webnovel

DUNGEON ZERO [Tagalog]

The boy named Ziro Ifrich, A boy who destined to save there world from the demon lord. His father disappear because of unknown reason but, because of what happen his journey started and the truth has been revealed.

ZaiPenworld · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

Chapter 15

Chapter 15 - Lilith Grandir

SORA

"kayo ay hindi totoong mga Diyos(a)" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Athena. Inunahan na niya si Zeus sa sasabihin dahil alam niyang hindi sasabihin ni Zeus ang totoo.

"Anong ibig niyong sabihin?!" Inis nasabi ni Yuki. Pinipigilan na siya ni Antoneth na humihingi ng tawad sa asal niya.

"Kayo ay mga kasangkapan lang upang magtagpo ang landas ng dalawang mandirigma. Mga kasangkapang hindi na ngayon kailangan" Nanlisik ang mata ni Athena saamin na para bang tinatakot kami.

"Kung ganon simula't sapul ginagamit nyo lang kami?! at para saan? para sa pansarili niyong kagustuhan?! Alam nating lahat na kaya nyong talunin ang Demon lord sa isang pitik nyo lang! pero anong ginagawa nyo? ayan! nakaupo sa ilegante nyong trono at pinagmamasdan lang ang mga taong nahihirapan!" hindi na ako nakapagpigil pa at inilabas na ang mga salitang gusto kong ibato sa kanila.

"Sora maghunosdili ka!" Hindi ko pinansin si Antoneth at nagpatuloy lang sa pagbato ng masasakit na salita sa kanila. 

"Nahihirapan ngayon si Ziro dahil sa pinag-gagawa niyo! nahihirapan sila dahil sa kagagawan niyo! bakit ba hindi niyo nalang gawing payapa ang lupain ng mga mortal?! bakit?!"

"Dahil hindi iyon tama, Tingin mo kung ang lahat ng gusto ng mga mortal ay nakukuha nila at ang mga problema ay hindi na dumadapo pa sa kanila tingin mo sapat na iyon sa kanila?! ang lahat ng mortal ay may tinatagong sama sa kanilang puso. Nakakaramdam sila ng kalabisan at kapag naging mabait ka sa kanila, aabusuhin nila iyon" Tama si Zeus pero hindi parin tama na pahirapan niya si Ziro. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya tuwing lalabas siya, Hindi niya alam kung ano ang mga bagay na naiisip nila tungkol kay ziro. Wala siyang alam, wala silang alam.

"Kung hindi sila dadanas ng hirap hindi sila tatayo gamit ang sarili nilang mga paa at kung hindi sila dadanas ng hirap siguradong hindi sila marunong lumaban sa buhay" patuloy pa niya. Binalot kami ng katahimikan dahil sa tensiyon na nagyayari sa loob ng silid. Tama nanaman siya, pero hindi ibig sabihin na tama siya ay mali na ako.

"kung ganon pala bakit ginamit niyo lang kami? para saan ba na nandito pa kami?"

Tumayo si Freya at lumapit saamin "Sora makinig ka, Ang lahat ng ito ay nakatadhana ng mangyari. Nakatadhanang mangyari ito kay Ziro at ang mismong magulang niya ang humiling nito" Gulat na gulat ko siyang tiningnan.

"Ang magulang niya?" Tumungo ito at muling nagpaliwanag. Sinabi niya saakin ang lahat-lahat bago mamatay ang ina ni Ziro at bago naging masama ang ama niya:

Pumunta si Emilia (Ina ni Ziro) sa Olympus habang dala-dala ang anak. Tahimik lang ang bata habang nasa bisig ng Ina. Ang batang walang kamuwang-muwang ay nadamay sa sumpa ng kaniyang ama, Kaawa-awa "Emilia? bakit naparito ka?"

Lumuhod si Emilia sa harap ni Freya at Demeter na ngayon ay nag-uusap. 

"Patawad sa aking paggambala mahal na diyosa" Tinulungan siyang tumayo ni Demeter at inalalayan ang bata na buhat niya.

"Maari mo bang sabihin kung bakit ka narito?" Napayuko muna si Emilia at pinagmasdan ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog.

