakikita ko, Hindi kaya?...

"I think there were a small chances na magising pa ang patient, she's in coma for 5 years, after all the treatment that we'll give to her"

"But doc, please gawin niyo po ang lahat para magising siya"

I hear some voices na papalapit, and then the door opened.

Malabo pa ang mata ko pero sigurado ako na kilala ko ang boses na iyon. Alam kong siya nga iyon.

"N--Neomy?" hindi makapaniwalang sabi ni Collin.

Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa akin. Dahil ba 5 years akong na coma?

"Gising ka na... sandali lang hah? Tatawagin ko si Doc" sabi niya at saka mabilis na tumakbo.

Maya- maya pa ay dumating na nga ang Doctor pati ang mga nurse.

"Impossible, In her case impossible na siyang maka recover, but now normal ang lahat sa kaniya, and Ilang buwan lang ay pwede na siyang maka uwi" hindi makapaniwalang sabi ng Doctor.

"Nako, maraming salamat sa Diyos" sabi ni Collin.

***

Dalawang buwan pa ang itinagal ko sa Hospital at tuluyan na akong naka recover, Sa dalawang buwan na iyon ay laging dumadalaw si Collin para may makasama man lang ako, She was responsible and a good friend, lagi siyang nasa tabi ko. Sinabi din niya sakin na isang taon lang ang tinagal ng buhay ni Hydria pagkatapos kong ma comatose.

Nabalitaan niya ang paghahanap sa mga anak ng mag asawang Scientist na namatay sa aksidente, bago pa pala mangyari ang aksidente na iyon ay inilipat na ng mga magulang namin ang kayaman ng aming pamilya. At yung pera din na iyon ang pinang gastos sa pagpapagamot sa akin dito ng limang taon.

Sa ngayon ay nakatira ako sa isang condo unit na malapit lang sa Hospital. Ngayong araw din ako magsisimulang hanapin si Krypton, balita ko ay na confine din siya sa Hospital na pinamalagian ko kaya don ako pupunta.

"Excuse me, may patient po ba kayo dito na Krypton Lee?" tanong ko don sa Nurse.

"Wait check ko muna Ma'am"

Ilang minuto akong naghintay bago niya ako binalikan "Pasensiya na po Ma'am, pero matagal na pong pumayapa si Mr. Krypton Lee, 4 years ago" sabi niya na kinagulat ko.

"A—Ano? Kung ganon, alam mo ba kung saan siya nakalibing?" tanong ko pa.

"Yes po, sa katunayan ay siya po ang may ari ng Hospital na ito kaya alam po namin" sabi niya at saka nagsulat sa isang kapirasong papel.

***

Nandito na ako ngayon, sa Sementeryo kung saan siya nilibing, Sobrang sakit pala na hindi ko na siya magagawang masilayan at makasama pa. Habang naglalakad ako papunta sa puntod niya ay hindi ko na napigilan pang umiyak.

Nakatayo ako ngayon sa puntod niya, I'm sorry Krypton, I didn't make it, masiyado na akong huli....

He make a promise na kahit anong mangyari magkakasama kami, pero bakit ganito ang nangyari... bakit niya ako iniwan.

"Who are you?"

Para akong na paralyze dahil sa boses na narinig ko. Agad akong nagbaling ng tingin sa kaniya. Unti unting bumuhos ang luha ko. Buhay siya? Pero paano?Akala ko ba patay na siya?

"Are you ok Miss? Why you're here at my Father's grave?" sabi pa nito. I missed him, sobra kong na miss ang boses niya.

Tumingin ako sa puntod at Krypton Lee Sr.ang nakalagay.

"K—Krypton?" nauutal kong sabi sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko na siya ngayon. After long four years.

"Excuse me, but who are you?" naguguluhang tanong niya, sabay tangal sa suot niyang sun glasses.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag agos ng luha ko. Bakit ganon? Bakit hindi niya ako kilala? Nakalimutan niya na ba ako?

Sa mga oras na ito, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing miss na miss ko na siya. Na sabihing ang saya saya ko kasi after so many years of my sacrifices magkakasama na muli kami.

