Adiya's POV
"I heard that the newcomers together with the Treasure are hallows"
"Really? Why are they here? Paano sila nakapasok sa academy? At anong koneksyon nila sa Treasure?" rinig kong bulung-bulongan ng mga estudyante sa hallway habang naglalakad ako kasama si Zephy, Elgorth at Elle.
Napansin kong napahinto si Zephy kaya huminto rin ako.
"Pwede ba pag magbubulungan kayo wag yung naririnig ng ibang tao? Hindi na yun bulungan. O talagang nananadya kayo?" naiinis na sabi ni Zephy na nasa tabi ko sa mga estudyanteng kanina pa nagbubulungan.
"Zephy" saway ko kay Zephy. Bumuntong hininga muna siya saka ako nilingon na may matamis na ngiti sa mga labi.
"Let's go?" sabi niya. Ngunit bago siya magsimulang maglakad ay sinulyapan niya ang mga estudyanteng nagchichismisan ng masama dahilan para sila ay matakot at pumasok sakani kanilang mga classroom. Maglalakad na sana siya ng paglingon niya ay bigla siyang nabangga.
"Aray" reklamo niya habang sapo ang noong nauntog sa katawan ni Storm. Narinig kong natawa si Elgorth sa likuran ko na mukhang narinig rin ni Zephy dahil tiningnan niya ng masama si Elgorth.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. You're causing trouble again" sabi naman ni Storm. Inirapan lang siya ni Zephy saka ako hinila.
"Zephy, wait. Don't drag me" natatawa kong sabi ngunit bago pa kami makalayo ni Zephy ay biglang nagsalita si Pyrrhos.
"And where are you going Adiya?" tanong niya sakin dahilan ng paghinto namin ni Zephy.
"Class?" I half answered half asked.
"And where is your next class?" tanong niya. Napaisip naman ako sandali at nasapo ko nalang ang noo ko ng maalala kong sa training ground pala ang susunod na klase namin. Bagsak ang balikat kong naglakad patungo sa training ground kasama silang lahat.
Nang makarating kami sa training ground ay luminya kaming lahat, ngunit napakunot noo nalang ako ng biglang naglakad si Pyrrhos at ang grupo niya at pumwesto sa unahan na nakaharap sa aming lahat.
"I'll be in charge of your training today" diretso niyang sabi habang nakakruss ang kanyang mga kamay sakanyang dibdib. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko subalit natahimik nalang kaming lahat ng biglang sumigaw si Pyrrhos. Silencing us.
"Quiet!" utos niya. Natahimik naman kaming lahat.
"Yes?" napakunot noo ako ng bigla siyang nagtanong habang nakatingin sa likuran. Nang lumingon ako ay nakita kong nakataas ang kamay ni Aella.
"How come that you're the one who'll be training us?" taas noo niyang tanong.
"I don't see any reason why I can't" seryosong sagot naman ng isa.
"Do you have the ability to train us, senior?" tanong nanaman ni Aella.
"I don't have to prove anything to you" sagot naman ng isa. Mukhang magtatanong pa sana si Aella ng inunahan siya ni Pyrrhos.
"Listen up, you will be divided into pairs and I will assess your hand to hand combat" anunsyo niya sa amin saka may binigay kay Firth ang isang papel na ang sa tingin ko ay listahan ng mga pangalan namin.
"So this will be your pair. John and Ace" panimula ni Firth.
"Jenna and Nina, Zak and Page, Cal and Elle" banggit niya sa mga pangalan ng mga kaklase ko.
"Zephyrine and Flame" rining kong banggit sa pangalan ni Zephy. So Flame is her opponent. Their elements oppose each other. Zephy is an air mager while Flame is a fire mager.
"Aella and Adiya" halos malaglag ang panga ko ng marinig ko ang pangalan ng kalaban ko. Tiningnan ko ng masama si Pyrrhos na ngisi lang ang tinugon niya.
"That's all" ani Firth. I raised my hand when I notice something. Tinaasan naman ako ng kilay ni Pyrrhos. Tss. Ang sarap ahitin ng kilay mo. Sabi ng utak ko na mukhang narinig ata ng lahat dahilan ng pagtawa nila maliban kay Pyrrhos na mukhang nainis.
"How about Elgorth? Who will be his opponent?" tanong ko sakanya. Hindi kasi nabanggit ang pangalan niya hindi gaya ng kambal niya. Elle and Elgorth decided to study in the academy and fortunately pinayagan naman ng council.
"I will be his opponent" sagot niya. Napakunot noo nalang ako sa sagot niya. Siya? Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makapagtanong pa dahil nagsalita na siya.
"You can use elemental powers but using your side powers is forbidden. As you can see there are weapons here that you can use and you can choose whatever weapon you like. The winner will gain points and the loser will of course lose points since this is a test. The first to surrender or most likely fail the battle will be the loser" ani Pyrrhos.
"Start" utos niya. We formed a circle that serves as the stage for the match.
"Cal, make a barrier" utos ni Pyrrhos sa isang kaklase ko na ang side power niya ay barrier making na sinunod naman nito. Naglakad ang unang pares sa gitna at nag umpisang maglaban.
