webnovel

Elemental Nation: City of Elements

Adiya King is a simple girl but she belongs to an extraordinary family. Everything was normal until she discovers who she is, and what she is capable of. Will she be able to accept who she is or she'll turn her back from all the responsibilities?

thumanoid · Others
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 12. Flowers

Zephy's POV

Nagulat nalang kami ng biglang hilahin ng babae ang lalaking bumangga kay Pyrrhos at wala rin itong nagawa at nagpahila nalang sa kung saan.

"You okay?" tanong naman ni Firth kay Pyrrhos ng bigla itong natahimik at nakatingin parin sa kung san naglakad yung bumangga sakanya kanina. Napatingin ako kay Trevet dahil sa tanong ni Firth at nakita ko namang wala siyang reaksyon. Mukhang okay lang sakanya na tinanong ni Firth si Pyrrhos.

"Ilang oras pa ba tayong maghahanap? Nagugutom na ako" reklamo nanaman ni Storm. Hind ko napigilang batukan siya.

"Aray! Bat ka ba nambabatok?" tanong niya saka hinimas ang parte ng kanyang ulo na binatukan ko.

"Kanina ka pa nagrereklamo. Kumain naman tayo ng agahan ah? May bulate ka ba sa tiyan, Storm?" tanong ko sakanya. Patay gutom talaga ang isang to.

"Wala akong bulate sa tiyan, Zephy. Kanina pa tayo lakad ng lakad wala naman tayong napapala. Tapos puro naman kasi description ni Adiya ang sinasabi niyo, wala ka bang picture niya?" tanong ni Storm. Napamaang naman kaming lahat sa suhestyon niya.

"Nag iisip ka pala?" natatawang ani ng kambal niya. Oo nga no? Ano ba yan, ni hindi man lang namin naisip yun tapos kung sino pa ang hindi mukhang nag iisip siya pa ang makakaisip. Napailing nalang ako saka ko nilabas ang wallet at hinugot don ang litrato naming dalawa ni Adiya saka ko binigay sakanya.

"Oh ayan, bat ngayon lang kasi gumana yang utak mo? Di sana hindi kami narindi sa pagrereklamo mo" sabi ko sakanya habang inaabot ang litrato.

"Aba ako pa ang sinisi mo. Pasalamat ka nga naisip ko pa yan, kayo nga hindi niyo naisip" tumahimik nalang ako dahil may punto naman siya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa muli siyang nagsalita.

"Ikaw to?" tanong niya habang tinuturo ako sa may larawan.

"Oo, ano ba sa tingin mo? Kambal ko?" tanong ko naman sakanya.

"Bat maganda ka dito tapos sa personal hinde?" parang nagtatakang tanong niya. Napahinto ako sandali, babatukan ko na sana siya ng bigla siyang umiwas at kumaripas ng takbo papunta kila Pyrrhos, napansin kong nauna na pala sila sa paglalakad. Napailing nalang ako saka ako lumapit sakanila. Napahinto kami sa harap ng tindahan ng mga bulaklak.

"Ate pwede ho bang magtanong?" tanong ni Pyrrhos sa ale.

"Ano iyon, iho?" sagot naman ng ale sakanya.

"Nakita niyo ho ba ang dalagang ito?" tanong ni Pyrrhos saka niya pinakita ang larawan saka tinuro si Adiya. Tinignan naman ng ale ang litrato, napakunot noo sandali ang ale saka siya sumagot.

"Kung hindi ako nagkakamali, ito yung kasama nung kambal kanina na bumuli dito" aniya. Kambal? Sinong kambal? May kakilala ba si Adiya dito?

"Kambal ho?" ako na ang nagtanong ng walang umimik sa mga kasama ko.

"Oo, yung kambal na taga dun sa may kabilang parte ng kagubatan" sagot niya. Anong ginagawa ni Adiya dun? At sino yung kasama niyang kambal? Nasa ilalim ako ng matinding pag iisip ng biglang may bulaklak na humarang sa mukha ko. Ng tingnan ko kung sino ang may hawak ng bulaklak ay napairap nalang ako.

"Tanggalin mo nga sa mukha ko yan, wala akong makita" inis kong sabi sakanya. Inilayo niya ng kaunti ang bulaklak sa mukha ko saka inabot sakin.

"Oh, aanhin ko yan?" tanong ko sakanya saka ko inabot ang bulaklak. Maganda ang bulaklak, yung parang nakikita mo lang sa mga damuhan, mga ligaw na bulaklak, simple pero maganda.

"Kainin mo, tsk. Ano bang ginagawa sa bulaklak?" parang naiiritang sabi niya.

"Alam ko kung anong ginagawa sa bulaklak, what I meant is bakit mo ako binibigyn ng bulaklak?" tanong ko habang nakatingin sakanya. Matangkad siya sakin, hanggang dibdib niya ako kaya tinitingala ko siya.

