webnovel

Easy To Get But Don't Regret

Babaeng siga, babaeng laging tama. Babaeng topakin, babaeng madaling paibigin. Isang babaeng nagngangalang Althea del Rosario, ang hindi naniniwalang pinatatagal dapat ang panliligaw. Mas dapat daw kasing pagtibayin at patagalin ang isang relasyon. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming beses na siyang niloko at nasaktan. Libo-libong pagsubok na ang kaniyang pinagdaanan, pero nananatili siyang buo at patuloy pa ding lumalaban. Ipinanganak siyang nag-uumapaw sa karangyaan. Anuman ang kaniyang naisin ay nalalapatan ng kaniyang kamay. Subalit sa kabila ng tinatamasang kaginhawahan ay nakakaramdam siya ng kakulangan, na tanging isang mapagmahal na binata ang maaaring makapuno. Marami nang lalaking nagdaan sa kaniyang buhay. Lahat sila'y hindi nagtagal. Paulit-ulit man siyang nabigo ay walang tigil pa din siyang nagmamahal. Ayos lang na masaktan, ayos lang na maging luhaan. Gusto niyang magmahal dahil gusto niyang maging masaya. Magawa pa kaya niyang makita si Mr. Right, kung nasa kaniya na ang lahat ng dahilan para iwan siya ng lalaking pinakamamahal? Hindi mahirap na pasukin ang kaniyang mundo. Sa simleng ngiti at titig—maaari mo na siyang mapa-ibig. Sa loob ng isang minuto ay maaari na siyang mapasa'yo. Babaeng espesyal, bagama't malandi sa paningin ng karamihan. Babaeng hindi daw dapat seryosohin, mas masaya daw kasing laruanin. Naghahanap siya ng taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kaniyang kahinaan. Maaari bang maging ikaw? Marami siyang pera. Seseryosohin mo naman ba? Selosa siya't mainitin ang ulo. Nagbago na ba agad ang isip mo? Malakas siyang sumampal, malakas sumuntok at marunong bumaril. Kaya mo pa din ba s'yang mahalin? Lahat ng naisin mo'y mapapasa'yo. Payag ka na ba na maging kayo? Hanggang kailan ka tatagal? Hanggang kailan mo kayang magtiis para sa taong gusto mong makasama habang buhay?

Tyo_Caloy · Urban
Not enough ratings
9 Chs

Kabanata III: Silang Mga Duguan

Hindi kalayuan sa front door ang lugar kung saan pinaupo ni Theya, ang binatang kaibigan ni Philip. Malaki ang kaniyang ngiti habang nakatingin sa mukha ng binatang halatang may halong takot.

"May-may-may dumi ba sa mukha ko?" nanginginig na tanong ni Brando.

"Wala naman," maamong tugon ni Theya. "Ang pogi-pogi mo kasi. Sa sobrang pogi mo napapangiti ako."

"Salamat ha! Masyado mo naman akong binobola," tugon nito habang nagkakamot ng ulo niyang walang buhok.

"Dito ka lang muna ha! Gaya ng ipinangako ko, ipagluluto kita ng masasarap na pagkain. 'Yun bang kapag natikman mo eh para kang lumilipad."

"Lu-lumilipad? O-okay! Ikaw ang bahala."

Nakatalikod na si Theya, nang maalala niya ang isang importanteng bagay, kaya muli siyang humarap sa binata. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Brando! Brando Dimatibag!"

"Wow! Bagay na bagay sa maskulado mong katawan."

"Salamat... Miss Theya."

"Huwag kang aalis dito ha! Magluluto lang ako ng kakainin natin para sa date natin."

"Dey-date!" tugon niya na biglang napatayo.

"Bakit?" naiiyak na tanong ni Theya. "Hindi mo ba ako gusto?"

"Hi-hindi sa gan'on. Wag ka ngang umiyak."

"Ibig sabihin gusto mo din ako?"

"Mukha ka namang... mabait?" tugon nito na napalingon sa kinaroroonan ni Philip.

"Boyfriend na ba kita—sweetie?"

"Si-sige... sweet-sweetie."

Mabilis na naglapit ang kanilang mga labi. Naramdaman na lang ni Brando, na may kumakalmot sa makintab niyang ulo. Medyo mahapdi ito sa pakiramdam, tiniis na lang niya. Tumigil din naman ito matapos kumawang ang kanilang mga labi sa isa't isa.

"I love you!" wika ni Theya.

"I love you more!"

Nang matapos ang kanilang halikan ay pumasok na si Theya, sa kusina, at nagsimulang magluto. Seafoods kagaya ng; sugpo, tahong, pusit, pugita at alimango ang karaniwang inihahain sa restaurant ni Theya. Mayroon din namang fried rice, chicken inasal, adobo at piniritong manok, kare-kare, sisig, crispy pata, piniritong tilapya, bistek at chopsuey. Maaari silang orderin sa iba't ibang kombinasyon para sa isang boodle fight.

