webnovel

PROLOGUE

Parang umi-echo ang isang sarcastic na tawa sa loob ng abandonadong building. Puno ng pagtataka ang mukha ng binata habang nakatingin sa dalaga. Patuloy na tumutulo ang dugo sa bibig nito at kamay.

"Now, you've found her. You ordered them to kill me..." walang bakas ng panunumbat o galit ang boses nito. Nakatitig lang ito sa binata, matamlay, parang walang buhay.

"S-Shan..."

Tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga.

"It's you who pulled me into this darkness. Your cruelty made me fall in love with you, but I didn't think that loving you had a consequences. Love is really painful, isn't it?"