webnovel

Dumaguete: Sa Pagsapit ng Dilim

Ang mapayapang syudad ng Dumaguete, isang probinsya na kinawiwilihan ng marami, tinawag din itong retirement capital ng Pilipinas. Dinarayo ng mga turistang galing pa sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Marami ring mga sikat na Unibersidad didto, maraming kabataang nahuhumaling sa mga disco bars at hangouts sa gabi. Pero kahit gaano pa ka dami ng ilaw sa kalsada, mga pasyalan, at mga sasakyan sa daan, may mga lugar pa ring hindi abot ng ilaw. Mga madilim na sulok, kalye, damuhan, mga abandonadong gusali at bahay. Mga madidilim na lugar kung saan matatagpuan ang mga nakatagong mundo ng kababalaghan, katatakutan at kamatayan. Hali kayo, samahan nyo akong tuklasin ang lihim ng Dumaguete: Sa Pagsalit ng Dilim.

Jokan_Trebla · Horror
Not enough ratings
4 Chs

Mary: Aswang Hunter

Duguan habang tumatakbo si Elsa, hindi nya alintana ang malaking sugat sa kanyang likod at hita. May nakita syang nag-iinuman sa ilalim nang poste, dali-dali nya itong tinungo. Akmang sisigaw na sana xa para humingi nang tulong nang may matalas na bagay na tumama sa kanyang panga. Sa lakas at talas nito ay tumilapon ang buong panga ni Elsa. Hindi na nagawang mag re-act ni Elsa, natulala nalang ito sa sobrang gulat sa nangyari. Nakalawit ang dila ni Elsa at kitang-kita ang kanyang ngala-ngala. Ang dating pagtakbo ay napalitan nang mabagal na lakad, paika-ika pa ito dahil sa sugat sa kanyang hita na ngayon ay damang-dama na nya ang sakit. Inabot ni Elsa ang kanyang kamay sa mga nag-iinoman para humingi nang tulong. Hindi na nya magawang Magsalita, tanging ungol nalang ang maririnig mula sa kanya. Pinilit nyang sumigaw ngunit ang narinig lang nang mga nag-iinuman ay ang nakakahilakbot nyang ungol. Paglingon nang mga nag-iinuman sa dereksyon nya ay nag-unahan ang mga ito sa pagtakbo. Natakot ang mga ito sa nakita nilang babaeng walang panga at duguan ang buong katawan, pero hindi iyon ang dahilan nang kanilang pagtakbo. Nasa likod kasi nang babae ang isang nilalang, nahahawig sa malaking aso ang anyo nito ngunit wala itong balahibo, imbes na paa nang aso ay may kamay at paa ito na parang sa tao, matatalas at mahahaba ang mga koko at puno nang mahahaba at matatalim na pangil ang bibig.

Unti-unting natabunan nang anino nang halimaw si Elsa at wala na itong nagawa kundi ang umungol habang bumabaon sa kanyang leeg ang mga pangil nang halimaw. Nakatitig si Elsa sa langit at ramdam nya ang bawat kagat nang halimaw sa kanyang katawan, pakiramdam nya para siyang isang nauupos na kandila. Nag-umpisang lumamig ang kanyang pakiramdam palatandaan na malapit nang maubos ang kanyang dugo.

Habang nakatingala si Elsa at hinihintay ang kanyang kamatayan ay nakita niya ang isang anino na tumalon mula sa gusali, ilang sandali pa'y bumagsak ito sa likod mismo nang halimaw sabay tarak nang kanyang punyal sa likod nito. Napahiyaw sa sakit ang halimaw, galit na galit itong lumingon sa kinaroroonan nang nilalang na bumagsak ngunit paglingon nya'y matalas na punyal ang sumalubong sa kanya at tumama ito sa kanyang mata. Muling napahiyaw ang halimaw at bahagyang napaatras, nabulag ang isang mata nito at nagpagulong-gulong ang mata nito sa semento. Nakita nang ngayo'y nag-iisang mata nang halimaw na ang nilalang ay isang magandang babae na may hawak-hawak na punyal na gawa sa isang klase nang kristal.