Pinapanood lang ni Janice, si Theya, habang masaya itong nagluluto. Halatang nakamove-on na ito sa kaniyang ex-boyfriend na si Piolo. Patunay nito ang malaking ngiti na halos pumunit sa kaniyang labi.

Manager lang si Janice ng restaurant, at pinapanood niya kung paano ba magluto ang kaniyang amo na tila binabantayan ang bawat kilos nito. Hindi nagtagal at lumabas siya ng kusina para naman sulyapan ang bago nitong boyfriend. Gusto niya itong kilatisin nang mabuti.

"Four thousand ninehundred ninety eight," bulong niya habang nakatingin sa binatang nakatingin sa walang malay na si Philip. "Ilang minuto kaya ang itatagal n'ya? Halata naman kasing manloloko."

Hindi sinasadyang nagtama ang paningin nina Janice at ni Brando. Nagkatitigan ang dalawa. Hindi kumukurap si Janice. Doon pa lang ay alam na ni Brando, na hindi nito gustong naroroon siya. Ibinaling na lang niya ang kaniyang paningin. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng dining area habang sumisipol. Nang ibalik niya ang kaniyang paningin sa kinaroroonan kanina ni Janice, ay hindi na niya ito nakita. Noon pa lamang siya nakahinga nang maluwag.

"Nakakatakot naman ang isang 'yun," bulong niya sa sarili.

Makalipas ang isang oras ay nagkaroon na din ng malay si Philip. Nagpapaling-paling muna ang kaniyang ulo nang pakaliwa't pakanan habang nakasara ang dalawa niyang mata. Pakiramdam niya'y may kung anong malamig na nakapatong sa kaniyang noo. Nakakaamoy din siya ng bagay na malamig sa pakiramdam. Nakatitiyak siyang ice bag ang nasa kaniyang noo. Vicks inhaler naman ang nakapasok sa magkabilang butas ng kaniyang ilong. Nakakarinig din siya ng mga boses mula sa mga babae at lalaki. Sa tono ng kanilang pananalita ay masasabi niyang magkahalong kagalakan at pag-aalala ang kanilang nararamdaman.

"Nagkakamalay na s'ya!"

"Akala ko hindi na magigising eh!"

"Salamat at hindi siya namatay! Mabuti at hindi siya napuruhan."

Nang idilat ni Philip, ang kaniyang mga mata ay nakakita siya ng magkakatabing mga mukha. Nanlalabo man ang kaniyang paningin ay nakasisiguro siyang mga empleyado sila ni Theya.

Nang makaipon na siya ng lakas ay bigla siyang bumangon sa dalawang pinagtabing couch na nagsilbi niyang higaan. Pansamantala muna siyang naupo at pinagmasdan ang kisame. Pakiramdam niya'y umiikot pa din ang kaniyang paligid. Nakakarinig siya ng mga malulutong na halakhak. Tiyak siyang mula iyon kay Brando at Theya. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita sina Theya at Brando, na nasa gawing unahan lamang ng kaniyang hinigaan. Nakaupo nang patagilid sa magkatabing hita ni Brando si Theya. May hawak itong kutsara habang sinusubuan ng pagkain si Brando.

"Gising ka na pala kuya," Pagbati ni Theya, nang makitang gising na si Philip. "Saluhan mo kami dito ng bago kong boyfriend... si Brando."

Kanina lamang ay umiiyak si Theya. Sandali lang na nakatulog si Philip, ay nakangiti na itong muli kasama ang bago daw niyang boyfriend. Parang walang nangyari. Sa isang kisap mata'y nagawa niyang kalimutan ang lalaking kaniyang minahal kanina lamang. Napansin din niya na may nadagdag kay Brando. Halos matabunan na ng gintong kwintas ang leeg nito. Tadtad na din ng gintong singsing ang kaniyang mga daliri. May mga porselas at relo na din siya sa magkabila niyang kamay. Hindi na siya nagtanong. Alam naman niyang si Theya, ang nagbigay ng lahat ng iyon.

Tumayo si Philip, pero hindi siya lumapit kina Theya. Lumampas siya sa lugar kung saan naglalambingan ang dalawa. Nakahawak siya sa kaniyang noo at halatang nahihilo pa. Ang maglakad nang tuwid ay hindi niya magawa.

"Sandali lang Kuya Philip," wika ni Brando, "saluhan mo naman kami dito," pagpapatuloy niya na halatang nahihiya.

"Iihi lang ako," tugon ni Philip. "Babalik din naman ako agad."

