webnovel

Chapter 14. Fate

Zephy's POV

"Why are you here anyway?" inis na tanong ko sakanya saka ako ulit umupo sa may stool sa bar counter. The annoyed look on my face is just a facade to hide the awkwardness between us.

"I'm here to talk to you, to say sorry for hurting your feelings" biglang seryosong sabi niya.

"But then I found you, laughing, together with that human Arthur, so it seems like you don't need me at all" dagdag pa niya. Tumayo siya at akmang aalis na sana ng magsalita ako.

"You're not sorry at all" saad ko. Lumingon siya sakin saka kinunotan ako ng noo.

"If you're sorry then just say it, hindi ganitong iiwan mo ako na parang ako pa ang may kasalanan at ako pa ang dapat magsorry" inis na sabi ko sakanya. Mas lalo akong nagagalit dahil sa inaasta niya.

"Ikaw tong may kasamang iba at parang wala lang sayo ang nangyari, what do you want me to do?" galit ring tanong niya. I scoff.

"Don't yell at me!" singhal ko rin sakanya. Mukha naman siyang nagulat sa pagsigaw ko judging by the shock on his face. His face becomes neutral but it still held an angry look.

"Bakit ikaw pa ang may ganang magalit? Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sakin? At wala akong ginagawang masama, hindi ko ugaling manakit ng damdamin ng ibang tao, hindi gaya mo" sigaw ko ulit sakanya saka ako tumayo at umalis. Wala siyang karapatang sabihin sakin yun. Hindi niya alam kung gaano niya ako nasaktan dahil sa mga sinabi niya. Paakyat na ako sa hagdan pataas ng kwarto namin ng may humawak sa braso ko.

"Where are you going?" tanong niya sakin.

"Sa kwarto malamang" sagot ko saka ko siya inirapan.

"Hindi pa tayo tapos mag usap" aniya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Wala na tayong dapat pag usapan, and clearly you didn't follow me there para makipag usap at mag sorry" inis kong sabi saka ko siya tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad.

"What the hell is wrong with you? And I didn't follow you there to say sorry. Why would I say sorry?" he said habang sinusundan niya ako. Malapit na kami sa kwarto ng bigla akong tumigil dahil sa mga sinabi niya. I turn around to look at him, pain flashing through my eyes.

"So you lied" I stated.

"Obviously" simple ring sagot niya. I stared at him for a moment before turning my back on him saka ko siya iniwan at tuluyan ng pumasok sa silid namin. Nadatnan kong gising pa ang tatlo, Firth and Trevet is playing something that I don't know, Pyrrhos is reading a book that I am too tired to even have a glance at. I saw in my peripheral view that their eyes are on me. Dumiretso nalang ako sa kama ko saka ako nahiga patalikod sakanila. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto saka sumara ulit. Silence. Wala kang maririnig sa kwarto but I can feel their gaze at me. Hindi ko nalang sila pinansin at pinilit ko nalang ang saril kong matulog.

Kinabukasan, gaya ng napagkasunduan bumalik kami sa tindahan ng mga bulaklak para tanungin ulit si aleng tindera ng bulaklak kung saan ang lugar na tinutukoy niya. Naglalakad na kami papunta sa tindahang iyon ng may biglang bumangga kay Pyrrhos. Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko kung sino ang bumangga sakanya. It was the same guy yesterday. The silver hair dude. Talking about fate? What's with these two fellas? They keep on bumping into each other. Napatingin nalang ako sakanilang dalawa. I can't help but to laugh when the silver hair guy looks at Pyrrhos like the way the latter looks at him. They just stared at each other for a second when the other guy breaks their gazes off pero nagulat nalang ako ng bigla siyang napatingin sakin saglit saka siya naglakad paalis.

"Do you know him?" biglang tanong ni Firth sakin dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

"Hah?" tanong ko naman kay Firth.

"Do you know him?" ulit naman niya sa tanong niya kanina.

"No," I said then just shook my head.

"Mukhang itinadhanang magkrus ang landas niyo ah" natatawang sabi ni Trevet kay Pyrrhos.