Nag iwas siya ng tingin saka nagkamot ng batok. "Wala lang, wala kasi akong mapagbigyan eh" sabi niya tsaka giniya ang tingin sa mga kasama namin.

"Si Trevet ayun, binigyan si Firth" sabi niya tsaka tumingin sa kambal niyang binigyan si Firth ng bulaklak, napangiti naman ang dalaga.

"Tapos ayan si Pyrrhos, bumili rin, hindi ko nga lang alam kung kanino niya ibibigay" nakita ko namang may hawak si Pyrrhos na kulay puting rosas.

"Kaya eto binigyan kita ng bulaklak" aniya. Magsasalita na sana ako ng muli siyang nagsalita.

"Nakakaawa ka naman kasing tignan kung walang magbibigay sayo ng bulaklak" dagdag pa niya. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko ng dahil sa inis.

"Ah so utang na loob ko pang binigyan mo ako ng bulaklak? Kailangan ko pang magpasalamat sayo?" inis kong tanong sakanya?

"Oh bat ka nagagalit? Ako na nga tong nagmamalasakit eh" sagot niya. Pagalit kong binigay sakanya ang bulaklak.

"Oh ayan, lamunin mo o di kaya ibigay mo sa mga babae mo, akala ko pa naman bukal sa puso mong ibigay sakin yan, nakalimutan kong wala ka palang puso" sabi ko sakanya saka ako naglakad palayo at bumalik sa tinutuluyan namin.

Storm's POV

Anong nangyari dun? Wala naman akong ginawang masama o nasabi ah? Napasimangot nalang ako habang tinignan ko siyang naglalakad palayo. Napalingon ako sa mga kasama ko saka ako tumingin sakanila ng nagtatanong.

"May nasabi ba akong mali?" tanong ko. Napailing nalang sila bilang sagot. Lumapit sila sakin.

"Lahat" sagot naman ni Firth.

"Hah?" naguguluhang tanong ko.

"Lahat ng sinabi mo mali" sagot niya. Tinapik naman ako ni Trevet sa balikat na parang dismayado sa ginawa ko.

"You shouldn't have said that" aniya.

"Babae ako Storm, at maiinis rin ako kung yun ang sinabi sakin" sabi ulit ni Firth.

"Let's go" aya naman ni Pyrrhos saka nauna ng naglakad paalis at sinundan naman ng dalawa habang ako nakatayo parin.

"Ano bang nasabi kong mali?" malakas na tanong ko.

"Think" simpleng sagot ni Pyrrhos. Think? Anong think? Mag isip ako? Nag iisip naman ako ah? Pa cool talaga kung sumagot yun nakakainis. Umiling nalang ako saka ko sila sinundan. Kakausapin ko nalang siya mamaya pagka uwi namin.

Adiya's POV

"Adiya, san ka ba nagpunta kanina?" tanong ni Elle sakin. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sakin. Nandito kami ngayon sa sala.

"Hah?" tanong ko naman sakanya.

"Ang tanong ko, san ka nagpunta kanina? Bigla ka nalang nawala nung nakita ko na si kuya" tanong niya ulit.

"A-ah, yun ba? M-may nakita kasi ako kanina na gusto kong bilhin" pagdadahilan ko nalang. Hindi niya pwedeng malaman na kilala ko yung nakabanggaan ni Elgorth kanina.

"Ah, akala ko kasi may pinagtataguan ka eh" inosente niyang sabi. Ngumiti nalang ako bilang sagot. Ayoko ng humaba pa ang usapan namin baka kung ano pa ang matanong niya sakin. Hindi nila pwedeng malaman kung sino ako. Ano ba kasing ginagawa nila dito? At bakit pati si Pyrrhos nandito? Hindi pa ako pwedeng bumalik sa nation. Ayoko pa. Hanggat hindi ko pa tanggap kung sino ako, hindi ako babalik.

"Magpapahangin lang ako sa labas" sabi ko kay Elle saka ako tumayo at naglakad palabas. Ilang minuto lang ay nakarating narin ako malapit sa may gubat sa tabi ng bahay nila Tita Ellaine. Ng masiguro kong walang tao sa paligid ay kinumpas ko ang kamay ko para kontrolin ang hangin, senyales na kelangan ko ang isang kalapati, ilang minuto lang ay may nakita akong kalapati na lumilipad palapit sakin. Nang makalapit ito sakin ay bumulong ako. Binulong ko ang mensahe ko at kung kanina ko siya ipapadala. This dove is a messenger dove, sila ang nagdadala ng mga mensahe patungo sa kung sinong gusto kong pagdalhan ng mensahe. Ilang araw ko na ring ginagawa to, dahil sa kadahilanang na mimiss ko na ang mga magulang ko, at ilang araw na rin silang nagpapadala ng mensahe sakin. Masaya na ako kahit sa ganung paraan ko lang sila nakakausap.