"Ang aking anak na si Ziro ay nakita ko sa aking pangitain at natatakot ako na sa pagkawala namin ng kaniyang ama ay maging mag-isa siya sa buhay. Alam kong wala akong karapatan na humingi ng pabor sa inyo ngunit sana ay pag bigyan ninyo"

"Kahit ano pa iyan Emilia ay aming pagbibigyan" Hinawakan siya ni Freya sa kaniyang kamay upang mabawasan ang kabang nararamdaman ni Emilia. 

"Pagkalipas ng tatlong araw ay may mangyayaring masama sa buong bayan ng mortal at iyon ay dahil sa aking anak. Ako ay mamamatay dahil din sa anak ko at ang ama niya ay lilisanin kami para sa kapangyarihan" Humugot muna ng lakas si Emilia bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin "Nais kong sa kaniyang paglaki ay inyo siyang bantayan at nais kong tulungan niyo siyang harapin ang mga problema kasama na ang demonyong nagbabadiyang lamunin siya. Tanging yun lang"

"Makakaasa ka Emilia. Tutulungan namin siyang maging matatag at alam moba nakaguhit na sa kaniyang palad ang magiging kapalaran niya, Nakasulat na ang kaniyang magiging tadhana"

---

"Pagkatapos ng araw na iyon ay naging payapa naman ang lahat ngunit isang araw bigla nalang nagkagulo sa buong bayan" 

"S-si Ziro iyon tama?" Tumungo ito. Hindi ko akalaing sa bata niyang iyon ay nakawasak siya ng buong bayan.

"Dahil bata pa si Ziro non ay madali siyang nakontrol ng demoniyo sa kaniyang loob at halos maraming namatay na mga mortal upang mapigilan lang siya"

"Paano siya napigilan?" 

"Pinigilan siya ng Kaniyang ina, Gamit ang isang mahika ay naikulong niya ang demonyo sa kaloob-looban ni Ziro pero..." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin ngunit hindi iyon nangyari. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya at naglakad nalang bigla paalis. Bakit hindi niya itinuloy? 

"Tapos na ang pag-uusap na ito. Bumalik na kayong tatlo sa Paraiso upang makapagpahinga at upang bumalik ang inyong lakas" Akmang aalis na sila ng napatigil sila sa malakas na sigaw ko.

"Sandali! Anong nangyari sa Ina ni Ziro?!!" Naglakad na ang iba at naiwan nalang ay si Demeter na nakatayo parin sa harap ng nakabukas na pinto.

"Namatay ang ina ni Ziro. Ang Seal na iyon ay magagamit mo lang kapalit ng buhay. Ang Seal na iyon ay ang mag-uugnay kay Ziro at sa kanyang Ina upang maikulong ang Demonyo. Hindi ko na alam kung nasaan si Emilia pero ang tangi ko lang alam ay hindi makapaglakbay ang kaluluwa ni Emilia dahil nasa loob iyon ni Ziro," Napatingin ito paitaas at muli ding ibinaba ang tingin "Ang isang Anghel at Demonyo ay hindi talaga maaaring mag-sama" Mahina niyang sabi ngunit sapat na upang narinig namin. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa hindi na namin siya natanaw pa. Kung ganon nasa loob ng katawan ni Ziro ang kaluluwa ng ina niya.

"Sira ulo talaga yung mga yon! Pano na tayo babalik niyan?! Hindi ko pa man nahahawakan yung ano ni Hehehehe" Bigla nalang gumalaw ang kamay ni Yuri at tinapat sa Flat niyang dibdib at parang may hinuhulma sa hangin. Nang mapagtanto ko kung ano iyon ay agad ko siyang binatukan.

"Sira ka talagang babae ka! Ang kailangan nating gawin ngayon ay kung paano makakabalik sa mundo ng mga mortal"

"Iba ang oras sa mundo ng mortal kumpara dito kaya wag kang atat Sora. Sa ngayon ay magpahinga ka muna para bumalik ang lahat ng lakas mo" Naglakad na din paalis si Antoneth habang hila-hila si Yuki na may hinuhulma padin sa hangin.

"Kamusta na kaya ngayon si Ziro?"

ZIRO

Mag-isa akong naglakbay upang hanapin ang sarili ko, upang hanapin kung sino talaga ako. Sa ibang direksyon ako pumunta upang maiwasan ang Life city.

Naglalakad ako ngayon sa Grass Field kung saan mga level. 10+ ang mga halimaw. Mas mabuti na ito dahil walang malalakas na halimaw ang aatake saakin. Habang naglalakad ay napatigil ako dahil isang Slime ang humaharang sa daan ko.

