webnovel

CHAPTER 10

"Subukan mo ulit magloko ng ganoon at mas malala pa sa halik ang makukuha mo!"

I was paralyzed for a split second, totoo ba to? Gago niya lang kasi, sobrang gago niya. Hindi niya alam kung anong klasing pagpipigil ang ginawa ko tapos nauwi sa wala ang lahat. . . sa halik na 'yon ay parang sumabog lahat. . . parang nasagutan lahat ng nararamdaman ko kaya naiinis ako!

"A-are you drunk?" Nabubulol ako at mas lalo lang akong hinahabol ng hininga nang mahigpit niya akong niyakap.

Alam ko noon na hindi ito imposibleng mangyari kaya iniwasan ko, pinipigilan ko ang nararamdaman para sa kaniya. . . kasi para sa 'kin, iyon ang nararapat pero anong ginawa niya? Gusto niya bang saktan ako sa huli? Gusto niya rin bang masaktan? Hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari, magulo na ang buhay ko. Ayoko siyang idamay kaya galit ako sa kaniya kasi sobrang gago niya para gawin ito, mahina ako. Bumibigay agad ako. . . nag-iisip ba siya?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com