Aatake na sana ang halimaw ngunit nakatarak na ang punyal nang babae sa dibdib nya.

"S...sino ka? Paano ka nakakagalaw nang ganun ka bilis?" Ito ang huling kataga nang halimaw bago pinutol nang mahiwagang babae ang ulo nito at pinagulong-gulong sa kalsada.

Nilapitan nang babae ang naghihingalong si Elsa at bumulong sa tenga nito.

"Hindi na kita maisasalba, pero kaya kong tapusin agad ang iyong pagdurusa."

Naintindihan agad ni Elsa ang ibig sabihin nang babae, tumitig si Elsa sa mata nang babae at tumango. Kumuha nang baril ang babae at itinutok ito sa ulo ni Elsa at ipinutok.

Ilang linggo na rin ang serye nang patayan, halo-halo ang biktima, tao, aswang, inosente at kriminal. Inakala nang ilan na ang gobyerno mismo ang may pakana nang mga patayan na ito. Akala nila dahil ito sa droga, pero mas malala ang dahilan nang mga patayan na ito.

Naka Red Alert ang kapulisan sa gabing yun, bawat kanto may naka pwestong pulis, may naka uniporme, pero karamihan ay naka sibilyan lang. Nagmamanman ang lahat sa anumang kahinahinalang tao oh nilalang, handang hulihin ito patay man oh buhay.

Napansin nang isang pulis ang isang babae na nakasuot nang jacket na itim, may maganda itong mukha ngunit medyo masungit ang dating nito. Seryoso itong naglalakad at palingon-lingon sa palagid, kahit hindi naman masyadong kakaiba ang kilos nito ay nilapitan ito nang pulis para lang makausap ang magandang babae.

"Miss! Miss! Sandali lang." Sigaw nang pulis.

Lumingon ang babae ngunit hindi ito kumibo, tiningnan lang nito ang pulis habang pangiti-ngiting lumalapit.

"Hindi mo ba alam na delicado ang lugar na ito lalo na pag gabi? Mabuti nalang at narito ako para bantayan ka. San ka ba nakatira para samahan kita pauwi para masiguro kong ligtas kang makakauwi." Nagpapa cute na tugon nang pulis.

Tiningnan lang siya nang babae at nagpatuloy sa paglalakad palayo.

"Wag kang bastos miss! Pulis ang kausap mo! Ipakita mo ang ID mo ngayon din!" Sigaw nang napahiyang pulis.

Lumapit ang babae at inabot ang isang ID sa pulis. Nakasulat sa ID ang pangalang Mary Ann B. Zanchez, isang private detective.

"Kaya pala may angas ang galaw mo, isa ka palang detective. Iniimbestigahan mo ba ang serye nang patayan dito?" Tanong nang pulis.

Tumango lang si Mary at nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Tinungo ni Mary ang isang abandunadong lote, sa gitna nang lote ay may malaking puno ng balete. Madilim ang paligid nito, hindi abot nang ilaw nang poste ang gitnang bahagi.

Mula sa itaas nang puno ay may dalawang nanglilisik na mata ang bumaba. Nagsiliparan ang mga ibon na naninirahan sa punong iyon. Malakas ang pagkakabagsak nito sa lupa, ramdam ni Mary ang pwersa nang nilalang na kaharap nya, kahit sanay siyang humarap sa mga aswang ay nanindig ang kanyang mga balahibo sa isang to.

