Adiya's POV
Napatingin ako sa harapan ko at malapit na ang mga ito sa bahay ngunit ganun nalang ang gulat ko ng may makita akong lumipad sa ere na dalawang itim na hallow. Napalingon ako sa loob ng bahay at nawawala si Elgorth at tito Emanuel. Nabalik ang tingin ko sa dalawang hallow na nasa itaas. Ng tingnan ko ang mga kalaban unti unti silang nanghihina.
Okay. It's time. Sabi ng utak ko at handa na sanang magconcentrate ulit ng bigla nalang tumilapon si Elgorth at tito Emmanuel at bumagsak sa lupa ng patamaan sila ng apoy ng isa sa mga kalaban. Nanlisik bigla ang mga mata ko. Gusto kong magwala and before I even knew it I walk towards them with only one thing in my mind and that is to inflict them pain. Nakita ko silang namimilipit sa sakit at bigla nalang napahiga ang mga katawan nila sa sahig. Habang nanghihina at namimilipit ang mga kalaban I ran towards Pyrrhos.
"I told you not to get out" bungad niya sakin. "Shut up" tanging sagot ko sakanya saka ko siya tinulungang tumayo. Nakita kong binuhat ng lalake si Zephy na walang malay.
"We have to hurry. I don't know how long I can inflict them pain sabi ko" naglakad kami palapit sa bahay, nang malampasan namin sila namimilipit parin sila sa sakit.
Nang makapasok kaming lahat sa bahay nandoon na rin si Elgorth at tito Emmanuel, mabuti nalang at hindi ganon kalala ang natamo nilang pinsala.
"Shit!" narinig kong mura ni Pyrrhos habang nakatingin sa labas ng bahay. Nakita kong nakatayo at mukhang nakabawi na ng lakas ang mga kalaban at malapit na sila sa bahay.
"We need to go. Storm!" sigaw ni Pyrrhos kay Storm. Nakita kong gumalaw si Storm at nakaposisyon ang kanyang kamay sa ere, ilang segundo pa may pabilog na parang daanan ang lumitaw sa harap niya.
"What the" gulat na sabi ni Elgorth.
"Go!" utos ni Pyrrhos. Unang pumasok si Tita Ellaine na karga si Ehzcy na kanina pa umiiyak, sumunod naman si Ella at tito Emmanuel, pumasok narin ang babaeng kasama nila Pyrrhos at ang lalakeng may buhat kay Zephy. Tatlo nalang kaming natitira dahil nasa loob na rin si Storm, pinipigilan ang pagsara ng daan.
"We're not gonna make it" sabi ni Pyrrhos saka tumingin sakin ng makahulugan. I know that look.
"No" mabilis kong sabi sakanya.
"I need you to be safe" sagot niya habang nakatingin sakin ng matiim.
"No. We can make it. Let's go" ani ko saka ko siya hinawakan sa may laylayan ng suot niyang shirt na duguan. He can't stay here. Delikado para sa lagay niya.
"Take care of her" sabi niya na nakatingin kay Elgorth saka akmang maglalakad na sana siya ng bigla nalang magpatama ang isa sa mga kalaban ng isang bola ng apoy. My reflexes kicked in. Inangat ko ang kanang kamay ko saka sinangga ang apoy na tatama sana kay Pyrrhos. Napamulagat nalang ako ng nakita kong ilang dangkal ang apoy sa palad ko. Nagulat nalang ako ng ibababa ko na sana ang kamay ko ay parang nakadikit parin ang apoy sa palad ko then I felt something inside me awakens. I dont know what that is pero nararamdaman iyon ng buong katawan ko. I felt it. Kinumpas kumpas ko ang kamay ko at sumusunod ang apoy sa bawat kumpas ng aking kamay. Nilaro laro ko ang apoy sa kamay ko hanggang sa bigla nalang nag iba ang kulay nito. The red orange fire becomes blue like a
"Hellfire" sabay naming sabi ni Pyrrhos na nakatingin sa apoy sa palad ko. I smirk. Then a power surge through my palm at biglang lumaki ang bolang apoy. Before I even knew it, pinatama ko sa pitong lalake na nasa labas na ng bahay ngayon na mukhang natulos sa kanilang kinatatayuan ang bola ng asul na apoy at napaawang nalang ang labi ko ng hindi sila nasunog gaya ng nagagawa ng normal na pulang apoy. They turned into an ashes in an instant the moment the blue fire touches them.
"What the fuck. Seriously, who the hell are you guys?" nagtatakang tanong ni Elgorth. Me and Pyrrhos just shrugged saka pumasok na kaming lahat sa may pabilog na ang sa tingin ko ay isang portal kung saan naghihintay ang mga kasamahan naming nakaawang ang labi habang nakatingin sakin.
Nang makalabas kami sa portal, sinalubong kami ng isang maliwanag na kapaligiran at malawak na damuhan na puno ng mga ligaw na bulaklak.
