Maghapon na pagod dahil sa practice namin sa P.E. Free style naman kaya malaya kaming nakapili ng sayaw. Nagbunutan kami ng sasayawin namin. Gusto ng professor namin na remix at 6 minutes to 10 minutes na sayaw.
Napagpasyahan ng bawat lider ng groups namin na maglagay ng iba't-ibang tema na pwedeng sayawin. Laking luwag sa aking paghinga na K-pop ang nabunot ng aming grupo.
Mga dalawang oras din kaming nagpractice ng sayaw. May water break din naman kaso pagod talaga. Una naming na practice ay Forever Young ng Blackpink kasi madali lang naman. Hindi na namin masyadong inartehan ang pagremix basta napagsama-sama na yung mga kanta eh ayos na 'yun. Hindi naman pabonggahan ito na ng remix basta babawi na lang kami sa performance.
"May naghahanap daw sa'yo, Elle", ani ng kaklase ko na may hawak ng ice-cream. Parang gusto ko rin noon kasi 'wag na lang busog pa ko baka isuka ko lang sayang naman.
"Sino daw?", maikli kong tanong habang nagpupunas ng pawis gamit ang asul kong bimpo. Marahil baka si Yael iyon kasi ilang buwan na rin ang nakalipas na hindi kami nag-uusap ng lalaking iyon. Namimiss ko na nga siyang ka-kwentuhan. Hirap kasing dumalaw sa department nila masyadong malayo. Siya naman kasi may motor kaya hindi dyahe sa kanya kung dumalaw dito.
"Si Yael ba?" saka ako uminom ng tubig at saka kinuha ang polbo sa aking bag upang mawala ang pagmamantika ng aking mukha. Ayoko naman na uuwi akong haggard kahit hindi ako maganda kailangan kong ingatan ang sarili ko kahit papaano.
"Hindi eh. Iba kasi 'yung I.D lace niya mukhang taga ibang campus", nakakunot ang noo ko dahil wala akong alam kung sino ba 'yung dumalaw sa 'kin.
Nag ring ang phone ko.
Zace na Marupok calling...
"Oh? Bakit Zace? Niloko ka na naman ba ng jowa mo? Iinom na ba tayo?" seryoso kong tanong.
"Luh? Grabe ka naman sa 'kin girl! Hindi no. May naghahanap kasi sayo punta ka dito sa main gate dali at ako'y aalis na rin kasi kanina pa siya dito"
Naririnig ko ang ingay ng mga estudyante mula sa phone ko marahil mga estudyante iyon na time na rin para umuwi.
"Sino daw ba?", pumintig ang puso ko. Kinakabahan ako pero parang alam ko na.
Hindi kaya?
"Ito na ba 'yung Den? Mukha naman kasing hindi siya", dismayadong sambit nito. Naipakita ko na kasi ang picture noon ni Den sa kanila kaya alam kong tanda nila ang mukha nito.
"Hindi iyon makakapunta dito asa ka pa", may parte sa puso ko na kumirot pero iyon ang totoo. Sa chat lang naman kasi yon magaling. Wala siyang pagkukusa na puntahan ako. Marahil nagpapakipot ako na ayaw kong makipag kita pero iyon kasi ang dapat. Baka kasi mahalin ko lang siya. Ayoko na muna. Pagod na ko. Masaya na ko sa ganto lang. Sa chat lang pero walang halong pakikipagkita. Mahirap na at baka makasanayan ko pa tapos hanap-hanapin ko at biglang mawala.
"Girl! Nawala bigla si Kuyang matangkad!" para bang balisa siya sa tono ng kanyang boses.
Nagpabango ako at saka nagsuklay habang kausap pa rin siya sa naka loud speaker kong phone.
"Huwag mo na siya problemahin baka umuwi na. Malay mo naman baka kapangalan ko lang 'yung babaeng hinahanap niya" nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
"Baka iyon si Den! Baka kasi girl!!!" pag pupumilit niya.