Nagpakawala ang aswang nang mapanindigbalahibong sigaw, napaatras si Mary sa lakas nang pagsigaw nito. Mula sa kanyang likuran ay hinugot ni Mary ang dalawang kristal na punyal. Nagliwanag ang mga ito sa harap nang aswang, sa mata nang mga aswang ay nakakasilaw ito kaya bahagyang napapikit ito. Ginamit ni Mary ang pagkakataon habang nakapikit ang aswang, sumugod ito nang sobrang bilis na hindi agad napansin nang aswang na lumipad na pala ang kaliwang braso nya. Naputol ito nang walang kahirap-hirap. Lalong nagliwanag ang punyal nang mabahiran ito nang dugo ng aswang. Sinundan nang tinging nang aswang ang kanyang braso habang paikot-ikot tumilapon at bumagsak sa lupa. Napahiyaw ang aswang at sinubukang sumugod kay Mary ngunit lubhang napakabilis ni Mary at tinamaan na siya nang sipa sa mukha. Napaatras ang aswang, hindi pa nga ito nakakabawi mula sa pagkakasipa sa mukha ay tinamaan nanaman ito nang saksak sa tagiliran. Sa pagkakataong iyon ay lumundag papalayo ang aswang, tumakbo naman si Mary upang muling makalapit na siya namang inabangan nang aswang. Sinalubong nang matatalas na kuko si Mary, na mabilis namang nakaiwas. Muling umatake ang aswang gamit ang kanyang matatalim na kuko ngunit ni isa ay walang tumatama. Masyadong mabilis si Mary para sa kanya, napaisip ang aswang na nanganganib ang buhay nya, wala pa siyang nakalaban na sing bilis at sing lakas nang kaharap nya ngayon. Naisip nyang tumakas, nanghihina na sya at nagtamo na siya nang maraming pinsala, alam niyang hindi na siya mananalo sa laban na iyon. Kung makakakain lamang siya kahit isang tao ay manunumbalik ang kanyang lakas at maipagpapatuloy niya ang laban na yun, kaya lumipad siya palayo kay Mary at dali-daling naghanap nang makakain. Hinabol siya ni Mary ngunit mabilis itong nakalayo sa kanya.

Nang masiguro ng aswang na hindi na nakasunod si Mary ay naghanap na ito nang mabibiktima, sasakmalin sana nito ang isang batang natutulog sa karton sa tabi nang kalsada. Nguni hindi pa man umabot ang kanyang pangil sa bata ay may sumunggab sa kanya. Paglingon niya ay nakilala nya ito, si Landa, ang aswang na kasama ni Lando na kilala sa pag protekta sa mga inosente, kumakain lamang sila nang mga kriminal na nambibiktima nang mga inosenteng tao.

"Walang pwedeng gumalaw sa mga batang ito!! lahat sila ay nasa ilalim nang aming proteksyon!! Kaya umalis ka na!!" Sigaw ni Landa.

"Wala akong paki-alam kung sino ka! Papatayin kita kung mamamagitan ka sa akin at sa pagkain ko!!" Sagot nang aswang.

Tumakbo ang aswang patungo kay Landa habang naka buka ang bibig nito, kitang-kita ang umaapaw at matatalim na mga ngipin nang aswang. Pinuntirya nang aswang ang leeg ni Landa na sa panahon ding yun ay nagpalit anyo na at naging isang aswang. Nakaiwas sa atakeng yun si Landa, gamit ang isang kamay ay sinakal niya ito at inangat sa lupa. Nagpumiglas ang aswang at nagawa nitong sipain si Landa kaya ito nakawala. Sabay na umatake si Landa at ang aswang sa isa't-isa, ngunit dahil putol na ang kaliwang kamay nang aswang ay dehado ito sa laban. Bagamat nakaka angat sa laban si Landa ay napansin niya na kakaiba ang aswang na kinakalaban nya ngayon. Mas malakas ito kesa sa ibang mga aswang na nakalaban nya, malamang kung kompleto ang kamay nito ay siguradong matatalo sya.

"Sabihin mo, isa ka bang sinaunang aswang?!" Pa sigaw na tanong ni Landa.

"Ako ang humawa kay Lando sa pagiging aswang, at ako rin ang umubos sa kanyang pamilya! At ngayon, gusto nanaman nyang bumuo nang pamilya kasama ka, kaya tatapusin rin kita!!" Sigaw nang aswang na ngayon ay nagbabagong anyo na.