Sininglitan ko siya ng mata at mukha namang hindi niya ako sasaktan. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa kaniyang ulo — hindi ko nga alam kung nasaan ang ulo niya eh. 

Sawakas ay nahawakan ko at hindi naman siya natakot o kaya ay nagulat, mukhang gustong-gusto nga nuyang ginaganon sya "Ehh?" Bigla nalang itong umilaw na parang ewan at biglang.

isang napakalakas na pagsabog ang nangyari. Halos maging itim ang balat at damit ko dahil sa pagsabog at ang puting buhok ko ay naging itim at tumayo pa ito. "A-anong nangya— WAAAHHH! ang dami nila!" Kumaripas ako ng takbo ng bigla nalamang dumami yung mga slime na katulad kanina. 

Baka mamatay na ako sa dami nila. Nang makalayo-layo na ay tumigil na din ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na ako hinahabol ng mga Explosion Slime. 

Muli akong na-istatwa ng may isang Explosion Slime sa harap ko. Parang nanigas ata ang tuhod ko at hindi man lang makahakbang ang paa ko. "WAAHHH!" Bigla nalang itong tumalon papunta saakin at isang malakas na pagsabog ang nangyari.

Hindi ito sumabog saakin kundi sa harapan ko na kamuntikan na akong madali. Napalinga ako sa paligid dahil may kung sino ang tumulak saakin para hindi masabugan, Hanggang sa matigil ang mata ko sa aking harapan. 

Isang Baby Gray Fox ang nasa harap ko habang nilalambing ang paa ko. "Ikaw ba ang nagligtas saakin? Salamat ha" Natatakot mang himasin ang ulo niya dahil baka sumabog din ito ay itinuloy ko padin. Ang lambot ng balahibo niya kung kaya't ang sarap himasin.

Bigla nalang itong kumuha ng stick at may kung anong isinulat sa lupa. Agad ko naman iyong binasa "Tingnan mo ang Status mo?" Tiningnan ko naman siya habang kinakawag ang buntot.

Agad ko namang tiningnan ang status ko at excited ng makita kung anong meron doon ng biglang. "WAAAHHHH! BAKIT LEVEL 20 NALANG AKO?!!!" Napalingon ako sa Gray Fox na kumakaripas na ng takbo "HOYYY!" Hinabol ko ito dahil mukhang siya ang may dahilan ng pagbaba ng level ko.

"HOYYY! ANONG GINAWA MO SA LEVEL KO?!!" Tumigil ito at tumigil din ako. Nakaharap ito saakin habang may tensiyon sa pagitan namin. "Anong ginawa mo?!"

"Kinain ko Hihihihi"Pang-aasar niyang sabi. Parang gumuho ang mundo ko dahil sa nangyari ng dahil sa Fox na 'to. 

"WAAAHHHHH! KINAIN MO?! LAGOT KA SAKIN! GAGAWIN KITANG SINIGANG!" Muli ko siyang hinabol at naghabulan kami buong araw hanggang sa hindi ko na siya nahabol pa dahil nakatakas ito.

Huhuhuhu Yung level ko kinain lang nya. Hindi ko alam na may halimaw palang ganon huhuhuhu.

"MAHAHANAP DIN KITA!!"

Lumipas ang ilang araw na paghahanap sa Gray Fox pero hindi ko ito matagpuan. Parang isang bula nalamang siyang nawala sa paningin ko. Kung minamalas nga naman ako ohhh! Lagot talaga sakin ang fox na yun! Pagkatapos kong paghirapan yung level na yun kakainin lang niya?!

Habang hindi kopa s'ya nahahanap ay nakipaglaban muna ako sa mga halimaw na nakakalat. Ang isang halimaw lang talaga ang hindi ko alam kung pano matatalo ng hindi ako nasasabugan. Ang Explosion Slime.

Pero hindi ibig sabihin non ay susuko na ako, nangolekta din ako ng mga herbs para gumawa ng healing potion. Ang dagger ko naman ay mukhang mas tumitibay kapag nakakapatay ako ng mga halimaw. "Ano bang meron sa dagger na 'to?"

"Ang dagger na yan ay nangongolekta ng mga kaluluwa ng mga halimaw" agad akong napatingala sa itaas ng puno kung saan ay may imahe ng kung sino akong nakikita.

"Sino ka?!"

"Ako si Lilith Grandir, Ikinagagalak kitang makilala"