"Sinabi kasing hindi eh. Alam mo ibaba mo na lang yang tawag"
"Sige girl yun ang mabuti kasi inaaya na ko ng mga kaklase ko eh. Sige na! Gora na ko!", narinig ko sa background nito ang mga maiingay niyang kaklase na inaaya siya sa kung saang lugar na hindi ko maintindihan ang pangalan.
"Sige, mag ingat ka. Ingat ka rin sa jowa mo. Pag gumawa ng kasalanan wag mo ng patawarin. Parehas pa kayong marupok" napailing na lang ako.
"Hindi naman kasi siya marupok!" pagtatanggol nito.
"Nako! Eh ganon din 'yun! Marupok sa mga babaeng lumalandi sa kanya. O siya! Sige na bye na!"
Hindi na siya sumagot at pinatay ang tawag.
Inayos ko ang laman ng aking bag at lumuhod ako para ayusin ang hago ng sapatos ko.
May aninong biglang sumulpot sa harapan ko. Naamoy ko ang panlalaki nitong pabango na sumasamyo sa hangin. Ngumiti ako ng dahil matatapos na ko sa aking ginagawa. Baka si Yael ito marunong na pala siyang magpabango. Nagbibinata na nga ang aking kaibigan.
Pero nabigo ako.
Napatalon ako sa gulat at nanlaki ang aking mga mata.
Tumambad sa akin ang matangkad na lalaki, moreno, bilugan ang mga mata ngunit nakakatakot itong tumingin.
Nakasuot siya ng katulad sa uniporme ni Yael ngunit iba ang I.D lace nito. Parehas silang department ni Yael. Ang uniporme ng mga freshmen ng Criminology department.
"Draze?", nagpakalma ako ng aking sarili.
"Bakit mo ko blinock?", pinilit kong hindi matawa. Maliit na bagay lang ang pinunta niya rito?
"Eh kasi ang kulit mo. Sinabi ng hindi kita gusto at iba ang gusto ko", tumalikod na ko dahil ayoko ng tumagal ang usapan.
"Bakit? Kapag gwapo madali ka lang makuha", napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Kaya ba sa chat lang eh nakuha ka na agad ni Den?"
Salubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. "Wala kang pakialam sa mga gusto ko saka sino ka ba?"
"Ako heto pinapatunayan na gusto kita" pagmamalaki nito.
"Asan na 'yung pinagmamalaki mo? Si Den?" nakangiti ito ngunit iba ang dating sa 'kin para bang nang iinsulto siya.
Wala kong pakialam sa kanila pareho pero naiinis ako sa iniisip niya.
"Sabi ko sayo kaibigan na lang. Kung ayaw mong kaibigan lang wag mo na kong gambalain"
"Bakit pag si Den walang pinagdaanan na paghihirap pero nakuha agad loob mo. Isang I love you lang marupok ka na. Bakit ganoon? Hindi mo manlang ako pagbibigyan na patunayan nararamdaman ko sayo? Saka hindi ka naman sigurado kung totoo siya sa'yo", nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang bulsa. Seryosong nakatingin ang itim niyang mga mata sa 'kin.
May itsura siya pero hindi ko rin siya type at ayoko pa. Walang spark. Ayoko talaga. Huwag ng ipilit.
"Desisyon mo yan kung gusto mong patunayan sa 'kin ang pagmamahal mo. Hindi ba't magkaibagan kayo ni Den? Bakit hindi mo sa kanya itanong kung totoo siya sa 'kin?", nag half smile ako dahil sandaling hindi siya nakasagot.
"Ayokong isipin niya na sinusulot kita sa kanya" aniya. Bakit hindi pa ba sa ginagawa niya? Pero sabagay wala namang kami kaya paanong masasabi na sinusulot nga niya ako.
"May papakita ako sa'yo"
Lumapit siya sa 'kin at pinakita ang convo namin.