Unti-unting tinubuan nang mas malaking pakpak at malaking buntot ang aswang, dumoble ang laki nito at muling tumubo ang kanina'y putol na kamay nito. Lumalabas mula sa bibig at mata nito ang apoy, nagmistula itong dragon.

"Pinilit nyo akong ilabas ang tunay kong anyo!! Ngayon matitikman ninyo ang bangis nang isang sinaunang aswang!!!"

Ang mga sinaunang aswang ang humawa sa mga tao upang maging aswang. Kabilang sila sa mga anghel na sumanib kay Lucifer at nag rebelde sa Panginoon. Tinago nila ang kanilang tunay na anyo at namuhay kasama nang mga tao, pumipili sila nang taong sa tingin niya ay karapatdapat maging tagasunod nya at hinahawaan nya ito. Si Lando ang napili nyang maging tagasunod nya, hinawaan niya at inubos nya ang pamilya nito. Ngunit imbes na maging tagasunod ay nabaliw si Lando sa sinapit nang kanyang pamilya at ngayon ay kinakalaban pa sya.

Nagulat si Landa sa pagbabagong anyo nang aswang, tinuon niya ang kanyang konsentrasyon sa pag depensa. Ilang sandali pa'y umatake na ang aswang, bumuga ito nang apoy at sinundan nang paghampas nang buntot nito. Na sangga ni Landa ang buntot ngunit tumilapon sya at bumangga sa pader. Hindi pa man nakakatayo si Landa ay bumagsak sa kanyang katawan ang aswang at inapak-apakan si Landa habang binubugahan nang apoy. Walang nagawa si Landa kundi ang sumigaw sa sakit.

Hindi napansin nang aswang si Mary mula sa kanyang likuran, tinarak ni Mary ang kanyang punyal sa likod nang aswang. Kahit napakakapal nang balat nang sinaunang aswang ay walang ka hirap-hirap na nasaksak ito nang kristal na punyal ni Mary. Napasigaw ang aswang at lumipad ito, sa lakas nang mga pakpak nito ay tumilapon si Mary. Mula sa itaas ay binugahan nang sinaunang aswang si Mary nang apoy, mabilis na nakaiwas si Mary at nawala sa paningin nang aswang. Hinanap nang aswang si Mary ngunit hindi niya ito nakita kaya bumaba ito. Bumulusok ito pababa patungo kay Landa, unang tumama sa katawan ni Landa ang mga kuko nito na tumagos sa kanyang nanghihinang katawan ang kalahati nang braso nang aswang. Wasak ang tiyan ni Landa, nagkalat sa paligid ang mga lasog-lasog na bituka at lamang loob nito. Inangat nang sinaunang aswang ang katawan ni Landa at mula ulo ay isinubo ito sa kanyang bibig. Bigla naman sumulpot si Mary sa kanyang likuran at pinagsasaksak ang kanyang batok at ulo. Naluwa nang aswang si Landa sa ginawang iyon ni Mary. Naabot nang aswang si Mary mula sa kanyang likuran at tinapon ito sa semento na parang laruan. Malakas ang pagkakabagsak ni Mary sa sahig, halos mawalan siya nang malay. Pasuray-suray ang aswang habang papalapit kay Mary, pinilit ni Mary na gumalaw ngunit namimilipit sya sa sakit nang pagkakabagsak nya.

"Bwesit kang babae ka!! Paano ka nagkaroon nang punyal na kayang tumagos sa balat nang isang sinaunang aswang na kagaya ko?!!"

Akmang aapakan na sana nang aswang si Mary nang bigla itong natumba. Malaki ang naging pinsala sa aswang nang mga atake ni Mary. Ang kristal na punyal na kanyang gamit ay galing sa Reyna mismo nang Biringan na si Carolina. Ito'y nagtataglay nang lason para sa mga aswang, ginawa ang punyal na iyon para lang pumatay nang aswang, bukod doon ay wala nang ibang silbi ang punyal.

Humihinga pa ang aswang nang makatayo si Mary, nilapitan niya ito at gamit ang kanyang punyal ay pinutol nito ang ulo nang aswang at dinala pauwi.