*
Ilang oras ring naganap ang labanan ng aking mga kaklase. The battle between Zephy and Flame is the longest battle. It took 10 minutes for Zephy to win the duel. Flame is a formidable opponent. Magaling silang dalawa but Zephy is smart. She knows what's the weakness of Flame and that is stamina which is the strength of Zephy.
And now it's me and Aella's turn. Dumiretso ako sa pagpipilian ng mga armas para pumili. There are many types of weapons on the table. I chose the katana because if there's a weapon that I can use and I know that I have the advantage, it's a sword. Nakita kong pana ang napili ni Aella. I cursed through my mind. This will be difficult.
"Adiya" bago pa ako makapaglakad papunta sa gitna ay tinawag ni Pyrrhos ang pangalan ko. Nilingon ko naman siya.
"You can only chose one elemental power to use. It'll be unfair if you use all of it" utos niya. Tumango nalang ako bilang sagot saka tuluyang maglakad papunta sa gitna. Bago magsimula ang laban ay tinanggal ko ang isang tela na nakatali sa nakapusod kong buhok at tinali ito sa kamay ko at sa sabitan ng katanang hawak ko.
"Don't hurt yourself" narinig kong sabi ni Aella saka ngumisi. Nainis ako sa sinabi niya.
"Cocky as always" sagot ko rin sakanya na nagpainis sakanya at dahilan ng pagsugod niya sa akin kahit wala pa ang hudyat ni Pyrrhos na maaari na kaming magsimula.
I wield my sword when she shot her arrow. I swang my sword and slice the arrows that she sent through me. Inatake niya ako gamit ang lupa. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko inaasahan ang mga lupang nagliparan patungo sa direksyon ko. Natamaan ako ng maliit na bato sa balikad.
"Shit" I cursed. I change the way I handle my sword. I was too preoccupied with the pain in my shoulders when she shot her arrows at me again making me caught off guard. Nagpakawala ako ng bola ng apoy ngunit hindi ordinaryong apoy ang lumabas sa mga kamay ko. It's a hellfire.
Nagulat siya sa pinakawalan kong mga apoy. She let her guard down for a moment which causes her to hit by my fire. Tumilapon siya ngunit sa huli ay nakaayo parin siya. Pinatamaan nanaman niya ako ng mga bato at kanyang mga pana. I dodged and slice through it but some of her arrows graze me. I charged and let my whole body engulf with fire. Nagpakawala siya ng mga malalaking tipak ng bato at pinana niya ako but all of it was turned into ash the moment it touches the fire in my body.
Nang makita ni Aella na malapit na ako ay gumawa siya ng isang malaking lupa para gamiting panangga. I touched my sword firmly and let the fire flow through it. Ngayon ay pati na ang espadang hawak ko ay napapaligiran narin ng apoy. I sliced through it at nang mahati ko ito ay tinutok ko sa leeg niya ang espadang hawak ko. Binitawan niya ang panang hawak niya saka bumuntong hininga.
"You won" sabi niya. Ibinaba ko ang espadang nakatutok sakanya saka tinalikuran siya. I was about to walk when I heard Zephy shouting my name.
"Adiya" sigaw niya. Binalingan ko siya ng tingin at napakunot noo ako ng makita ko siyang tumatakbo palapit sa akin and she looks worried. Ibubuka ko sana ang bibig ko ngunit bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko nalang na may malamig na bagay na tumama sa tagiliran ko sa may likod ko. Kinapa ko ang likuran ko at naramdaman kong parang may nahawakan akong basa. Nang tignan ko ang kamay ko ay balot na ito ng dugo at doon ko lang naramdaman ang sakit sa tagiliran ko. Blood is flowing through my wound. I was stabbed behind my back. Narinig kong may tumawa at nang tingnan ko ito ay nakita ko si Aella with a knife in her hands covered with blood. Narinig ko ulit siyang tumawa na parang nawawala siya sakanyang sarili. I am struggling to stand straight. My energy is draining. Diniinan ko ang pagkakahawak sa sugat ko. I am loosing too much blood, umiikot na rin ang paningin ko. Matutumba na sana ako ng biglang may sumalo sa akin. Then I saw Pyrrhos' face at nagsilapitan narin ang mga kaklase ko sa amin.
"Adiya" tawag niya sa pangalan ko. Mukhang ito na nga ang katapusan ko.
"Now rest in peace treasure" narinig kong sabi ni Aella. Para siyang nababaliw. Two of my male classmates restrain her.
"Die, you bitch. Suffer like how you make people suffer" aniya saka tumawa.
"You" sigaw ni Zephy kay Aella. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at tiningnan ko si Aella. Aella is not the type of person who'll kill someone. Nasulyapan ko ang kanyang mukha at nakita kong may itim na dumadaloy sakanyang mga ugat.
"Leave her alone" nahihirapan kong sabi saka binuhos ang lahat ng natitirang lakas ko para alisin ang kung ano mang nasa loob ni Aella. Nagsimulang nagliyab ang katawan ni Aella. I used my hellfire.
"What's happening to me?" sabi ng nasa loob niya.
"Noooo" sigaw niya pagkatapos ay bigla nalang siyang nawalan ng malay. Naramdaman kong tinatakasan narin ng lakas ang katawan ko then everything went black.