"Sabi mo 'yan ha! Sana 'wag mong mamasamain kung nagkaroon ako ng relasyon sa kapatid mo. Sana magkaibigan pa din tayo... Kuya Philip."

"Walang problema," tugon niya bago tuluyang lumayo sa dalawa. "Hindi ko nga alam kung mabubuhay ka pa pagkatapos ng araw na 'to," bulong niya.

Sa bungad ng isang pasilyo kung saan matatagpuan ang pintuan ng washroom ay pansamantalang huminto si Philip. Lumingon siya sa lugar kung saan naroroon ang bagong magkasintahan. Nakarinig siya ng sunod-sunod na tunog na nagmumula sa cellphone ni Brando.

"Sino yan sweetie?" malambing na tanong ni Theya.

"Wala 'to sweetie! Kasama kita kaya ayaw kong maabala."

Tila nandidiri si Philip, sa kaniyang nakikita, kaya naman napagpasyahan niyang magpatuloy na lang sa kaniyang paroroonan. Sa loob ng washroom ay naghilamos siya ng mukha. Tinapik niya nang paulit-ulit ang magkabila niyang pisngi. Huminga siya nang malalim. Nang pagmasdan niya ang kaniyang sarili sa salamin ay napansin niya ang napakalaking bukol na nasa gitna ng kaniyang noo.

"Bwisit ka talaga Theya," tanging nasabi ni Philip.

Gamit ang isang panyo ay pinunasan niya ang tubig na nasa kaniyang mukha. Kumakalam na ang kaniyang sikmura. Balak niyang saluhan sina Theya at Brando.

Kalmadong naglakad si Philip. Sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang napahinto sa bungad ng pasilyong kaniyang nilakaran na may nanlalaking mga mata. Nakita niyang nakatayo si Theya, sa tabihan ni Brando. May hawak itong leeg ng isang basag na bote. Si Brando naman ay nakalapat na ang mukha at katawan sa mga pagkaing nasa lamesa.

"Theya!"

Dali-dali siyang tumakbo sa takot na baka saksakin ni Theya, si Brando. Habang lumalapit siya sa mga ito ay unti-unting nagtayuan ang kaniyang balahibo. Mas malala ang sitwasyon na kaniyang nakikita habang lumalapit siya. Mabilis na umaagos ang dugo mula sa ulo ng walang malay na si Brando. Nang ganap siyang makalapit ay hinawakan niya ang kanang kamay ni Theya, at inagaw ang hawak nitong basag na bote.

"Huminahon ka nga, Theya," wika ni Philip, na puno ng pag-aalala. "Gusto mo bang makulong?"

Umiling si Theya. Mukha din namang mahinahon ang itsura niya. Para nga itong isang bata na pinagtatama nang paulit-ulit ang dulo ng dalawa niyang hintuturo.

"So-sorry," naiiyak niyang sambit. Hindi nga nagtagal at kumawala na ang luhang pinipilit niyang ikulong sa kaniyang mga mata.

"Ano na naman ba kasi ang nagyari?"

"Na-nagbreak ka kami!" umiiyak niyang tugon. "Tinatanong ko lang naman kung sino ang mga nag-chat sa kan'ya, tapos di n'ya ako sinagot nang ayos. Ayun... napukpok ko siya ng bote—pero hindi ko sinasadya!"

"Ano?"

"Sabi ko nagbreak na kami!"

"Haaaa!"

"Bingi!"

Isang oras lang siyang nakatulog. Nang magising siya'y ipinakilala ni Theya, si Brando, bilang bago niyang nobyo. Ilang minuto lamang ang kaniyang ginugol sa loob ng washroom. Nang lumabas siya'y ganito na ang sitwasyon. Wala nang malay si Brando, wala na ding boyfriend si Theya. Halos gasumutin ni Philip, ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay. Si Theya naman ay niyakap ang walang malay niyang ex-boyfriend habang umiiyak.

"Kailan ka kaya magbabago?" tanong ni Philip. "Sa simpleng mga bagay mabilis kang magselos. Tapos kapag hindi mo nakuha ang gusto mo nananakit ka na. Baliw ka na ba? Ano kayang gamot sa kagaya mo? Magpakonsukta ka na kaya sa isang eksperto!"

Inilayo ni Theya, ang katawan niya kay Brando. "Wala akong sakit! Hindi sakit ang magmahal! At hindi din sakit ang magselos dahil patunay yun na marunong akong magmahal!"

Matapos niyang ipahayag ang kaniyang saloobin ay bigla na lamang itong tumakbo palabas ng restaurant. Gustuhin man ni Philip, na sundan si Theya, ay hindi niya magawa. Kailangan nang madala ni Brando, sa ospital. May mga bodyguards din naman si Theya, na sumunod sa kaniya. Sa kanila na ipinagkatiwala ni Philip, ang kaniyang kapatid.