"Where did you take us Storm?" tanong ng lalaking may buhat kay Zephy na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
"I absolutely have no idea" sagot naman ni Storm.
"We're on the other side of the forest" sagot naman ni tito Emmanuel.
"Don't worry. Malayo ito sa parte ng bahay namin at tamang tama may bahay kami dito, hindi nga lang malaki gaya ng bahay namin doon" dagdag pa niya.
"It's fine. As long as Adiya's safe here" sagot naman ni Pyrrhos. "Let's go" he added saka nauna na siyang maglakad. Susunod na sana kami sakanya ng bigla siyang huminto.
"Is everything okay?" tanong ko sakanya. Napatingin siya sakin saka bumaling kay tito Emmanuel.
"Lead the way" sagot niya saka pinaunang maglakad ito.
Hindi ko maiwasang matawa sakanya na mukhang napansin ata niya dahil bigla niya akong binalingan ng masamang tingin.
"What's so funny?" naiinis na tanong niya. Tumikhim nalang ako at pinilit na hindi matawa kahit mahirap. Ilang minuto kaming natahimik habang sinusundan si tito Emmanuel.
"Are you okay?" nabigla nalang ako ng biglang sabay na nagtanong si Elgorth at Pyrrhos. Bigla naman silang nagkatinginan ng mapagtanto ang ginawa nila. They stared at each others eyes with the same ferocity saka sabay din silang nag iwas ng tingin. Natawa nalang ako sa inasal ng dalawa. Hindi sila magkasundo.
"We're here" biglang sabi ni tito Emmanuel saka bahagyang huminto. Napatingin naman kami sa bahay na nasa harap namin ngayon. Tama. Hindi nga ito kalakihan gaya ng bahay nila malapit sa may gubat pero maayos naman ito at ang mahalaga ay may matitirhan kami kahit pansamantala habang iniisip ang sunod na hakbang namin.
Naglakad kaming lahat patungo sa bahay at pumasok. Ito lang ang bahay na nakatayo sa parteng ito sa gilid ng gubat kaya wala sigurong makakaalam na nandito ako pero dapat parin kaming mag ingat. Nang makapasok kami sa loob ng bahay, pinalibot namin ang aming tingin sa buong bahay at napaawang nalang ang labi namin ng makitang malawak ang loob ng bahay at may ikalawang palapag pa ito at mas malaki ito ng kaunti sa dating bahay nila tita Ellaine.
"Sorry. It's actually a trick. We don't want to catch attention so we made a spell to hide the real appearance of the house" nangingiting sabi ni tito. Napatango nalang kami.
"Heal her" biglang ani Pyrrhos sa babaeng kasama nito. Lumapit naman ito kay Zephy na nakahiga sa sofa sa may sala ng bahay para gamutin. Hindi ko sila kilala at hindi ako sigurado kung anong taglay nilang mga kapangyarihan.
Nagkanya kanya kaming upong lahat sa sofa at sahig para magpahinga. Ni isa walang nagsalita hanggang sa basagin ni tito Emmanuel ang katahimikan.
"Since you already know who we are, I think it's time for us to know who you are, especially you Adiya" seryosong tanong nito habang nakatingin sakin.
"I think it'll be safe if you guys don't know anything" si Pyrrhos ang sumagot kay tito Emmanuel.
"That's bullshit, kanina pa kami sunod ng sunod sainyo na hindi man lang namin alam kung sino ba talaga kayo" naiinis na sagot naman ni Elgorth.
"They're right. They deserve to know Pyrrhos" turan ko habang nakayuko dahil sa totoo lang nahihiya ako dahil ako ang puno't dulo ng kaguluhang ito.
Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ko ang tingin nila. Lahat sila ay nakatingin sakin pati si Elgorth na mataman akong tinititigan.
"My name is Adiya Zhin King and I'm from the elemental nation" the moment the words elemental nation came out from my mouth they all look shocked. Nanlalaki at napaawang ang mga labi nila.
"And y-you're all from e-elemental n-nation?" nauutal na tanong ni tita Ellaine.
"Yes" simpleng sagot naman ni Pyrrhos. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin. Walang nagtanong hanggang sa basagin ni Elgorth ang katahimikan.
"What do they want from you?" tanong ni Elgorth na nakatingin sakin. Sasagutin ko na sana siya ng hindi ko alam dahil wala naman talaga akong ideya ng si Pyrrhos ang sumagot para sakin.
"Probably because they want to use her or worse, kill her" hindi lang ako ang naguluhan sa sinabi nito pati na rin ang buong pamilya maliban kay Ehzcy na natutulog habang karga ni tita Ellaine. Mukhang napagod ata sa kaiiyak.
"Use her? Kill her?" dagdag na tanong ni Elgorth.
"Probably because she's the Treasure" pagbigkas ni Pyrrhos ng salitang Treasure nanlaki ang mata ng buong pamilya ng ilang segundo saka sila bahagyang yumukod sabay sabing "Hail our Treasure, Hail our Hope"
"W-what?"