Pero pano ko magagawa iyon kung hindi niya na ako maalala pa. Wala ding saysay kung sasabihin kong nagkakilala kami sa Elysium Academy ang lugar kung saan napupunta ang mga kaluluwa ng mga taong namatay na naglalakbay ang kaluluwa.

Tiyak na pagtatawanan niya lang ako kung iyon ang sasabihin ko.

Hindi pa din ako makapagsalita, pero mabilis kong pinahid ang mga luha ko at kinundisyon ang sarili ko. Habang siya naman ay parang nagtataka.

"I'm s—sorry, Nagkamali ako ng puntod na pinuntahan" sabi ko at saka tumalikod.Masakit man sakin ngunit wala akong magawa. Hindi niya ako kilala, kaya malamang nawala na ang pagmamahal niya sakin.

Maglalakad na sana ako ng napatigil ako dahil sa bigla niya akong yakapin "I missed you... my love" he said.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya, kaya agad akong napakalas sa pagkakayakap niya at saka hinarap siya. Nakangisi naman ito ng nakakaloko.

Kaya lalo akong napaiyak, hindi dahil sa lungkot ngunit sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Tss, you're always a crybaby" he smirked at saka niyakap muli ako.

"Nakakaasar ka alam mo ba yon! A—Akala ko hindi mo na ako naalala! Nakakaasar ka Krypton I hate you" iyak ko habang hinahampas hapas siya sa dibdib pero parang mas natutuwa pa siya sa ginagawa ko.

"I love you" he said, kaya napatigil ako sa pagpalo sa kaniya.

"Tsk. I hate you for making me cry like this" sabi ko. Pero niyakap niya lang muli ako, wala na akong nagawa kung hindi gumati sa yakap niya. God I miss this arrogant guy.

"Nahh, you didn't hate me cause you love me" sabi niya habang magkayakap kami, mabuti nalang at nakayakap ako sa kaniya kaya hindi niya nakita kung gaano ka pula ang pisngi ko ngayon.

And then sinabi niya sakin ang lahat, four years ago noong magising siya sa pagkakacoma. Agad niya akong hinanap, pero agad niya din akong natagpuan sa mismong hospital nila kay hindi siya nahirapan.

Sa apat na taong na hindi pa din ako nagigising ay kahit kalian hindi siya nawala sa tabi ko, lagi siyang nandon para samahan ako... Sinadya niya talagang ilihim ang lahat pag nagising ako, at talagang kinasabwat niya pa si Collin na kaibigan ko, All this time nandito lang pala siya sa tabi ko. Ang Monster na yon, sinadya niya talagang akalain ko na patay na siya, para lang makatagpo kami sa puntod ng Dad niya.

"Nakakaasar ka talaga, napagkamalan ko pa tuloy na ikaw ang nakalibing diyan" sabi ko sakanya habang nakasandal ako sa balikat niya. Kasalukuyan kaming naka upo sa tabi ng puntod ni Mr. Lee

"I just wanna meet you my father, Hey Dad this is my love, the girl I wanted to be with for the rest of my life, Look at her, She's lovely didn't she? "

Bigla tuloy akong kinilabutan sa mga sinadabi niya, Kausapin daw ba ang patay na. Tumingin naman si Krypton sakin, siguro ay gusto niya din na kausapin ko ang Dad niya.

"Ahm.. Hi po, ako po si Argon Mendez, Ahmm... gusto ko po sanang malaman ninyo na kahit napaka arrogante, hot tempered, snob at kung ano pa man ng anak nyo ay mahal na mahal ko siya higit pa sa kahit na sinong lalaki sa mundong ito bukod sa Dad ko, I love him not because of he's handsome or he's intelligent, I love him because of what he is. I love every part of him"

And then nakatitigan kami, unti-unting naglapit ang aming mga labi hanggang sa maglapat iyon. "I love you Argon" sabi niya habang hawak hawak ang pisngi ko na namumula.

"I love you too Krypton" I said and one more time, he kissed me, passionately. 

*******

A/N: Whaaa! Buhay si Krypton, Yey!

Next na ang Epilogue! Stay tuned!

Don't forget to vote and comment you reactions!

avataravatar
Next chapter