"There's something in him" nakakunot noong sabi ni Pyrrhos saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan na lang namin siya. Ng makarating kami sa tindahan ay agad na nagtanong si Trevet.

"Oh mga iho, nagbalik kayo? Bibili ba uli kayo ng bulaklak?" tanong ng ale sa amin. Bigla nalang akong nainis sa tanong niya. Naalala ko nanaman kung anong nangyari kahapon. Napa iling nalang ako saka ako napatungo at saktong pag angat ko ng tingin ko, napasadahan ko ng tingin si Storm na titig na titig sakin. Umiwas nalang ako ng tingin nang makita kong wala naman siyang balak na mag iwas.

"Ah hindi ho. Tatanungin lang ho sana namin kung saan banda yung bahay na malapit sa gubat?" tanong ni Trevet.

"Ah iyon ba? Sa kabilang parte ng gubat yun mga iho" sagot nung ale.

"Malayo po ba iyon?" nagulat nalang ako nang biglang nagsalita si Storm. Kanina pa kasi siya walang imik.

"Hindi naman ganun kalayo iho. Siguro isang ilog at isang bundok lang ang lalakarin niyo" sabi nung ale. Halos lumuwa naman ang mata naming lahat sa sinabi niya.

"Ale, hindi pa po ba malayo iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Storm.

"Hindi naman iho. Para sa aming mga tao, normal lang iyon" biglang sabi ng ale. Napatingin nalang kaming lahat sakanya dahil sa sinabi niya, saka kami napatingin sa isa't isa.

"Magdala nalang kayo ng tubig at pagkain niyo kung gusto niyo" dagdag pa niya.

"Yun nga po ang nasa utak ko kaya ko tinanong yun eh" sagot naman ni Storm.

"Kaya pala. Hindi pa nga tayo nakakalayo pagkain nanaman yang nasa utak mo" sagot nang kakambal niya.

"Pasalamat nga kayo tinanong ko eh. Kung hindi ko tinanong yun, hindi tayo mamamatay sa pakikipaglaban, mamamatay tayo sa gutom" sagot namin ng isa. Hindi ko magawang makinig ng maayos sa sinasabi nila dahil ang atensyon ko ay nandoon sa lalaking laging nakakabanggaan ni Pyrhos na ngayon ay nakatingin ng diretso sa gawi namin.

"Sus ang sabihin mo, nagugutom ka nanaman, di ba Zephy?" biglang tanong ni Firth. Nagulat nalang ako ng biglang tinapik niya ako sa balikat.

"Zephy, okay ka lang?" tanong niya. Nakita ko ng napatingin silang lahat sa direksyong tinitignan ko at napakunot noo rin silang lahat ng nakita nila ang binatang iyon.

"Tsss. Nakikipagtitigan ka lang pala sa lalakeng yun. Bat di mo nalang kasi siya lapitan" sabi ni Storm na bakas ang irita sa mukha niya. Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Sus. Ang sabihin mo nagseselos ka lang kasi nakita mong may nakatingin na iba kay Zephy" sagot naman ni Firth sakanya. Hindi ko nalang sila pinansin. Nang tignan kong muli kung saan ko nakita ang lalakeng iyon kanina ay wala na siya. Napakunot noo nalang ako.

"Nasan na yun?" bulong ko. Saktong pag iwas ko ng tingin nakita kong nakatitig si Storm ng matiim sa akin. I just raised my eyebrows at him saka ko siya inirapan.

"Tara na. We can't waste even a second here. Mas lalong nagiging delikado ang buhay ni Adiya" biglang sabi ni Trevet. Tama siya. Sa bawat oras na nasasayang namin dito, hindi namin alam kung nasa mabuting kalagayan pa ba si Adiya, lalo na't nandito siya sa mundo ng mga tao. Kung hindi lang sana siya umalis sa Nation, hindi sana nanganganib ang buhay niya ngayon ngunit hindi ko rin siya masisisi. Sa lahat ng pinagdaanan niya may karapatan siyang magalit at masaktan dahil kung ako man din ang nasa posisyon niya maglalayas din siguro ako.