Simula hanggang una hanggang sa blinock ko siya. Alam kong gusto ko lang makasigurado na ako lang yung nakakalandian ni Den kaya chinat ko siya. Nag background check ako kumbaga kung wala siyang nililigawan o girlfriend sa campus nila kasi magkalayo kami posibleng mangyari 'yon. Gusto ko kasi kahit hindi seryoso 'yung pakikipaglandian sa 'kin gusto ko ako lang 'yung nilalandi. Masakit sa ego na marami kaming babae niya kung meron man.
Pero kahit sinabi sa 'kin ni Draze na walang nililigawan o girlfriend si Den ay hindi ako kampante kaya talagang nag play safe ako. Hindi ako basta naniniwala sa kanilang dalawa. Isipin pang magtropa sila malamang na nagtataguan yan ng sikreto at hindi ilalaglag ang bawat isa.
"Puro si Den na lang ang sinabi mo mula sa simula hanggang sa huli ng pag uusap natin", tinabi niya ang phone niya sa kanyang bulsa.
"Bakit? Pag si Jungkook binabanggit ko ayaw mo rin tapos pag si Den ayaw mo rin! Hindi ko na kasi kayo maintindihan!" inis kong sambit. Padarag akong naglakad.
Uuwi na ko bahala siyang sumunod baka wala na kong masakyan palabas.
"Pwede bang 'yung ako naman? Pag usapan natin. Yung hindi si Den ang topic. Palagi na lang kasi na tungkol sa kanya ang tinatanong mo"
Sandali ko siyang nilingon. "Kuya lang turing ko sa'yo", binalik ko ang mga mata ko sa daan baka may mabangga akong estudyante na nagmamadali palabas ng campus.
Hindi ko na siya inintay at pumulas ako ng takbo ng matyempuhan kong may bumati sa kanya na schoolmate ko lang din.
Pag uwi ko sa bahay ay nilapat ko agad ang likod sa higaan. Para bang ang gaan sa pakiramdam. Huminga ako ng malalim upang mawala ang stress ko.
Hinagilap ko ang aking phone sa bulsa.
Kuya Draze ano bang paborito ni Den na kulay?
-Delivered
Uy... Kuya! May nililigawan na ba si Den o girlfriend?
-Delivered
Kuya Draze, baka naman may crush dyan si Den! May binabanggit ba siya sayo?
-Delivered
Kuya, magaling ba si Den sa klase?
-Delivered
Psst! Mahiyain ba si Den? Kasi parang tahimik siya dun sa mga pictures niyo.
-Delivered
Nagtaklob ako ng unan at saka ko sinuntok ang aking kama. Nakakainis! Mukha akong babaeng desperada!
Nag scroll up ulit ako sa convo namin.
Draze:
Elle, gusto mo ba si Den?
Hindi no. Past time lang namin isa't-isa.
-Delivered
Draze:
Eh bakit palagi mo siyang binabanggit?
Wala lang. Masama bang curious ako?
-Delivered
Draze:
Iba na kasi pagkacurious mo.
Nako! Eh ganon talaga ko!
-Delivered
Draze:
May sasabihin ako sa'yo. Salamat pala pagkausap kita masaya ko kasi magaling ka magpayo pagdating sa problema.
Maliit na bagay!
-Delivered
Draze:
Pero kung wala kang gusto kay Den pwede ba kitang ligawan?
Simula ng araw na 'yon hindi na kami nagchat. Pero tinadtad niya ko ng messages.
Ano ba! Ayoko nga kasi!
-Delivered
Draze:
Bakit? Dahil si Den ang gusto mo?
Oo! Siya kasi! Siya naman kasi 'yung una kong nakilala!
-Delivered
Tuluyan ko na nga siyang blinock sa messenger.
Dahil sa inis ko binura ko ang conversation namin ni Draze. Naiinis ako ayoko ng balikan pa 'yon.
#WalangTayoChapter5